Winter Siomai-ta

Winter, Spring, Summer, Pa-fall
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Napilitan si Karina bumili ng siomai na pina-free taste ng officemate niyang si Winter.


 

 

“Wow, siomai! Kanino galing ‘to?” Sambit ni Karina na nakatusok na agad yung tinidor na nakuha niya sa isang siomai sabay isinubo ito nang walang sabi sabi. Nakita niya kasi na may isang plato na puno ng siomai na nakapatong sa isang office table nila.

 

“Kay Winter yan. Free taste daw, business ng family niya.” Sagot ni Giselle habang nag-ttype sa computer. Meron din siyang platito na may laman na siomai sa desk niya.

 

“Hm.” Sabi ni Karina na nginunguya ang siomai. “Bat nanlibre, first time ah. Uy, sarap!!! San gawa ‘to?” Tumusok ulit siya ng isa pa at mabilis na sinubo.

 

“Do I look like I know? Tanong mo sa kanya!” Pataray na sagot ni Giselle, busy kasi siya pero dinadaldal siya ni Karina.

 

“Baka sa daga or sa-” Sasabihin sana ni Karina pero -

 

“Hoooy, Karina! Lagot ka! Lahat daw ng tumikhim ng free taste ni Winter kailangan bumili.” Eksena ni Ryujin.

 

“Luh, sino nagsabi?” Isa lang kinain ko.” Depensa ni Karina.

 

Bigla naman silang napatingin sa direksyon kung saan nanggagaling ang ingay.

 

Si Winter.

 

“Oh, sino tumikhim ng siomai? Bumili kayo ah! Search niyo sa IG and follow na rin, Winter Siomai-ta! Oy, ikaw Ning! Nakadalawang balik ka ha. Dalawang box bibilhin mo.” Sabi ni Winter na iniisa isa ang mga ka-officemates na tumikhim ng free taste na siomai nya.

 

Kinabahan at napalunok si Karina.

 

Ayaw niya bumili.

 

Kaaway niya si Winter.

 

“Winter! Dito! Si Kar-” Isisigaw sana ni Ryujin pero mabilis na natakpan ni Karina ang bibig nya.

 

“Wag ka maingay. Di ko bibigay sayo number ni Lia.” Banta pa nito. Napatungo na lang ng ulo si Ryujin kasi importanteng makuha niya ang number nun.

 

Mabilis na bumalik si Karina sa pwesto niya.

 

Nakalapit na si Winter kung nasaan ang plato ng siomai niya.

 

“Bat nabawasan? Bilang ko to ah. Sinong kumain dito? Di pa bumibili ah, ano yon eat and run? Giselle, nakita mo ba?” Pabalang na tanong ni Winter kay Giselle na nakapwesto malapit sa table at biglang nagkaroon ng role na security guard ng siomai.

 

“Ah eh.” Nataranta naman at napatingin si Giselle sa direksyon kung saan nakaupo si Karina. Natakot siya bigla kasi ang sama ng tingin nito sa kanya.

 

“I don’t know, kung sino sino eh. Teka, tawag ako ni boss.” Tumayo si Giselle at biglang umalis.

 

Di naman nakaligtas sa paningin ni Winter ang saglit na palitan ng tingin ni Giselle at Karina. Napangisi na lang sya sa kanyang isipan.

 

Nang-aasar talaga ‘tong babaeng to ah. Mamaya ka sakin. Sa isip ni Winter.

 

 

 

 

Sa Microsoft Teams:

 

Winter: oy

 

Karina: Yes, Ms Kim?

 

Winter: yes yes ka pa

 

Karina: why?

 

Winter: bumili ka ng siomai ko

 

Karina: ayoko

 

Winter: dami mong kinain ah

 

Karina: dalawa lang! madami yon?!

 

Winter: kahit na tumikhim ka pa rin

 

Karina: ayoko nga eh

 

Winter: di ka bibili?

 

Karina: hindi

 

Winter: di ka bibili o hahalikan kita?

 

 

 

 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Thank you for the 300k upvotes and 3M subscribers 🫣🫶😽

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 12: 😭😭😭
jushshhh #2
Chapter 50: masama mambintang pero parang guilty sila karina 😭
arkiminjeong
#3
Gonna reread everything! Grabe lang yung sepanx talaga. 💖
franzii
#4
Chapter 50: Ang taba ng utak mo. Ang sarap mo siguro maging tropa. HAHAHAHA. Thank you! Enjoy talaga basahin mga gawa mo
KrispyQuin #5
Chapter 12: Andami kong tawa grabe. Di ko kinakaya 🤣🤣🤣
mjeonggs #6
Chapter 50: 😭😭😭
mjeonggs #7
Chapter 44: HALA
yujisaurus
#8
Chapter 12: THE COCONUT JOKE 😭😭😭😭😭
yujisaurus
#9
Chapter 11: HUY HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH anong itsura nung bata?
seiikihavre
#10
Chapter 22: si aguiluz at alwina pala to 😭😭