Magkaibang Mundo

Winter, Spring, Summer, Pa-fall
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Kuntento na si Winter sa pagtingin kay Karina sa malayo ngunit sa araw araw na nakikita niya ito, hindi niya maiwasang mapalapit ang loob at mundo niya dito.


 

 

 

 

Kuntento nang pinapanood ni Winter ang mahiwagang dalaga mula sa pwesto niya.

 

Hindi man niya ito malapitan, masaya na siya na nakikita niya ang mga ngiti nito na mas maliwanag pa sa araw.

 

Ito ang unang pumukaw ng kanyang pansin.

 

Isang araw na napag-utusan siya para sa isang tungkulin sa isang nayon, napatigil si Winter sa paglalakbay sa nasaksihan.

 

Nagtago muna siya sa isang puno upang masilayan ng maigi ang magandang dilag sa may ilog. 

 

May kasama itong isa pang dalaga at maligaya silang nag-uusap habang abala sa ginagawang paglilinis ng kanilang mga dalahin.

 

Napatitig si Winter sa babaeng may magandang ngiti.

 

Napapangiti na lang siya sa taglay nitong karikitan.

 

Nais niyang malaman ang pangalan nito.

 

 

 

 

“Araw araw ka ata dito sa ilog, kumare, ilang damit ba yang nilalabhan mo?” Pagpuna ni Ningning sa mga labahin ni Karina.

 

Nagpunas ng pawis si Karina ng noo bago sumagot habang nagpapatuloy pa rin sa pagkusot ng mga damit, “Alam mo naman Ningning kung ilan kami sa pamilya. Ako ang nakakatanda. Hindi ko naman gustong magtrabaho pa si inay.”

 

Kinuha naman ni Ningning ang ilang mga damit sa batya ni Karina. “Hay nako, Karina, tutulungan na nga kita, baka dito ka na mag-hapunan sa dami ng nilalabhan mo.”

 

Napangiti si Karina sa kaibigan, “Salamat, maasahan ka talaga.”

 

Nagkibit balikat lang si Ningning, “Ilibre mo na lang ako ng isang sakong bigas.”

 

 

 

 

 

 

Karina.

 

Yun pala ang pangalan ng dalaga.

 

“Karina…”

 

Naglaro sa mga labi ni Winter ang pangalan nito.

 

Napangiti siya.

 

Maganda rin ang pangalan kagaya ng nagmamay-ari.



 


 

 

 

 


 

Isang araw, nakatago na naman si Winter sa pwesto niya sa may mataas na puno.

 

Madalas na siyang naglalagi dito.

 

Inaabangan niya ang pagpunta ni Karina sa may ilog.

 

Ganitong oras ay maglalaba na siya.

 

Maya maya pa ay natanaw na niya si Karina na may hawak na dalawang batya na puno ng mga damit.

 

Mukhang mag-isa lamang ito ngayon at wala ang kasama niya.

 

Malayang napagmamasdan na naman niya ang dalaga ngunit tanggap na niya na hindi talaga siya magkakaroon ng lakas ng loob kausapin ito.

 

Masyado silang magkalayo.

 

Nanlumo si Winter ngunit iyon talaga ang tadhana nila.

 

Mabilis na napawi ang panlulumo niya nang marinig niya si Karina na humihimig habang naglalaba.

 

“Yododolehiyo, adedelehiyo adedele, lohide, doledidi ~

Dito sa Pitong Gatang, sa tabi ng ungguyan

May mga kasaysayan akong nalalaman ~”

 

Hindi maintindihan ni Winter ang ang ilang mga salita sa kanta ngunit natutuwa siya.

 

Ang ganda pala ng malalim na boses ni Karina.

 

Lumipas pa ang ilang minuto, nakatitig lang si Winter sa mga kamay ni Karina na mabilis ang paglublob sa tubig ng ilog at pagkusot sa mga damit na kanyang nilalabhan.

 

Ngunit bigla siyang napatindig sa pwesto nung maramdaman siyang kakaiba sa paligid.

 

Malayo pa man at narinig at nadama na niya ito.

 

May naamoy siyang nilalang na papalapit kay Karina at hindi maganda ang intensyon nito.

 

Alerto siyang nagmasid.

 

Hindi pa rin ito nakikita ni Karina na kasalukuyang abala sa ginawa.

 

Hindi na mapakali si Winter sa pwesto niya.

 

Delikado.

 

Nasa peligro ang buhay ni Karina.

 

Naisip ni Winter na kailangan niyang iligtas ang dalaga kahit pa ang kapalit noon ay makikita siya nito.

 

“Ahh!!! Ahas!” Narinig niya ang tili ni Karina na mabilis kinuha ang walang laman na batya at  tinakip sa katawan upang protektahan ang sarili.

 

Bago pa man makalapit ang ahas kay Karina, mabilis na nakalapit si Winter at nahawakan ito sa leeg.

 

“Hindi niyo ito lugar, itim na mamba. Bumalik ka sa iyong pinanggalingan kung hindi ay hindi ako magdadalawang isip na paslangin ka dito.” Malamig na sabi ni Winter sa isang alagad ng mga itim na mamba. 

 

Delikado ang mga ito at kinakatakutan ng marami dahil meron silang taglay na lason na maaaring ikamatay ng tao sa ilang segundo lamang.

 

Hinagis ito ni Winter sa malayo.

 

Naramdaman niya ang pagtitig ni Karina sa kanyang likod pero nahihiya si Winter na lumingon dito.

 

“S-salamat… ano ang iyong pangalan?” Mahinang tanong sa kanya ni Karina.

 

Unti unting lumingon sa si Winter.

 

Bumilis ang tibok ng puso nang sa unang pagkakataon ay nakita niya nang malapitan si Karina.

 

Mas lalo itong maganda sa malapitan. “Ako si.. Winter.”

 

Mukhang nagulat si Karina nung napagmasdan siya ngunit mabilis na lumuwang ang ngiti nito sa labi. “Winter… Winter, kakaiba ang ganda ng iyong pangalan. Salamat ulit sa pagligtas sa akin. Kinagagalak kitang makilala.”



 

 

 

 

 

 

 


 

Doon na nagsimula ang pagsibol ng pagiging magkaibigan nila ni Karina.

 

Araw araw ay dumadayo si Winter sa may ilog para makipag-usap habang naglalaba ito.

 

Unti unti niyang nakikilala ng lubusan ang buong pagkatao ni Karina.

 

Nalaman niyang napakasimple lang ng dalaga, magaan kausap, ngunit mataas ang pangarap sa buhay.

 

Wala rin siyang naaamoy na kadiliman sa aura nito at kahit anong bahid ng panghuhusga.

 

Mayroon din itong busilak na puso.

 

“Araw araw ka talagang… naglalaba? Hindi ba nauubos ang maduming damit sa inyo?” Tanong ni Winter kay Karina isang hapon. 

 

Napansin niya kasing parang ang daming nilalabhan ni Karina.

 

Araw araw puno ang dalawang batya nitong dala.

 

Minsan tatlo pa, ang isa ay nakapatong sa ulo niya.

 

Mahinahon namang natawa si Karina sa tanong niya. “Malaki talaga ang aming pamilya. At minsan, tumatanggap din ako ng mga labahin mula sa kakilala namin sa karatig bayan. Pangdagdag lang sa aking ipon.”

 

“Ano ang iyong pinag-iipunan?” Tanong ni Winter.

 

“Gusto kong makalayo.. gusto kong pumunta sa siyudad, gusto kong makarating sa ibang bansa.” Kumislap ang ang mata ni Karina habang patuloy ito na nagkukwento ng mga pangarap niya.

 

Habang nakikinig sa litanya ng dalaga, dahan dahan naman at maingat na inabot ni Winter ang isang kamay ni Karina. Parang nagulat pa si Karina sa ginawa niya ngunit hinayaan lang siya nito.

 

Nahihiwagaan talaga si Winter sa mga kamay ni Karina.

 

“Ang mga kamay mo…. kay liksi at bilis, ngunit pag aking hawak, kasing lambot ng mga ulap…


 

….napakaganda.”

 

Sa pagkasabi ng huling salita, tumitig si Winter kay Karina.

 

Nakita niyang nakatingin lang din sa kanya ang dalaga.

 

Namumula ang mga pisngi nito.

 

Napapangiting napansin iyun ni Winter, “Tila ikaw ay isang mansanas… paborito ko iyon na kainin hakbang ako ay naglalakbay.”





 

 

 

 




 

Isang hapon, nagulat si Winter nang makitang may kasama si Karina sa paglalaba.

 

Ito yung unang babaeng kausap nito nung una niyang makita ang dalaga.

 

Sa pagkakaalala niya, Ningning ang pangalan nito.

 

“Ipapakilala ko sa’yo si Winter, siya yung nagligtas sa akin nung muntik na akong makagat ng itim na mamba.” Nasasabik na sabi ni Karina sa kaibigan.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Thank you for the 300k upvotes and 3M subscribers 🫣🫶😽

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 12: 😭😭😭
jushshhh #2
Chapter 50: masama mambintang pero parang guilty sila karina 😭
arkiminjeong
#3
Gonna reread everything! Grabe lang yung sepanx talaga. 💖
franzii
#4
Chapter 50: Ang taba ng utak mo. Ang sarap mo siguro maging tropa. HAHAHAHA. Thank you! Enjoy talaga basahin mga gawa mo
KrispyQuin #5
Chapter 12: Andami kong tawa grabe. Di ko kinakaya 🤣🤣🤣
mjeonggs #6
Chapter 50: 😭😭😭
mjeonggs #7
Chapter 44: HALA
yujisaurus
#8
Chapter 12: THE COCONUT JOKE 😭😭😭😭😭
yujisaurus
#9
Chapter 11: HUY HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH anong itsura nung bata?
seiikihavre
#10
Chapter 22: si aguiluz at alwina pala to 😭😭