Denser than Condensada

Winter, Spring, Summer, Pa-fall
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Ilang beses ng nagpaparamdam si Winter na gusto niya si Karina pero parang di talaga magets nito.



 

“Okay, meron akong nabasang cute na question, kung papipiliin ka, 5yrs old me or 5 me?” Tanong ni Karina kay Winter isang hapon habang nasa gitna sila ng food court at kumakain ng Turks.

 

Natigilan si Winter sa pagkagat ng pagkain niya at malalim na napaisip.

 

5yrs old Karina? Eh ano yun, babalik siya sa pagkabata? Eh di, hindi na magiging sila?

 

“Anong mangyayari kung 5yrs old yung pipiliin ko?” Balik tanong ni Winter.

 

Ngumiti si Karina ng pang-asar. “Eh di ibig sabihin, nakucute-an ka sakin nung 5 years old ako.” 

 

Umagree si Winter deep inside. 

 

Oo, cute naman talaga si Karina.

 

“Eh kung 5 na ikaw? Yung 4 ba na extra, kasing personality mo din? O parang robot sila ganun, yung parang shadow clones?” Naguguluhan na tanong ni Winter. Gusto niya munang makasiguro bago pumili.

 

Kumunot ang noo ni Karina sa tanong niya. “Winter, just choose, wala lang naman ‘tong question, for fun lang.”

 

Hindi for fun lang ang feelings niya kay Karina.

 

Ayaw niya nung 5yrs old kasi baka hindi na sila pwede non.

 

Yung 5 Karina naman... ang dami naman! 

 

Ano yun lahat sesendan niya ng “good morning” sa umaga?

 

Isa lang ang gusto niya. 

 

Isang Karina lang sapat na.

 

Seryosong tumitig si Winter kay Karina. “Ikaw na lang yung pipiliin ko.”

 

Frustrated na napakagat si Karina sa Turks niya. “Oo nga, ako nga yung pagpipilian. Parehas na ako yung 5yrs old saka 5 me, diba nga.”

 

“Hindi, I mean, ikaw yung napili ko. Out of all the options.” Sagot ni Winter, laying her feelings out in the open.

 

“Ano nga yung ako, Winter? Yung 5yrs old o 5 na ako?” Tinuro pa ni Karina yung sarili niya na parang naii-stress na.

 

Hindi ba gets ni Karina?

 

Siya na nga yung pinili.

 

Lumipas pa ang ilang minuto ng pag-iisip ni Winter ng isasagot.

 

Nakaabang lang si Karina sa kanya.

 

“Ikaw lang din naman yun parehas so… parehas na lang.” Sabi ni Winter na decided na sa sagot niya.

 

Winter sighed. She felt vulnerable sa sinabi niya.

 

Hindi ba close to confession na yung ginawa niya? 

 

Kabadong napatingin si Winter sa kasama.

 

Nalaman na ba nito…?

 

Ngumunguya lang si Karina na nakatingin sa kanya, “Ewan ko sa’yo, Winter, yung 5yrs old na lang, wait, I’ll show you my childhood pic.” Excited pa na sabi nito na nilabas na ang cellphone para ipakita ang pictures niya.







 

 

Winter: Good morning, Karina :)

Karina: Good morning din sa’yo, Winter :)

Winter: Sabi nila pag nag-good morning daw ang tao sa’yo, ibig sabihin nasa isip ka nila first thing in the morning

Karina: Oo nga. Kaya pala nag good morning sa akin si Giselle, siguro gusto maningil ng utang haha di ko nga nireplyan

Winter: Ah.. hehe

Winter: Nag-good morning din ako sayo :)

Karina: Ay oo nga. May utang pa ba ko sa’yo?

Winter: Ahh wala naman

Karina: Good, good. Sabihin mo lang baka may nakakalimutan ako ha

Winter: Sige…



 

 

 

 

Winter: Hi Karina

Karina: Hello! 

Winter: Ingat ka ha

Karina: Saan naman? Grabe toh, Friday the 13th ba ngayon?

Winter: Hindi naman, pero basta ingat ka lang in general

Karina: Bakit? May third eye ka ba? Huy, nakakatakot ‘to… baka nappredict mo na madulas ako kung saan ha

Winter: Hindi….

 

 

 

 


 

Winter: Hi :)

Karina: Heyyy

Winter: Kumain ka na ba?

Karina: Kumain ng ano?

Winter: Ng lunch, lunchtime na diba?

Karina: Ah, oo kanina pa bakit?

Winter: Wala, nagaalala lang baka kung hindi pa eh malipasan ka ng gutom

Karina: Bakit, anong meron? Panic buying na naman ba? Shet, baka kailangan na namin ata mag-grocery

Winter: Hindi naman, Karina...



 

 

 

 

 

Winter: Karina!

Karina: Yes po? :)

Winter: Wala lang, namiss lang kita :)

Karina: Bakit, san ka pupunta?

Winter: Wala, dito lang sa bahay…

Karina: Ah kala ko aalis ka sa malayo

Winter: Hindi ah


 

 

 

 

 

 

Winter: Karina, pwede ba tayo lumabas?

Karina: Sure, saan?

Winter: Kain tayo sa restaurant

Karina: Sige ba, birthday mo?

Winter: Hindi…

Karina: Eh sino may birthday?

 

 

 

 

 


 

Minsan, napapaisip din si Winter kung enough ba yung ginagawa niyang pagpaparamdam kay Karina na gusto niya ito.

 

Ginawa naman niya ang lahat.

 

Kasi everytime na lang na may sasabihin siya na sweet at pinapakita niyang she cares for her, parang hindi talaga gets ni Karina.

 


Wala itong reaction.

 

Hindi ito nag-rereciprocate.

 

Hindi rin nag-iinitiate ng mga maliliit na bagay kagaya ng pangungunang magtext o di kaya ay pagpapatuloy lang ng topic sa usapan nila.

 

Unbothered at patuloy lang si Karina sa buhay niya na parang walang nang-fflirt sa kanya na nagngangalang Winter.

 

O hindi kaya nagbubulag bulagan lang ito sa advances niya kasi wala talaga siyang pag-asa dito?

 

Sumasakit na ang ulo niya kakaisip.

 

She needs to ask for help na kay Ningning.

 

 

 

 


 

Winter: Ning… help

Ningning: Si Karina na naman ba ‘to?

Winter: Oo, please, parang walang pag-asa...

Ningning: Magpamiss ka kaya

Winter: Pano yun?

Ningning: Wag mong itext, one week

Winter: Effective ba yan?

Ningning: Ay sist, trust me

Ningning

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Thank you for the 300k upvotes and 3M subscribers 🫣🫶😽

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 12: 😭😭😭
jushshhh #2
Chapter 50: masama mambintang pero parang guilty sila karina 😭
arkiminjeong
#3
Gonna reread everything! Grabe lang yung sepanx talaga. 💖
franzii
11 streak #4
Chapter 50: Ang taba ng utak mo. Ang sarap mo siguro maging tropa. HAHAHAHA. Thank you! Enjoy talaga basahin mga gawa mo
KrispyQuin #5
Chapter 12: Andami kong tawa grabe. Di ko kinakaya 🤣🤣🤣
mjeonggs #6
Chapter 50: 😭😭😭
mjeonggs #7
Chapter 44: HALA
yujisaurus
#8
Chapter 12: THE COCONUT JOKE 😭😭😭😭😭
yujisaurus
#9
Chapter 11: HUY HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH anong itsura nung bata?
seiikihavre
#10
Chapter 22: si aguiluz at alwina pala to 😭😭