Hetty and Popo

Winter, Spring, Summer, Pa-fall
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Part 2 of Of Sinampay, Silay, and New Kapitbahay 

 

 

Natatawa na pinaulit ulit ni Karina ang voice message na pinadala ni Winter.

 

Lasing ba 'to?

 

Kahit medyo wala sa tono, pansin pa rin niya na maganda ang boses ni Winter kung magseryoso lang ito.

 

Nakakatuwa din na narinig niya yung pangalan niya sa start, siya naman yung Karina, her neighbor, na tinutukoy nito diba?

 

She was shocked at first kasi di niya expect na may pa-voice message pero baka nga nagbibiro lang si Winter.

 

Nung sinend niya yung reply niya, nakita niyang na-seen lang ito ni Winter at di na nagreply.

 

Maya maya napansin ni Karina na nawala na yung profile ni Winter. 

 

Hindi na niya ito ma-click.

 

Wala namang nakalagay na "You can no longer reply to this person" so hindi naman siya nablock.

 

Nag-deactivate???

 

 

 


 

"Oh anak, san ka pupunta?"

 

Napatigil sa paglalakad si Karina at umangat ang tingin mula sa Grab Food app sa phone niya. Malapit na dumating ang inorder niyang dalawang Starbucks drink. "Mom, dyan lang po sa porch, magbabasa lang po."

 

Napakunot ang noo ang mom niya. "Umuulan nak, baka mahamugan ka."

 

It became Karina’s habit na tumambay sa porch nila tuwing hapon.

 

Sa una, it was just for resting and to chill outside. 

 

Mahangin kasi at peaceful. Ang sarap lang magbasa at magsulat or makinig ng music habang umiinom ng coffee.

 

Pero lately, nag-eenjoy siya sa mga nakikita at napapansin niya.

 

Mula sa katabing bahay nila.

 

There was this girl, her neighbor, and she was really interesting.

 

Nung una, napansin niya ito na nasa gate lang at nakasilip. Ang tagal lang nitong nakatayo doon at nakatitig sa kawalan. Minsan sinusundan ni Karina ang tingin nito sa malayo. Wala namang anything na pwedeng titigan. Baka nag-zzone out nga lang ito.

 

Minsan, nakikita niya na lumalabas ito at naglalakad lakad. Paikot ikot lang around sa house nila na iniisa isa ang pagccheck sa lahat ng halaman. Minsan nadadako ang tingin nito kung nasaan siya pero mabilis ding nag-iiwas pag nakikitang nakatingin din siya.

 

At nung isang araw, kumukuha pa ito ng sampay. It was really funny kasi ang bagal nito nung una kunin ang mga sinampay pero sobrang bilis naman lalo na nung lumakas ang ulan at nakita niyang nadapa ito. Tatayo na sana siya para lapitan ito pero nakita niyang mas lalong mabilis itong tumayo at tumakbo sa loob ng bahay. Napapailing na lang siya na nangingiti.

 

Her neighbor’s really interesting, all right.

 

Karina wished one day they could be friends.

 

Kaya di niya naresist itanong kay manang ang name ng kapitbahay nila. Parang ka-edad niya lang kasi ito.

 

 

 

"Manang, kilala niyo po ba yung girl dun sa kapitbahay natin? Just around my age po."

 

"Ay oo, anak yun ni Ka Tonya, si Winter."

 

 

 

Oh, her name's Winter.

 

Unique name.

 

Cute, too.

 

She confirmed ang cuteness ng kapitbahay niya na si Winter nung bigla siyang nilapitan at kinausap nito, nahihiya pa na sinosoli daw yung napasamang damit niya sa pagkuha nito ng sinampay.

 

After that incident, they met a few more times. 

 

She noticed that Winter looked even cuter than the last. Mas na-observe siya ni Karina at nalaman niyang mabilis mahiya si Winter pag tinutukso. Her face and ears were turning red. 

 

Natatawa rin siya sa antics nito na nagsasalita ng first thing that comes to her mind tapos saka lang marerealize.

 

Winter is really cute.

 

Did she say that already?

 

Kaya ngayon, tatambay siya ulit dito sa porch nila in hopes na makita ulit kung ano gagawin ni Winter this time.

 

Yung inorder din niyang isang Starbucks…. naisipan niyang ibigay sana kay Winter. 

 

Walang kung anong reason, she just wanted to treat her. 

 

To a start of friendship!

 

They’re neighbors after all diba? They should be good friends.

 

Tatanong na din niya kung bakit ito nag-deactivate ng account kahapon.

 

Naupo na siya sa pwesto niya at tumingin sa kabilang bahay, pero wala si Winter sa labas.

 

Nakinig muna siya ng music at nagsulat sa notebook.

 

Lumipas ang 20 minutes, hindi pa rin lumalabas si Winter. Usually, mga ganitong oras lumalabas na yun eh,

 

Hindi naman niya macheck kung online ito dahil naka-deactivate nga ang account.

 

Maya maya pa, narinig niyang bumukas ang gate.

 

Ayan na si Winter!

 

Na-excite siya at pasimpleng sumulyap sa bahay nito. 

 

Pero iba ang lumabas….

 

Napakunot ang noo ni Karina.

 

Hindi si Winter ang lumabas. Isang babae na ngayon lang niya nakita.

 

At parang…. papunta ito sa direction niya?

 

Huh?

 

“Ay, hello!” Masiglang bati nung babae sa kanya.

 

Nagulat naman si Karina. Kamag-anak ba ito nila Winter? “Hello… you are?”

 

“Ako pala si Ningning. Ikaw si Karina diba? The neighbor, yow!” Natawa pa ito ng matinis.

 

Naguguluhan lang si Karina na napangiti ng awkward. “Ah, yes. I’m Karina.”

 

“You’re pretty nga siszt as described. Siya nga pala..” May nilabas si Ningning na box mula dun sa supot na hawak niya.

 

Anong ang described? Described nino?

 

“Pinabibigay pala ito ni Winter. Sorry daw sa nasend niyang kashungaan kagabi. Triple chocolate roll daw yan.”

 

Inabot ni Ningning sa kanya ang box ng Red Ribbon.

 

Confused na inabot ni Karina ang cake. “S-si Winter? Bakit daw siya nag-ssorry? Saka nasan pala siya, wala ba siya sa bahay?”

 

Parang nataranta si Ningning sa tanong niya. “Ah, ano kasi.. Si Winter ano, nasa bahay naman… kaso ano.. may sakit! Ayun! Yung sakit niya.. ummm, kati kati! Sige Karina bye, na ha. Uwi na ko samin.” Nagmamadaling sabi ni Ningning.

 

Tumango na lang si Karina na pinaprocess ang narinig.

 

Aw, may sakit pala siya…

 

“Wait, Ningning! Sa’yo na lang ‘tong isang coffee… sobra yung order ko eh. Thanks pala sa paghatid nitong cake. Pakisabi na rin kay Winter.”

 

Kumislap ang mata ni Ningning at inabot ang kape. “Ayyy thank you! Sure bes, lakad kita don!”

 

Ano daw?

 

“Um... Ningning, can I get Winter’s number?” Nahihiyang tanong ni Karina.

 

“In a heartbeat, bes! Here! Sensya ka na sa bestfriend ko ha, ganun ganun lang yon pero mabait naman.” Minuwestra pa nito ang pag-ikot ng daliri sa ulo.

 

Natawa naman si Karina. “Thanks ulit.”

 

 

 


 

Karina: Get well soon

Winter: hu u po? maka get well soon naman toh kala mo nakaratay ako

Karina: Karina here! Ningning told me may sakit ka daw, Winter

Winter: hello karina sorry sorry oo eh nilalagnat ako eh

Karina: Lagnat ba at saka kati kati daw? 

Winter: ah… oo..  makati din kasi lalamunan ko

Karina: Please feel better fast :( thanks pala for the red ribbon nag-abala ka pa

Winter: yun lang kasi naisip ko, welcome! sorry again

Karina: It’s okay, Winter <3

 

 

 

 

May naisip si Karina. 

 

Malapit naman dito yung nearest drug store sa kanila.


 

 

 


 

Mama ni Winter ang nagbukas ng pinto nung kumatok siya. Pagkakita nito sa kanya, ang luwang ng ngiti nito.

 

"Hello po, Tita. Si Winter po? Naisipan ko lang po siya dalhan nito para sa sakit niya." Tinaas ni Karina ang dala niyang gamot at food.

 

Nanlaki ang mata ng mama ni Winter sa narinig. "Ay may sakit pala yon? Sinasabi na nga ba’t at ang hilig kasi maglalabas kapag naulan, para bang may sinisilayan lagi! Sige hija, punta ka na lang sa kwarto niya sa taas, sa dulong hallway lang sa kanan. Salamat din ha."

 

May sinisilayan daw si Winter?

 

"Sige po tita, thank you." Tumango at nagpasalamat si Karina at umakyat na sa taas. Medyo nahihiya pa niyang tinatahak ang daan papunta sa kwarto ni Winter.

 

Okay lang kaya?

 

Baka mukha siyang masyadong nag-iinvade ng space?

 

May nasalubong naman si Karina sa hallway na sobrang kamukha ni Winter. Mukhang kapatid niya ito.

 

"Hello po." Pagbati ni Karina dito.

 

"Uy, ikaw yung kapitbahay namin diba? Karina right? Punta ka kay Winter?" Sunod na sunod na tanong nito.

 

"Opo."

 

"I'm Taeyeon pala, nice to meet you, Karina. Pag kailangan mo ng tulong, kalampagin mo lang ito ng malakas." Dinemo pa ni Ate Taeyeon ang malakas na pagkalampag sa dingding. Nagulat si Karina. "Ganyan. Punta agad kami sa inyo. Ingat ka diyan kay Winter."

 

"Ano ba yang ingay na yan, Winter!!!" Sigaw ng mama ni Winter mula sa baba.

 

"Si Winter po, ma!" Sigaw pabalik ni Ate Taeyeon. "Bye Karina!"

 

Tumango na lang si Karina na naguguluhan ulit at nagpatuloy na. 

 

Kumatok na siya sa pinto.

 

"Ate Taeyeon sabi kong... Karina.." Nanlaki ang mata ni Winter na tila gulat na napatitig sa kanya.

 

Ngumiti si Karina dito. "Hi, I bought you meds and soup."

 

"Saglit lang Karina!"

 

Pagkasabi non, sinara ni Winter ang pinto at may narinig siyang mga kalabog sa loob.

 

Maya maya pa ay bumukas na ito ulit. "Pasok ka…sorry medyo makalat lang kasi.”

 

Pumasok na si Karina sa loob at pasimpleng pinagmasdan ang kwarto ni Winter. Ang cute lang din, puro pastel colors. Bumaling na siya kay Winter, “Kamusta pala ang pakiramdam mo?”

 

Lumapit si Karina para damhin ang noo ni Winter. 

 

"Mainit ka nga…" Nag-aalalang sabi ni Karina. Napansin din niyang namumula si Winter.

 

"Ah.. ah.. o-oo medyo mainit nga.. ako. Parang mainit din ang panahon noh? Gusto mo bang.. buksan ko yung bintana?” Tumayo si Winter para buksan ang bintana sa kwarto niya. “Ilang degrees kaya ngayon? Sabi kasi sa bente kwatro oras uulan daw eh, anong oras kaya? Alam mo ba yung pangalan nung bagyo daw? Letter E yun eh, Es… Esmeralda ata, ayy, kapangalan ng mama-”

 

Pinagmamasdan lang ni Karina si Winter na tuloy tuloy lang magsalita. 

 

She looks stiff. Is she uncomfortable around her?

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Thank you for the 300k upvotes and 3M subscribers 🫣🫶😽

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 12: 😭😭😭
jushshhh #2
Chapter 50: masama mambintang pero parang guilty sila karina 😭
arkiminjeong
#3
Gonna reread everything! Grabe lang yung sepanx talaga. 💖
franzii
#4
Chapter 50: Ang taba ng utak mo. Ang sarap mo siguro maging tropa. HAHAHAHA. Thank you! Enjoy talaga basahin mga gawa mo
KrispyQuin #5
Chapter 12: Andami kong tawa grabe. Di ko kinakaya 🤣🤣🤣
mjeonggs #6
Chapter 50: 😭😭😭
mjeonggs #7
Chapter 44: HALA
yujisaurus
#8
Chapter 12: THE COCONUT JOKE 😭😭😭😭😭
yujisaurus
#9
Chapter 11: HUY HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH anong itsura nung bata?
seiikihavre
#10
Chapter 22: si aguiluz at alwina pala to 😭😭