Habulan sa Mahalinhin Street

Winter, Spring, Summer, Pa-fall
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Gusto lang naman sumilay ni Winter sa crush niya, pero bigla siyang napasabak sa track and field event.



 

Pucha naman.

 

Sa isip isip ni Winter habang hindi makagalaw sa pwesto. Dumaan lang sya sa Mahalinhin Street para sumilay sa crush niya pero eto pa ang napala niya. Hinawakan nya nang mahigpit yung isang supot ng kalahating galunggong na inutang pa niya kila Aling Ningning, nautusan kasi siya ng mama niya mangutang ng ulam nila ngayong tanghali. Yari siya sa mama niya pag nabitawan niya ‘to.

 

At eto nga in the name of kaharutan, bago umuwi, detour muna sa street nila crush. Pero pag minamalas nga naman.

 

May malaking asong nakatingin ng masama sa kanya sa di kalayuan. 

 

Ready makipagbardagulan anytime na gumalaw siya. 

 

Dog lover naman siya.. pero parang ibang usapan yung maging lover ka ng dog ngayon na gusto kang lapain ng buhay.

 

Napalunok si Winter habang nag-iisip ng strategy.

 

Narinig niyang nag-growl ang aso.

 

Nanginig at kinabahan na siya.

 

Desperate na napatingin siya sa supot ng galunggong na hawak niya.

 

Hindi, hindi pwede.

 

Lagot siya sa mama niya pag umuwi siyang walang dala.

 

Ano ba mas nakakatakot, yung mama niya o etong dog?

 

Parang both.

 

Natigilan sa pagiisip si Winter nang biglang kumahol ng malakas ang aso sa harap niya. Nagsisimula na rin itong lumapit sa kanya.

 

Nanayo ang balahibo ni Winter at in instinct, wala syang choice, nahagis niya sa aso ang supot ng galunggong.

 

Bye ulam. Bye me. I’m deads.

 

Doggy, I hope you like galunggong...

 

At mabilis siyang tumakbo. 

 

Na-distract ng konti ang aso sa binato niya pero parang sosyal eto at ayaw ng isdang inoffer niya. Naririnig na niya ang mabibilis na paa na humahabol ito sa likuran niya.

 

Ahh!!! Mama ko!!!!

 

Di alam ni Winter na mabilis pala siyang tumakbo. Alam na niya ang papasukan niyang club sa pasukan. Nag-ala Usain Bolt siya sa bilis dahil sa adrenaline rush. Hinahabol pa rin siya ng aso. Sa lahat naman talaga ng maghahabol sa kanya, aso pa.

 

Nararamdaman niyang parang malapit na siya maabutan ng aso kaya parang biglang nagkaroon ng boost ang paa niya at mas lalo syang napabilis ng takbo. Maiiyak na din nga ata siya. May kung ano pang super power pa ata talaga ang sumapi sa kanya nang bigla din niyang naakyat ang gate ng kung sinuman. Sorry naman na.

 

Pagkaakyat niya ng gate, tinalon na niya at tiningnan muli ang aso sa likod. Nasa labas na eto ng gate at nagkakakahol, pilit pumapumasok. Trip siya talaga neto for some reason. Mukha ba syang buto buto?

 

Bago pa makatakbo ulit si Winter, bigla syang nagcollide sa isang katawan.

 

Ayy!!!

 

Parehas silang napaupo ng nakabangga niya.

 

Nanlaki ang mata ni Winter ng makilala kung sino ito.

 

Si crushie!

 

Karina Yoo.

 

Nauna itong tumayo at nagpagpag ng damit. Curious itong nakatingin sa kanya. At bigla itong napatingin sa asong nagkakahol sa labas ng gate.

 

“Gigi, stop. Uwi.” Pagcommand ni Karina sa aso, parang maamong tupang akala mo mabait at hindi sya hinabol ngayon ngayon lang ang aso na tumigil sa pagkahol at dahang dahan na lumayo na parang walang nangyari. Gigi pa pala ang pangalan neto. Kaya pala ayaw kainin yung galunggong niya. Speaking of galunggong… panigurado sandamakmak na sermon sya pagkauwi sa bah-

 

“Winter, okay ka lang?” Nakita niyang nakalahad na ang kamay ni Karina sa kanya. 


Ang ganda niya talaga...

 

Inabot ni Winter ang kamay neto na ang lambot, nagrerejoice pa siya deep inside. Nagawa niya pa talagang humarot sa kabila ng life-threatening experience niya!

 

Hinhingal pa rin sya na sumagot. “Okay lang. Thanks, um, Karina. Nanghahabol pala yun.”

 

Ay, oo, di ba hinabol ka nga, remember?

 

“Sorry about that Winter, aso yun nila tito, pero di naman yun nangangagat

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Thank you for the 300k upvotes and 3M subscribers 🫣🫶😽

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 12: 😭😭😭
jushshhh #2
Chapter 50: masama mambintang pero parang guilty sila karina 😭
arkiminjeong
#3
Gonna reread everything! Grabe lang yung sepanx talaga. 💖
franzii
14 streak #4
Chapter 50: Ang taba ng utak mo. Ang sarap mo siguro maging tropa. HAHAHAHA. Thank you! Enjoy talaga basahin mga gawa mo
KrispyQuin #5
Chapter 12: Andami kong tawa grabe. Di ko kinakaya 🤣🤣🤣
mjeonggs #6
Chapter 50: 😭😭😭
mjeonggs #7
Chapter 44: HALA
yujisaurus
#8
Chapter 12: THE COCONUT JOKE 😭😭😭😭😭
yujisaurus
#9
Chapter 11: HUY HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH anong itsura nung bata?
seiikihavre
#10
Chapter 22: si aguiluz at alwina pala to 😭😭