Whale Christmas (Please Come Home)

Winter, Spring, Summer, Pa-fall
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Iba na ang tingin ni Winter pag nakakakita siya ng whales.




 

Whales…

 

Cute naman sila.

 

They are actually magnificent creatures.

 

Dati tuwang tuwa si Winter dito, pero ngayon, iba na ang dating nito sa kanya kapag naririnig niyang nababanggit or napapanood sa TV.

 

Kumukulo ang dugo niya… in a way.

 

Hindi dahil sa mismong sea animal, wala silang kinalaman dun.

 

Kundi dahil sa katumbas nito in her own language.

 

Balyena.

 

Balyena, balyena, balyena.

 

Yun lang naman ang tawagan nila ng ex niya nung sila pa.

 

Ayaw niya sana pero kusang nag-fflashback sa utak niya ang mapait nilang nakaraan.



 

Winter: Balyena, kumain ka na?

 

Karina: Tapos na, balyena…. ikaw ba, balyena?

 

Winter: Oo, balyena… miss na kita, balyena ko….

 

Karina: I miss you more, my baby balyena!



 

Napapatakip na lang ng mukha si Winter at nag-ccringe tuwing naaalala niya ito.

 

Pati na rin yung masalimuot na break up nila.




 

Karina: Balyena, I’m sorry…

 

Winter: Anong kailangan kong gawin, balyena? Sabihin mo lang. Let’s save this, please… balyena…

 

Karina: Balyena… I don’t think this will work…

 

Winter: Balyena naman…




 

Napasabunot si Winter sa ulo nung maalala na naman niya.

 

May kirot pa din.

 

Kung paanong ganun ganun na lang kung sumuko si Karina sa relasyon nila.

 

Kung paanong hanggang ngayon… after 4 months na wala na sila, naiisip niya pa rin ito.

 

Ayaw man niyang aminin sa sarili… pero siya pa rin.

 


Si balyena pa rin.

 

At kung paanong hindi nakakatulong ang roommate niya ngayong si Ningning sa mga nararamdaman niya.

 

“Winter! Ang cute oh! Alam mo ba na yung mga balyena daw na humpback hindi kumakain ng halos isang taon? Parang di ko yata kaya yun...” Enthusiastic na sabi nito habang ngumunguya ng popcorn at nanonood sa Animal Planet.

 

Malamang. Balyena ka ba?

 

Sa isip isip ni Winter.

 

Napatingin din si Winter sa show na pinapanood ni Ningning kahit labag sa loob niya.

 

Ang daming balyena.

 


Ang daming Karina.

 

Balyena ko….

 

Bal.

 

Yun naman talaga ang tawagan nilang dalawa.

 

Ginawa niya lang balyena after nung break up nila para hindi masyadong masakit pakinggan.

 

Bal means “my honey” in Turkish.

 

“Ay Winter! Ang cute nung balyena oh! Medyo kamukha mo!” Masayang sabi ni Ningning na palipat lipat ng tingin sa TV at sa kanya.

 

Pinagmasdan ulit ni Winter yung mga balyenang lumalangoy sa TV.

 

Medyo napapangiti siya.

 

Cute nga.

 

Parang si Karina...

 

Tapos nawala ulit yung ngiti niya nung may naalala na naman siya.

 

Balyena, kamusta ka na?

 

Alam mo bang ang humpback whale ay kayang hindi kumain ng halos isang taon?

 

Syempre hindi, diba?

 

 

Sarili mo lang kasi iniisip mo.

 

Saka… bakit ikaw pa rin?








 

“Karina, Merry Christmas ha! Wag ka masyado pagabi! See you next year! Ja ne!”

 

Nagbigay si Karina ng matipid na ngiti at awkward na kumaway pabalik.

 

Si Giselle yun.

 

Yung natitirang ka-officemate niya na akala niya mag-iistay hanggang huli at sasamahan siya sa pagiging miserable habang nagra-wrap up ng mga natitirang last minute na mga trabaho.

 

Tiningnan niya din yung oras.

 

Wag daw masyado pagabi, sabi ni Giselle.

 

10:15PM na.

 

May mas igagabi pa ba ‘to?

 

Pinagmasdan ni Karina si Giselle hanggang sa makalabas ito sa front door na nagmamadali at hindi magkandaugaga sa mga dala dalang natanggap na regalo mula sa Christmas party nila kanina.

 


Ayun nga, tao rin siya. May limit at sumusuko din. Kaya kanina, sa sobrang fed up siguro nito sa trabaho, mabilis na hinakot ni Giselle ang mga gamit niya sa isang sako, tinaob ang kanyang work desk, nilabas ang pakpak at lumipad pauwi.

 


Ang dramatic pero yun ang naiimagine ni Karina sa isip dahil sa pagmamadali ni Giselle makaalis.

 

Simula nung mag-migrate ang pamilya nila Karina dito sa Japan, ganun na lang lagi ang set-up niya sa work.

 

Laging overtime.

 

Pero ngayon lang siya naiwan mag-isa dito sa office… at this very late hour.

 

Feeling niya unti unting lumalayas ang kaluluwa niya sa kanyang katawan at gusto na lang niya iuntog ang ulo sa pader dahil sa pagod.

 

Naka-Holiday mood na yung utak niya pero andito pa rin siya at nagsesend ng mga e-mails at sumasagot sa walang katapusan na requests ng mga power-tripping na mga kampon ni satanas aka... her clients.

 

Pagkatapos ng mga ilan pang taon, natapos na din ang lahat at nag-ready na si Karina umuwi.

 

Nag-stretch siya ng kamay at pumikit saglit para magmeditate.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Thank you for the 300k upvotes and 3M subscribers 🫣🫶😽

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 12: 😭😭😭
jushshhh #2
Chapter 50: masama mambintang pero parang guilty sila karina 😭
arkiminjeong
#3
Gonna reread everything! Grabe lang yung sepanx talaga. 💖
franzii
#4
Chapter 50: Ang taba ng utak mo. Ang sarap mo siguro maging tropa. HAHAHAHA. Thank you! Enjoy talaga basahin mga gawa mo
KrispyQuin #5
Chapter 12: Andami kong tawa grabe. Di ko kinakaya 🤣🤣🤣
mjeonggs #6
Chapter 50: 😭😭😭
mjeonggs #7
Chapter 44: HALA
yujisaurus
#8
Chapter 12: THE COCONUT JOKE 😭😭😭😭😭
yujisaurus
#9
Chapter 11: HUY HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH anong itsura nung bata?
seiikihavre
#10
Chapter 22: si aguiluz at alwina pala to 😭😭