~06~

The Love Affairs
Please Subscribe to read the full chapter

[KINABUKASAN]

Tahimik na nag-agahan sila Eunbi sa bahay na tinutuluyan nila, bukod kasi sa nagkakailangan silang magkakaibigan dahil sa nangyari kahapon, hindi rin nila alam kung paano ba sila magbubukas ng isang paksa.

"Pupunta kami ni Chaeyeon sa grocery store mamaya para may dala naman tayo pagpunta natin sa bahay nila Hitomi, may ipapasabay ba kayo?" isa-isang tinignan ni Eunbi yung mga kasama niyang kumain. "Wala, Nako?, sumama ka narin mamaya para hindi kami maligaw." tumango lang si Nako sa sinabi ni Eunbi. "Maglinis nalang muna kayo dito, para bukas bago tayo umalis wala na tayong gagawin."

"Ayos lang ba yun sa inyo? Ayaw niyong tumugon?" takang saad ni Chaeyeon.

"Ayos lang samin." tugon ni Sakura. "Sigurado kang ayaw mo akong sumama sa inyo?"

"Dito ka nalang, walang magbabantay sakanila." tumango lang si Sakura.

Pagkatapos nilang kumain umalis na kagad sila Eunbi, pinasama narin nila si Ryujin dahil ayaw niyang manatili sa bahay na tinutuluyan nila kung wala si Nako.

"Laro tayo pagkatapos mong maghugas." sambit ni Yena kay Chaewon. "Kkura sali ka ah, ikaw Yujin?"

"Sige lang, pero hindi ako magaling." nakangiting saad ni Yujin.

"Paturo ka nalang kay Minjoo." natatawang saad ni Chaewon.

"Si Sian-unnie nga pala?" nakangusong saad ni Yujin.

"Sumama sa asawa niya, baka mapatay niya pa si Yena." uminom si Sakura sa basong hawak niya.

"Game na, saan ba tayo pupwesto?" hinubad na ni Chaewon yung suot niyang dish gloves. "Kuhain ko lang yung cellphone ko." naglakad na si Chaewon papunta sa kwarto nila ni Hitomi. "Hii-chan, babe yung cellphone ko?" saad ni Chaewon pagpasok niya sa kwarto ni Yuri kung saan nagsama sama sila Hitomi para magkwentuhan.

"Bakit?"

"Maglalaro lang kami." nakangiting tugon ni Chaewon.

"Naka-charge pa, yung cellphone ko nalang muna yung gamitin mo." tumango lang si Chaewon bago kuhain yung cellphone ni Hitomi.

"Game na." umupo na si Chaewon sa tabi ni Sakura.

Habang naglalaro silang apat, napapakamot nalang sila sa ulo nila kapag namamatay yung gamit ni Yujin na character.

"Sandali pupuntahan ko lang si Minjoo." tumayo na si Yujin at tumakbo sa kwarto kung nasaan sila Minjoo para magpaturo sa asawa niya.

"Sakay kayo sa sasakyan." saad ni Sakura na sinunod naman nung tatlo. "Dito ata may kala-" hindi na natapos ni Sakura yung sasabihin niya nang sumabog yung sasakyang ginagamit nila sa laro.

"Sama-sama tayong mamatay." pumalakpak si Chaewon. "Salamat Kkura."

"Hindi ko napansin, naghagis pala sila ng bomba." natatawang saad ni Sakura.

"Mag-ayos na daw tayo sabi ni unnie, para pagkatapos nilang mamili, magkita nalang daw tayo sa train station na malapit sa bahay nila Hitomi." saad ni Minjoo sa tatlong nasa sala.

"Pasalamat ka Kkura mahal ka namin." tumayo na si Yena at pumasok sa kwarto nila Yuri.

"Magbihis ka nalang, ayos lang yun." tinapik pa ni Chaewon sa balikat si Sakura bago pumunta sa kwarto nila ni Hitomi. "Babe?" niyakap niya sa bewang si Hitomi. "Bakit ka umiiyak?"

"Kinakabahan kasi ako sa sasabihin nila mom, baka magalit sila."

"I'm here, huwag ka nang umiyak. Tsaka ilang buwan nalang naman ga-graduate ka na, kung magalit man sila, nandito ako hindi kita pababayaan." hinalikan ni Chaewon sa noo si Hitomi. "Magbihis nalang tayo, paniguradong naghihintay na si mom." tumango lang si Hitomi bago punasan yung luha niya.

Habang hindi pa sila umaalis, nag-ayos nalang muna si Chaewon ng mga gamit nila ni Hitomi.

"Babe, tama na muna yung iyak, baka makasama sa inyong dalawa ni baby." umupo si Chaewon sa tabi ni Hitomi. "Gusto mo dito ka nalang, makikisuyo nalang ako sa mga kaibigan natin na samahan ka, ako nalang magsasabi kay mom." umiling lang si Hitomi bago yumakap kay Chaewon.

"I'm such a disappointment."

"Shh, don't say that, babe you're not." pinunasan ni Chaewon yung luha ni Hitomi. "Hindi man natin nasabi sakanila yung plano natin, pero hindi ibig sabihin nun nakagawa na tayo ng kasalanan sakanila."

"Chae, aalis na daw tayo." tinanguan lang ni Chaewon si Yena.

"Tara na babe, tahan na. Baka isipin nila mom inaaway kita, nandito lang ako hindi kita iiwan." nauna nang tumayo si Chaewon para maalalayan si Hitomi sa pagtayo.


Buong biyahe nila sa train, nakayakap lang si Hitomi kay Chaewon. Kaya nang salubungin na sila nila Eunbi, alalang alala ang mga ito.

"Anong nangyari?" sambit ni Eunbi nang lumapit siya kay Hitomi.

"She's thinking what gonna be her parent's reaction about her pregnancy." bulong ni Chaewon sa kapatid niya.

"Nandiyan na yung van, hinihintay na tayo." nakangiting saad ni Nako bago lumapit kay Hitomi.


Pagsakay nila sa van na pagmamay-ari ng pamilya ni Nako hanggang sa makarating sila sa bahay nila Hitomi, hindi binitawan ni Chaewon yung kamay ng asawa niya.

"Good afternoon po." sabay sabay na saad nila Chaewon.

Pagkatapos nang maikling kamustahan ni Hitomi at ng pamilya niya, isa isa na silang umupo sa sahig kaharap yung hapagkainan.

"Just eat and don't worry." nakangiting ng mom ni Hitomi.

"Kakakain lang natin kanina, kain ulit. Sana ganito nalang araw-araw, hays." wala sa sariling bulong ni Yena na tuloy tuloy lang sa pagkain.

"Mom, dad, I have something to tell you." napatingin silang lahat kay Hitomi at dahan dahang ibinaba yung chopsticks at kutsara nila. "I'm..... I'm pregnant." agad na yumuko si Hitomi.

"Aren't you happy?" nakangiting tanong ng dad ni Hitomi.

"Is there something wrong?" alalang tanong ng mom ni Hitomi.

"You're not mad?" agad na hinawakan ni Chaewon yung kamay ni Hitomi. "We should tell you, before planing for this pregnancy."

"You don't have to tell us about it, you're already married, planning for your own family doesn't do anything with us." tumingin si Hitomi sa dad niya. "We gave your hand to her, that means we're letting you have your own life with her."

"I told you, everything will be alright." bulong ni Chaewon bago halikan si Hitomi sa sintido.

"Eat more, stay healthy for your child." nakangiting saad ng mom ni Hitomi.


Pagkatapos nilang kumain, nagpaiwan sila Chaewon at Hitomi sa bahay ng mga magulang niya.

"How's your feeling now?" marahang minasahe ni Chaewon yung kamay ni Hitomi.

"Happy?" ngumiti si Hitomi. "Hindi ko alam, kahapon sobrang gulong gulo na yung utak ko. Hindi ko alam kung anu ba yung dapat kong maramdaman, napagod ako kakaisip sa magiging reaksyon nila kapag sinabi kong buntis ako." yumakap si Hitomi sa bewang ni Chaewon.

"Do you want to extend our stay here?" pinatong ni Hitomi yung ulo niya sa balikat ni Chaewon. "I know you miss them so much, let's celebrate our Christmas here?"

"Thank you."

"Gusto mo bang umakyat na tayo sa kwarto mo?" tumango lang si Hitomi. "Babe, ayos ka lang?, namumutla ka?" agad na inalalayan ni Chaewon yung ulo ni Hitomi. "Mom!!" binuhat ni Chaewon si Hitomi.

"What happened?" agad na nataranta yung mga magulang ni Hitomi nang makitang buhat buhat siya ni Chaewon.

"She suddenly fainted."

"Get my keys." inalalayan ng dad ni Hitomi si Chaewon palabas nang bahay nila.

Nang makasakay na yung dad ni Hitomi sa sasakyan niya, agad na niyang pinaandar yung sasakyan niya.

"Babe, please stay still." paulit-ulit na hinalikan ni Chaewon sa noo si Hitomi. "Babe please." pinunasan ni Chaewon yung luha niya bago isiksik sa leeg ni Hitomi yung mukha niya. "Babe?"


-----------

Pagkabalik nila Eunbi sa bahay na tinutuluyan nila, agad nilang tinawagan si Wonyoung.

"Wonyoung-ah!!" sabay sabay nilang sigaw nang lumabas na sa screen ng cellphone ni Eunbi si Wonyoung.

"Unnie!" natatawang saad ni Wonyoung.

"Uuwi na kami bukas, may gusto ka bang pasalubong?" tanong ni Chaeyeon.

"Baby sana, unnie."

"Soon." saad ni Sakura bago halikan sa noo si Chaeyeon.

"Kamusta ka naman? Happy ka naman ba diyan?" tanong ni Minjoo.

"Sobra unnie, buti nalang nag-stay ako dito."

"May iba ka bang kasama diyan?" kunot noong tanong ni Nako.

"Wala naman, bakit unnie?" napakagat si Wonyoung sa labi niya.

"May shadow kasing nag-rereflect sa bandang likuran mo." saad ni Yuri.

"Ahh." halata sa mga mata ni Wonyoung na naghahanap na siya nang pwede niyang maidahilan.

"Wonyoung? Sino yan?" may pagbabanta sa tono nang pananalita ni Eunbi kaya lalong kinabahan si Wonyoung.

"Unnie, si Hitomi dinala daw sa hospital." saad ni Chaeyeon habang nakadikit sa tenga yung cellphone niya.

"Tatawagan ka nalang namin ulit." pinatay na ni Eunbi yung tawag niya kay Wonyoung. "Kami nalang nila Chaeyeon yung pupunta sa hospital, dito lang kayo babalitaan nalang namin kayo." hinila na ni Eunbi si Sian, ganun din si Chaeyeon kay Sakura.

Nanatiling lang na tahimik yung anim na naiwan sa bahay na tinutuluyan nila at sinusubukan na pakalmahin ang isa't isa, lalo na si Yuri.

"Yul clam down, magiging maayos lang si Hitomi." saad ni Yena, pero tila ba naging bingi si Yuri at hindi narinig si Yena, tuloy parin siya sa paghikbi at hindi mapigilan na panginginig.

"Yujin, kumuha ka ng tubig." saad ni Minjoo habang nakahawak sa balikat ni Yujin.

"Unnie, uminom ka muna ng tubig." inabot ni Yujin kay Yuri yung baso, pero dahil sa panginginig ng mga kamay ni Yuri natatapon yung laman nun. Napakamot nalang si Yujin sa ulo niya, nagdadalawang isip kung hahawakan niya ba si Yuri, dahil nung minsan hawakan niya ang huli hindi lang sampal ang natanggap niya kundi masasakit na salita na hindi niya alam kung saan nanggagaling.

"Yul." ngumiti si Yena bago umupo sa harapan ni Yuri. "Want me to help you?" hinawakan ni Yena yung dalawang kamay ni Yuri. "Dahan dahan." inalalayan ni Yena yung mga kamay ni Yuri hanggang sa makainom na ang huli.

"Stay away from me." bulong ni Yuri pagkatapos niyang uminom ng tubig. "I said stay away from me." tumango lang si Yena bago tumayo.

"Tawagin niyo nalang ako sa kwarto kung sakaling may balita na sila unnie tungkol sa lagay ni Hitomi." pilit na ngumiti si Yena bago naglakad papunta sa kwarto niya.

"Min, magpahinga nalang muna tayo sa kwarto." nakangiting saad ni Yujin.

"Yul, diyan ka lang, huwag kang aalis." inalalayan ni Yujin na makatayo si Minjoo tsaka naglakad papunta sa kwarto nila.

"Huwag niyo nga akong tignan." inis na saad ni Yuri.

"Hindi kami nakatingin sayo." saad ni Ryujin.

"Bakit ba kayo nakatingin sakin?"

"Hindi nga kami nakatingin sayo." tugon ni Nako.

"Nakatingin kayo sakin." kunot noong saad ni Yuri habang nakatingin sa dalawa.

"Uminom ka na ng gamot mo." napalingon si Yuri sa nagsalita. "Uminom ka na ng gamot." nakayuko lang si Yena habang inaabot kay yuri yung medicine kit niya.

Agad na uminom si Yuri ng gamot pagkakuha niya ng medicine kit niya.

"Hindi nga kami sayo nakatingin." mahinang saad ni Ryujin na tama lang para marinig ni Yuri.

"Tumahimik ka." nakaismid na saad ni Yuri.


------------

"Anong nangyari?" humiga na si Hyewon sa kama nila ni Wonyoung.

"Dinala daw sa hospital si Hitomi-unnie." nakangusong saad ni Wonyoung bago tumabi kay Hyewon.

"Is she alright?"

"Hindi nila nasabi kung bakit, hintayin nalang siguro natin na tumawag sila ulit." yumakap si Wonyoung kay Hyewon. "Nagugutom ako." natawa si Hyewon.

"Matutulog na tayo." kinuha ni Hyewon yung cellphone niya para umorder ng pagkain. "Yes, Jang Wonyoung."

"I love you." ngumiti lang si Hyewon. "I said I love you."

"I love you more."

"Bababa muna ako, dun nalang ako maghihintay." hinalikan muna ni Wonyoung sa labi si Hyewon bago tumakbo pababa.

"Yena?" bulong ni Hyewon bago kuhain yung cellphone ni Wonyoung.

"Yena, napatawag ka?"
: Hye? Hye, ayoko na dito
"Bakit naman? Nandiyan nga si Yuri, hindi ka ba masayang kasama siya.?"
: Syempre Hye, masaya ako. Pero nasasaktan din ako, lalo na kapag nagsasabi siya nang totoo.
"Akala ko ba kaya mo na siyang harapin?"
: Akala ko rin, pero makita ko palang siya nagsisisi na akong hiniwalayan ko siya.
"Kahit kailan talaga hindi ka marunong pumili, dapat yung tinapos mo yung pagiging kasal mo kay Yuqi hindi yung relasyon niyo ni Yuri."
: Naguguluhan na nga kasi ako, hindi ko na alam yung gagawin ko.
: Anong ginagawa mo dito?!
"Yena? Ayos ka lang."
: Umalis ka nga dito!
: Aray, anu ba! Bakit ka namamato?!
"Yena?"
: Umalis ka dito, ayaw kitang makita!
: Edi sabihin mo nang maayos, hindi yung namamato ka. Hye, tawag nalang ako ulit.
"Bye."

Paglapag ni Hyewon ng cellphone ni Wonyoung napahawak nalang siya sa dibdib niya dahil sa gulat.

"Kanina ka pa diyan?" tanong niya kay Wonyoung.

"Medyo, sino yung tumawag?"

"Si Yena, pinoproblema si Yuri." umupo na sa kama si Wonyoung.

"Wala pang balita kay Hitomi-unnie?" umiling si Hyewon. "Text mo nalang kaya si Eunbi-unnie." nagsimula nang kumain si Wonyoung.

"Bakit ako?"

"Bakit hindi?" napabuntong hininga nalang si Hyewon at kinuha ulit yung cellphone ni Wonyoung. "Tatawagan ka nalang daw ni Eunbi bago sila umuwi, wala siyang nabanggit kung anong nangyari kay Hitomi."

"I heard they already tried to have a baby, what if that's the reason why they take her to the hospital."

"Siguro nga." kumain na rin si Hyewon. "Ikaw, anu bang plano mo? Kasal muna bago baby o baby muna bago kasal?" kumunot yung noo ni Wonyoung at napaisip.

"Gusto ko sanang kasal muna bago baby, kaso lang nauna kang dumating bago yung kasal." wala sa sariling napa-nganga si Hyewon at paulit-ulit na pinoproseso sa utak niya yung mga sinabi ni Wonyoung.

"Wonyoung naman." pinaypayan ni Hyewon yung mukha niya gamit yung kamay niya.

"Hahahahaha, ang cute mo talagang kiligin." ngumiti si Wonyoung. "Pero seryoso na, kahit anu namang mauna ayos lang sakin, basta ikaw yung asawa ko."

"Pagkatapos na pagkatapos nang trabaho ko, papakasalan na kita." ngumiti si Hyewon bago yakapin nang mahigpit si Wonyoung.

"Kaya siguraduhin mo lang talaga na babalik ka, kung hindi sa iba na lang ako magpapakasal." nakaismid na saad ni Wonyoung.

"Syempre naman, tatlong taon kitang hinintay na pumayag para ligawan ko, ayokong mawala ka pa sakin." ngumuso si Wonyoung at humiwalay kay Hyewon.

"Ayaw mo akong mawala, pero ilang beses tayong naghiwalay." pinag-krus ni Wonyoung yung mga braso niya.

"Uy, nakikipag-balikan din naman ako pagkatapos diba?" ngumiti si Hyewon. "Ang selosa mo kasi, kaya pinapaiyak kita."

"Sino ba kasing hindi magseselos, lahat nalang ata nang babaeng makasalubong mo sa university, inaalok mo nang tulong." napakamot si Hyewon sa ulo niya.

"Tulong lang inaalok ko sakanila, pero sayo-" sinubuan ni Wonyoung ng pizza si Hyewon.

"Ang sarap diba?"

"Is that a pineapple?" nilabas ni Hyewon yung dila niya.

"Hahahahaha, sorry." kinuha ni Wonyoung yung pineapple na nasa dila ni Hyewon at binalot sa tissue.

"I wanted to hate you for that." uminom si Hyewon ng cola.

"Hate me now and love me later." tumayo na si Wonyoung tsaka pumasok sa banyo para maghugas ng kamay niya.

Agad na naglinis si Hyewon nang basura nila tsaka sumunod kay Wonyoung sa banyo.

"May gagawin tayo?" nakangiting tanong ni Hyewon habang naghuhugas siya ng kamay.

"Matutulog." kunot noong tugon ni Wonyoung. "Bakit may gagawin ka pa ba?"

"Wala naman na, pero tayo nang sabay, wala ba tayong gagawin?" umiling si Wonyoung.

"May dapat ba tayong gawin?" napabuntong hininga si Hyewon at nagpunas na ng kamay. "Sumasakit yung likod ko, pwede mo bang imasahe yung likod ko?" ngumiti si Hyewon at agad na tumango.

"Tara."

----------------------------------

[KINABUKASAN]

"Won, kanina pa tumutunog yung cellphone mo may tumatawag ata." nakapikit na saad ni Hyewon habang nakayakap kay Wonyoung.

"Ikaw na muna sumagot, baka si Yena-unnie lang 'yan." nag-inat muna si Hyewon bago marahang bumangon para kuhain yung cellphone ni Wonyoung.

"Hello?"
: Wonyoung-ah, kanina pa ako tumatawag.
"Tulog pa si Wonyoung, anu ba yun?"
: Sino ka?
"Sino ka ba?"
: Kung sino ka man layuan mo na si Wonyoung.
"Anu bang sinasabi mo? Tsaka bakit ka ba napatawag?" napatingin si Hyewon kay Wonyoung nang bumangon ang huli at kinuha yung cellphone sa kamay niya.
"Hello?" inayos ni Hyewon yung pagkakabalot ng kumot sa katawan ni Wonyoung.
: Wonyoung? Sino ba yung kasama mo diyan?
"Unnie tsaka ko nalang ipapaliwanag kapag nandito na kayo, bakit nga pala napatawag ka?"
: Nandito na kami sa airport ngayon, pasakay na kami sa taxi papunta diyan sa inyo.
"Teka, bakit dito?"
: Saan ba dapat? Nandiyan ka pa rin naman sa bahay ni Hyewon, diba?
"Yup."
: Bye~
"Hmm, bye~"

Nilapag na ni Wonyoung sa bedside table yung cellphone niya.

"Masahe ba talaga yung ginawa mo kagabi?, bakit parang lalong sumakit yung katawan ko." yumakap si Wonyoung kay Hyewon.

"Masahe yun, with special service nga lang." ngumiti si Hyewon bago halikan sa noo si Wonyoung. "Good morning."

"Yeah, good morning." natatawang saad ni Wonyoung. "Actually it's already noon." pumikit si Wonyoung. "Ang sakit ng ulo ko."

"How is it?" saad ni Hyewon habang marahang hinihilot yung ulo ni Wonyoung gamit yung fingertips niya.

"Feels so good." tumango si Hyewon. "Okay, that's enough." humiwalay na si Wonyoung kay Hyewon. "We need to prepare, papunta na daw sila unnie dito."

"Mabilis lang."

"Kang Hyewon?" napabuntong hininga nalang si Hyewon. "Magbihis ka na."

"Huwag kang papayag na dito sila matulog mamayang gabi, please?"

"Pag-iisipan ko." tumayo na si Wonyoung tsaka pumasok sa banyo para maghilamos at mag-ayos ng sarili niya.

Nagbihis na rin si Hyewon tsaka inayos yung higaan nila ni Wonyoung.

"Won, want some hot choco?" nag-thumbs up lang si Wonyoung dahil kasalukuyan siyang nagto-toothbrush nang kausapin siya ni Hyewon.

Pagbaba ni Hyewon sa unang palapag ng bahay niya, dumiretsyo na kagad siya sa kusina para mag brew ng hot choco.

"Won, did you forgot to wear your shorts or pants?" kunot noong saad ni Hyewon nang dumaan sa harap niya si Wonyoung para kuhain yung hot choco niya.

"Do I have to?" napa-irap nalang si Hyewon at hinubad yung suot niyang sweatpants. "Why so protective?"

"I'm just jealous with your legs." napaayos nang tayo si Wonyoung nang tumunog yung doorbell nila.

"Nandiyan na ata sila, magsuot ka nga ng pants!" hinampa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
i know this is too much to ask, but can you guys leave a comment or feedback about this story?

i really want to know if the plot was nice, good or it is fine 😭

Comments

You must be logged in to comment
hyemstar #1
I need english version of this 😭
Tailofkia_87
#2
Chapter 19: Nice update! Thank you ☺️
Tailofkia_87
#3
More updates please 😍
kimudamu21 #4
Chapter 11: I wonder why konti lang views nitong story mo, authornim. I like your story. Please update. Thank you.
kimudamu21 #5
Chapter 11: Update please.