Chapter 7

The Love Affairs
Please Subscribe to read the full chapter

[KINABUKASAN]


"Wala pa sigurong gising, pero nagugutom na talaga ako." bulong ni Nako. "Bahala na nga." bumangon na siya at pumasok sa banyo.

Pagkatapos niyang maghilamos at magmumog lumabas na siya nang kwartong tinulugan nila nang mga kaibigan niya..

"Morning?" bati ni Yunjin kay Nako.

"Hmm, morning." kumuha ng tasa si Nako at naghanda ng kape.

"Can I ask you a question?"

"You already did." kumuha ng tinapay si Nako bago pumwesto sa kitchen island.

"Make it twice."

"That's the second question you asked." nakangiting saad ni Nako.

"Anu ba talaga yung rason kung bakit mo ako hiniwalayan?" umiwas nang tingin si Yunjin kay Nako nang magtama yung paningin nila. "Dahil ba talaga sa mahal mo si Hitomi?"

"Anu man yung rason ko, wala ka nang pakielam dun. Tapos na tayo, kaya tapos narin anu man yung namamagitan sating dalawa." nanatiling kalmado si Nako.

"Sana bigyan mo man lang ako ng rason, wala kasi talaga akong ibang mahanap na sagot. Ang hirap kasi nung minamahal parin kita hanggang ngayon, minamahal parin kita kahit na wala akong ideya kung bakit ko pa ba nararamdaman 'to." uminom ng kape si Yunjin kasabay nang pagtulo ng luha niya.

"Ganiyan talaga, isang taon palang tayong hiwalay, paniguradong paglipas ng mga taon makakalimutan mo narin ako." naglakad na si Nako dala yung tasa niya.

"Sabihin mo naman kung anu ba talagang dahilan, may nagawa ba ako? Sawa ka na ba na magkalayo tayo ng eskwelahan? Lumipat na ako, hindi pa ba yun sapat?." huminga ng malalim si Yunjin at marahan iyong pinakawalan. "Hindi naman kita pipilitin na bumalik sakin, gusto ko lang talagang malaman yung rason mo." tinignan lang ni Nako si Yunjin bago iwanan ang huli.

Maglalakad na sana si Yunjin para habulin si Nako nang bumali ang huli sa kusina.

"Hindi mo talaga alam? Sa ating dalawa ikaw nga dapat yung mas nakakaalam, dahil ikaw yung gumawa diba?" pinunasan ni Nako yung luha niya. "Huwag mo akong pagmukhaing ako yung dahilan kung bakit kita iniwan, ako ba yung nag-loko?, ako ba yung may nagawang mali?" napatakip si Nako sa bibig niya. "Bago mo ako tanungin sana tinanong mo muna yung sarili mo, anu ba yung ginawa mo bago naging tayo."

Agad na nag-isip si Yunjin.

"Wala akong maalala bukod sa nagawa ko nung high school kami." bulong ni Yunjin bagi sinundan si Nako.

"Yunjin?" hindi pinansin ni Yunjin si Chaewon.

"Sinabi ko naman na sayo kung bakit kinailangan kong maging top 1 diba? Nagsorry narin ako sayo, kung yun talaga yung dahilan kung bakit ka nakipaghiwalay sakin, ang babaw naman nun!" hinawi ni Yunjin yung buhok niya patalikod. "Pinaliwanag ko naman sayo diba? Na kailangan kong maging top 1 nang 11th and 12th grade, para makapasok ako sa college. Nag-makaawa ako sayo na huwag mo nang ipapaalam sa iba, ayos lang sayo diba? Yun yung sinabi mo!"

"Naiintindihan ko yung dahilan mo, pero yung pagpalitin mo yung papel natin?" umiling si Nako. "Ayos lang sakin kasi tapos na at nagawa mo na, pero sana kinausap mo nalang ako. Dahil hindi mo alam kung anong pakiramdam na ang taas ng expectation mo sa sarili mo, tapos babagsak ka lang? I almost killed my self that time!!" natawa si Yunjin.

"So anu? Yun talaga yung dahilan, kaya nakipaghilay ka sakin?!!"

"Hindi ako ganun kababaw para hiwalayan ka nang dahil lang dun, ikaw yung mababaw, ang babaw mong mag-isip kaya ayun yung naisip mong dahilan nang pakikipaghiwalay ko sayo!!!" natawa si Yunjin at napatingin kay Chaewon na nanunuod lang sa away nilang dalawa ni Nako.

"Wala talagang malalim na dahilan, sadyang gusto mo lang talaga na mapasayo si Hitomi. Ayan!! Ayan si Chaewon, bakit hindi mo nalang hingiin si Hitomi sakaniya, kesa palihim mong inaagaw si Hitomi habang nanganganib yung relasyon nila!!" huminga ng malalim si Yunjin. "Diba? Nung nakaraang taon, nung muntikan na silang maghiwalay sinubukan mong ahasin si Hitomi?!!"

"Chaewon huwag kang maniniwala sakaniya." saad ni Nako.

"Hinalikan mo siya, diba? Pero hindi ka niya pinagbigyan sa gusto mo, kaya tinawagan mo ako para mawala yung epekto ng chip sayo!!" huminga ng malalim si Yunjin. "Kaya mo ako iniwan dahil si Hitomi yung mahal mo, kaya ka rin nagpalagay ng chip na yan para kay Hitomi, diba?!"

"Chaewon please, hindi totoo yun." halos magmakaawa na si Nako sa harap ni Chaewon.

"Huwag kang lalapit sakin." saad ni Chaewon.

"Please, Chaewon maniwala ka naman sakin, hindi totoo yun." hinawakan ni Nako yung braso ni Chaewon.

"Huwag mo akong hawakan, please lang." walang emosyon na saad ni Chaewon bago tanggalin yung kamay ni Nako na nakahawak sa braso niya. "Aalis nalang siguro ako." paalam ni Chaewon at dirediretsyong lumabas nang bahay nila Yujin.

"Anong nangyari?" tanong ni Yujin sa dalawang tao na naiwan sa sala. "Bakit umalis na si Chaewon?"

"Masaya ka na?!!" sinampal ni Nako si Yunjin. "Masaya ka nang pati yung pagkakaibigan namin ni Chaewon sinira mo?!!" kusang kumalma si Yunjin nang mapagtanto niyang mali yung mga nasabi niya.

"I-I'm sorry?" hinila ni Yunjin sa braso si Nako. "Nadala lang ako ng galit ko, sorry." niyakap ni Yunjin si Nako.

"Kahit kailan talaga, hindi ka marunong mag-isip!!" tinulak ni Nako si Yunjin pero hindi nagpatinag ang huli at nanatiling nakayakap kay Nako. "Ganun ba ako kasama, para paulit-ulit mo akong saktan?!! Mahal naman kita, minahal naman kita pero bakit lagi mo nalang akong sinasaktan?!" hindi na napigilan ni Nako na yumakap kay Yunjin at kumapit damit nito. "Gusto lang naman kitang mahalin, pero bakit kailangan mo akong paulit-ulit na saktan."

"Gusto ko lang naman malaman yung dahilan kung bakit mo ako iniwan, pero nasaktan nanaman kita."

"Anong nangyari, nasaan si Chaewon?" tanong ni Minjoo pagkababa niya.

"Really? Siya talaga yung hinanap mo?" nakaismid na saad ni Yujin.

"Anu gusto mong itanong ko? Bakit mo ako nireject?" umirap si Minjoo bago lumapit kay Nako at Yunjin. "Anu nanamang ginawa mo kay Nako?" hinila ni Minjoo si Nako pero hindi siya binibitawan ni Yunjin.

"Bitawan mo na." bulong ni Yujin kay Yunjin dahil nahihirapan narin si Nako sa paghila nang dalawa.

"Una yung panloloko mo sakaniya kasama yung kaibigan mo, tingin mo hindi alam ni Nako yung nangyari sa inyo nung bestfriend mo? Kitang kita ni Nako yung ginawa niyong dalawa!!" sinubukang pigilan ni Nako si Minjoo pero nagsalita parin ang huli. "Tapos yung tungkol dun sa pinagpalit mo yung answer sheet niyo ni Nako, hindi mo alam kung paano siyan nagdusa nung mga panahong yun. Pagpapakamatay nalang yung dahilan niya para hindi na magalit yung mga magulang niya sakaniya, kung gusto mo talagang pumasa at maging top 1 nun, sana nagpatulong ka nalang sakaniya sa pag-aaral dahil hindi naman siya madamot pagdating sa ganun. Kaya niya kaming turuan na mga kaibigan niya, habang nag-aaral siya, pero mas pinili mo yung mali at madaling paraan." pinunasan ni Minjoo yung luha niya.

"Minjoo tama na." awat ni Nako kay Minjoo, umiiyak na sumama si Minjoo kay Nako at umupo sa sofa.

"Pero alam mo yung mas masakit?!! Yung pinagpustahan niyo lang siya ng mga kaibigan mo!!" sinugod ni Yuri si Yunjin at pinagsasampal ang huli. "Ang sama sama niyo, napakasama mo!! Hindi ka na naawa sa kaibigan namin!!"

"Yul, Yul tama na." niyakap na ni Yena si Yuri at sapilitan siyang inilayo kay Yunjin.

"Tapos ikaw pa yung biktima?! Ikaw pa yung iniwan?!! O baka kaya hindi ka nakikipaghiwalay kay Nako dahil gusto mong siya mismo yung sumuko, para sa paningin nang iba ikaw yung iniwan at mas higit na nasaktan!!" pagpapatuloy ni Yuri kahit pa nasa bisig parin siya ni Yena. "Sa loob ng isang taon mula nang maghiwalay kayo, hindi mo man lang nalaman yung dahilan kung bakit talaga siya nakipaghiwalay sayo?!! Ikaw mismo yung nagsabi sa bestfriend mo na pinagpustahan niyo lang si Nako, habang gumagawa kayo ng kababalaghan!! Tapos hindi mo alam kung bakit nakipaghiwalay si Nako sayo?!! Anu yun, nagka-amnesia ka?!"

"Yul, calm down." hinagod ni Yena yung likod ni Yuri.

Kumpleto na sila sa sala, tanging si Chaewon lang ang wala dahil umalis na siya pagkatapos nang mga sinabi ni Yunjin kanina.

"Akala namin, naghiwalay lang kayo dahil magkalayo yung school niyo. Pero napakababaw nga naman kung yun yung magiging dahilan, diba? Dahil nakatira lang naman kayo sa iisang bahay." saad ni Chaeyeon.

"Babalik na siguro kami sa dorm, baka sakaling may klase pa kaming maabutan." saad ni Hyewon.

"Sasabay na ako sayo, Yuri, Yena, samin na kayo sumabay." saad ni Wonyoung bago naunang lumabas nang bahay nila.

"Sakin nalang kayo sumabay, Chaeyeon." saad ni Yujin, lumabas na sila Chaeyeon at Sakura. "Nako, tara na." inalalayan ni Yujin si Minjoo at Nako palabas nang bahay nila.

"Samin ka nalang siguro sumabay, hindi naman pwedeng iwan ka namin dito." saad ni Eunbi bago tapikin si Yunjin sa balikat.

------------

"Yul, ayaw mo ba talagang kumain?" alok ni Yena kay Yuri.

"Anong oras na, aalis ka pa diba?" tumingin si Yena sa orasan.

"Pero hindi ako aalis hangga't hindi ka pa bumabangon diyan, Yul wala ka pang agahan at tanghalian, baka magkasakit ka niyan." hinawakan ni Yena yung kamay ni Yuri.

"Wala talaga akong gana, mamaya nalang siguro pagdating mo."

"Pero baka bukas nang umaga pa ako makabalik, baka magalit si halmeoni kapag nagpalipas ka nang araw na hindi kumakain." bumango si Yuri at tinignan si Yena na nakaupo sa sahig habang nakapaling yung ulo sa kama.

"Hatid mo ako sa dorm ni Minjoo, please?" ngumiti si Yena at tumayo.

"Walang tao." saad ni Yena nang silipin niya yung dorm ni Minjoo.

"Baka pumunta kay Nako, doon mo nalang ako ihatid." hinila na ni Yuri si Yena paakyat sa ika-anim na palapag kung nasaan yung dorm ni Nako.

"Bakit ba walang elevator dito, ampotek naman." hingal na saad ni Yena bago sila kumatok ni Yuri sa pintuan ng dorm ni Nako.

"Kumakain kami, gusto niyong sumama?" tanong ni Nako sa dalawa pagkabukas niya nang pintuan.

"Saktong sakto, Yul pumasok ka na." bahagya pang tinulak ni Yena si Yuri.

"Atat na atat makasama yung ex? Sige na lumayas ka na, huwag ka nang babalik dito ahh!" tinulak din ni Yuri si Yena.

"Pumasok ka na, pakabusog ka." sumilip si Yena sa loob ng dorm ni Nako. "Kaya pala may pagkain, nandiyan si Hyewon." nakangiting saad ni Yena.

"Ayaw mong sumama samin?" tanong ni Hyewon.

"Sa susunod nalang, may lakad pa ako." tumingin si Yena kay Yuri. "Huwag ka nang magpupuyat, tatawagan kita mamaya."

"Ang sweet naman Yena, sana si Chaeyeon sweet din sakin." nakangiting sambit ni Sakura.

"Kapag naging sweet naman sayo kung anu anong iniisip mo, ayos ka lang?" binatukan ni Chaeyeon si Sakura.

"Sige na umalis ka, pakasaya ka kasama yung Yuqi mo!" nakaismid na saad ni Yuri, tinawanang lang siya ni Yena bago umalis.

"Magkikita sila ni Yuqi?" tanong ni Wonyoung kay Yuri.

"Hmm, kasama yung pamilya ni Yena." walang ganang saad ni Yuri.

"Nagseselos ka?" tanong ni Hyewon.

"Sino bang hindi?! Yung babaeng mahal mo kasama yung ex-girlfriend niya, hindi ka ba magseselos nun?!!" natawa yung mga kasama ni Yuri sa kwarto.

"Mahal mo naman na pala, bakit hindi mo pa sagutin?" si Chaeyeon.

"Baka kasi hindi pa siya nakaka-move on kay Yuqi." nakangusong saad ni Yuri.

"Sagutin mo na siya, matagal nang naka-move on yun mula palang nung may marngyarnrni shya irnhnuyu." tuloy tuloy lang sa pagsasalita si Sakura kahit pa sinubuan na siya ni Hyewon ng pakain para lang manahimik siya.

"Medyo kadiri ka, umayos ka nga." saway ni Chaeyeon kay Sakura.

"Si Minjoo nga pala?" sambit ni Yuri.

"Huling nakita namin siya, kasama niya ata si Ryujin." saad ni Wonyoung.

"Hmm, kaya nga high blood nanaman si Yujin kanina." dagdag ni Hyewon.

"Pagkatapos niyang ireject si Minjoo?, teka, ano bang problema bakit niya nireject si Minjoo?" tanong ni Yuri.

"Hindi mo alam?" tanong ni Hyewon.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" inirapan ni Yuri si Hyewon.

"Oo nga naman Hye, magtatanong ba si Yuri kung alam niya?" dagdag ni Wonyoung.

"Magsama pa kayong dalawa." nakaismid na saad ni Hyewon.

"Bakit nga, wala talaga akong alam." nakangusong saad ni Yuri.

"Yujin and I are getting married." saad ni Wonyoung.

"Sorry." pinunasan ni Yuri yung pagkain na tumalsik sa mukha ni Nako na galing sa bibig niya. "Paano si Hyewon?"

"Sayo nalang gusto mo?" nakangiting saad ni Wonyoung, pero halata sa mga mata niya yung pag-aalala kay Hyewon kung sakaling matuloy nga yung kasal nila ni Yujin.

"Walang halong biro, may plano na ba kayo?" saad ni Yuri.

"Apat na buwan pa naman, kakayanin ko pa yan." saad ni Hyewon.

"Totoo ba yung sinasabi ni Yena na may gusto daw si Yujin kay Minjoo?" tanong ni Yuri, tumango lang yung mga kasama niya. "Bakit pumayag si Yujin magpakasal? Alam niyo sa inyong magkakaibigan, kung hindi ambobo, ampotek naman. May matino ba sa inyo?" nagtaas ng kamay si Sakura.

"Ako na pinaka matino samin." saad ni Sakura.

"Yul, sino ba yung text nang text sayo?, nakakainggit sana sakin may nagte-text din." sambit ni Nako.

Kinuha ni Yuri yung cellphone na nasa sahig.

From: Unknown
Yena?
: nasaan ka na?
: ayokong maghintay dito nang matagal
: don't tell me, iniwan mo ako?
: lagot ka sa mom mo kapag ginawa mo yun

"Sino yan?" tanong ni Nako.

"Hindi ko rin alam, si Yena yung hinahanap." nakangusong saad ni Yuri.

"Baka si Yuqi, diba magkasama silang pupunta kela Yena." saad ni Sakura. "Sabi ko sayo matino ako." kikindat pa sana si Sakura pero ayaw niyang maging payaso sa harap nang mga kaibigan niya.

"Anong gagawin ko, baka maghintay siya dun. Bakit naman kasi number ko yung binigay ni Yena." napakagat si Yuri sa labi niya.

"Hayaan mo siyang maghintay dun, si Yena naman yung kailangan niya hindi ikaw." saad ni Hyewon.

"Gusto mo ako nalang yung makipag-usap sakaniya?" tanong ni Chaeyeon. "Sasabihin ko nalang na pinapasuyo ni Yena na sabihan siya." umiling si Yuri.

"Ako nalang yung pupunta." tumayo na si Yuri.

"Sama ako." nakangiting saad ni Wonyoung. "Para may backup ka lang kung sakali."

"Baby Won? Kakasama mo kay Yuri nagiging warfreak ka na rin." natatawang saad ni Hyewon.

"Tara na nga, wala kang kiss sakin mamaya." binangga pa ni Wonyoung si Hyewon bago hilain palabas nang kwarto si Yuri.

"Saan pala natin siya pupuntahan?" sambit ni Yuri nang makarating na sila ni Wonyoung sa unang palapag nang dormitory.

"Tignan mo baka may napag-usapan sila." saad ni Wonyoung.

Tinignan ni Yuri yung cellphone niya.

"Hindi ko alam kung nagreply ba si Yena o binura niya." pinakita ni Yuri kay Wonyoung yung text messages ni Yuqi, tinext ni Yuri si Yuqi at tinanong kung nasaan siya. "Nasa kabilang building daw siya, tara na?" naglakad na silang dalawa at pumunta sa kabilang dormitory.

May apat na building yung dormitory nila, una may mga kwartong pang-isahang tao lang, yung pangalawang building naman pang-dalawahang tao sa isang kwarto, yung pangatlong building apat na tao kada isang kwarto at yung pang-apat na building, anim na tao ang pwedeng tumuloy kada isang kwarto.

"Sa likod mo lang ako." tinapik ni Wonyoung si Yuri sa balikat.

"Makikipag-usap lang naman ako." natatawang saad ni Yuri. "Yuqi, right?" saad ni Yuri.

"Ow, Yena's new girl." tumingin din si Yuqi kay Wonyoung na nasa likod ni Yuri. "Pinapunta ba kayo ni Yena dito?" umiling si Yuri.

"Last time kasi, nagkapalit kami ni Yena ng cellphone, tingin ko yung number ko yung naibigay niya sayo." pinakita ni Yuri yung screen ng cellphone niya kay Yuqi. "Kanina pa nakaalis si Yena, kaya naisip ko na baka kanina ka pa naghihintay dito."

"She never change, if that's the case maybe I'll go to their house alone." tumalikod na si Yuqi at naglakad.

"Yul, tara na." saad ni Wonyoung.

"May nakalimutan pala akong sabihin sayo." napatingin sila Wonyoung at Yuri lay Yuqi nang magsalita ito. "Huwag mong isip na magugustuhan ka talaga ni Yena, she will never fall in love with someone like you, a toy."

"Tao ako." kunot noong saad ni Yuri.

"Tss, for someone with a chip of lust, you're just like a toy." ngumiti si Yuqi at lumapit kay Yuri.

"Yuri tara na." hinawakan na ni Wonyoung si Yuri sa kamay.

*Yeah, si Wonyoung na hindi ata marunong sumampal ng tao, maglalakas loob na lumaban kay Yuqi? Imposible!* saad ni Yuri sa isip niya.

"Paano mo nalaman yung tungkol sa chip ko?" napaatras nalang si Yuri at Wonyoung nang lumapit nang sobrang lapit si Yuqi hanggang sa ilang pulgada nalang yung layo ng mukha nila ni Yuri sa isa't isa.

"Ibang iba ang kulay nang mga labi ng isang taong my chip of lust." bulong ni Yuqi bago halikan si Yuri sa labi. "Suffer now." nagulat si Yuqi nang may humila sakaniya.

"You look thirsty, let's have some drink." saad ni Chaewon bago tumingin kay Wonyoung at Yuri. "Tawagan mo si unnie, umalis na kayo." naglakad na si Chaewon kasama si Yuqi.

"Tara na, kailangan na nating bilisan." hinila na ni Wonyoung si Yuri pabalik sa kwarto ni Nako. "Tawagan niyo si Eunbi-unnie, bilis." saad ni Wonyoung pagpasok nila sa kwarto ni Nako.

"Bakit? May nangyari ba?" tarantang tanong ni Chaeyeon.

"Yuqi kissed her."

"Hello.... oo sa dorm sana ni Nako.... hinalikan daw ni Yuqi si Yuri.... Yah!! Eunbi-unnie Y

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
i know this is too much to ask, but can you guys leave a comment or feedback about this story?

i really want to know if the plot was nice, good or it is fine 😭

Comments

You must be logged in to comment
hyemstar #1
I need english version of this 😭
Tailofkia_87
#2
Chapter 19: Nice update! Thank you ☺️
Tailofkia_87
#3
More updates please 😍
kimudamu21 #4
Chapter 11: I wonder why konti lang views nitong story mo, authornim. I like your story. Please update. Thank you.
kimudamu21 #5
Chapter 11: Update please.