Chapter 9

The Love Affairs
Please Subscribe to read the full chapter

Pagkatapos maligo nang sabay nila Yena at Yuri, bumaba muna sa kusina si Yena para kumuha nang makakain nilang dalawa.

"Yena?" napalingon si Yena sa tumawag sakaniya.

"Ma, alas dose na, saan kayo galing ni papa?" nakangiting saad ni Yena.

"Dumaan lang kami sa laboratory, bakit ka nandito? Wala ka bang pasok bukas?" tumabi yung papa ni Yena sakaniya.

"Nasaraduhan na kasi kami nang university, hindi na kami makapasok kaya dito nalang kami dumiretsyo." inayos na ni Yena yung pagkain na ininit niya sa microwave.

"Kami? Kasama mo ba sila Yujin?" tanong ng mama niya.

"Si Yuri, yung girlfriend ko." natawa yung papa ni Yena.

"Akala ko talaga nagbibiro ka lang na Yuri yung pangalan niya, baka naman ginagamit mo lang siya para makalimutan si Yuqi. Ayokong paglaruan mo lang siya, kung anu yung nangyari sa inyo ni Yuqi, sa inyo nang dalawa yun huwag mo na siyang idamay." pangangaral ng papa ni Yena.

"Hindi noh, tsaka pa, mahal ko 'to." dinala na ni Yena yung tray na may mga pagkain. "Maiwan ko na kayo, kakain lang kami." mabilis na naglakad si Yena paakyat sa kwarto niya dahil medyo mabigat yung dala niya.

"Kailangan mo nang tulong?" saad ni Yuri na nakahiga sa kama.

"Hindi ka nga makatayo nang maayos tapos tutulong ka pa sakin." nilapag ni Yena yung tray na dala niya sa kama. "Anu gusto mong inumin?" binuksan ni Yena yung ref na nasa kwarto niya.

"Tubig nalang siguro, nag-kape ako kanina." tumango lang si Yena at kumuha ng bottled water.

"Oo nga pala, nandiyan na sila mama. Baka sumilip yun dito, kahit mag-hi ka nalang ayos na yun." napanguso si Yuri bago tumango. "Anong gusto mong palabas?" binuksan ni Yena yung ps4 niya.

"Kahit anu nalang, basta hindi nakakatakot." nagsimula nang kumain si Yuri.

"The best of me?" tumingin si Yena kay Yuri.

"Hindi ko pa naman nabubuo yan, sige 'yan nalang." tumango lang si Yena at pinlay yung palabas.

"Yena?" sumilip yung mama ni Yena sa pintuan, hindi talaga sinara ni Yena yung pintuan para hindi na siya maistorbong tumayo kapag pumunta yung mga magulang niya. "Bakit hindi kayo sa baba kumain." pumasok na yung mama ni Yena at nakinuod din.

"Manunuod kasi kami ma, tsaka nahihiya pa si Yuri kaya dito nalang kami." tugon ni Yena.

"Hello po?" bahagyang nag-bow si Yuri.

"Jo Yuri?!!" nabitawan ni Yena yung remote na hawak niya dahil sa sigaw ng mama niya.

"Ma, anu ba?" tumayo si Yena at pinulot yung remote na nabitawan niya.

"Jo Yuri?" napatingin si Yuri kay Yena at sa mama nito.

"Opo." tumango pa si Yuri.

"Saan ka na nakatira ngayon, balita ko pinaalis ka na daw sa bahay niyo." umupo yung mama ni Yena sa tabi ni Yuri, bahagya namang umusog si Yuri dahil nahihiya siya.

"Hindi ko kinukwento sakanila yung tungkol dun, Yul." nakataas pa yung kanang kamay ni Yena.

"Alam ko yung tungkol dun dahil ako yung nag-opera sayo." hinawakan ng mama ni Yena yung kanang kamay ni Yuri. "Naaalala ko pa kung paano kang nag-makaawa sa daddy mo na huwag kang palagyan nito, kung ako lang naman ayokong ilagay sayo 'to pero pinilit talaga ako ng daddy mo." tumingin siya kay Yena. "Kaya huwag mong sasaktan 'to, kundi ipapalit kita sakaniya." natawa si Yena.

"Ma, anu bang sinasabi mo, syempre hindi ko sasaktan 'yan." tumabi si Yena kay Yuri. "Mahal na mahal ko 'to."

"Siguraduhin mo lang, sige maiiwan ko na kayo, feel at home Yuri." nakangiting saad ng mama ni Yena bago tuluyang lumabas nang kwarto ng anak niya.

"Pagpasensiyahan mo na si mama, ganun lang talaga yun." tumango lang si Yuri. "Ayos ka lang ba?"

"Naalala ko lang yung araw na sapilitan akong dinala ni dad para palagyan ng chip." inakbayan ni Yena si Yuri.

"Kumain ka nalang muna diyan, mamaya na tayo mag-usap." hinalikan ni Yena sa sintido si Yuri.


Nang matapos na yung palabas na pinapanuod nila, hindi na natigil si Yuri sa pag-iyak.

"Bakit si Dawson pa yung namatay?" napakamot si Yena sa pisngi niya.

"Wala naman na tayong magagawa, yun yung gusto ni Nicholas Sparks." natatawang saad ni Yena.

"Tapos, napunta sa anak ni Amanda yung puso niya?" napakamot nalang si Yena sa ulo niya. "Ayoko talaga sa mga libro ni Nicholas, halos lahat ata ng novel niya may namamatay sa huli."

"At least yung sa The Notebook sabay silang namatay." sinipa ni Yuri si Yena sa hita.

"Hindi sila sabay na namatay, basahin mo yung libro nakakaasar ka sarap mong bigwasan." natawa si Yena.

"Ampotek na yan, grabe ka naman sakin, 'di mo na ba ako mahal?"

"Ewan ko sayo, nakakainis ka kasi." hinila ni Yuri si Yena sa damit at niyakap ang huli.

"Dahil lang ba sa palabas at libro mag-aaway tayo?" ngumuso si Yena.

"Hindi ko naman sinasadya, nadala lang talaga ako sa sinabi mo." hinalikan ni Yuri sa labi si Yena.

"Sulitin mo na yung paghalik sakin ngayon, dahil paggising mo bukas hindi mo na ako pwedeng halikan basta basta." ngumiti si Yena bago bumangon para isarado at i-lock yung pintuan niya. "Mag-usap na tayo." humiga si Yena sa kama at niyakap si Yuri sa bewang.

"Anu ba kasing pag-uusapan natin?" humiga narin si Yuri at hinarap si Yena.

"Tungkol sa chip mo." ngumiti si Yena. "Alam mo ba kung paano ko nalaman yung tungkol diyan?" hinawakan ni Yena yung kanang kamay ni Yuri.

"Dahil kay Chaewon o kay Hyewon?" kumunot yung noo ni Yena.

"Bukod sa mga kaibigan mo, ako ata unang nakaalam nang tungkol diyan." ngumiti si Yena. "Ilang araw na yung lumipas nung ipaalam mo sa mga kaibigan mo yung tungkol sa chip mula nung ilagay 'yan sayo?"

"Isang linggo ata." tumango si Yena.

"May ikukwento ako sayo." ngumiti si Yena. "Nung festival freshman year mo, napanuod ko yung performance mo nun. Si Yujin, Chaewon at ako, magkakasama kami nung araw na yun na nanuod nang performance niyo kasi gustong panuorin ni Chaewon si Hitomi, supportive daw siya sabi niya kaya sinamahan namin siya ni Yujin." napabuntong hininga si Yena, iniisip niya parin hanggang ngayon kung paano ba niya sasabihin kay Yuri yung ginawa niya nung araw na yun.

"Matatawa ba ako sa kwento mo o matatakot?"

"Basta." lumunok si Yena. "Pagkatapo nung performance niyo, nawala si Hitomi dahil hinila na siya ni Chaewon papunta sa kung saan. Si Nako at Minjoo naman, kinausap si Chaeyeon na siyang stage director nung araw na yun. Ikaw saan ka nagpunta?" napa-isip si Yuri.

"Pumunta dapat ako sa restroom nun dahil sa sobrang hilo, pinilit ko lang kasing magper-form nun kahit na ilang araw palang yung lumilipas mula nung operahan ako para dito sa chip." tumango si Yena.

"Tapos may humila sayo papunta sa infirmary, kaya pala ganun ka ka-wild dahil kaka-implant palang sayo ng chip." natatawang saad ni Yena. "Buti nalang talaga, ako yung unang nagising sating dalawa. Grabe mas napagod ka pa kesa sakin, samantalang kamay at bibig ko yung kumilos?"

"Ikaw yung?" marahang napatango siya Yena.

"Nadala lang ako nung performance niyo, alam mo yun nakaitim kayong apat tapos kulay pula yung ilaw, sabi pa ni Chaewon single ka daw kaya ayun hinintay kita." napakamot si Yena sa pisngi niya. "Kakausapin lang naman talaga kita nun, kaso lang nahalikan kita kaya umepekto yung chip sayo, hindi kasi kita pwedeng iwan na hindi mo nalalabas yun, mamamatay ka."

"Sinasabi ba sayo nang mama mo yung tungkol sa chip?" umiling si Yena.

"Binabasa ko kasi yung mga research nila, hanggang sa nagkaroon na nga ng product at yun yung chip."

"Ibig sabihin sila yung nakadiskobre ng chip?" tumango si Yena. "Kaya ba ayaw mo sa mga taong may chip?"

"Hindi naman lahat nang may chip, depende siguro sa dahilan kung bakit sila nagpa-implant o kung paano nila gamitin yung chip, minsan kasi inaabuso at nang-aabuso yung mga taong may chip."

"Nung malaman mong may chip ako, nagalit ka ba sakin?" umiling si Yena. "Bakit ganun ka sakin nung unang linggo nang klase?"

"Anong gusto mo? Mahimatay ako sa kilig dahil katabi kita?, hindi nakaka-cool yun." natawa si Yena. "Tsaka gusto lang naman kitang asarin, hindi ko naman alam na ganun pala yung pinagdadaanan mo."

"Siguro masyado lang din akong naging feeling close, dati naman kasi nagkakasalubong lang tayo tapos kakaway kapag kasama natin pareho si Sakura. Akala pa nga ni Minjoo close na tayo, kasi kapag nagkakasalubong tayo kumakaway ka rin sakin."

"Kaya ba kapag may ipapasabi siya sakin, iuutos niya pa sayo?" tumango si Yuri. "Anu ba yan?, umaasa pa naman ako na sa tuwing may sasabihin ka sakin kusang loob mong ginagawa yun dahil gusto mo ako, yun pala dahil inutos lang sayo ni Minjoo." napahawak si Yena sa dibdib niya.

"Dahil nga dun sa kakautos ni Minjoo sakin na magsabi sayo, nahawa na ako sa mga babaeng nagkakagusto sayo." nakaismid na saad ni Yuri.

"Bakit parang ayaw mong magkagusto sakin?"

"Masyado ka kasing sikat, ayoko nang masyadong nakakaagaw ng atensyon. Kasi paano kapag naging tayo na, edi mabubully ako kasi yung heartthrob sa university girlfriend ko." napangiwi si Yena.

"Nasa drama ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Yena. "Tss, ikaw ahh. Hindi pa pala tayo, iniisip mo na yung pwedeng mangyari kapag sinagot na kita. Huwag ganun Yul, medyo bad yun, dapat sinasali mo ako para naman aware akong may nagkakagusto pala sakin." natawa si Yuri.

"Ako dapat yung sasagot sayo, kasi ako yung mas bata sating dalawa." tumango lang si Yena at pinagbigyan nalang si Yuri sa gusto niya.

"Oo nga pala, may masakit pa ba sayo?" umiling si Yuri. "Magba-bus ba tayo bukas o gamitin natin yung sasakyan ko?"

"Kung kaya ko naman nang maglakad, mag-bus nalang tayo." tumango si Yena.

Matagal na natahimik sila Yuri at Yena bago magsalita ulit si Yuri.

"Dahil official na tayo, may sasabihin sana ako sayo." nagdadalawang isip na tumango si Yena.

"Kung para naman sa relasyon nating dalawa, sabihin mo na." nakangiting saad ni Yena.

"Nung araw na sabihan mo akong walang kwenta, umakyat ako sa rooftop nun para sana magpakamatay, galing sa taong mahal ko yung salitang yun kaya sobrang sakir para sakin." napaiwas nang tingin si Yena kay Yuri. "Nandun si Hyewon nung araw na yun, pinigilan niya akong tumalon. Sa sobrang dami nang tumatakbo sa isip ko, naisip ko nalang na kung sino man yung humila sakin hahalikan ko siya para bago man lang ako mamatay maramdaman ko yung epekto nung chip sakin."

"Then you kissed her?" napabuntong hininga si Yuri. "Why did you do that?"

"Sorry, desperada na talaga ako."

"Hindi yung rason mo ying sinasabi ko, pero si Hyewon yung hinalikan mo. Hindi mo ba alam na meron siyang chip na opposite sa chip mo, anong nangyari sa inyo nun?" hinawakan ni Yena yung magkabilang pisngi ni Yuri.

"Nilagnat lang naman kaming dalawa."

"Hindi ba sinabi sayo ni mama yung mga hindi mo dapat gawin?"

"Sigurado akong nasabihan naman niya ako, pero dahil sa sobrang kakaiyak ko nun wala na akong naintindihan." napabuntong hininga si Yena.

"Tama nga ako, ang dami mong hindi alam tungkol sa chip na yan." hinalikan ni Yena si Yuri sa labi.

"Ayoko naman nga kasi talagang magpalagay nito." ngumuso si Yuri. "Iniisip kasi nila dad kung magkakaroon ako ng chip, magagamit ko yun para madali akong makahanap nang taong aangkin sakin. Edi hindi na nila ako kailangan pang intindihin."

"Grabe naman yung aangkin, pero sige aangkinin na kita. Hindi dahil sa chip mo, kundi dahil mahal kita." pinunasan ni Yena yung luha ni Yuri.

"Thank you for staying with me."

"Of course I will stay, you're my home where I dwell." ngumiti si Yena. "Let's get married."

"After you graduate." piningot ni Yuri si Yena. "May kasalanan ka pa pala sakin, sinabi ko diba huwag ka nang liliban sa klase mo?"

"Aray naman Yul, masakit." hinawakan ni Yena yung kamay ni Yuri na nakapingot sa tenga niya.

"Paano ka ga-gradute niyan, puro ka kalokohan."

"Last na yun, promise." tinatanggal parin ni Yena yung pagkakapingot ni Yuri sakaniya.

"Kapag inulit mo pa yun, ako na magpaparusa sayo." binitawa na ni Yuri yung tenga ni Yena. "Kung hindi lang kita mahal, sasabihin ko na kahapon na girlfriend kita at hindi kaibigan para doble yung punishment mo." hinalikan ni Yuri yung namumulang tenga ni Yena. "Matulog ka na, pagod na pagod na yung mata mo."

"Paano ka?"

"Makakatulog din ako mamaya, goodnight." hinalikan ni Yuri sa labi si Yena bago yakapin ang huli. "Gusto mong kantahan kita?"

"Tinatanong pa ba yan? Kung ako lang hindi kita papatigilin kumanta."

"Oo o hindi lang, ang dami mo pang sinasabi." hinagod ni Yuri yung likod ni Yena bago magsimulang kumanta.

Nang makatulog na nang mahimbing si Yena, hinanap ni Yuri yung bag niya pero kailangan niya pang tumayo para makuha yun, kaya yung cellphone nalang ni Yena yung kinuha niya.

Kinuhaan niya nang picture yung sarili niya tapos kasama si Yena. Ila-log out niya na sana yung account ni Yena sa Sistargram nang maisip niyang huwag nalang at doon na sa account ni Yena i-post yung picture nila na kinuhaan niya.



ducky_choi99
             she gave me some coffee to make me sober from getting drunk, how can I sleep right now? 😒 - @hamster_jo


comments:
ahn_yujpup: wow, ang text lang niya nakita ka na niya

ahn_yujpup: hindi naman niya pinaalam na matutulog na kayo

jang_hye: alam kong may kasalanan ako, pero sana sinabi niyong hindi pala dito kela @ahn_yupup yung diretsyo niyo

minty_won: naol may katabing matulog @kimttomi uwi ka na

nakonako_ni: @minty_won naol piniflex yung girlfriend

minty_won: be a proud kabet mahal ko @nakonako_ni

minjoo_kim: ngayon ko lang na-figure out, kaya pala @kimttomi yung pangalan ni hii girlfriend pala kasi siya ni chaewon

minjoo_kim: suggest naman kayo sakin gays, ang simple ng pangalan ko 😭

ducky_choi99: try mo palakang_minj

nakonako_ni: kim_minjkokak 😂

jang_hye: minjoo_kokaks

minty_won: kim_minjoo baliktarin mo nalang para maiba 😂

ahn_yujpup: kim_minguri ❤

jang_hye: bakit may pag-puso?

kang_wony: bakit may pag-puso? (1)

nakonako_ni: bakit may pag-puso? (2)

kkura_lee: bakit may pag-puso? (3)

_mrsmiyawaki: bakit may pag-puso? (4)

celeb_eun: bakit may pag-puso? (5)

minty_won: bakit may pag-puso? (6)

sian_strong: bakit may pag-puso? (7)

girin_jin: bakit may pag-puso? (8) from japan

ducky_choi99: ginawa niyong pugad yung comment section ng post ko, gawa nga kayo sarili niyong post 🙄

girin_jin: @ducky_choi99 paano ba? wala akong kasama mag-picture

sian_strong: @girin_jin balik ka dito tapos ayain mong magpasakal

celeb_eun: @sian_strong magpasakal pa nga

sian_strong: @celeb_eun mapakasal kasi yun

ducky_choi99: magpo-post ako ulit, tapos dun kayo magkalat

kimttomi: @minty_won dm mo ako babe, may sabihin ako sayo

yoursong_yuqi: congrats @ducky_choi99 and @hamster_jo love lots 😍💕

minty_won: love lots kaya pala hinalikan mo si Yul? 😭

kimttomi: @minty_won dm me now, or I'll block you?



Napatingin si Yuri kay Yena nang yumakap ang huli sakaniya.

"Yul, I love you." bahagyang natawa si Yuri nang ngumuso si Yena.

"Hmm, I love you." hinalikan ni Yuri sa labi si Yena.

Pagtingin ni Yuri sa cellphone ni Yena may bagong notification nanaman sa account ni Yena kaya pinindot niya yun, akala ni Yuri may bagong comment sa post niya pero update lang pala dahil nag-post si Chaewon sa account niya. Si Hitomi yung nasa picture na pinost ni Chaewon, naka-hoodie na kulay gray siya habang may straw na nasa bibig niya, tapos naka-kindat pa siya.



minty_won
           here we go, my little bread is on her way into the unknown. keep safe babe, i love you 😚 @kimttomi

comments:
minty_won: try to use this comm sec for your tyness, you'll going to have a private meeting with satan 😈

nakonako_ni: we miss you hii @kimttomi

kang_wony: miss you girly, did you change your hair color? @kimttomi

kimttomi: @kang_wony nah, maybe because of the lights

ducky_choi99: hii i miss you, @minty_won you're lucky to have her, but unlucky because it's not me 🤑

kimttomi: @ducky_choi99 can you use your own account yul?

minty_won: just don't mind her babe @kimttomi she's still enjoying flexing their relationship

kim_minguri: @kimttomi comeback when?



"Yul? Matulog ka na." napanguso si Yuri nang hawakan ni Yena yung cellphone niya. "Matulog na tayo." yumakap na si Yuri kay Yena.

"Goodnight."

"Goodnight."


*Hindi ko pa nasasagot yung comment ni Yuqi sa picture namin ni Yena, anu ba yan?*


--------------------------------


[KINABUKASAN]


Mag-isa lang si Chaewon na naglilinis sa field, si Hyewon kasi excuse dahil may math quiz competition sa ibang university, habang si Yena hindi niya alam kung papasok ba nang maaga dahil sa bahay pa nila siya mangga-galing.

"Solo flight, lagi nalang." nilaksan ni Chaewon yung pagkakatusok niya sa mga damo at basurang nakakalat. "Pag si Hitomi talaga nakabalik na, who you kayong lahat sakin." napabuntong hininga nalang si Chaewon nang tumunog na yung bell para sa oras ng unang klase.

Tinapon na muna ni Chaewon yung mga naipon niyang basura bago siya pumunta sa klase niya.

"Kim Chaewon-ssi, good morning." nag-bow si Chaewon.

"Professor Yeon, good morning." naglakad na si Chaewon papunta sa pwesto niya. "Konti nalang makakatabi ko narin si Hitomi." bulong niya bago ilagay yung bag niya sa upuan na katabi niya.

Habang nagtuturo yung prof nila Chaewon sa unahan, may kumatok sa pintuan nang classroom nila.

"Good morning, Dean." bati nang prof nila sa taong kumatok.

"Yung estudyanteng sinasabi ko sayo, papasok na within this week, just make sure she will attend your class when she came."

"Yes po, Dean." nag-bow na yung prof nila bago bumalik sa pagka-klase.

Kinuha ni Chaewon yung cellphone niya at tinignan kung may nag-text ba sakaniya.

From: mom
go to my office later after your classes

Napabuntong hininga nalang si Chaewon bago ibalik sa bulsa yung cellphone niya.


Pagkatapos nang unang klase ni Chaewon, pumunta na muna siya sa library para humiram ng libro.

"Siya yung girlfriend ni Hitomi, diba?" napanguso nalang si Chaewon nang marinig niya yun.

*Kakapasok ko lang, pinag-uusapan na kagad ako?🤔*

"You think she knows?"
"Knows what?"
"That Hitomi is already enrolled."
"The real girlfriend is back."
"What do you mean, real? Is there a fake one?"
"Hitomi is the real one, then Minjoo is the fake one."
"After Yujin, Ryujin then now Chaewon?"

"Never compare my girlfriend to my friend." inakbayan ni Chaewon yung isa sa dalawang babaeng nag-uusap kanina. "Or you want to suffer?" hinawakan ni Chaewon yung kanang kamay nung babae.

"Chaewon-ssi?" umayos nang tayo si Chaewon at binitawan yung kamay nung babae.

"Talk about my girlfriend behind her back, I'll stab you." bulong ni Chaewon bago pumunta sa section kung nasaan yung librong kailangan niya.

"Threatening people is not the right way to do." saad ng librarian nang makalapit na si Chaewon sakaniya dala yung librong hihiramin niya.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
i know this is too much to ask, but can you guys leave a comment or feedback about this story?

i really want to know if the plot was nice, good or it is fine 😭

Comments

You must be logged in to comment
hyemstar #1
I need english version of this 😭
Tailofkia_87
#2
Chapter 19: Nice update! Thank you ☺️
Tailofkia_87
#3
More updates please 😍
kimudamu21 #4
Chapter 11: I wonder why konti lang views nitong story mo, authornim. I like your story. Please update. Thank you.
kimudamu21 #5
Chapter 11: Update please.