Chapter 11

The Love Affairs
Please Subscribe to read the full chapter

[A WEEK LATER]


"Hindi parin ba bumabalik si Hyewon?" tanong ni Minjoo kay Yuri.

"Hindi pa, nagkaroon ba nang problema nung lumabas kayo?" umiling si Minjoo.

"Pero paano kung nakita kami ni Wonyoung, tapos nag-away sila pag-akyat ko sa dorm?" napakamot si Minjoo sa ulo niya. "Ilang araw ko nang sinusubukan na kausapin si Wonyoung, pero lagi lang siyang umiiwas sakin." humiga si Minjoo sa kama ni Yuri.

"Gusto mong magtanong ako kay Yena?" ngumuso si Minjoo.

"Huwag na, nakakahiya, tsaka baka maistorbo lang siya." natawa si Yuri sa sinabi ni Minjoo.

"Papunta ako dun ngayon sa dorm niya, anu bang sinasabi mo?" kinuha na ni Yuri yung mga libro niya. "Kapag lumabas ka na, lock mo nalang yung pinto." tumango lang si Minjoo. "Wala ka bang balak mag-review?"

"First day of school palang nagre-review na ako, kailangan ko pa bang mag-review?" napa-irap si Yuri.

"Kahit last year ka pa nag-simulang mag-review, kung babagsak ka, babagsak ka talaga. Exam week na next week, sana naman pumasa ka." nakaismid na saad ni Yuri bago lumabas nang dorm niya.

"Dapat talaga hindi na ako sumama kay Hyewon last week." bumangon si Minjoo tsaka pumunta sa harap nang kabilang kwarto. "Sisilip lang naman ako." hinawakan ni Minjoo yung doorknob nang pintuan ni Hyewon at marahan 'yong pinihit.

"Hye?!" mabilis na pumunta sa pintuan si Wonyoung. "Akala ko si Hyewon." nakangusong saad ni Wonyoung bago bumalik sa paglilinis.

"May nangyari ba sa inyong dalawa?" alangang tanong ni Minjoo.

"Anong klaseng nangyari ba yung tinatanong mo?" natatawang saad ni Wonyoung habang tuloy parin sa paglilinis.

"Nag-away ba kayo?" napahinto si Wonyoung sa ginagawa niya tsaka marahang napaupo sa mismong kinatatayuan niya.

"She broke up with me." napatakip si Wonyoung sa mukha niya tsaka humagulgol, agad na lumapit si Minjoo kay Wonyoung.

"Dahil ba sakin?" umiling si Wonyoung. "Sorry kung lumabas kami last week, ayoko naman talagang sumama pero-"

"No, hindi dahil dun kaya naghiwalay kami. Nung araw na yun kasi kinausap ako ni dad kaya hindi ako nakapasok, sinabi niya sakin na hiwalayan ko na si Hyewon kasi niloloko nalang naman niya ako. Alam niya yung mga ginagawa ni Hyewon, kaya kinausap ko kagad si Hyewon para tumigil na siya sa mga kalokohan niya. Akala ko maayos namin, pero nakipag-hiwalay siya sakin." niyakap ni Minjoo si Wonyoung.

"Bakit hindi mo sinabi samin kagad, edi sana nadamayan ka namin." napatingin silang dalawa sa pintuan nang malakas na bumukas yun.

"Minjoo?!" hindi na nagawa pang tumayo ni Minjoo nang sampalin siya ni Hitomi.

Agad na napatayo si Wonyoung dahil sa gulat.

"Unnie? Wae?" humarang si Wonyoung sa gitna nang dalawang nakakatanda niyang kaibigan. "Bakit mo sinampal si Minjoo-unnie?"

"Alam ko, alam ko na wala kang ideya na ako yung girlfriend ni Chaewon! Pero ang sakit lang, ang sakit sakit na pati ikaw na kaibigan ko, pati sa inyo may nangyari!!" halos kapusin na si Hitomi sa pagsasalita dahil sa pag-iyak.

Lumuhod si Minjoo sa harap ni Hitomi.

"Sorry, I'm really sorry."

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" huminga nang malalim si Hitomi.

"Babe? Babe, listen to me. Magpapaliwanag ako sayo." humahangos na saad ni Chaewon habang nakahawak sa braso ni Hitomi. "Hey, babe? Walang kasalanan si Minjoo, babe?"

"Bitawan mo ako." hinarap ni Hitomi si Chaewon. "Sabi nang bitawan mo ako!!" napabuntong hininga nalang si Chaewon bago marahang binitawan si Hitomi. "Chaewon alam mong kaibigan ko siya, pero bakit?!" sinampal ni Hitomi si Chaewon sa pisngi, na hanggang ngayon namumula parin dahil sa pagkakasampal niya kanina bago niya puntahan si Minjoo. "Bakit si Minjoo?!!"

"Babe, I'm sorry. Wala naman akong planong may mangyari samin, gusto ko lang talagang damayan siya sa problema niya, pero-" sinampal ulit ni Hitomi si Chaewon.

"Pero anu? Hinalikan ka niya?!" hinila ni Hitomi yung kanang braso ni Chaewon at inangat yung manggas ng hoodie niya. "Dahil sa chip na 'to!" pinakita ni Hitomi yung palapulsuhan ni Chaewon kay Minjoo. "May chip siya, alam mo ba yun?!!" tumango si Minjoo.

"Nalaman ko yun nung tinanong ko siya kung paanong may nangyari sa'ming dalawa." umiiyak na saad ni Minjoo.

"Ang sakit." halos pabatong binitawan ni Hitomi yung braso ni Chaewon bago siya naglakad paalis.

"Chaewon? Sorry, she asked me." habol hiningang saad ni Hyewon na kakarating lang sa dorm niya. "She asked me to tell her everything." natawa si Chaewon.

"Kaya yung pati kay Minjoo, sinabi mo?!"

"Naaawa lang ako sakaniya, kas-"

"Kasi anu? Na niloko ko siya?! Hyewon nagloloko ka rin naman kay Wonyoung, pinakielaman ko ba yung relasyon niyo?! Sasabihin ko naman sakaniya yun, pero bakit pinangunahan mo?!" tumingin si Chaewon kay Wonyoung bago ibalik yung atensyon niya kay Hyewon. "Kung hindi kayo naging masaya ni Wonyoung sa relasyon niyong natapos na, sana naman hindi mo na dinamay yung relasyon namin ni Hitomi."

"Ibahin mo yung sitwasyon naming dalawa." walang emosyon na saad ni Hyewon.

"Pwes, ibahin mo rin yung relasyon namin ni Hitomi sa relasyon niyo. Kung si Wonyoung kayang balewalain yung mga katarantaduhan mo, ibahin mo si Hitomi."

"I told you, she asked me."

"Yes she do, pero kaibigan mo ako, KAIBIGAN mo ako." bahagyang tinulak ni Chaewon sa balikat si Hyewon bago tumakbo paalis para habulin si Hitomi.

Tanaw pa ni Chaewon si Hitomi kaya mas binilisan niya pa yung pagtakbo.

"Hitomi, anu ba! Gabi na sumakay ka na sa sasakyan!!" napahinto sa pagtakbo si Chaewon nang pumara si nang taxi. "Aish!!" tumakbo nalang papunta sa parking lot si Chaewon at agad na sumakay sa sasakyan niya.

Pagdating ni Chaewon sa bahay nila ni Hitomi agad siyang tumakbo papunta sa kwarto nila.

"Babe anu ba? Ibalik mo nga sa cabinet yung mga gamit mo, hindi mo naman kailangang umalis." kinukuha ni Chaewon yung mga damit ni Hitomi na nasa maleta na.

"Aalis na ako, kung si Minjoo maiintindihan ko pa kasi alam kong hindi niya alam na ako yung girlfriend mo. Pero ikaw, Chaewon mag-aapat na taon na tayo pero anu?" napahinto si Chaewon sa ginagawa niya at napayuko. "Chaewon naman!! Tapos mag-aaya kang magpakasal, samantalang hindi mo sinasabi sakin na may nangyari sa inyo?" natawa si Hitomi.

"Babe sasabihin ko naman sayo, humahanap lang ako ng tyempo."

"Gusto mo ba si Minjoo?" tumingin si Chaewon kay Hitomi. "Sumagot ka!!"

"Hindi." halos pabulong na saad ni Chaewon.

"Hindi? Talaga?" pumunta si Hitomi sa harap nang bedside table nila, binuksan niya yung drawer at kinuha yung maliit na envelope. "Hindi? Pwes anu 'to?!" kinuha niya yung laman nang envelope at hinagis sa mukha ni Chaewon. "Trip mo lang na kuhaan siya nang picture? Grabe yung trip mo, nakakabadtrip!!" sinubukang hawakan ni Chaewon sa braso si Hitomi pero umiwas ang huli.

"Babe, hayaan mo muna kaya akong magpaliwanag." umiling si Hitomi.

"Kuhain mo yung sketch pad mo." napabuntong hininga si Chaewon bago kuhain yung sketch pad niya sa loob nang bag niya. "Sa sketch pad talaga na binigay ko sayo?" pinakita ni Hitomi kay Chaewon yung mga nakadrawing dun. "Puro mukha niya? Pero wala kang gusto sakaniya?! Chaewon hindi ako pinanganak kahapon, alam ko kapag gusto mo yung isang tao kasi ganun ka rin sakin datin!! You took pictures of me and give me my portrait everyday."

"Babe, may paliwanag ako tungkol sa mga yan. Hindi mo kailangang magalit, kasi hindi ko siya gusto." lumapit si Chaewon kay Hitomi. "Calm down, please?" hinawakan ni Chaewon sa braso si Hitomi.

"Hayaan mo nalang akong umalis, ayoko nang makinig sa mga paliwanag mo." umiling si Chaewon at nag-aalalang kumuha ng tissue.

"Babe ayos ka lang ba?" yung mga luhang kanina pa gustong kumawala mula sa mga mata ni Chaewon, hindi na niya napigilan pang tumulo dahil sa takot. "Babe, sumagot ka." pinunasan ni Chaewon yung ilong ni Hitomi.

"Ayos lang ako." umiling si Chaewon.

"Hindi, dadalhin na kita sa hospital." agad na binuhat ni Chaewon si Hitomi at patakbong bumaba nang hagdanan. "Huwag kang matutulog, babe!" saad ni Chaewon bago isakay si Hitomi sa sasakyan.

Habang papunta sila sa hospital halos manlabo na yung mga mata ni Chaewon dahil sa mga luha niya.

"Babe sandali nalang, malapit na." hinawakan ni Chaewon yung kamay ni Hitomi. "Babe please, huwag mo akong iiwan." hinalikan ni Chaewon yung kamay ni Hitomi.

Pagkarating nilang dalawa sa hospital agad na dinala si Hitomi sa emergency room. Kinuha ni Chaewon yung cellphone niya para tawagan si Eunbi.

"Unnie?"
: Napatawag ka?
"Unnie si Hii-chan." pinunasan ni Chaewon yung mukha niyang basang-basa na nang luha.
: Anong nangyari, nasaan kayo ngayon?
"Nasa hospital kami ngayon, unnie. Bigla nalang kasing dumugo yung ilong niya habang nagtatalo kami, unnie paano kung may sakit si Hitomi? Unnie?"
: Papunta na ako diyan, tawagan mo si mom.

Hindi na nakasagot si Chaewon nang babaan na siya nang tawag ni Eunbi, sunod naman niyang tinawagan yung mom niya.

"Mom?"
: Bakit may nangyari ba?
"Mom dinala ko si Hitomi sa hospital."
: Anu?!! Bakit anong nangyari?!"
"Mom-"
: Papunta na ako.

Napatabuntong hininga nalang si Chaewon bago punasan yung mga luha niya.

---------

Mag-iisang oras na mula nang ipasok sa emergency room si Hitomi, pero hindi parin pinupuntahan ng doktor si Chaewon para kusapin tungkol sa lagay ni Hitomi.

"Nasaan na si Hitomi?" napatingala si Chaewon kay Eunbi.

"Nasa emergency room, hindi parin lumalabas yung doktor." tugon ni Chaewon.

"Nakasalubong ko si mom sa entrance, may kakausapin lang daw siya." saad ni Eunbi, napatango nalang si Chaewon at muling tumingin sa pintuan nang emergency room.

"Chaewon?!" agad na napatayo si Chaewon at humarap sa mom niya, napaatras nalang si Chaewon nang sampalin siya nang mom niya. "Sinabi ko na sayo diba? Hindi siya pwedeng mapagod nang sobra, bakit ba hindi ka marunong makinig?" napayuko nalang si Chaewon nang makita niyang umiyak yung mom niya.

"I'm sorry, may nangyari lang po kasi kanina." pabulong na saad ni Chaewon.

"Honda Hitomi's guardian?" napatingin silang tatlo sa doktor na nagsalita. "Pwede nang ilipat yung pasyente sa kwarto niya, sino bang pwede kong makausap sa inyo?"

"Eunbi sumama ka sakin, Chaewon samahan mo si Hitomi sa kwarto niya." napatango nalang si Chaewon.


Pagkarating nila Chaewon sa magiging kwarto ni Hitomi, agad na nilapitan ni Chaewon yung kama ni Hitomi.

"Kamusta na yung pakiramdam mo?" hinawakan ni Chaewon yung kamay ni Hitomi.

"Mas magiging maayos siguro kung hindi kita nakita." saad ni Hitomi na hindi man lang tumitingin kay Chaewon, napabuntong hininga nalang si Chaewon. "Umuwi ka na, ilagay mo nalang sa maleta yung mga gamit ko, aalis na ako sa bahay mo."

"Babe naman, hindi ka aalis sa bahay natin."

"Edi ikaw nalang yung umalis, basta ayokong makita at makasama ka." mas hinigpitan ni Chaewon yung pagkakahawak niya sa kamay ni Hitomi. "Anu ba, masakit."

"Babe, hindi ka aalis at hindi rin ako aalis, walang aalis sa'ting dalawa." hinalikan ni Chaewon yung kamay ni Hitomi. "Pwede na ba akong magpaliwanag?" napabuntong hininga lang si Hitomi.

"Hindi talaga ako interesado sa mga sasabihin mo."

"Hindi ko itatanggi na may nangyari samin ni Minjoo, totoo yun, kahit sila mom at unnie alam yun. Pero yung may gusto ako kay Minjoo, yun hindi totoo." ngumuso si Chaewon. "Kaya lang naman ako nag-iipon ng mga picture niya kasi ibibigay ko yun kay Yujin, nangako ako sakaniya na tutulungan ko siya kay Minjoo." natawa si Hitomi.

"Bakit naman ako maniniwala sayo?"

"Kasi nagsasabi ako nang totoo." tumingin si Hitomi kay Chaewon.

"May nangyari ba sa inyo, dahil sa chip?" napabuntong hininga si Chaewon.

"Hindi ko rin maalala, hindi ko nga maalala kung paano ba kami umabot sa ganun." hinilot ni Chaewon yung noo niya. "How's your feeling right now?

"Tired, very tired."

"Want to break up with me?" kumunot yung noo ni Hitomi.

"The heck, nag-away lang tayo hiwalay kaga?! Ayusin mo muna yung problemang ginawa mo, suntukin kaya kita diyan." natawa si Chaewon.

"Ipangako mo munang hindi ka na aalis sa bahay natin."

"So kapag umalis ako, hindi mo aayusin yung problema natin?" tumango si Chaewon. "Edi maghiwalay na nga lang tayo, tutal yun naman ata yung gusto mo."

"Anu ba yung aayusin ko?" inirapan ni Hitomi si Chaewon.

"Yung ulo mo, ayusin mo may sira ata."

"Hitomi, bakit mo tinigil yung pag-inom nang gamot mo?" napatingin sila Chaewon at Hitomi sa pintuan. "Hindi ka rin pumunta nung linggo dito, sinabihan na kita na weekly dapat pumunta ka dito sa hospital."

"Mom?" nagtatakang tawag ni Chaewon sa mom niya.

"Mamaya na tayo mag-usap Chaewon." lumapit yung mom ni Chaewon kay Hitomi. "Sabi ng doktor na tumingin sayo, magdadalawang linggo ka nang hindi umiinom ng gamot. Maintenance yung gamot mo, hindi mo pwedeng itigil yun basta basta."

"Naubusan na po kasi ako ng gamot." bulong ni Hitomi.

"Oo nga pala, nakalimutan kong ipadala yung mga gamot mo." hinawakan ng mom ni Chaewon yung ulo ni Hitomi. "Sabi ko sayo, huwag ka nang mahihiya sakin diba. Kung may kailangan ka, sabihan mo lang ako." natawa si Chaewon na nakatitig lang sakanilang dalawa.

"Anong nangyayari? Meron ba akong hindi alam?" napabuntong hininga si Chaewon. "Nung kailan lang halos ipagpilitan mo na sakin na hiwalayan ko siya, tapos ngayon parang sa aming dalawa siya yung totoong anak mo."

"Sabi ko diba, mamaya na tayo mag-usap?" umiling si Chaewon.

"Kausapin niyo akong dalawa nang sabay. Anu 'to? Habang pinaglalaban ko siya, ayos naman pala yung relasyon niyong dalawa? Akala ko gusto mo lang akong i-check, kaya tinatawagan mo si Hitomi halos araw araw, tapos wala akong kaalam alam na maayos na pala yung relasyon niyo sa isa't isa?"

"Bakit ayaw mo bang maging maayos yung relasyon namin ng girlfriend mo?"

"Pero mom sana sinabi niyo sakin." tumingin si Chaewon kay Hitomi. "You're keeping secrets from me now?"

"Hitomi, kakausapin ko lang si Chaewon, maiwan ka na muna namin." ngumiti lang si Hitomi tsaka tumango. "Sumunod ka sakin." nauna nang lumabas yung mom ni Chaewon.

"Pagbalik ko, tayo naman yung mag-uusap." hinalikan ni Chaewon sa noo si Hitomi bago sumunod sa mom niya.

Nasa rooftop na silang mag-ina nang humito silang pareho sa paglalakad.

"She's sick." humarap yung mom ni Chaewon sakaniya. "Acute promyelocytic leukaemia."

"Leukaemia?" wala sa sariling tanong ni Chaewon.

"But it's curable." natawa si Chaewon.

"Curable man o hindi, mom leukaemia yun!" napatingala si Chaewon at bumuntong hininga. "You know but you doesn't even care to tell me?"

"Because she ask me, she said that she'll be the one who need to discuss about this with you." tumango si Chaewon.

"Then why are you telling me this right now?"

"I know she can't tell you about this, and because of what happened earlier, you have to know about this." pinunasan ni Chaewon yung luha niya.

"Is she dying?"

"No." tumango si Chaewon. "Pero hindi mawawala yung mismong source ng leukaemia, she's taking some vitamins to make her cancer cell to be matured enenough, but that doesn't mean the cancer will cured with that medicines."

"Akala ko ba curable?"

"Yes it is, but she have to undergo chemotherapy and transfusion of platelets to cure the source of leukaemia." yumuko si Chaewon.

"How long may that chemotherapy will takes?"

"Two to three months." tumango si Chaewon.

"Kakausapin ko lang si Hitomi, pati yung parents niya tungkol sa pagpapagamot niya."

"If you need some help with anything, just tell me."

"Thank you." nag-bow na si Chaewon sa mom niya bago tumakbo pabalik sa kwarto ni Hitomi habang sunod sunod yung pagtulo nang mga luha niya.

----------

Sampong minuto nang nakatayo si Chaewon sa harap nang pintuan ng kwarto ni Hitomi.

"Kakausapin mo lang naman siya, kumalma ka." huminga nang malalim si Chaewon bago kumatok sa pintuang nasa harapan niya tsaka yun binuksan. "Unnie?" tawag ni Chaewon kay Eunbi.

"Natawagan ko na yung iba, baka si Yujin lang yung makapunta ngayon dahil hindi na makakalabas yung iba pa na tumutuloy sa dorm nila." tumango si Chaewon.

"Salamat." sinarado ni Chaewon yung pintuan bago lumapit kay Hitomi. "Feeling alright?"

"A bit." tumago si Chaewon bago hawakan yung kamay ni Hitomi.

"Maiiwan ko na kayo, baka bumalik nalang ako bukas pagkatapos nang klase ko." paalam ni Eunbi bago tumayo. "Palakas ka Hii." niyakap niya si Hitomi bago lumabas nang kwarto nito.

"Babe? I think we need to discuss this with your parents." ngumiti si Chaewon. "I know, there's a reason why you keep your illness from us, but they have to know."

"I can't."

"Babe I don't want to decide for this alone, we need to ask them." pinunasan ni Chaewon yung luha niya. "Babe, please?"

"What if they ask me to come home?"

"Then I'm coming with you." bumuntong hininga si Hitomi.

"Hand me your phone." agad na kinuha ni Chaewon yung cellphone niya at inabot kay Hitomi. "Mom?" bulong ni Hitomi na agad na nagpaluha sakaniya.

"Hitomi? Isn't it too late for you to call me?" natatawang saad ng mom ni Hitomi sa kabilang linya.

"Mom, I have something to tell you." tumingin si Hitomi kay Chaewon.

"That might be really important, what's that honey?"

"Want me to talk to her?" tumango lang si Hitomi sa tanong ni Chaewon dahil hindi na niya kaya pang magsalita. "Hello? Mom?"

"Oh, Chaewon? What's happening, is there something wrong?"

"Ah, yes." hinigpitan ni Chaewon yung pagkakahawak niya sa kamay ni Hitomi. "We're at the hospital right now, and we found out something."

"At the hospital? Why, what happened?"

"We found out that she's suffering with acute promyelocytic leukaemia." napayuko nalang si Chaewon nang marinig niya yung pag-iyak ng mom ni Hitomi.

"I can't imagine she's also going to suffer with this, we're coming later."

"If you need something, just tell me I could help you to be here immediately."

"Just stay with my daughter, never leave her alone." tumango si Chaewon.

"Sure, mom." napatingin nalang si Chaewon sa cellphone niya nang matapos na yung tawag.

"Anong sabi niya?"

"Pupunta narin sila kagad dito, don't worry, I think your mom already have an idea where did you get your illness." umupo si Chaewon sa upuan na nasa gilid ng kama ni Hitomi. "Gusto mo bang kumain muna?" umiling si Hitomi.

"Wala akong gana."

"Magpapabili nalang siguro ako kay Yujin nang pwede nating makain." agad na tinext ni Chaewon si Yujin. "Magpahinga ka nalang muna, dito lang ako."

"Sorry." natawa si Chaewon.

"For what?"

"Keeping my illness from you? And giving you another difficulty." umiling si Chaewon.

"You don't have to say sorry, and another difficulty?, this wasn't even difficult for me, nothing's difficult for Kim Chaewon." ngumiti si Hitomi.

"A shelter for me to live, helping me with my tuition fees and giving me a luxurious things, that wasn't difficulties for you?"

"That luxurious things was also given to me, since it was not my type I gave it to you, yeah that wasn't a difficulty for me." natawa si Chaewon nang kumunot yung noo ni Hitomi. "Alright, it was difficult for me to adjust since I'm going to live with you, that was difficult for me because I have to budget our combined money so we could both go to school and to be feed three times a day, but that was fun. I actually having fun, we looks like a husband and wife, living in the same roof and looking forward to our future together."

"I'm the husband?"

"Of course not, I'm the man in the house." kunot noong saad ni Chaewon.

"I don't even know how to cook properly." natawa si Chaewon.

"I know you could burn our house down, so as a responsible and disciplined husband, I took responsibility for cooking." inayos ni Chaewon yung kumot ni Hitomi. "Sorry for what I did, I shouldn't even go to her dorm that day."

"Okay."

"Okay? That's it?" tumango si Hitomi.

"Not because I'm talking to you right now, that means we're already fine. You should perform with Hyewon and Wonyoung for the festival next month, then we're good." ngumuso si Chaewon. "Okay, seems like you really want to broke up with me." hinila ni Hitomi hanggang sa dibdib niya yung kumot at pumikit na.

"Babe?" bahagyang pinindot pindot ni Chaewon yung pisngi ni Hitomi. "I'm going to perform with them, can I sleep for a while?" nanatili lang na nakapikit si Hitomi.

"Edi matulog ka."

"How?" kunot noong dumilat si Hitomi.

"Pumikit ka malamang." ngumuso si Chaewon.

"Gusto kong matulog sa loob nang damit mo." natawa si Hitomi.

"Bukod sa nasa hospital tayo, ayoko." lalong natawa si Hitomi sa itsura ni Chaewon. "Hihintayin mo pa si Yujin diba, bakit ka matutulog?"

"Saglit lang naman, sige na?" umiling si Hitomi.

"Hindi pa tayo okay, diba? Manahimik ka diyan, huwag mo akong inisin." napabuntong hininga nalang si Chaewon bago yakapin yung braso ni Hitomi.

"Unnie?!" napatayo si Chaewon dahil sa gulat.

"Yujin anu ba?" hinawakan ni Chaewon yung dibdib niya.

"Kanina pa kita tinatawagan, buti nalang nakasalubong ko si auntie sa baba." nilapag ni Yujin yung mga dala niyang plastic sa lamesa na nasa isang sulok nang kwarto. "Anu nga palang nangyari, bakit dinala mo si Hitomi-unnie dito?" umupo si Yujin sa couch.

"Mahabang istorya." nakaismid na saad ni Chaewon.

"Nakatulog ako sa klase kanina unnie, kaya hindi pa ako inaantok." mapang-asar na ngumiti si Yujin.

"Mamaya ko nalang ikukwento sayo, kakain lang ako." tumayo na si Chaewon at inayos yung mga pagkain na dala ni Yujin. "Ikaw babe

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
i know this is too much to ask, but can you guys leave a comment or feedback about this story?

i really want to know if the plot was nice, good or it is fine 😭

Comments

You must be logged in to comment
hyemstar #1
I need english version of this 😭
Tailofkia_87
#2
Chapter 19: Nice update! Thank you ☺️
Tailofkia_87
#3
More updates please 😍
kimudamu21 #4
Chapter 11: I wonder why konti lang views nitong story mo, authornim. I like your story. Please update. Thank you.
kimudamu21 #5
Chapter 11: Update please.