Chapter 5

The Love Affairs
Please Subscribe to read the full chapter

Nang magising si Yena, mahimbing parin ang pagtulog ni Yuri.

"Yuri, babalik na ako sa dorm ko." umiling si Yuri at yumakap kay Yena.

"Mamaya na, inaantok pa ako." napabuntong hininga si Yena.

"May klase pa tayo." tinignan ni Yena kung anong oras na. "Yuri, 7am na."

"Kaya mo namang mag-ayos nang limang minuto, konting oras pa." siniksik ni Yuri yung mukha niya sa leeg ni Yena. "Ang bango mo talaga."

"Yul, anong oras na bak-" napabuntong hininga si Nako. "Sana marunong kayong mag-lock ng pinto, kahit yun nalang sana itulong niyo sa tulad kong single." lumabas na si Nako ng kwarto ni Yuri at padabog na sinara yung pinto.

"Hindi talaga uso sa inyong magkakaibigan yung kumatok muna bago pumasok, nakakagulat." humiwalay na sila Yuri at Yena sa isa't isa. "Mauna ka nang maligo." saad ni Yena bago halikan sa noo si Yuri.

"Yena?"

"Mag-ayos ka na."

"Never kiss my lips if you doesn't love me, I will let you kiss me everywhere but not on my lips." tumango si Yena.

"Why?"

"To make sure it was true loves kiss." bumangon na si Yuri at pumasok na sa banyo.

Bumangon si Yena at tinali yung buhok niya.

"Kailangan ko na ata talaga magpatingin sa doktor." hinawakan ni Yena yung dibdib niya.

Nang makalabas si Yuri nang banyo, agad na humiga si Yena at nagtalukbong ng kumot.

"Sana naman nagdadala ka na ng damit pag-papasok mo sa banyo." natawa si Yuri sa inakto ni Yena.

"Alam ko naman kasing hindi ka titingin sakin, tsaka mabilis lang naman akong magbihis." pagkatapos magbihis ni Yuri, agad siyang dumagan kay Yena. "Tara na?" tinanggal ni Yuri yung pagkakatalukbong ng kumot kay Yena. "Dadaan pa tayo sa dorm mo."

"Yuri? Dito ba ako matutulog mamaya?"

"Ikaw, hindi naman kita pipilitin." tumango si Yena. "Tara na?" hinila na ni Yuri si Yena patayo.

Pagdating nang dalawa sa dorm ni Yena, agad na nag-hilamos at nag-toothbrush si Yena.

"Three minutes nalang." saad ni Yuri habang nagsusuot ng sapatos si Yena.

"Male-late daw yung prof natin sabi ni Yujin." kinuha na ni Yena yung bag niya.

"Teka, hindi ka magpapalit ng damit?" umiling si Yena.

"Sabi mo nga diba, kung malinis pa naman edi pwede pang masuot. Tara na, baka late na nga yung prof natin tapos mas late pa tayo sakaniya." hinawakan ni Yena yung kamay ni Yuri.

"Pwede bang kumapit nalang ako sa braso mo? Nakakahiya kasi." tumango lang si Yena at marahang binitawan yung kamay ni Yuri.

Pagkapasok na pagkapasok nila Yuri sa classroom nila, lahat ng kaklase nila napatingin sa kinatatayuan nila.

"What?" walang ganang sambit ni Yena habang nakatingin sa mga kaklase nila ni Yuri bago naglakad kasama ang huli..

"Anong meron? Bakit nakatingin sila satin?" bulong ni Yuri.

"Don't mind them." pinatong na ni Yena yung mga braso niya sa lamesa at tumungo dun.

Napakamot si Yuri sa ulo niya at kinuha nalang yung cellphone niya.

To: Minguring
anong meron?
: bakit nakatingin sila samin ni Yena?

From: Minguring
Yena's ex is back
: and she's looking for Yena earlier

"Give me your phone." napatingin si Yuri kay Yena.

"Bakit?"

"Just give it to me." napabuntong hininga nalang si Yuri at inabot yung cellphone niya kay Yena. "Ang tigas talaga ng ulo mo minsan."

"Curious lang naman ako." ngumiti si Yena.

"You want to meet her?" ngumuso si Yuri.

"Ewan, baka kasi mas maganda siya kesa sakin." natawa si Yena.

"Let's go out on a date."

"Sa Linggo nalang tayo lumabas, baka kasi busy ako." tumango si Yena.

"Sakin muna 'tong cellphone mo, tapos sayo muna 'tong sakin." kinuha ni Yuri yung cellphone ni Yena.

"Passcode?"

"Birthday ko." kumunot yung noo ni Yuri. "That's your mission to accomplish." umayos nang pagkakaupo si Yena. "Pwede mong itanong sa mga kibigan ko, huwag mo lang ipapaalam sakin."

"Paano ko naman matatago sayo yun, kung lagi kitang kasama." ngumiti si Yena at bahagyang lumapit sa tenga ni Yuri.

"Diskarte mo na yun, good luck."

"Good morning class, I'm sorry for being late, Let's start now?"

Gusto pa sanang magprotesta ni Yuri, pero dumating na yung prof nila. Kaya bahagya nalang niyang kinukurot si Yena sa hita at tinatapik yun ng mahina.


---------

Nang mag-lunch break na, sinama nila Yena at Hyewon sila Yujin at Wonyoung sa pwesto nila Yuri. Kasama parin nila si Chaewon, habang si Minjoo sa pwesto parin nila Ryujin umuupo.

"Wonyoung?" bulong ni Yuri sa katabi niya, bumili si Yena ng pagkain nilang dalawa kaya sinulit niya na yung pagkakataon.

"Hmm, unnie?"

"Birthday ni Yena?" pinakita ni Yuri yung cellphone ni Yena.

"Ahh, September 22." tumamgo si Yuri at sinubukan yung sinabi ni Wonyoung.

'Incorrect passcode'

"Huh?" takang sambit ni Yuri. "Niloloko ata ako ni Yena." napabuntong hininga si Yuri.

"1022." napatingin si Yuri kay Chaewon. "1022." pag-uulit ni Chaewon.

"Tama nga, so anong araw talaga yung birthday ni Yena?" saad ni Yuri.

"September 22." tugon ni Chaewon. "Kung ako si Yena, syempre hindi ko birthday yung ilalagay kong passcode sa cellphone ko."

"Kaninong birthday yung gamit na passcode ni Yena?"

"October 22? Hindi ba yun yung anniversary nila ni Yuqi?" saad ni Chaeyeon.

"Ata? Kasi alam ko nung halloween party namin nung 12th grade, sila na ni Yuqi nun." dagdag impormasyon ni Sakura.

"Hahahahahaha, birthday mo anniversary nila, ouch." natatawang saad ni Nako.

"Nako-chan?" saway ni Chaeyeon sakaniya.

"Anu naman kung ka-birthday ko yung anniversary nila, as if naman na magkasama kaming magse-celebrate ng birthday ko." nakangusong sambit ni Yuri.

"Ayos lang yan Yul, nandito naman kami. Kami nalang kasama mong mag-celebrate, huwag kang malulungkot." tinapik pa ni Nako yung likod ni Yuri.

"Ito na yung pagkain mo." nakangiting saad ni Yena bago umupo sa tabi nito.

"Upong mag-jowa lang, kung hindi niyo jowa huwag niyong tabihan." saad ni Hyewon bago umupo sa pagitan nila Yuri at Wonyoung.

"So sinong jowa mo sakanila?" mapang-asar na tanong ni Nako.

"Huwag mo akong simulan, may alam ako na kahit isa sakanila walang nakakaalam." nakangiting tugon ni Hyewon.

"Kasya pa ba ako?" tanong ni Yujin.

"Kasya pa lima, kandong ka nalang kay Chaewon kung nasisikipan ka." saad ni Sakura.

"Naniniguro lang unnie." nakangiting saad ni Yujin. "Ayoko lang mang-agaw nang hindi sakin." umupo na si Yujin sa pagitan nila Wonyoung at Chaewon.

"Wow, sayo talaga nanggaling yan?" natatawang saad ni Chaewon. "Nakakahiya naman sayo."

"Sumusunod lang ako sa utos, at least hindi pa ako committed." nakangiting sambit ni Yujin.

"Tss, para namang napakalinis mo." umiling si Chaewon. "Bakit ka ba apektado nang ganiyan? Kayo ba?"

"Yena, anong nangyayari?" bulong ni Yuri.

"Hayaan mo sila, may pinanghuhugutan lang yung mga yan." tumango si Yuri.

"Hindi nga pala tayo bati, che." umismid si Yuri at inirapan si Yena.

"Problema mo."

---------

Natapos silang mag-lunch na tuloy parin sa pagsasagutan sila Chaewon at Yujin. Buti nalang at hindi pa sila nagkakasakitan nang pisikal, dahil iiwan talaga silang dalawa nang mga kasama nilang kumain.

Pagkahatid ni Yena kay Yuri sa klase niya, dumaan muna siya sa restroom para umihi. Habang naghuhugas na siya nang kamay may babaeng lumapit sa kabilang sink at naghugas ng kamay.

"Long time no see." nakangiting saad nito habang nakatingin kay Yena sa salamin.

"Hmm? Long time." kumuha ng tissue si Yena at nagpunas nang kamay.

"Labas tayo minsan, pwede ko bang kuhain yung number mo?" tumango si Yena at inabot sa dalaga yung cellphone na nasa bulsa niya.

"Tawagan nalang kita para ma-save mo yung number ko." nakangiting saad ni Yena.

"Here, tinawagan ko narin para sigurado." natawa si Yena.

"Una na ako, see you around Yuqi." kumaway na si Yena sa dalaga at naglakad na palabas nang restroom.


Pagkatapos nang lahat nang klase ni Yena pumunta na kagad siya sa tapat nang classroom nila Yuri, hindi pa tapos yung klase nila Yuri kaya kinuha na muna niya yung cellphone sa bulsa niya at naglaro.

"Ang papanget naman ng laro ni Yuri, puro puzzle at pangmatalino. Dapat dito dina-downloadan ng magandang laro." magda-download na sana si Yena ng laro nang may tutamawag kay Yuri.

'Halmeoni is calling'

"Hello?" nakangiting saad ni Yena.
: Yah! Jo Yul!! Ang tagal mo namang sumagot.
"Uhm."
: Dadalaw pala ako diyan sa Linggo, dadalhan kita ng pagkain. Nasabi mo na ba sa daddy mo na bilhan ka ng ref? Para hindi naman nasasayang yung mga dinadala kong pagkain sayo.
"Halmeo-" hindi natapos ni Yena yung sasabihin niya nang mag-salita nanaman yung halmeoni ni Yuri.
: Huwag mong kakalimutan na kumain nang marami, tandaan mo Linggo pupunta ako diyan.
"Ne."
: Mag-ingat kang parati, I love you.
"I love you too, halmeoni."
: Namamaos ka ata, dadalhan narin kita ng gamot. Bye~

Napangiti nalang si Yena.

"Akala ko, wala na talagang nakakaalala sakaniya." natawa si Yena at napahawak sa dibdib niya. "Makapunta nga nang hospital sa Friday."

"Anong masakit sayo?" napatingin si Yena kay Yuri.

"Wala naman, baka lang kasi may sakit ako." natawa si Yuri.

"Ewan ko sayo, tara na?" tumango si Yena.

"Nalilito lang ba ako o talagang suot ni Yena yung damit mo?" sumabay si Nako sa paglalakad nung dalawa.

"Hmm, damit ko yung suot niya, bakit?" saad ni Yuri.

"Wala naman, pamilyar kasi yung damit sa mata ko." huminto sa paglalakad si Nako kaya napahinto rin sila Yuri. "Anong ginagawa niya dito?" takang taka naman si Yuri nanag tignan yung tinitignan ni Nako.

"Huh Yunjin?!" sigaw ni Yena at kumaway sa tinawag niya.

"Bakit mo tinawag?" inis na sambit ni Yuri.

"Masama ba? Kaibigan ko siya nung high school, teka bakit nandito siya?"

"Girin, anong ginagawa mo dito?" saad ni Nako nang makalapit yung dalagang tinawag ni Yena.

"Hinahanap ka." ngumiti si Yunjin. "Pahiram lang kay Nako." hinawakan niya sa braso si Nako at marahang hinila.

"Anu nga palang gusto mong dinner?" tanong ni Yena.

"Kahit anu, hindi tayo bati diba." umirap si Yuri bago kumapit sa braso ni Yena.

"Spicy rice cake, gusto mo?" tumango lang si Yuri. "May alam akong pwede nating makainan, tara na."

Lahat nang estudyante napapatingin sa dalawa, lalo na sa tuwing nag-aasar sila.

"Ikaw mukhang hamster." saad ni Yena.

"Ikaw mukhang bibe."

"Bibe mo?" nakangiting sambit ni Yena.

"Yena? Hindi nakakatuwa." ngumuso si Yena.

"Bakit naman? Ayaw mo ba akong maging bibe?" napabuntong hininga si Yuri.

"Yena, madali nga lang akong ma-fall." hinawakan ni Yena yung kamay ni Yuri.

"Edi ma-fall ka, handa naman kitang saluhin." ngumiti si Yuri.

"Thank you, pero hindi pa ako sigurado." tumango si Yena.

"Edi hihintayin kita." ngumiti si Yena at hinalikan si Yuri sa noo. "Kahit gaano katagal."

"Anong meron? Bakit may paghalik?" saad ni Hyewon bago akbayan si Y

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
i know this is too much to ask, but can you guys leave a comment or feedback about this story?

i really want to know if the plot was nice, good or it is fine 😭

Comments

You must be logged in to comment
hyemstar #1
I need english version of this 😭
Tailofkia_87
#2
Chapter 19: Nice update! Thank you ☺️
Tailofkia_87
#3
More updates please 😍
kimudamu21 #4
Chapter 11: I wonder why konti lang views nitong story mo, authornim. I like your story. Please update. Thank you.
kimudamu21 #5
Chapter 11: Update please.