Chapter 3

The Love Affairs
Please Subscribe to read the full chapter

Nagising si Yuri na nakaharap sa nakangiting si Yena.

"Huwag kang sisigaw." bulong ni Yena, hinawi niya yung ilang hibla ng buhok ni Yuri na nakaharang sa mukha ng huli. "Papasok ka na ba?" tumango lang si Yuri. "Bumangon ka na." tinulak ni Yena si Yuri patayo tsaka natulog.

"Hindi ka pa babalik sa dorm mo?" umiling si Yena bago balutin ng kumot yung sarili niya.

"Tinatamad akong maglakad ng malayo, hindi pa ako nakakatulog." pumasok nalang sa banyo si Yuri para maligo.

"Yena?" umupo si Yuri sa kama niya at tinapik si Yena.

"Bakit?" nakapikit na saad ni Yena.

"Iiwan ko yung cellphone ko dito sa tabi mo, anong oras ka ba dapat na gumising?" matagal na natahimik si Yena kaya tinapik siya ulit ni Yuri sa mukha. "Maga-alarm ako."

"12pm mo i-set yung alarm." niyakap ni Yena yung unan sa tabi niya.

"Aalis na ako, marunong ka naman magpatay ng alarm diba?" tumango lang si Yena.

Nang makaalis na si Yuri, tuluyan nang nakatulog nang mahimbing si Yena.

"Yuri? Tulog parin?" tuluyang pumasok si Nako nang kwarto ni Yuri. "Yul, gumising ka na anong oras na." dinaganan ni Nako si Yena. "Late ka na sa klase mo."

"Akala ko ba pumasok ka na, natutulog ako anu ba." nanlaki yung mata ni Nako nang hindi pamilyar na boses yung narinig niya mula sa dalagang nakahiga sa kama ng kaibigan niya.

Marahang tinanggal ni Nako yung kumot na nakatalukbong sa dalaga.

"Ye-Yena?" bulong nito at napatakip sa bibig niya.

Agad na tumayo si Nako at nagmamadaling lumabas nang kwarto ni Yuri.

"Did they?" umiling si Nako at tumakbo papunta sa klase niya.

*Nalaman kaya niya yung tungkol sa chip ni Yuri?*
*Paano kapag nalaman niya yung tungkol sa chip?*
*Baka pagsamantalahan niya si Yuri dahil alam niyang walang takas si Yuri oras na mahalikan niya 'to!*
*Pero paano naman niya malalaman yung tungkol dun?*

"Nako-ssi? Ayos ka lang ba?" puna ng Professor nila kay Nako.

"Yes, Professor Go." napatingin si Nako sa notebook niya, napatayo siya nang makita yung mga sinulat niya dun.

"Hey Nako, so you're into someone, Kim Chaewon?" saad nung kaklase ni Nako na katabi niya.

"Woah." lahat nang kaklase ni Nako napatingin kay Chaewon na nakaupo sa pinakaunahan.

Sinara ni Nako yung notebook niya bago kuhain yung iba pang gamit niya tsaka lumabas nang classroom nila.

"Anu bang pinaggagagawa mo?" sinabunutan ni Nako yung sarili niya. "Nakakahiya ka." pinilas niya yung pahina ng notebook niyang punong puno ng pangalan ni Chaewon.

Pumunta nalang sa garden si Nako at doon magpapalipas nang oras niya hanggang mag-lunch break.

"Washap washap Nako-yah?" umupo si Hyewon sa tabi ni Nako. "Hinahanap ka na nila Yuri, tara na?" umiling si Nako at bahagyang lumayo kay Hyewon. "Bakit ka lumalayo sakin?" hinila ni Hyewon si Nako at tinitigan yung labi ng huli.

"Hye-Hyewon, anu ba?" binaling ni Nako sa kanan yung mukha niya.

"So, anong rason mo bakit ka nagpalagay ng chip?" nakangiting sambit ni Hyewon.

"Paano mo nalaman?" bahagyang lumayo si Hyewon kay Nako.

"You have the same lips color as Yuri." hinawakan ni Hyewon yung ibabang labi ni Nako. "The natural red lips that you had, are so beautiful." hinawakan ni Hyewon yung kamay ni Nako.

"Hyewon, can I ask you something?" tumango lang si Hyewon. "May gusto ka ba kay Yuri?" natawa si Hyewon.

"Paano kung sabihin kong oo?"

"Paano si Wonyoung, tsaka diba pareho kayong may chip?" ngumiti si Hyewon.

"Hindi ko kakayaning mawala sakin si Wonyoung dahil nagmahal ako ng iba, kung iiwan niya man ako mas okay nang ang dahilan niya ay nagsawa na siya sakin."

"Napaka-selfless mo, ikakasal na yung girlfriend mo pero mahal mo parin siya?" tumango si Hyewon.

"Alam ko namang mahal niya ako, tsaka huwag kang mag-alala may plano ako." tumango si Nako. "May gusto ka ba kay Chaewon?" hindi nakasagot si Nako at marahang yumuko. "Paano si Hitomi? Sino ba talaga sakanila?"

"Tara na, nagugutom na ako." pinunasan ni Nako yung luha niya at naunang maglakad.

Pagpasok ni Nako sa cafeteria halos lahat nang mga mata nakatuon sakaniya, ganun kabilis na kumalat yung balita tungkol sa nangyari kanina.

"Love letter ba yun?" pang-aasar ni Chaewon nang umupo si Nako sa pwesto nila.

"Bakit ka ba nandito, diba sila Yena yung tropa mo?" inis na sambit ni Nako.

"Ibig bang sabihin nun, bawal din ako dito?" inakbayan ni Hyewon si Nako.

"Tanggalin mo nga yung kamay mo, nagseselos ako." kunot noong sambit ni Chaewon kay Hyewon.

"Chaewon tumigil ka na nga, hindi nakakatuwa." saway ni Minjoo.

"Bakit nagseselos ka ba?" taas babang kilay na sambit ni Chaewon.

"Literal na malandi, Kim Chaewon." saad ni Sakura.

"Si Yuri nga pala?" tanong ni Nako.

"Dadaan lang daw siya saglit sa dorm niya, may naiwan ata." tugon ni Hyewon. "Ako nang bibili ng pagkain mo, anu bang gusto mo?"

"Kahit anu nalang, lahat naman kinakain ko." saad ni Nako.

"Ayan na pala si Yuri." sambit ni Hyewon bago umalis para bumili ng pagkain.

"Nakuha mo na ba yung naiwan mo?" tanong ni Chaeyeon kay Yuri.

"Hmm, nakuha ko na." umupo si Yuri sa tabi ni Minjoo.

"Rephrase ko lang yung tanong ni Chaeyeon." nagtataka naman sila Yuri sa sinabi ni Nako. "Nagising mo na ba yung naiwan mo?" nagulat si Yuri sa sinabi ni Nako.

"Anu bang sinasabi mo?" kabadong tanong ni Yuri.

"Niyakap ko pa siya kaninang umaga, tapos hindi pala ikaw yun, yuck." nandidiring saad ni Nako.

"Wow, grabe selos na selos na ako dito ah, may kayakap ka pang iba?" binatukan ni Chaeyeon si Chaewon.

"Pwede ba Chaewon, para ka namang timang." napakamot lang si Chaewon sa ulo niya.

"Sino yun, nakita mo?" tanong ni Minjoo, bahagyang tumayo si Nako bago bumulong.

"Choi Yena."

"The heck, Chaeyeon anu ba?! Makabuga ka naman ng tubig sa mukha ko, bakit hindi mo nalang ako buhusan." pinunasan ni Chaewon yung mukha niya gamit yung manggas ng hoodie niya.

"Pero totoo nga, as in si Choi Yena?" pag-usisa ni Chaeyeon.

"Ganito kasi yun." panimula ni Yuri. "Pinuntahan ako ni oppa kahapon, pinagsabihan niya ako tapos umalis na. Alam niyo naman kung paano sila magsalita sakin diba?" tumango yung mga kasama ni Yuri maliban kay Chaewon na walang kaalam alam. "Hindi ko alam kung bakit pumunta si Yena sa dorm ko, basta nung umalis si oppa pumasok si Yena nang kwarto ko tapos yun umiyak ako buong gabi sakaniya. Binantayan niya ata ako sa pagtulog ko kasi paggising ko nang umaga, gising parin siya at mukhang puyat kaya pinatulog ko nalang siya dun sa dorm ko." tumango lang ulit sila sa kwento ni Yuri.

"Sigurado kang walang nangyari sa inyo? Bakit parang pumutok yung labi mo?" saad ni Chaewon.

"Common sense Chaewon, kapag kinausap si Yuri ng pamilya niya paniguradong may sampal na kasama." inis na saad ni Minjoo.

"Hindi ko naman alam, anu bang pake ko sa pamilya niya. Yuri ayaw mo talaga akong kadate, pag naging tayo poprotektahan kita kahit pa kanino." kumindat pa si Chaewon.

"Ang sarap talaga alugin ng utak mo." sambit ni Sakura bago batukan si Chaewon.

"What did I miss?" umupo na si Hyewon sa pagitan nila Yuri at Nako.

"Ako?" sambit ni Chaewon at kinindatan si Hyewon.

"Ang creepy mo talaga these past few days, ganiyan ba nagagawa nang nasa-" hindi natuloy ni Hyewon yung sasabihin niya nang subuan siya ni Nako ng tinapay. "Gusto mo?" alok ni Hyewon kay Chaewon ng tinapay.

"Magpapalit nalang muna ako ng damit." walang ganang sambit ni Chaewon bago umalis.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
T
I
M
E
-
L
A
P
S
E
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

[KINABUKASAN]

Pagkatapos ng klase tumambay muna si Sakura sa dorm ni Hyewon.

"Tingin mo Kkura, kailangan ko bang mag-sorry kay Chaewon?" saad ni Hyewon.

"Kung kinokonsensya ka, edi mag-sorry ka. Pero sa ngayon kailangan mo munang isipin yung pakikig-usap mo kela Yujin." napabuntong hininga si Hyewon.

"Bakit kasi hindi pa niya tayo kinausap nang sabay sabay." tumayo na si Hyewon at pumasok sa banyo.

"Gusto mo samahan kita?" hinintay ni Sakura na tumugon si Hyewon. "Hyewon?" tumayo na si Sakura at kinatok yung pinto nang banyo ni Hyewon. "Hyewon!!" marahang bumukas yung pinto na nasa harap ni Sakura.

"Bakit ka ba nasigaw?"

"Hindi ka kasi sumasagot." marahang naglakad si Hyewon.

"Nanghihina lang ako." tumango si Sakura.

"Gusto mong tawagan ko si Wonyoung?" umiling si Hyewon.

"Pumunta ka nalang sa bahay nila, ikaw na munang makipag-usap sakanila."

"Paano ka?"

"Ayos lang ako, tsaka linggo naman bukas walang pasok." ngumiti si Hyewon at tinapik sa balikat si Sakura.

"Kailangan mo ba ng pads?" binatukan ni Hyewon si Sakura.

"Marami ako nun, sige na pumunta ka na kela Yujin." tinulak pa ni Hyewon si Sakura palabas nang dorm niya.

Dumapa si Hyewon sa kama niya at pumikit.

"Kailangan ko na talagang ipatanggal 'tong chip ko, grabe dobleng pahirap ang dulot sakin." bulong ni Hyewon.



Habang naglalakad si Sakura papuntang bahay nila Yujin, nakatanggap siya nang tawag mula kay Hyewon.

"Anu babalik na ba ako diyan?"
: Maling tao pala natawagan ko, ampotek na yan.
"Sino ba tatawagan mo?"
: Wala wala

"Loko yun, nireregla na nga naghahanap pa ng babae." napailing nalang si Sakura at nagdoorbell na sa bahay nila Yujin.

"Bakit nag-doorbell ka pa Hye-" napahinto sa pagsasalita si Wonyoung nang makita si Sakura.

"Grabe, mahal na mahal mo?" inirapan ni Wonyoung si Sakura.

"Bakit ikaw yung nandito?" ngumiti si Sakura.

"Pwede bang papasukin mo muna ako, grabe ka naman sa bisita niyo." hindi na tumugon si Wonyoung at nauna nang maglakad papasok sa bahay nila.

"Unnie? Nasaan si Hyewon?" nawala yung ngiti ni Sakura nang yun ang bungad sakaniya ni Yujin.

"Ganun ba kayo kadismayado na hindi si Hyewon yung dumating, grabe naman kayo." umupo sa single sofa si Sakura. "She's on her period, that's why I'm the one who came here." tumango si Yujin, habang si Wonyoung naman nagmadaling kuhain yung gamit niya at tumakbo palabas nang bahay nila. "Sigurado kang papakasalan mo si Wonyoung?"

"Kung yun yung gusto ng mga magulang ko, bakit hindi?" natawa si Sakura.

"Paano naman yung totoong mahal mo, baka mahulog na kay Chaewon yun."

"Si Chaewon?" umayos ng upo si Yujin. "Diba sila na ni-" napatakip sa bibig niya si Yujin. "Hiwalay na sila?" nagkibit balikat si Sakura.

"Sinong nakakaalam ng status nila, hindi nga natin malalaman na sila kung hindi natin nakitang nakatira sila sa iisang bahay."

"Pero hindi naman gagawa nang kung anu si Chaewon, kung committed parin siya sa isang tao diba?" natawa si Sakura sa itsura ni Yujin.

"Kampanti ka kasi masyadong gusto o mahal ka ni Minjoo, paano kung magbago yung nararamdaman niya?" napahawak si Yujin sa dibdib niya.

"Bakit kinakabahan ako?"


----------------------------------


"Hyewon?" niyakap ni Wonyoung si Hyewon. "Sorry

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
i know this is too much to ask, but can you guys leave a comment or feedback about this story?

i really want to know if the plot was nice, good or it is fine 😭

Comments

You must be logged in to comment
hyemstar #1
I need english version of this 😭
Tailofkia_87
#2
Chapter 19: Nice update! Thank you ☺️
Tailofkia_87
#3
More updates please 😍
kimudamu21 #4
Chapter 11: I wonder why konti lang views nitong story mo, authornim. I like your story. Please update. Thank you.
kimudamu21 #5
Chapter 11: Update please.