Chapter 4

The Love Affairs
Please Subscribe to read the full chapter

Napahinto ang karamihan na naglalakad sa hallway ng university nang makarinig sila nang ingay na dinulot ng pagkikiskisan ng lupa at gulong ng isang sasakyan. Nagsimula nang magbulung-bulungan ang mga estudyante habang hinihintay kung sino yung bababa nang sasakyan.

Sabay na bumaba nang sasakyan sila Nako at Hyewon at nagmamadaling tumakbo papunta sa university's dormitory.

Nagkatinginan sina Yuri at Yena na sabay naglalakad papunta sa klase nila nang makita nila yung eksena nung dalawa.

"Are they a thing?" natawa si Yena sa tanong ni Yuri.

"Hindi lahat ng magkasama may relasyon." ngumiti si Yuri.

"Sige, maniniwala ako sayo, sabihin mo muna kung sinong babae yung kinukwento mo kahapon." umiling si Yena at naglakad na. "Biro lang alam ko naman sensitive ka sa topic na yun." kumapit si Yuri sa braso ni Yena.

"Ngayon ko na ba kakausapin si Yujin, o sa susunod na araw na?"

"Ngayon na, sasabihan ko nalang si Minjoo na sa tabi ko siya umupo." tumango si Yena at nauna nang pumasok sa classroom nila.

"Unnie?" tawag sakaniya ni Yujin nang umupo siya sa tabi nito.

"How's your first week?" ngumiti si Yujin.

"Ayos naman, naga-adjust parin sa bagong bahay na tinutuluyan ko." tumango si Yena.

"Anu mang maging desisyon mo, hindi ko mapapangakong hindi ako magtatampo pero huwag kang mag-alala, hindi ko kakalimutan yung pinagsamahan natin at higit sa lahat yung pagkakaibigan natin." naluha si Yujin sa sinabi ni Yena.

"Salamat unnie." yumakap siya kay Yena.

"Huwag ka ngang umiyak, ang bakla mo masyado." pinunasan ni Yujin yung luha niya.

"Unnie, are you already dating with Yuri?" binatukan ni Yena si Yujin.

"Hindi porket magkasama may relasyon na, are you sharing the same brain cells with Yuri?" humiwalay si Yena kay Yujin. "Nagka-usap na kayo ni Hyewon?" umiling si Yujin.

"Mag-uusap sana kami nung sabado pero nagka-period siya nung gabing yun, kahapon naman pinuntahan ko siya para kausapin sana kaso paalis siya nung dumating ako sa dorm niya." pilit na ngumiti si Yujin.

"Siguro puntahan mo nalang siya sa dorm niya mamaya." tumango si Yujin.

"Unnie, pwedeng doon ka nalang sa upuan mo? Gusto ko kasing katabi si Minjoo." bulong ni Yujin sa mismong tenga ni Yena.

"Tss, k." tumayo na si Yena at lumipat sa tabi ni Yuri.

"Bakit nandito ka?"

"Pinalipat ako dito, gusto niya daw katabi si Minjoo." tumango si Yuri at kumapit sa braso ni Yena. "Bakit ba kapit ka ng kapit sakin?"

"Close na tayo."

"Okay, pero may klase tayo." ngumuso si Yuri.

"Wala pa naman yung prof natin." pinaling ni Yuri yung ulo niya sa balikat ni Yena.


-------

"Ako lang ba o kanina pa talaga wala si Minjoo?" saad ni Yuri habang kumakain silang magkakaibigan sa cafeteria.

"Oo nga noh, sabi din ni Yujin wala daw siya sa klase niyo kanina." saad ni Sakura.

"Baka may masakit nanaman sakaniya." si Nako.

"Yuri, stop clinging on me." reklamo ni Hyewon.

"Sino ba pwedeng kapitan? Hindi ko talaga mapigilan yung pagka-clingy ko ngayon." napakamot si Yuri sa ulo niya.

"Meron ka ngayon noh, kaya extra yung pagka-clingy mo." sambit ni Chaeyeon.

"Sorry na gays." kumapit si Yuri sa braso ni Nako.

"Back to the topic tayo, wala bang nakapansin sa inyo kay Minjoo?" si Nako. "Nasa dorm niya ako kahapon, kaso nga lang nag-aya si Hyewon kaya wala akong ideya kung anong ganap niya. Kayo ba?" nagkibit balikat at umiling lang yung mga kasama ni Nako.

"Puntahan nalang natin siya mamaya." saad ni Chaeyeon.


--------

Pagkatapos nga nang klase nilang magkakaibigan nag-tungo na sila sa dorm ni Minjoo.

"Minjoo, pwede mo bang buksan yung pinto mo?" sambit ni Chaeyeon bago kumatok ulit sa pintuan ng dorm ni Minjoo. "Minjoo?" marahang bumukas yung pintuan nang dorm ni Minjoo.

"Unnie?" halos pabulong na sambit ni Minjoo.

"Pwede ba kaming pumasok?" saad ni Chaeyeon, tumango lang si Minjoo at binuksan nang maayos yung pintuan ng kwarto niya.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Yuri.

"Hmm, tinatamad lang akong pumasok." umupo si Minjoo sa kama niya.

"Hyewon?" bulong ni Yena kay Hyewon. "Bakit ba tayo nandito?" bahagyang umatras si Hyewon para makalapit kay Yena.

"Para bisitahin si Minjoo."

"May sakit ba siya?" nagkibit balikat si Hyewon.

"Kaibigan natin siya may masama ba dun?" kumunot yung noo ni Yena.

"Sakanilang magkakaibigan si Yuri lang naman yung close ko."

"Eh, si Chaeyeon at Sakura?"

"Kaibigan ko na sila dati pa."

"Pwede bang tumahimik muna kayong dalawa?" saway ni Nako sakanila.

"May gusto ka bang kainin? Bibilhan ka namin?" saad ni Sakura.

"Ayos lang ako, anu ba kayo." nakangiting sambit ni Minjoo.

"Bakit nanaman?" bulong ni Hyewon nang kalabitin siya ni Yena sa balikat.

"Yung leeg ni Minjoo." bulong ni Yena, tinignan ni Hyewon yung leeg ni Minjoo.

"Minjoo, sino?" ngumiti si Hyewon.

"Huh?" halata sa mga mata ni Minjoo ang pagkakaba dahil hindi mapakali yung mga mata nito.

Lumapit si Hyewon kay Minjoo at hinawkan ang baba ng huli, ngumiti si Hyewon.

"Ayos ka lang, mukhang masyadong nanggigil yung gumawa sayo nito ah." marahang hinawakan ni Hyewon yung leeg ni Minjoo. "Pwede mong ikamatay 'to, nangingitim na." niyakap ni Hyewon si Minjoo nang umiyak ang huli. "Pwede bang may kumuha ng ice pack sa inyo?" sambit ni Hyewon.

Nagkatinginan pa yung mga kasama nila sa kwartong yun bago tumakbo sila Yena at Sakura.

"Shh, magkwento ka lang kung gusto mo, makikinig kami." saad ni Hyewon habang hinahaplos yung buhok ni Minjoo. "Masakit pa ba?" tumango lang si Minjoo.

Nanatiling tahimik ang bawat isa habang naghihintay sa pagbalik nung dalawa.

"Hyewon oh." sabay na sambit nila Yena at Sakura.

"Sabi ko ice pack, grabe naman ang naming yelo niyan." tinapik muna ni Hyewon sa likod si Minjoo para humiwalay sakaniya.

Tumayo si Hyewon at naghanap nang bimpo para ipangbalot sa ice cubes na dala nung dalawa.

"Wonyoung also suffer with this before, because of me." nakangiting sambit ni Hyewon bago umupo sa harap ni Minjoo at ilapat yung bimpo na may yelo sa leeg ni Minjoo. "Who ever that person is, she or he should treat your hickey first before leaving you alone." ngumiti si Hyewon. "You sure you're alright?" umiling si Minjoo.

"Ibig bang sabihin may tao siyang kasama kagabi, tapos may nangyari sakanila?" saad ni Yuri.

"Siguro." tugon ni Hyewon. "You can tell us everything, but if you're not comfortable to talk about it, its alright." tumango lang Minjoo.

"We get drunk, I actually can't remember the exact thing how we, happened. When I woke this morning we're in each other's arm and I already have that thing in my neck." umiiyak si Minjoo habang nagkukwento, kaya mas lalong naaawa yung mga kaibigan niya sakaniya.

"Pinilit ka ba niya?" tanong ni Chaeyeon.

"She didn't..............., or she did? I can't remember." napatakip na sa mukha niya si Minjoo at doon humagulgol.

"Any idea who?" tanong ni Nako.

"I-I can't." hirap na sambit ni Minjoo.

"Si Ryujin ba?' tanong ni Yuri pero umiling lang si Minjoo.

"Bukod kay Sakura tsaka Hyewon, sino pa bang close sayo na pwedeng makipag-inuman." saad ni Yuri, agad naman siyang sinamaan nang tingin ng dalawang taong binanggit niya. "Chill, alam ko namang hindi kayo." kumapit siya kay Yena at nagtago sa likod nito.

"Si Chaewon." mahinang saad ni Minjoo.

Nabitawan ni Hyewon yung hawak niyang bimpo at napatayo.

"The heck?" sambit ni Hyewon at napatingin sa mga kasama niya.

"Hyewon calm down." sambit ni Yena at hinawakan si Hyewon sa braso, sapilitang tinanggal ni Hyewon yung kamay ni Yena at agad na tumakbo palabas nang kwarto ni Minjoo.

"Sundan niyo na siya ako nang bahala dito." saad ni Chaeyeon bago damputin yung bimpong may yelo at ibalik yun sa leeg ni Minjoo.

Tumakbo yung apat palabas nang kwarto ni Minjoo para habulin si Hyewon.

"Sigurado kang wala nang masakit sayo?" sinubukan ni Chaeyeon na pigilan yung pag-iyak niya pero nabigo siya.

"Hindi ko alam unnie, pero natatakot ako." tumango si Chaeyeon. "Bago kasi siya tuluyang dumilat kaninang umaga, may sinabi siya." huminga nang malalim si Minjoo. "Sabi niya, I miss you so much, I love you babe." pinusan ni Minjoo yung luha niyang walang tigil sa pagpatak. "Natatakot ako unnie, baka may relasyon akong masira." niyakap ni Chaeyeon si Minjoo.

"I can't tell you who she is, but if you really remorseful about what happened, then keep yourself distant from her. Their relationship is already at risk beacause of Chaewon's mom disapproval to their relationship. But if you think Chaewon will choose you, talk to her girlfriend." tumango si Minjoo.

"Thank you unnie."


-------------------------------

[KINABUKASAN]


Nakapasok na sa klase si Minjoo, kung nung nakaraan si Yujin yung pilit niyang inaalis sa isip niya, sa araw na 'to si Chaewon yung gusto niyang kalimutan.

"Ayos ka lang ba, kanina ka pa tulala." puna ni Ryujin kay Minjoo.

"Marami lang akong iniisip." tumango si Ryujin.

"Don't think too much." nakangiting sambit ni Ryujin. "Want to join me?"

"Saan?"

"Lunch break." tumango lang si Minjoo bilang pag-sang ayon.


Nang mag-lunch break na, sa pwesto nila Ryujin sumama si Minjoo.

"Hi." bati ni Chaeryeong kay Minjoo. "I don't know, but why my sister look at me like I can't talk to you?" tinuro ni Chaeryeong yung pwesto nila Chaeyeon.

"Hayaan mo nalang siya, baka niloloko ka lang niya." nakangiting sambit ni Minjoo bago magsimulang kumain.

Ayaw man ni Minjoo na tignan si Chaewon, hindi parin niya mapigilan na tignan ang huli lalo na't may pasa ito sa pisngi at may sugat sa gilid ng labi niya. Nanatili si Chaewon sa pwesto nilang magkakaibigan habang si Hyewon naman bumalik na sa pwesto nila Yena.

"I told you, don't think too much." marahang pinisil ni Ryujin yung pisngi ni Minjoo.


Sa kabilang dako hindi mapigilan ni Yujin yung inis niya.

"Kung pwede lang pumatay." napatingin si Yena kay Yujin. "Ayoko na nang ganito." dagdag na bulong ni Yujin. "Hindi na ako natutuwa."

"Yujin, alam kong naiinis ka. Pero kanino man sa dalawa ka naiinis, h

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
i know this is too much to ask, but can you guys leave a comment or feedback about this story?

i really want to know if the plot was nice, good or it is fine 😭

Comments

You must be logged in to comment
hyemstar #1
I need english version of this 😭
Tailofkia_87
#2
Chapter 19: Nice update! Thank you ☺️
Tailofkia_87
#3
More updates please 😍
kimudamu21 #4
Chapter 11: I wonder why konti lang views nitong story mo, authornim. I like your story. Please update. Thank you.
kimudamu21 #5
Chapter 11: Update please.