Chapter 13

The Love Affairs
Please Subscribe to read the full chapter

[KINABUKASAN]

 

"YAH!!!" sinipa ni Nako yung babaeng katabi niya na natutulog sa kamang hinihigaan din niya.

"Ah-ray." tumayo si Yunjin. "Bakit mo ako sinipa." pinulot ni Yunjin yung kumot na nakabalot sakaniya kanina.

"Anong ginagawa ko dito sa dorm mo?" kunot noong nilibot ni Yunjin yung paningin niya.

"Hindi ko dorm 'to." pinulot na ni Yunjin yung mga damit niya. "Ang sakit talaga nung pagkakasipa mo." hinilot ni Yunjin yung likod niya.

"Nasaan na yung mga damit ko?" tinapos na muna ni Yunjin yung pagbibihis niya bago pulutin yung damit ni Nako.

"Omo?!"

"Wae!!" napalunok si Yunjin bago ipakita kay Nako yung dress na suot niya kagabi. "YAH!!! Bakit mo pinunit?!!" napakamot si Yunjin sa ulo niya.

"Hindi ba ikaw yung nagpuniti nito?"

"Bakit ko naman pupunitin yung damit ko." tumayo si Nako at agad lumapit kay Yunjin. "Hubarin mo yung damit mo!" napaatras si Yunjin nang hawakan ni Nako yung sweatshirt niya.

"Teka lang, bakit ba?"

"Anong gusto mo?, maglakad ako nang nakahubad?" napabuntong hininga si Yunjin bago hubarin yung sweatshirt niya.

"Ako naman yung nakahubad ngayon?" tumango si Nako.

"Bagay naman sayo." kinuha ni Nako yung puting kumot na nasa kama at hinagis yun kay Yunjin. "Baka umiyak ka pa." sinuot na ni Nako yung cycling shorts niya at yung sweatshirt ni Yunjin na halos nasa tuhod na niya yung laylayan. "Tara na." hinawakan ni Nako sa kamay si Yunjin at hinila ang huli palabas nang kwarto.


"Totoo nga, Yunjin and Nako are together last night?"
"Looks like sometheng happened between them."
"Some performer said they run away right after Nako's performance with Hyewon last night."

"Nako? Talagang babagalan natin yung paglalakad?" ngumiti si Nako.

"Bakit? Gusto mo bang tumakbo tayo?" mas hinigpitan ni Nako yung pagkakahawak sa kamay ni Yunjin. "Let's enjoy this moment."

"Bakit?"

"Kasi, hindi na 'to mauulit." ngumiti si Nako. "Hindi mo na mahahawakan ulit yung kamay ko."

"Paano kapag nahawakan ko pa ulit yung kamay mo?" tinignan ni Nako si Yunjin.

"Isa lang ibig sabihin nun, hiwalay na kami ng boyfriend ko." natawa si Yunjin.

"May boyfriend ka?" binitawan ni Yunjin yung kamay ni Nako. "Bakit hindi mo sinasabi sakin?"

"Kailangan ko pa bang sabihin sayo?" yumuko si Yunjin.

"Syempre naman, kung sinabi mo sakin, edi sana hindi na kita hinalikan kagabi, edi wala sanang nangyari sa'ting dalawa."

"Pero ginusto mo rin naman, diba." natawa si Yunjin.

"Oo ginusto ko, kasi hindi ko naman alam na may boyfriend ka na." tumingala si Yunjin. "Sorry, I'm really sorry." sa huling pagkakataon, muling tumingin si Yunjin sa mga mata ni Nako bago mabilis na tumakbo.

---------


"Ready na ba lahat?" tanong ni Chaeyeon sa mga aktor na gaganap sa role play. "Last 10 minutes!!"

"Unnie, nakita mo ba si-" hindi na natapos ni Yujin yung sasabihin niya nang maglakad mapalayo si Chaeyeon.

"Huwag niyo kakalimutan kung saang part kayo papasok, tandaan niyo, grade niyo yung nakasalalay dito." muling paalala ni Chaeyeon sa mga aktor bago kausapin yung assistant director tsaka yung lights and sounds director.


"Minjoo, sigurado ka ba na kakayanin mong mapanuod si Yujin?" tanong ni Ryujin kay Minjoo, nakapwesto na sila ngayon sa upuan ng mga manunuod.

"Bakit naman hindi, manunuod lang naman ako."

"Alam mo kung hindi lang naman ako nautusan na bantayan ka, hindi ako papayag na magpanggap bilang girlfriend mo, miss ko na kaya yung baby Yeji ko." nakangusong saad ni Ryujin.

"Alam mo, hanggang ngayon hindi ko parin alam kung sino ba kela Lia, Chaeryeong, Yuna at Yeji yung girlfriend mo." natatawang saad ni Minjoo.

"Tapos nakisali ka pa." napailing si Ryujin. "Bakit kasi hindi mo nalang kausapin yung kapatid ko, tutal gusto niyo naman yung isa't isa, bakit kailangan niyo pa akong idamay."

"I told you, hangga't hindi niya ako kayang ipaglaban, hindi rin siya karapat-dapat sa proteksyon ko."

"Wow, proteksyon?, kaya nga ako nandito para protektahan ka, tapos poprotektahan mo yung kapatid ko?" natataeang saad ni Ryujin.

"Hindi ko nga kailangan nang proteksyon mo." umirap si Minjoo bago tumingin sa stage.

"Tss, akala mo naman talaga."

"Manahimik ka na, magsisimula na yung play." tumitig lang si Minjoo sa stage hanggang sa magsimula na yung play.

*Ang gwapo ni Yujin sa suot niya.* isip isip ni Minjoo.


Nasa parte na nang play kung saan papatayin si Yujin na gumanap bilang isang prinsipe sa play nila, lahat nagulat nang lumabas siya na nakasuot ng hanbok na kulay blue at meron na siyang sugat sa pisngi at labi na lalo siyang pinagmukhang lalaki.

Nang hiwain na ng isa sa mga gumanap na kawal yung leeg ni Yujin, agad na namatay yung ilaw para sa panibagong eksena.

"Kailangan ba talaga magkatabi sila, ang sarap niyong pagbuhulin." inis na saad ni Yujin bago umupo sa pwesto niya.

"Huwag kang mag-iingay kundi mamatay ka talaga ngayon." hindi nakagalaw si Yujin, madilim sa paligid kaya kahit pa may mga kasama siya sa backstage hindi rin siya mapapansin nang mga yun. "Tumayo ka at huwag kang gagawa nang ingay." marahang tumango si Yujin, ramdam niya na dumidiin yung kutsilyo na nakatusok sa leeg niya.

"Sasama ako sayo, alisin mo lang yung kutsilyo sa leeg ko." bulong ni Yujin na naging dahilan para dumiin yung kutsilyong nakatutok sa leeg niya.

"Inuutusan mo ba ako? Sinabi ko na diba, huwag kang gagawa ng ingay?" napapikit si Yujin nang makaramdam na siya ng hapdi sa leeg niya, tanda na nasugatan siya sa parte na yun ng katawan niya.

Marahang tumayo si Yujin at nagpatangay nalang sa lalaking may hawak nang buhay niya.

"Sakay!" tinulak nung lalaki si Yujin papasok sa isang van.

"Paano ba yan Ahn, tapos na yung maliligayang araw mo kasama yung girlfriend ko." nanlaki yung mata ni Yujin nang makita niya yung boyfriend nung babaeng kalandian niya.

"Hindi naman ako yung unang lumapit sakaniya." natawa yung lalaki.

"Sorry Yuj, pero lumagpas ka parin sa limitasyon mo, paano kaya kung totohanin natin yung role mo kanina, gigilitan din kita sa leeg."

"Pwede bang palabasin niyo na ako dito? TULONG!!!" napaatras nalang si Yujin nang tutukan siya ng baril. "Jihoon sorry talaga, balak ko naman talagang umiwas sa girlfriend mo."

"Pero hindi mo ginawa, tara na baka maabutan pa tayo dito." umandar na yung van na sinasakyan nila papunta sa kung saan.

--------


"Nasaan na ba si Yujin?" alalang tanong ni Ryujin sa mga kaibigan ng kapatid niya habang wala siyang tigil sa pagtawag sa numero nito.

"Kanina pa namin siya hinahanap dahil wala na siya nung pinapakilala na yung mga aktor." kinakabahan na saad ni Chaeyeon habang tinatawagan din si Yujin.

"Nakita namin 'to sa waiting room, hindi naman nagalaw yung mga gamit niya, ibig sabihin hindi siya pumunta sa waiting room kanina." saad nang isa sa mga estudyanteng parte din nang role play.

"Napanuod na namin yung cctv footage, confirmed may dumukot nga kay Yujin." hingal na saad ni Sakura.

"Hindi pamilyar yung kasama ni Yujin, ganun din yung van na sinakyan nila." si Hyewon.

"Minjoo!! Yah Kim Minjoo!!" sabay na sigaw ni Yena at Yuri nang nagmamadaling tumakbo paalis si Minjoo.

"No, huwag niyo na siyang habulin, hayaan niyo siya." saad ni Ryujin, tinago na niya yung cellphone niya at kinuha yung mga gamit ni Yujin. "Let's have some dinner." naglakad na si Ryujin.

"Teka lang, may dumukot sa kapatid mo tapos paniguradong susunod dun si Minjoo, tapos gusto mong kumain lang tayo?" di makapaniwalang saad ni Wonyoung. "Kung wala kang pakielam sa kapatid mo, sa girlfriend mo man lang sana na kaibigan din namin." huminto sa paglalakad si Ryujin at hinarap si Wonyoung.

"Hindi ko girlfriend si Minjoo, sumunod nalang kayo sakin." tumuloy na sa paglalakad si Ryujin.

"Hayaan nalang siguro natin sila Minjoo at Yujin, nagugutom narin ako." saad ni Hyewon.

"Do you want to experience a break up, again?" nakaismid na saad ni Wonyoung.

"May tiwala lang ako kay Minjoo, hindi naman siya susunod dun kung hindi niya alam yung ginagawa niya." tugon ni Hyewon.

"Kakain ba tayo o susunod din kay Minjoo?" tanong ni Chaewon sa mga kasama niya.

"Sinong sasama kay Ryujin?" tanong ni Hyewon bago magtaas ng kamay.

"Really?" di makapaniwala si Wonyoung nang siya lang yung hindi nagtaas ng kamay niya.

"Sunod nalang kayo sakin." saad ni Ryujin bago sumakay sa sasakyan niya.

"Akala ko ba, mahirap lang sila Ryujin?" tanong ni Yena kay Yuri.

"Ewan ko, mukha ba akong chismosa katulad mo?" napanganga si Yena sa sinabi ni Yuri.

"Tatanong lang eh." sumakay na si Yena sa sasakyan nila Chaewon kasunod si Yuri.

"Tibay ah, dito talaga kayo makikisabay?" natatawang saad ni Chaewon.

"Pasabay lang, para namang aangkinin namin yung sasakyan niyo." nakaismid na saad ni Yena.

"Pwede bang sumunod nalang tayo skanila? Nakaalis na sila Ryujin at Chaeyeon." sambit ni Hitomi.

"Daldal mo kasi Chae." natatawang saad ni Yena.

"Huwag ka nang sumagot, magmaneho ka nalang." saway ni Hitomi kay Chaewon.


Pagdating nila sa isang bahay, hindi nila maiwasang mamangha dahil sa laki at lawak nun.

"Pinahanda ni Minjoo yung mga pagkain para sana kay Yujin, kaso lang malay ba niyang may magyayaring hindi natin inaasahan. Sige na, kumain nalang tayo." nakangiting saad ni Ryujin nang makarating na sila sa hapagkainan.

"Ibig sabihin kay Minjoo 'tong bahay na 'to?" tanong ni Yena.

"Pagpasensiyahan mo na si Yena, wala talaga siyang alam tungkol sa mga kaibigan niya bukod kay Yuri." natatawang saad ni Hyewon.

"Wala talaga kayong balak na sundan sila Minjoo at Yujin?" tanong ni Wonyoung. "Unnie?" napatingin si Chaeyeon kay Wonyoung.

"Bakit?" naglagay ulit si Chaeyeon ng pagkain sa bibig niya.

"Nawawala sila Minjoo at Yujin." saad ni Wonyoung.

"Uhm, 'di ko rin alam kung anong dapat na gagawin natin." tuloy lang sa pag-kain si Chaeyeon.

"Si Nako nga pala? Parang kanina ko pa siya hindi nakikita." biglang sambit ni Ryujin.

"Nabalitaan ko may nangyari daw kaninang umaga, nag-away ata sila ni Yunjin, yun yung sabi nung mga babae kaninang nagkukwentuhan sa likod ko." tugon ni Sakura.

"Mga babae?" natatawang tanong ni Chaeyeon.

"Alangang yung mga lalaki yung mag-chismisan." natatawang saad ni Sakura.

"Chaeyeon kalma, safe si Sakura kanina nasa pagitan namin siya ni Hyewon." depensa ni Chaewon sa kaibigan niya.

"Oo nga, katabi namin siya kanina." pagsang-ayon ni Hyewon.

"Bakit hindi niyo narinig yung tungkol kay Nako?" nag-iba yung tingin ni Chaeyeon sa tatlo.

"Tenga palang ni Sakura dinig na niya lahat, tapos wala pang kakwentuhan yan pinagitnaan ba naman nang dalawang taken." natatang saad ni Yena.

"Siguraduhin mo lang Kkura." nakangiting saad ni Chaeyeon.

"Siguradong sigurado." nakangiting saad ni Sakura.


----------


"Kamusta Ahn, kaya pa ba?" sinampal ni Jihoon si Yujin.

"Paalisin niyo na ako dito!!" buong lakas na sigaw ni Yujin. "TULONG!!!" napapikit nalang si Yujin nang magpaputok si Jihoon ng baril at dumaplis yung bala nun sa pisngi ni Yujin.

"Kahit anu ngang gawin mo, walang makakarinig sayo dito." nakangiti saad ni Jihoon.

"Boss, may dumating n-" hindi na natapos nung lalaki yung sasabihin niya nang may sumaksak sakaniya mula sa likuran niya.

"Anu pang ginagawa niyo, sugudin niyo na!!" sigaw ni Jihoon sa mga tauhan niya, pero katulad nang mga nauna niyang tauhan isa isa rin silang bumagsak.

Madilim sa paligid at tanging sa kinauupuan lang ni Yujin may ilaw, kaya kahit na anong gawin niyang pagkilala sa dumating hindi parin niya ito makilala.

"Sino ba yan?!" inis na sinuntok ni Jihoon sa tsyan si Yujin.

"Hi-hin-di ko alam." nauubong saad ni Yujin. "Sa likod mo." sigaw ni Yujin kaya napalingon si Jihoon at agad na iniwasan yung pag-atake sakaniya.

"Pabo." bulong ng misteryosong tao habang nakatingin kay Yujin.

"Sino ka ba?!" tinutukan ni Jihoon yung dumating para tulungan si Yujin.

Bahagya pa itong lumapit sakanila hanggang sa matamaan na siya nang liwanag na nagmumula sa ilaw kung nasaan si Yujin.

"Kailangan mo pa bang malaman?" saad nito sa mababang tono ng boses niya.

"Magpakilala ka nalang!"

"Tsk." marahang binaba nung babae yung ornate harem na suot niya at seryosong nakatingin kay Jihoon.

"Min-" hindi na natapos ni Yujin yung sasabihin niya nang may hinagis na shuriken si Minjoo kay Jihoon na dumaplis sa leeg nito.

"Kalagan mo yung sarili mo." pumunta si Minjoo sa likod ni Yujin at naglay sa kamay nito ng pocket knife.

"Bakit hindi nalang ikaw?" takang tanong ni Yujin habang hirap na hirap siya sa pagputol nang lubid na nakatali sa kamay niya.

"Hindi ko pwedeng patayin yung lalaking 'to." sinipa ni Minjoo sa likod si Jihoon at nang mapaluhod na ang huli tinalian niya yung katawan nito. "Kalandian mo kasi, napahamak ka pa ngayon." sunod na tinali ni Minjoo yung mga binti at paa ni Jihoon.

"Tapos ka na ba diyan?" tinignan ni Minjoo si Yujin.

"Malapit na."

"Pagbabayadin kita!!" sigaw ni Jihoon habang nakatingin kay Minjoo.

"Kahit magkano pa 'yan, babayaran kita." tumayo na si Minjoo at lumapit kay Yujin. "Ang tagal mo naman diyan." naluluhang tumingala si Yujin kay Minjoo.

"You also wearing something color blue." napairap si Minjoo.

"Pwede bang tumahimik ka nalang at tapusin mo na yung pagputol diyan sa lubid." pilit na ngumiti si Yujin.

"Nabitawan ko yung pocket knife." inis na napabuntong hininga si Minjoo.

"Iwan nalang kaya kita dito." napanguso si Yujin bago napayuko. "Ang sakit mo talaga sa ulo kahit kailan." pinulot ni Minjoo yung pocket knife niya tsaka kinalagan si Yujin.

"Paano tayo makakaalis dito?" tanong ni Yujin kay Minjoo habang nakatingin siya sa dagat.

"Ang tagal mo kasing kumilos, 'di ko na tuloy matanaw yung jet ski na gamit ko." inis na saad ni Minjoo. "Sumunod ka sakin." napatingin nalang si Yujin kay Minjoo at sumunod sa huli.

"Anu bang hinahanap natin?" napalingon si Minjoo kay Yujin.

"Utak, subukan mong maghanap ng utak." napahinto sa paglalakad si Yujin.

"Sorry, because of me you have to to this." umupo si Yujin. "Why you even here to save me?" ngumiti si Yujin.

"Sino namang gusto mong tumulong sayo? Yung mga kaibigan mo na katulad mong walang utak?" napatayo si Yujin at lumapit kay Minjoo.

"Sumusobra ka na." inirapan lang ni Minjoo si Yujin.

"Got it." kinuha niya yung inflatable boat.

"Tatalon tayo?" tinanguan lang ni Minjoo si Yujin bago ihagis yung inflatable boat sa dagat.

"Bilisan mong sumunod." tumalon na si Minjoo sa dagat at agad na lumangoy pasakay sa magiging bangka nila.

"Kailangan ko ba talagang tumalon?!" napabuntong hininga nalang si Minjoo at nagsimula nang mag-sagwan. "Sa-sandali Kim Minjoo-yah!!" nag-aalangan man, wala nang nagawa si Yujin kundi tumalon sa dagat.

"Bilisan mong lumangoy." natatawang saad ni Minjoo habang pinapanuod si Yujin.

"Nagwo-work out ka ba? Grabe ang lakas mo masyado." saad ni Yujin nang makasakay na siya sa bangka nila.

"Alam ko lang kung paano gamitin yung lakas ko." tumingin si Minjoo sa damit ni Yujin. "Ang dami mong tubig na pinasok sa bangka."

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Pigain mo yung damit mo o kaya salukin mo yung tubig dito sa loob nang bangka." natawa si Yujin.

"Sabihin mo lang na gusto mo akong maghubad."

"Kung wala kang sasabihing maganda, pwedeng manahimik ka nalang." inis na saad ni Minjoo. "I should call about this before I got here." tumingin si Minjoo kay Yuji

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
i know this is too much to ask, but can you guys leave a comment or feedback about this story?

i really want to know if the plot was nice, good or it is fine 😭

Comments

You must be logged in to comment
hyemstar #1
I need english version of this 😭
Tailofkia_87
#2
Chapter 19: Nice update! Thank you ☺️
Tailofkia_87
#3
More updates please 😍
kimudamu21 #4
Chapter 11: I wonder why konti lang views nitong story mo, authornim. I like your story. Please update. Thank you.
kimudamu21 #5
Chapter 11: Update please.