Chapter 1

The Love Affairs
Please Subscribe to read the full chapter

Simula nanaman nang panibagong taon ng klase, para kay Minjoo isa nanamang panibagong taon ang kaniyang kakaharapin. Kinakabahan siya sa pagkakataong ito dahil nakita niya sa loob ng magiging classroom niya si Yujin.

"Bakit kailangan ko pa siyang maging kaklase." bulong ni Minjoo bago sumilip ulit sa classroom nila.

"Hey, Minjoo? Anong ginagawa mo diyan?" halos mapaupo si Minjoo dahil sa gulat.

"Aish, bakit kailangan mong manggulat." natawa lang ang kaibigan ni Minjoo at inakbayan siya.

"Hindi kita ginulat, sadyang nagulat ka lang. Anu bang ginagawa mo dito?, anong oras na, malapit nang magsimula yung klase natin." tumingin silang pareho sa relo nila.

"Parang tinatamad akong pumasok." saad ni Minjoo.

"Lakas amats mo ah, porket mapera kayo tatamarin ka nang pumasok?" umirap si Minjoo at tumingin sa papalapit sakanilang babae.

"Yuri, si Kang Hyewon. May ginawa ka nanaman ba?" hindi na nakasagot si Yuri sa tanong ng kaibigan niya dahil kaagad siyang nagtago sa likot nito.

"Hi?" takot na bati ni Yuri sa babaeng lumapit sakanila.

"Hey, for the nth time I'm telling you this. Stop knocking at my dorm's door, I have an alarm clock to wake me up." pinatong ni Hyewon yung kamay niya sa ulo ni Yuri at marahang tinapik yun.

"Ginawa mo nanaman?" tanong ni Minjoo sa kaibigan niya nang makaalis na si Hyewon.

"Hindi ko mapigilan yung sarili ko, kagabi kasi nakarinig nanaman ako nang sigaw sa kwarto niya-"

"Kaya iniisip mo na baka pagod siya at hindi kayang gumising nang maaga?" tumango lang si Yuri. "Correction, hindi sigaw yung narinig mo, groans and moans."

"Kung anu man yung ginagawa nung babaeng kasama niya wala akong pakielam sakaniya, basta gusto ko lang masiguro na magigising nang maaga si Hyewon." hinila na ni Yuri si Minjoo para tuluyang pumasok sa classroom nila.

"Paano yan, palipatin mo nalang kaya si Yena sa tabi ni Yujin para magkatabi parin tayo." umakyat na sila sa hagdanan palapit kay Yena.

"What?" walang ganang tanong ni Yena, hinila naman ni Minjoo si Yuri.

"Pwede ka bang lumipat sa tabi ni Yujin?" halos pabulong na sambit ni Yuri.

"We're not in good terms right now." yumuko na sa lamesa si Yena.

"Ikaw nalang yung tumabi kay Yujin." saad ni Yuri at umupo na sa tabi ni Yena, alangan man si Minjoo bumaba nalang siya ulit at naglakad papunta sa kabilang side nang classroom nila.

Tahimik lang si Yuri at sa pagkakataong yun, gusto niya nang makakausap pero nasa kabilang side ng classroom nila si Minjoo.

"Hey?" kinalabit ni Yuri yung katabi niyang babae. "Bakit nandito ka? Diba senior year ka na?" umayos ng upo si Yena at hinarap si Yuri.

"Pwede mo ba akong hayaang matulog?" umiling si Yuri. "Gusto ko lang matulog, please?"

"Bakit nga pala hindi kayo okay ni Yujin?" napabuntong hininga si Yena.

"Pake mo ba? Tsaka hindi nga kita kilala, anu nga ulit pangalan mo?" napanganga nalang si Yuri dahil sa narinig niya.

Nanahimik nalang silang dalawa nang dumating na yung professor nila at nagsimulang magturo. Si Minjoo naman hindi mapakali sa kinauupuan niya.

"Sorry." sambit ni Minjoo nang tignan siya ni Yujin.

"Stop moving." simpleng saad nito at nakinig na sa professor nila.

Nang matapos na yung unang klase nila hinawakan ni Minjoo si Yujin sa palapulsuhan nito.

"Pwede ba tayong mag-usap mamayang lunch?" tanong ni Minjoo.

"Kakain ako." tumango si Minjoo.

"Bago ka umuwi?" tumango lang si Yujin at sapilitang tinanggal yung kamay ni Minjoo na nakahawak sakaniya.

Sa sumunod na klase hindi na kasama ni Minjoo si Yuri dahil magkaklase lang naman sila sa mga minor units nila.

Pagkatapos nang pangalawang klase ni Minjoo, wala na siyang kasunod na klase hanggang lunch break kaya tumambay nalang muna siya sa library.

"Woah, unang araw ng klase nakatambay ka na dito? Tsk, iba talaga ang isang Kim Minjoo." tinignan ni Minjoo yung babaeng umupo sa kaharap niyang upuan.

"Pwedeng huwag kang maingay?, nagbabasa ako." ngumiti si Minjoo at inirapan yung babaeng nasa harap niya.

"Baka nga hindi talaga kayo ni Yujin ang para sa isa't isa."

"Pag hindi ka tumigil diyan Chaewon, ihahampas ko sayo 'tong librong hawak ko." nginitian lang ni Chaewon si Minjoo.

"Silence." sambit nang librarian, napapikit si Minjoo at tinignan nang masama si Chaewon.

"Kamusta na nga pala yung mga kaibigan mo, nabalitaan ko nagdorm narin daw si Nako." bulong ni Chaewon.

"Hmm, okay naman kami."

"Tss, mga kaibigan mo ang sinabi ko hindi ka kasama dun." umirap si Minjoo.

"Edi okay lang sila." tumayo na si Minjoo at binalik yung librong binabasa niya.

"Eh, sila Yuri at Hitomi?" napapikit si Minjoo bago harapin si Chaewon.

"Maayos naman si Yuri, nagagambala parin ng kaibigan mo tuwing gabi. Tapos si Hitomi naman baka ilang buwan pa bago siya makapasok." tumango si Chaewon.

"Bakit anong nangyari sakaniya?" sumandal si Chaewon sa shelf.

"Wala akong alam, basta ang paalam lang niya mahuhuli siya nang pasok." ngumiti lang si Chaewon at naglakad na paalis. "Problema nun?" bulong ni Minjoo.


Nang maglunch break na dinaanan na muna ni Minjoo si Nako sa classroom nila.

"Alam mo ba, ang weird ni Chaewon kanina." salubong ni Minjoo kay Nako.

"Paanong weird?"

"Bigla nalang siyang nagtanong nang tungkol sa inyo, tapos tinanong niya rin kung anong dahilan bakit wala si Hitomi." tumango si Nako.

"Anong sinagot mo?"

"Sabi ko hindi ko alam, hindi ko naman kasi talaga alam. Bakit nga ba?" nagkibit balikat lang si Nako sa tanong nang kaibigan niya.

Pagdating nila sa pwesto nilang magkakaibigan nandun na si Yuri at Chaeyeon.

"Girlfriend mo nasaan?" tanong ni Minjoo kay Chaeyeon.

"Bumili ng pagkain namin, wala ako sa mood pumila ngayon." tugon ni Chaeyeon.

"Haba nang pila." walang paalam na umupo si Chaewon sa pwesto nang magkakaibigan. "Bakit, bawal maki-upo?" tanong ni Chaewon.

"Trip mo nanaman?" tanong ni Yuri.

"Grabe makiki-upo lang, binili niyo na ba yung pwesto na 'to?" nagsimula nang kumain si Chaewon.

"Gutom na gutom ampotek, Chaewon ganiyan ba talaga kapag nawalan nang kasama sa bahay?, ginugutom nang sobrang?" natatawang sambit ni Sakura.

"Pasalamat ka, gutom talaga ako ngayon." tugon ni Chaewon kahit na punong puno ng pagkain yung bibig niya.

"Kasama sa bahay? Diba ikaw lang naman mag-isang nakatira sa bahay mo?" usisa ni Yuri.

"Pero nung summer break kasi, nag-stay sila mom sa bahay." saad ni Chaewon.

"Tara, bili nalang tayo ng pagkain natin." aya ni Minjoo sa mga kaibigan niyang hindi pa nakakabili ng pagkain nila.

Napatitig naman sila Sakura at Chaeyeon kay kay Chaewon.

"Bahala ka nga sa buhay mo." sambit ni Chaeyeon.

"Kkura, anong ginawa ko diyan sa girlfriend mo?" nakangusong sambit ni Chaewon.

"Tss, ewan ko rin sa utak mo. Bakit ka nga pala pumwesto dito?" nagsimula nang kumain si Sakura.

"Ang intense sa pwesto nila Yujin, natatakot ako." natatawang sambit ni Chaewon.

"Eh si Wonyoung nasaan?" tanong ni Chaeyeon.

"Malay ko, hanapan ba ako nang nawawalang duwag?" sinamaan nang tingin nung dalawa si Chaewon. "Biro lang, grabe naman kayo sakin."

"Baka lumalanghap lang nang sariwang hangin." si Sakura. "Lalo na sa nangyari nung nakaraang buwan."

Nanahimik na silang tatlo nang bumalik na sila Yuri sa pwesto nila.


---------------------------------


Natapos ang lahat nang klase ni Minjoo na wala siyang ibang iniisip kundi si Yujin, ang babaeng nagustuhan niya mula palang nang tumuntong siya sa university of enozi.

"Hindi pa ba siya uuwi." umupo si Minjoo sa bench na malapit lang sa gate.

"Anong kailangan mo?" tumayo si Minjoo nang lumapit sakaniya si Yujin.

"Alam kong wala kang ideya kung sino nagbibigay ng mga sulat sayo." tumango si Yujin. "Gusto ko sanang sabihin na a-"

"Huwag mo nanag ituloy yung sasabihin mo." bumuntong hininga si Yujin. "Ayokong i-reject ka directly, but I have to. Stop sending letters to me, stop stalking my social media accounts and lastly, never talk to me again." agad na tumalikod si Yujin. "Hindi porket engineering student ako at architecture student ka, that doesn't mean we were perfect for each other." naglakad na palayo si Yujin at hindi man lang hinintay na makatugon si Minjoo sa mga sinabi niya.

Wala sa sariling naglakad si Minjoo papunta sa dorm niya.

"Hey?" napahinto si Minjoo sa paglalakad nang harangin siya ni Chaewon. "Ayos ka lang?" umiling si Minjoo. "Sabi ko naman kasi sayo hin-" nagulat si Chaewon nang sampalin siya ni Minjoo.

"Wala kang alam sa nararamdaman ko." naglakad na si Minjoo at iniwang nakatulala si Chaewon sa hallway.

"Ang sakit nun ah." naglakad nalang si Chaewon papunta sa dorm ni Hyewon.

"Ang tagal mo namang dumating, umuwi ka pa ba sa bahay mo?" salubong ni Hyewon kay Chaewon.

"Pinuntahan ko lang si Eunbi-unnie, may mga pina-photo copy kasi siya." umupo si Chaewon sa tabi ni Hyewon. "Ang hirap talagang maging medical student, buti tamang chill lang ako sa course ko."

"Sa sobrang chill mo nakalimutan mo na kami." nakaismid na saad ni Hyewon.

"Tsk, grabe naman yung nakalimutan. Teka, tayong dalawa lang ba mag-iinuman dito?" natawa si Hyewon sa tanong nang kaibigan niya.

"Mukbang gagawin natin, anong inuman ka diyan?" nagsimula nang mag-ihaw ng beef at pork belly si Hyewon sa electric grill na nasa mababang lamesa niya.

"Ayos lang naman na mag-inuman tayo diba? Kahit maghalikan tayo dito walang mangyayari." binatukan siya ni Hyewon. "Makabatok ampotek na yan."

"May humalik ba sayo? Bakit ganiyan yung galawan mo?" umiling si Chaewon sa tanong ng kaibigan niya.

"Sinampal ako ni Minjoo bago ako pumunta dito, nakakainis." nagsimula nang kumain si Chaewon nang iba pang putahe ng pagkaing nakahain sa harap niya.

"Umamin na ata siya kay Yujin." saad ni Hyewon.

"Pake ko sakanila." natatawang sambit ni Chaewon. "Hindi parin niya dapat ako sinampal, ako ba nag-reject sakaniya." napahinto silang dalawa sa mga ginagawa nila nang may pumasok sa kwarto ni Hyewon.

"Grabe nagsisimula na kayo, hindi man lang ako hinintay." umupo si Sakura sa kabilang side nang lamesa. "Anu topic niyo kanina?"

"Umamin na daw si Minjoo kay Yujin, obviously na-reject siya." paliwanag ni Chaewon.

"Alam naman natin kung bakit siya na-reject diba?" tumango sila Hyewon at Chaewon sa tanong ni Sakura. "Si Yena hindi niyo ba niyaya?"

"Tinanong ko siya, pero nag-bad finger lang ang loko. Syempre umiling ako, hindi naman yung chip na yun yung naka-implant sakin." binatukan ni Chaewon si Hyewon.

"Badtrip lang yung loko at wala na siyang ibang ibig sabihin dun." natatawang saad ni Chaewon.

"Ganun ba yun? Akala ko gusto niya nang a-" sa pagkakataong yun si Sakura na yung bumatok sakaniya. "Makabatok kayong d

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
i know this is too much to ask, but can you guys leave a comment or feedback about this story?

i really want to know if the plot was nice, good or it is fine 😭

Comments

You must be logged in to comment
hyemstar #1
I need english version of this 😭
Tailofkia_87
#2
Chapter 19: Nice update! Thank you ☺️
Tailofkia_87
#3
More updates please 😍
kimudamu21 #4
Chapter 11: I wonder why konti lang views nitong story mo, authornim. I like your story. Please update. Thank you.
kimudamu21 #5
Chapter 11: Update please.