Chapter 10

The Love Affairs
Please Subscribe to read the full chapter

[KINABUKASAN]


"Dapat talaga sinama ko na si Wonyoung kagabi pabalik dito sa university, ako lang tuloy walang bebe." huminto sa pagwawalis si Hyewon.

"Hye, baka malate daw si Wonyoung, pinapabigay niya nga pala sayo." tumingin si Hyewon kay Minjoo.

"Sa-salamat." kinuha ni Hyewon yung bote at bimpo na inaabot ni Minjoo.

"Marunong ka palang mahiya?" natatawang saad ni Yena.

"Nagulat lang ako." napakamot si Hyewon sa ulo niya.

"Yiee, Minjoo crush mo siya dati diba?" saad ni Hitomi.

"Anu ba Hitomi, nakakahiya." tumakbo si Minjoo palapit sa kinauupuan nila Hitomi at Yuri.

"Ganda talaga." pang-aasar ni Chaewon kay Hyewon.

"Huwag mong sabihing kinikilig ka?" nakangiting saad ni Yena.

"Dinidemonyo niyo akong dalawa, maglinis na nga kayo." tinulak ni Hyewon sila Yena at Chaewon palayo sakaniya.


Pagkatapos nilang maglinis kumain na muna sila sa cafeteria para mag-agahan.

"Babe, may corndog akong nakita gusto mo nun?" tumingin si Hitomi kay Chaewon.

"Ikaw bahala." tumango lang si Chaewon at naglakad na para bumili nang pagkain nilang dalawa ni Hitomi.

"Wala pa si Wonyoung, ikaw Minjoo anong gusto mong kainin?" nakangusong tanong ni Hyewon kay Minjoo.

"Ayos lang ako, sumama lang naman ako para sabay na ako kela Yuri sa pagpasok." napakamot si Minjoo sa ulo niya.

"Sayang naman yung gising mo nang maaga, libre na kita." tumayo na si Hyewon at bumili nang makakain.

"Dapat sinabi mo sakaniya na kaya mong bilihin 'tong eskwelahan natin, baka sakaling mahiya siya." natatawang saad ni Yuri.

"Yul? Its a secret we need to hide, remember Minjoo's low-key lifestyle." saway ni Hitomi kay Yuri.

"Okay." napakamot si Yuri sa ulo niya. "Oo nga pala, wala ba kayong sasalihan na performance sa festival?"

"May conference si dad sa araw nang festival, kaya baka hindi ako makapunta." tugon ni Minjoo.

"Hindi ako pwedeng magpagod masyado, baka support lang ako kay Chaewon this year." nakangusong saad ni Hitomi.

"Alam kong nasabi mo na kung bakit hindi niyo sinasabi samin yung tungkol sa relasyon niyong dalawa, pero gusto ko lang malaman kung paano kayo nagkakilala." lumapit si Yuri kay Hitomi. "Kwento mo naman samin."

"Mabilisang kwento lang." tumango si Yuri. "11th grade palang kasi naghahanap na ako nang university na pwede kong mapasukan, isang beses nakasabay ko siya sa pagpunta dito sa enozi university, that time pumunta lang daw siya dito kasi may kakausapin siya." natawa si Yuri at Minjoo.

"First time niyo palang nagkita nakwento na kagad niya sayo yun?" tanong ni Minjoo, tumango si Hitomi.

"Nagulat nga ako nung kinausap niya ako, siya pa yung nag-tour sakin sa buong university. Kaya akala ko nag-aaral na siya dito, pero yun nga may kakausapin lang daw siya. Tanong siya nang tanong sakin kung dito na ba daw ako mag-aaral, kasi nga diba 12th grade na siya nun, para daw pareho kami nang school." natawa si Hitomi. "Nung makita ko yung tuition fee, parang gusto ko nalang umuwi sa Japan."

"Ahh, kaya pala nag-part-time job ka nun?" saad ni Yuri.

"Hmm, para makapasok ako dito. Naging kami nung 12th grade na tayo, nag-away pa kami nun kasi hindi talaga siya dapat dito mag-aaral, bale nung natanggap siya sa eskwelahan sa ibang bansa hindi siya tumuloy nung malaman niyang mag-aaral ako dito." napabuntong hininga si Hitomi. "Kaya nga ganun nalang yung mom niya sakin dati, naiintindihan ko naman siya at nagpapasalamat din ako kasi ngayon tinutulungan niya na kami pareho ni Chaewon."

"Anong nangyari, bakit bumait yung mom niya sayo?" tanong ni Yuri.

"Basta, sa'ming dalawa na muna yun ng mom niya sa ngayon." natatawang saad ni Hitomi.

"Anong pinag-uusapan niyo?" umupo si Chaewon sa tabi ni Hitomi. "Ako nanaman 'yan noh?" pinatong ni Chaewon yung baba niya sa balikat ni Hitomi.

"Hmm, kumain ka na diyan." inayos na ni Hitomi yung pagkain nilang dalawa ni Chaewon.

"Hintayin na natin yung dalawa, kawawa naman yung naiwan nila dito." natatawang saad ni Chaewon.

"Hindi sige, landian lang kayo, ayos lang kami dito." nakaismid na saad ni Yuri.

"Landian kagad? Hindi ba pwede namiss lang namin yung isa't isa?" kunot noong saad ni Chaewon.

"Iniisip ko tuloy ngayon kung paano kayo nakakatakas samin." saad ni Yuri.

"Nakatira lang kami sa iisang bahay, malamang makakatakas talaga kami sa inyo." natatawang saad ni Chaewon.

"Kaya pala laging dito sa university ang kitaan natin kapag gagala tayo, kasi ayaw mong magpasundo sa bahay niyo." saad ni Minjoo. "Bakit ang galing niyong magtago?"

"Ganun talaga kapag gusto mong pribado lang yung relasyon niyo." sambit ni Hyewon bago tumabi kay Minjoo. "Kumain ka na." wala nang nagawa si Minjoo kundi tanggapin yung alok ni Hyewon.

"Salamat." saad ni Minjoo.

"Yul, date tayo mamaya." napatingin nalang sila kay Yena. "Kahut saglit lang."

"Wala pa naman akong sinasabi, libre mo?" natatawang sambit ni Yuri.

"Syempre naman, payag ka ba?"

"Malamang papayag yan, ambobo mo talaga." nakaismid na saad ni Chaewon.

"Umayos ka, baka paulanan ka nanaman ni Hitomi diyan ng ambobo mo." natatawang saad ni Yena.

"Kumain ka na nga lang diyan, hayaan mo na silang dalawa." saway ni Hitomi kay Chaewon.

"Tayo babe? Date din tayo?" tumango lang si Hitomi.

"Obviously Wonyoung can't attend her classes today, some couple want to adopt me?" tumingin si Hyewon kay Yena at Chaewon. "Ganiyan naman kayo eh, parang makiki-thirdwheel lang." kinuha ni Hyewon yung pagkain ni Chaewon. "Masarap ba 'to?"

"Hindi." inis na saad ni Chaewon.

"Bakit binili mo? Sakin nalang ah." napabuntong hininga nalang si Chaewon. "Minjoo? Busy ka ba mamaya?"

"Huh?" gulat na tanong ni Minjoo.

"Busy ka ba mamaya?" napatingin si Minjoo sa mga kasama nila ni Hyewon kumain.

"Medyo, exam week na kasi next week." natawa si Hyewon.

"Next next week pa yung exam, sama ka na sakin." ngumiti si Hyewon. "Kakain lang tayo sa labas tapos, marunong ka bang maglaro, pubg?"

"Hindi ako marunong maglaro nun." natatawang saad ni Minjoo.

"Warcraft?" tumingin si Minjoo kay Yuri at Hitomi.

"Pwedeng minecraft nalang." napakamot si Minjoo sa ulo niya.

"Minecraft? Hahahahahahaha, sige sige." napailing nalang si Hyewon at sinusubukang pigilan yung tawa niya.

"Fortnite na nga lang para medyo masaya." saad ni Minjoo.

"Call, mamaya ah pagkatapos ng klase." tumayo na si Hyewon bago magpaalam sa mga kaibigan niya.

"Hindi man lang kayo tumutol?" nagtatakang tanong ni Minjoo sa mga kasama niya.

"Inaya ka lang naman niyang lumabas, tsaka magkaibigan naman kayo diba?" saad ni Yena.

"Hayaan mo, kapag si Hyewon naman yung kasama mo, hindi ka gagastos." natatawang saad ni Chaewon.

"That's not the point, she's in a relationship, she can't go out with anyone else anytime she wants to." natatawang saad ni Minjoo.

"What's wrong with that, both of them were close to you." saad ni Yuri.

"As if you're committing a crime, you're just hanging out with her." nakangiting saad ni Hitomi. "Pero kung ayaw mo, edi sabihin mo sakaniya."

"Tumutol man kami o hindi, ikaw parin naman yung magdedesisyon." sambit ni Chaewon bago tumayo. "Mauuna na kami." kinuha ni Chaewon yung mga libro ni Hitomi bago alalayan ang huli sa pagtayo.

"Kita nalang tayo mamayang lunch, bye~" kumaway na si Hitomi sa mga kaibigan niya tsaka naglakad kasabay ni Chaewon.

"Sabi mo may gusto si Minjoo kay Hyewon?" natatawang tanong ni Chaewon.

"Ahh, oo dati, naaalala mo kapag pinupuntahan namin si Yena para lang makita siya ni Nako? Lagi kasi siyang nginingitian ni Hyewon, kaya ayun nagkagusto siya sakaniya." kumapit si Hitomi sa braso ni Chaewon.

"Nakakatuwa noh? Mas lalo tayong pinaglapit nun, habang walang kaalam alam yung mga kaibigan natin na tayo na." ngumiti si Hitomi.

"Nag-confess ba sayo si Yuri?" kumunot yung noo ni Chaewon nang itanong yun ni Hitomi. "Sabi niya kasi, ikaw daw yung nagustuhan niya sa inyong magkakaibigan nun."

"Hindi naman siya nag-confess sakin, nagselos ka ba sakaniya?" natawa si Hitomi.

"Bakit naman ako mag-seselos?"

"Syempre, hindi niya alam na girlfriend kita, paniguradong magkukwento siya sayo." pinitik ni Hitomi yung tenga ni Chaewon.

"Tingin mo kay Yuri, parang si Yena na bukambibig lagi si Yuri? Isang beses lang sinabi samin ni Yuri na gusto ka niya, kaya nga akala ko magko-confess na siya sayo." tumango si Chaewon.

Pumasok na silang dalawa sa classroom nila, wala pa naman yung prof nila kaya nagbigay muna si Chaewon nang idea kay Hitomi tungkol sa mga napag-aralan na nila nung mga nakaraang hindi pa pumapasok si Hitomi.

"Tuturuan nalang kita kapag nasa bahay tayo, para hindi ka na mahirapan sa pagre-review mo next week." nakangiting saad ni Chaewon.

"Salamat." tinignan ni Hitomi yung pwesto ni Nako. "Napansin mo bang pumasok na si Nako?" binalik niya kay Chaewon yung atensyon niya.

"Hindi pa naman, tsaka kung pumasok na siya siguro naman kakausapin ka niya muna."

"Sana pumasok siya, kundi wala akong kasama buong morning class ko." nakangusong saad ni Hitomi.

"Dapat pala lahat na nang units yung binagsak ko, isang beses lang tuloy tayong magkaklase." piningot ni Hitomi si Chaewon.

"Kung ibagsak kaya kita diyan." natawa lang si Chaewon bago pisilin yung magkabilang pisngi ni Hitomi. "Masakit." hinampas ni Hitomi sa balikat si Chaewon.

"Masakit din naman yung pagkakapingot mo ah." natatawang hinawakan ni Chaewon yung tenga niya.

"Kiss ko nalang mamaya." nakaismid na saad ni Hitomi.

"Ngayon na, masakit talaga." tumango si Hitomi tsaka lumapit kay Chaewon. "Aray!!!" hinawakan ni Chaewon yung tenga niya. "Bakit mo'ko kinagat?" naluluhang saad ni Chaewon.

"Mamaya na nga kasi." napanguso si Chaewon tsaka humarap sa kaliwa niya, nakatingin lang siya sa bintana at hindi pinapansin si Hitomi. "Tampo ka nanaman." naramdaman ni Chaewon yung paghalik ni Hitomi sa tenga niya, napakagat nalang si Chaewon sa mga labi niya dahil sa kilig.

"Good morning class." napaayos na si Chaewon nang pagkakaupo, habang tuloy parin sa pagpipigil nang pag-ngiti niya.


-------------

[Lunch Break]

"Anong meron?" bulong ni Sakura kay Chaeyeon pagkabili niya nang pagkain nilang dalawa.

"Hindi ko rin alam, basta pag-upo lang nila ganiyan na sila." tugon ni Chaeyeon habang nakatingin parin kay Hitomi at Chaewon.

"Masakit parin ba?" tanong ni Hitomi.

"Medyo, kiss mo pa ulit." nilapit ni Chaewon yung tenga niya kay Hitomi.

"Hindi ako single, pero bakit naiinis ako." saad ni Sakura.

"Same, alis nalang kaya tayo dito?" saad ni Chaeyeon.

"Grabe, minsan lang naman 'to. Tsaka ngayon lang namin nagagawa na maging sweet sa harap nang maraming tao." nakangusong saad ni Chaewon.

"Palihim lihim pa kasi kayo, tignan niyo kami." inakbayan ni Sakura si Chaeyeon.

"Magpapatayan na kami, sooner or later." nakangiting saad ni Chaeyeon.

"Wala parin sila Yuri? Sabi nila dadaan lang daw sila saglit sa dorm nila." saad ni Minjoo bago samahan yung mga kaibigan niya sa pwesto nila.

"Baka may iba nang ginagawa yung mga yun." natatawang saad ni Sakura.

"Magpapasabay pa naman ako ng pagkain ko sakanila." ngumuso si Minjoo bago tumingin kay Chaewon.

"Nakabili na kami, may paa at kamay ka naman, ikaw nalang yung bumili ng pagkain mo." natatawang saad ni Chaewon.

"Nasaan na ba kasi yung iba?" tumayo na si Minjoo at pumila para bumili ng pagkain niya.

"₩136,098." hinawakan ni Minjoo yung bulsa niya.

*Bakit naman naiwan ko pa sa bag ko? Mendyo ambobo ko today.*

"Here, pakisama narin po yung sakin." inabot ni Hyewon yung credit card niya sa cashier. "Need some help?" tanong ni Hyewon kay Minjoo pagkakuha niya nang credit card niya.

"Hindi na, salamat nga pala." tumango lang si Hyewon.

"Paalala ko nga pala yung mamaya, huwag mong kalimutan, hihintayin kita sa parking lot."

"Tungkol nga pala dun." tumingin si Hyewon sakaniya. "Ako nalang yung magbabayad sa pagkain ko." ngumiti si Hyewon.

"You don't have to, if you really want to stay with your low-key lifestyle, its alright." nauna nang maglakad si Hyewon papunta sa pwesto nilang magkakaibigan.

"How did she know?" bulong ni Minjoo bago sumunod kay Hyewon.


-----------

"Babe, saan tayo?" nakangiting tanong ni Chaewon kay Hitomi nang makasakay na sila sa sasakyan nila.

"Ikaw nag-aya tapos ako tatanungin mo?" sinuot na ni Hitomi yung seatbelt niya.

"Roadtrip nalang tayo?" tinignan ni Chaewon yung gas level ng sasakyan nila. "Game?"

"Kahit saan."

"Kahit saan basta kasama ako?" umiling si Hitomi.

"Kahit saan basta makakakain ako." napa-irap si Chaewon.

"Hindi mo na talaga ako mahal." napaatras nalang si Chaewon sa kinauupuan niya nang umupo si Hitomi sa mga hita nita. "Babe-" habol hiningang saad ni Chaewon.

"Wala pa akong ginagawa." natatawang saad ni Hitomi.

"Pero nasa loob pa tayo ng university, dito talaga?."

"Anu naman, wala naman tayong gagawing masama." pinalibot ni Hitomi yung mga braso niya sa batok ni Chaewon. "Akala ko ba gusto mong gawin din natin sa sasakyan?" hinalikan ni Hitomi sa tenga si Chaewon.

"Babe, anu ba nakikiliti ako." natatawang saad ni Chaewon, bumaba na sa leeg niya yung mga halik ni Hitomi. "Babe~" humigpit yung pagkakahawak ni Chaewon sa mga hita ni Hitomi.

*TokTok*

Napatingin silang dalawa sa bintana bago yun ibaba.

"Anak ka nang, anong ginagawa niyo diyan?" gulat na tanong ni Yena sa dalawa.

"Anu bang kailangan mo?" napakamot si Yena sa ulo niya.

"Papahatid lang sana kami ni Yuri sa bahay namin." sinilip nila Chaewon at Hitomi si Yuri.

"Don't worry, wala akong nakita." natatawang saad ni Yuri.

"Sakay na kayo, pahingi akong pang-gas ah." saad ni Chaewon, tumango lang si Yena at pinagbuksan na ng pintuan si Yuri.

"Kala ko ba magde-date kayo?" tanong ni Hitomi sa dalawa bago bumalik sa pwesto niya.

"Pinapauwi ako nila mama, gusto daw nilang makita si Yuri." tugon ni Yena.

"Baka bukas kasalan na yan." sambit ni Chaewon bago magsimulang magmaneho.

"Sila Hyewon kaya, nakaalis na?" si Yuri.

"Siguro, wala na yung sasakyan niya nung dumating kami ni Hitomi sa parking lot kanina." tugon ni Chaewon.

"Hindi kaya magalit si Wonyoung o si Yujin?" natatawang saad ni Yena.

"Kung wala naman silang gagawing masama, siguro naman hindi." tugon ni Yuri.

"Edi tignan natin bukas, kapag nagkagulo ibig sabihin lang nun may nangyari sakanila." saad ni Hitomi.

"Saan nga pala kayo pupunta?" tanong ni Yena.

"Kahit saan, basta hindi kayo kasama." nakaismid na saad ni Chaewon.

"Akala mo naman gusto ko kayong kasama? Pareho kayong savage ng girlfriend mo eh." natatawang saad ni Yena.

"Kung pabababain kaya kita." tumingin si Chaewon sa rearview mirror.

"Nagbibiro lang ako eh, magpa-gas ka na nga." kinuha na ni Yena yung wallet niya.


Pumarada na sila Chaewon sa isang gas station, habang sila Yuri at Hitomi naman pumunta sa convenience store na malapit lang sa gas station.

"Ako lang ba o namumutla lagi si Hitomi?" nagtatakang tumingin si Chaewon kay Yena. "Maputi siya, pero halata parin naman yung pamumutla sakaniya."

"Are you checking my girl?" natawa si Yena.

"Napapansin ko lang naman, ampotek neto. Paarawan mo minsan, baka kulang sa dugo yung girlfriend mo." binatukan ni Chaewon si Yena.

"Kung lutuin kaya kita sa initan." nakaismid na saad ni Chaewon.

"Pero promise Chae, lagi siyang namumutla." tumingin silang dalawa kay Yuri at Hitomi na papalapit na sakanila.

"Tara na." saad ni Hitomi bago sumakay sa sasakyan.


Nang maihatid na nila Chaewon sila Yuri at Yena, nagmaneho na kagad si Chaewon papunta sa isang beach.

"Masyado na atang gabi para pumunta pa tayo dito." saad ni Hitomi nang pagbuksan na siya ni Chaewon ng pintuan.

"Walang oras para pigilan nating maging masaya." bahagyang umupo si Chaewon para itiklop yung pantalon na suot ni Hitomi. "Don't worry, sandali lang naman tayo." tiniklop narin ni Chaewon yung pantalon niya bago hubarin yung sapatos at medyas niya.

"Hindi naman na kita mapipigilan na hindi ako hilain sa tubig diba?" ngumiti lang si Chaewon at hunubad yung sapatos at medyas ni Hitomi.

"Sino bang nagsabing hihilain kita papunta sa tubig?" umayos ng tayo si Chaewon at hinila palapit si Hitomi sakaniya. "Tara na." binuhat ni Chaewon si Hitomi na para bang bago silang kasal. "Kumapit ka." natawa nalang si Hitomi at yumakap kay Chaewon.

Nang tumakbo na si Chaewon papunta sa dagat napatili nalang si Hitomi.

"Ibababa na kita, medyo malamig yung tubig." tumango lang si Hitomi bago siya marahang ibinaba ni Chaewon.

"Babe?" nakangiting tumingin si Chaewon kay Hitomi. "I love you."

"I love you too, do you want me to down on my knee right now to prove it?

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
i know this is too much to ask, but can you guys leave a comment or feedback about this story?

i really want to know if the plot was nice, good or it is fine 😭

Comments

You must be logged in to comment
hyemstar #1
I need english version of this 😭
Tailofkia_87
#2
Chapter 19: Nice update! Thank you ☺️
Tailofkia_87
#3
More updates please 😍
kimudamu21 #4
Chapter 11: I wonder why konti lang views nitong story mo, authornim. I like your story. Please update. Thank you.
kimudamu21 #5
Chapter 11: Update please.