Backstory (ssAmbBaNg)

The Love Affairs
Please Subscribe to read the full chapter

Normal na araw para kay Chaewon ang araw nang Sabado, nagbabago lang ang mood niya sa tuwing pinapapunta siya ng ina niya sa kompanya nito.

"Ayoko nga." walang ganang umupo si Chaewon sa sofa na nasa sala ng bahay nila.

"Pero kailangan mong pumunta, kilala mo naman si mom, gusto niya na kahit papaano bumibisita tayo sa opisina niya." patuloy na pag-kumbisi ni Eunbi sa kapatid.

"Papapuntahin niya ako dun, for what? To get along with her husband?" umiling si Chaewon. "That husband of hers will surely leave her soon." pinag-krus ni Chaewon yung mga braso niya.

"Gusto mong gumaya kay Felix? Sige lumayas ka na rin."

"Wala akong sinasabing ganun, pero yung ipilit siya ni mom sa'tin na maging ama, yun yung ayaw ko. She even ask me to call him dad, that's a big no for me." napabuntong hininga na lang si Eunbi at tinitigan yung kapatid niya. "What?"

"My dad, your dad and that guy, are the same." inis na tumayo si Chaewon.

"Not my dad, he's an astronaut, of course he had to leave for his job." padabog na umakyat si Chaewon sa kwarto niya. "She always use my dad to annoy me." nagpalit na ng damit si Chaewon at agad na umalis nang bahay nila.

Kagaya lang nang mga nakaraang araw na pumupunta si Chaewon sa opisina ng ina niya, nakatulala lang siya sa kung saan at naghihintay na payagan na siyang makaalis ng ina niya.

"I have to go." tumayo si Chaewon, hindi na niya hinintay pang makatugon ang kaniyang ina at agad na siyang lumabas sa opisina nito.

Naglalakad lakad lang siya hanggang sa mapadpad siya malapit sa Han River kung saan may nagp'perform na isang banda.

"They are cool." inayos ni Chaewon yung mask at sumbrero niya dahil baka makilala siya nang mga taong nakapaligid sa kaniya.

Nung una, yung kanang paa lang ni Chaewon yung sumasabay sa kanta, hanggang sa hindi na rin niya napigilan pang kumanta kasabay yung banda na nasa stage.

"Omo, your voice is so cool." hindi pinansin ni Chaewon yung nagsalita at tuloy pa rin siya sa pagsabay sa kanta. "Hey?" inis na napahinto sa pagkanta si Chaewon at tinignan yung kumalabit sa kaniya. "I dare you to sing on the stage."

"What the heck, I don't even know you."

"Sing on the stage, then I will date you." napaatras si Chaewon sa sinabi nung babaeng umistorbo sa kaniya.

"Crazy." marahang naglakad si Chaewon palayo sa babae.

Sa tuwing napapatingin si Chaewon sa babaeng kumausap sa kaniya, nagugulat na lang siya dahil nakatitig ito sa kaniya.

"Yah, please? Isang kanta lang, ide-date talaga kita." halos mapa-upo si Chaewon nang bigla na lang sumulpot sa harap niya yung babae kanina.

"I won't." napanguso na lang yung babae at naglakad palayo kay Chaewon. "Pero date na yun Chaewon." bumuntong hininga si Chaewon bago maglakad papunta sa likuran ng stage.

"Five minutes break, see you in a while." napakamot na lang si Chaewon sa ulo niya dahil sa kaba.

"Para lang sa date Chaewon?" maglalakad na sana si Chaewon paalis nang tawagin siya nung babaeng kumakanta kanina sa stage.

"Do you need anything?"

"Ayos lang ba kung kumanta ako? Kahit isang kanta lang." tumango yung babae.

"Soyeon." nilahad nung babae yung kamay niya.

"Chaewon." marahang tinapik ni Chaewon yung palad ni Soyeon. "Sorry I'm not that good at socializing." nakayukong saad ni Chaewon.

"Ayos lang, tara kausapin natin yung banda." nakayukong sumunod si Chaewon kay Soyeon sa ibabaw ng stage.

Pagkatapos nang ilang minutong dikusyon ni Soyeon sa banda pumwesto na si Chaewon sa harapan ng mikropono.

"Good evening again, since I have to take a break, my friend is here to sing a song for us." mabilis na introdaksyon ni Soyeon kay Chaewon. "Good luck." ilang ulit na napalunok si Chaewon dahil sa kaba lalo na nang umalis na sa stage si Soyeon.

"Gusto mo lang pala magpapilit." nakangiting sambit ng babaeng kumausap kay Chaewon kanina. "For a date, she's really cool."

Nagsimula nang tumugtog yung banda na nasa likuran ni Chaewon at hindi na niya nagawa pang tanggalin yung mask niya.

(Save the Last Dance for Me - Michael Bublé)

"You can dance, every dance with the guy
Who gives you the eye, let him hold you tight"

Tumingin si Chaewon sa kinaroroonan nung babae kanina.

"You can smile every smile for the man
Who held your hand beneath the pale moon light."

"But don't forget who's takin' you home
And in whose arms you're gonna be
So darling, save the last dance for me"

Napangiti na lang si Chaewon nang makita niyang bahagyang pumalakpak yung babae kanina.

"Oh, I know that the music's fine
Like sparklin' wine, go and have your fun
Laugh and sing, but while we're apart
Don't give your heart to anyone"

"And don't forget who's takin' you home
And in whose arms you're gonna be
So darling, save the last dance for me"

"Baby, don't you know I love you so
Can't you feel it when we touch
I will never, never let you go
I love you oh so much"

"You can dance, go and carry on
'Til the night is gone
And it's time to go
If he asks if you're all alone
Can he walk you home, you must tell him no"

" 'Cause don't forget who's taking you home
And in whose arms you're gonna be
Save the last dance for me"

"Oh, I know that the music's fine
Like sparklin' wine, go and have your fun
Laugh and sing, but while we're apart
Don't give your heart to anyone"

"And don't forget who's taking you home
And in whose arms you're gonna be
So darling, save the last dance for me"

"So don't forget who's taking you home
Or in whose arms you're gonna be
So darling, save the last dance for me"

Muling tinignan ni Chaewon yung babae kanina, pero wala na ito sa kinaroroonan niya.

"Oh baby, won't you save the last dance for me
Ooh, you make a promise
That you'll save the last dance for me
Save the last dance
The very last dance
For me"

Pagkatapos kumanta ni Chaewon agad siyang nagpasalamat at tumakbo papunta sa backstage.

Tumakbo si Chaewon at palinga linga sa paligid niya para hanapin yung babaeng kumausap sa kaniya kanina.

"Is she playing tricks on me?" inis na napahinto si Chaewon at sinipa yung bagay na nasa harapan niya. "Aish!" napahilot si Chaewon sa noo niya bago nagpasyang maglakad papunta sa sakayan ng bus.

Habang nakasakay si Chaewon sa bus, hindi niya maiwasan na mag-chat sa chatroom nilang magkakaibigan dahil sa inis.

[Gays panicking over the Gays]

ssamu: i know this is gonna be funny
: but still i'm going to tell you
: gays are you interested?
hye: 🖒
I'm the ducking duck: 🖒
yudaeng: 🖒
ssamu: someone ask me for a date, in one condition
: i have to sing on the stage
: I HAVE TO FOCKING SING ON THE STAGE!!!!!!!!!!!
: so i did
: I FOCKING DID SING ON THE STAGE!!!!
: then after that
: THEN AFTER THAT SHE DISAPPEARED!!!
: I REPEAT, SHE'S FOCKING DISAPPEARED!!!!
yudaeng: unnie, actually it wasn't obvious that you're mad right now
I'm the ducking duck: the heck yudaeng, she's literally mad MAD
yudaeng: exactly, she's not just mad, she's mad MAD
hye: 🖒
hye: 🖒
hye: 🖒
hye: 🖒
hye: 🖒
I'm the ducking duck: seriously hye?
hye: sorry, the internet is so sick, i have to go at the balcony just to have a stable internet
hye: btw, about that girl who ask you on a date, are you really going out with her if she didn't disappear?
yudaeng: again seriously hye? she just chat us i think every 10 secs.
: *hye-unnie
hye: I'm just asking
: did you gays forget about the girls asked her out, then even she said yes, she never shown up?
: she's kim chaewon, always been ask, but she never shown up
ssamu: you
: have
: a
: point
: but this girl is different
I'm the ducking duck: agree, reminder chaewon just sing on the stage
: for sure there's people watching her
yudaeng: right, right, so unnie that only means you just over come your fear from performing on the stage
hye: she's different
: so how did you over come your fear?
ssamu: what do you mean i over come my fear
: i literally sing with a mask and a cap
: only my eyes can be seen
yudaeng: THAT GIRL!! SHE'S FOCKING DIFFERENT!! 😭
: SHE HAVEN'T SEEN YOUR FACE, BUT ALREADY ASK YOU FOR A DATE!! 😭
: SO UNFAIR!!
I'm the ducking duck: can you calm down?
: btw i want to see her, and ask her if
: if she's out of her mind
hye: she's kim chaewon
: if someone ask her to sing
: that only means
: that someone heard her sing
: who wouldn't fall in love with kim's voice?
I'm the ducking duck: did you just confess?
yudaeng: (1)
hye: wonyoung, she's in love with that demon's voice
ssamu: is that a compliment or a threat?
hye: it's up to you
: video call with wony
: bayieeeee
I'm the ducking duck: are they dating?
yudaeng: courting stage, i think
: btw, chaewon-unnie
: how's your application?
I'm the ducking duck: application for?
ssamu: university somewhere in boston
yudaeng: in short harvard 😉
I'm the ducking duck: so, how is it?
ssamu: still waiting for the call or email
: tsaka next year pa naman yung magiging klase ko dun
: kaya hindi ko masyadong iniisip
I'm the ducking duck: at least you're going to harvard
: i visited my cousin who's studying there before, then mom spread the news that I've been at the harvard
: that was funny and hilarious at the same time
: hey! gays?!!
: yohoooo?!!
: anyone?!!!!


Pinatay na lang ni Chaewon yung cellphone niya at hindi na pinansin yung mga chat ni Yena. Pinindot ni Chaewon yung buzzer na nagsisilbing pagpa-paalala sa driver ng bus na may bababa, tsaka siya tumayo para maghanda sa pagbaba nang bus.

"In four moths Chaewon will be in 12th grade then after that she'll be going to college, what do you think the best gift for her?" napahinto sa paglalakad si Chaewon at pinakinggan yung pag-uusap ng ina niya at amahin na kasalukuyang naghahapunan.

"Brand new car?" napakagat sa labi niya si Chaewon nang marinig niyang sabihin yun ng ina niya.

"How about a house? She should live alone." tugon ng amahin ni Chaewon.

"Pupunta siya sa Boston next year, tapos bibilhan natin siya ng bahay." napanguso si Chaewon.

"Ikaw lang naman may gusto na pumunta ako sa Boston." bulong ni Chaewon bago nagmadaling umakyat sa kwarto niya.

Humiga si Chaewon sa kama niya at nag-isip nang pwede niya gawin bukas.

"Nandun kaya siya ulit bukas." dumapa siya at kinuha yung sketch pad niya tsaka nagsimulang mag-drawing. "Those fluffy cheeks, I want to pinch it." huminga nang malalim si Chaewon at bumalik sa pagkakahiga tsaka pumikit. "I think I'm in love." bumangon si Chaewon at pumasok sa banyo para maligo.

"Chaewon-ah!!" hindi pinansin ni Chaewon si Eunbi at pinagpatuloy lang yung pag-ligo niya. "Yah!! Kim Chaewon, the three eggs are here!"

"Papasukin mo na lang sila sa kwarto ko!" binilisan ni Chaewon yung pagligo niya. "Anu namang ginagawa nung mga yun dito." bulong ni Chaewon bago magpunas ng buhok at katawan niya.

Paglabas niya nang banyo nakahiga na yung tatlo sa kama niya at handa nang matulog.

"Bakit kayo nandito?" walang ganang tanong ni Chaewon habang kumukuha ng damit pang-tulog niya.

"Sleep over, nag-order na si Hyewon ng pag-kain." tugon ni Yena bago yumakap kay Yujin.

"Pumayag ba ako?" tinignan ni Chaewon yung mga kaibigan niya nang masama.

"Tss, broken hearted ka diba, syempre dadamayan ka namin." nakaismid na sambit ni Yujin. "Magbihis ka na lang, para ikaw na rin yung kukuha nung mga pagkain kapag dumating na." ngumiti si Yujin at dumila.

Napa-iling na lang si Chaewon at bumalik sa banyo para doon magbihis.

Nanuod na lang silang apat ng pelikula habang kinakain yung mga pagkain na binili ni Hyewon. Nakatingin si Chaewon sa T.V pero hindi niya magawang intindihin yung pinapanuod nila, tanging ang nasa isip niya lang ay yung babaeng nagtulak sa kaniya na kumanta sa stage, kumanta siya ulit pagkatapos ng ilang taon mula nang tumigil siya sa pagkanta dahil sa isang pagkakamali.

"Chaewon? Ayos ka lang?" tumingin si Chaewon kay Hyewon.

"Hmm." tumingin si Chaewon kay Yena at Yujin na nakatulog na bago ibalik sa T.V yung atensyon niya.

"There's something with this girl, right?" bumuntong hininga lang si Chaewon. "Hindi ka naman magkakaganiyan, kung wala. Sa dami nang babae na nag-alok sayo na lumabas, ngayon ka lang nagkaganiyan." natawa si Hyewon. "O dahil siya yung unang babaeng gumawa sayo nang ganun, nasaktan ka lang siguro nung nauna siya nawala."

"Hindi ko rin alam sa sarili ko." napakagat si Chaewon sa labi niya. "Her eyes, nose, cheeks, her blonde hair. I suddenly forgot who I am."

"Nagulat din ako kanina, kapag nag-chat ka kasi sa chatroom natin, kung hindi emoji dalawa o tatlong salita lang tapos kami nang bahala umintindi kung anong gusto mong sabihin. Inuna ko pa ngang mag chat sa chatroom natin kaysa kausapin si Wonyoung."

"Naging kayo na nung December diba? Bakit parang nagliligawan pa rin kayo?" ngumiti si Hyewon.

"Hindi naman kasi porket sinagot na ako, ititigil ko na rin yung panliligaw ko sa kaniya." bumuntong hininga si Hyewon. "Natatakot nga ako." pilit na ngumiti si Hyewon. "Kilala ko yung sarili ko at alam ko kung paano tumakbo yung utak ko, paano kung sa mga susunod na taon ng relasyon namin, magloko ako."

"Pero kung mahal mo naman siya, hindi mo naman magagawa yun." saad ni Chaewon.

"Yun nga yung nakakatakot, kasi minsan hindi naman sapat yung mahal ko lang siya. At baka dahil sa pagmamahal na yun, maging kampante ako at makalimutan ko siya." tumango si Chaewon. "Matulog na nga lang tayo, baka mamaya kung saan pa umabot yung usapan natin." humiga na nang maayos si Hyewon ganun din si Chaewon.

"Tell me, you're not gonna hurt her,right?" tumitig si Chaewon kay Hyewon.

"I can't promise, but I'll try my best not to." napabuntong hininga na lang silang dalawa at tumitig sa kung saan hanggang sa makatulog.


---------------------------

[KINABUKASAN]

Naunang nagising si Chaewon, agad siyang nagbihis at hinintay na gumising yung tatlo.

"Café tayo, yung malapit lang dito." pag-aaya ni Yena sa tatlo.

"Libre mo?" agad na tanong ni Yujin.

"Andiyan naman si Hyewon at Chaewon, tsaka diba sinabi ko nang tumakas nga lang ako sa amin." inayos ni Yena yung buhok niya at tumayo na.

Naglakad na lang silang apat dahil hindi naman kalayuan yung café na pupuntahan nila.

"Si Kkura wala talagang balak na sumama sa'tin?" tanong ni Yena.

"Diba nga busy sila ni Chaeyeon sa business na pinapatayo nila." tugon ni Hyewon habang may katext sa cellphone niya.

"Anu nga palang balak niyo mga unnie, si Chaewon-unnie nakapag-apply na sa Harvard, kayong dalawa?" sambit ni Yujin habang nakatingin sa tatlo.

"Enozi University, doon gustong mag-aral ni Wonyoung, para magkasama kami doon din ako mag-aaral." tugon ni Hyewon habang sa cellphone pa rin nakatuon yung atensyon niya.

"Same, Enozi University din yung napili ko, dahil sa dorm at kay Yuqi." masayang saad ni Yena.

"Goods, edi doon din ako mag-aaral, nakapag-apply na ba kayo sa Enozi?" kunot noong nagkatitigan sila Hyewon at Yena.

"Next year pa naman, hindi pa nga namin tapos yung 11th grade." saad ni Hyewon

"Sabagay." natatawang saad ni Yujin.

"Here's your orders." nagkatinginan sila Hyewon, Yena at Yujin.

"Thank you." nakangiting sambit nung tatlo.

"Okay, ako na lang single hahahahahaha." kumuha ng tissue at nanghiram ng ballpen sa cashier si Yujin.

Nakangiting bumalik si Yujin sa pwesto nilang magkakaibigan.

"Huwag kang ngumiti kung hindi mo pa nabibigay yung number mo sa kaniya." nakaismid na saad ni Hyewon.

"Pupunta lang ako sa restroom." nagulat yung tatlo nang tumayo si Chaewon at naglakad papunta sa restroom.

"Problema nun?" tanong ni Yena.

"Obviously, dahil pa rin dun sa babaeng nakita niya kahapon." tugon ni Hyewon.

"Oo nga pala, plano kong mamaya na lang ibigay sa babaeng naghatid ng order natin yung number ko, tingin niyo magtetext kaya siya sa'kin?" nagkibit balikat lang yung dalawa tsaka tinuloy yung pag-kain nila.

"Samgyupsal tayo mamaya?" tanong ni Hyewon. "Libre ko naman, kaya pumayag na kayo." nakaismid na saad ni Hyewon.

"Tss, pinakilig ka siguro ni Wonyoung kaya ganiyan ka kagalante." nakangusong saad ni Yena.

"Sulitin niyo na lang yung pagiging galante ko, dahil wala na 'tong kasunod." mapang-asar na ngumiti si Hyewon.

"Kaso unnie, kailangan ko nang umuwi." nakangusong sambit ni Yujin.

"Hatid ka na lang muna namin, tapos tawagan mo na lang kami kapag kailangan mo ng tulong." nakangiting saad ni Yena bago pisilin sa pisngi si Yujin.

"Susundan ko lang si Chaewon." tumayo na si Hyewon at nagmamadaling pumunta sa rest room. "Chaewon?" lumapit si Hyewon sa kaibigan niya na kasalukuyang nakatayo sa harapan ng sink at nakatulala sa salamin. "Ayos ka lang?" tumango lang si Chaewon. "Sanay naman na kaming tahimik ka lang at hindi umiimik, pero nag-aalala lang kasi ako baka dahil dun sa babaeng nakita mo kahapon kaya ka nagkakaganiyan."

"Ayos lang ako, huwag kang mag-alala."

"May plano ka ba?" tumango si Chaewon.

"I'm going to sing on stage at the same place just to see her again." ngumiti si Hyewon at bahagyang tinapik sa ulo si Chaewon.

"Susuportahan ka namin, tara na magsa-samgyupsal tayo pagkatapos nating ihatid si Yujin sa bahay nila." inakbayan ni Hyewon si Chaewon tsaka niya ito inakay palabas nang restroom.


Pagkatapos nilang kainin yung mga tinapay at inumin yung mga kape na binili nila, bumalik na silang apat sa bahay nila Chaewon para kuhain yung sasakyan ni Hyewon.

"Salamat unnies, kita kits na lang tayo bukas sa campus." bumaba na nang sasakyan si Yujin at nagmamadaling pumasok sa bahay nila.

"Tara na, nagugutom na ulit ako." nakangusong saad ni Yena.

"Gutom ka lang naman kasi libre ko." nakaismid na saad ni Hyewon bago nagsimulang magmaneho ulit.

"Yung totoo Hye, bukal ba talaga sa kalooban mo na ilibre kami?" natatawang tanong ni Yena.

"Tss, igaya mo naman ako sayo, mag-sasabing libre mo pero nanghihingi ng ambag."

"Tinatanong ni Wonyoung kung kasama ba kita." bahagyang tumingin si Hyewon kay Chaewon na naka-upo sa shotgun seat.

"Seriously Chae? Malamang sabihin mo oo." natatawang tugon ni Hyewon.

"I'm just asking, baka kasi iba pala yung paalam mo sa kaniya."

"Owwwww." pang-aasar ni Yena kay Hyewon.

"The heck Chaewon, tingin mo magsisinungaling ako kay Wonyoung?"

"Hindi sa ganun, malay ko ba na ang paalam mo lang magi-sleep over ka sa bahay namin, pero hindi mo nasabi sa kaniya na kakain tayo sa labas." napa-irap si Chaewon.

"Grabe Chae, nakakapanibago ka talaga." pinatong ni Yena yung baba niya sa sandalan nang inuupuan ni Chaewon. "Ang lakas ba ng tama mo dun sa babae kahapon?"

"Shut up." simpleng saad ni Chaewon.

"Tatanong lang."

"Hye, itabi mo na diyan, bababa na lang ako." natawa si Hyewon at umiling.

"Yena, tumigil ka na kasi." ngumuso lang si Yena at bumalik na sa pagkaka-upo niya.

Pagkarating nilang tatlo sa restaurant kung saan sila kakain, naghanap na kagad sila nang mauupuan.

"Chaewon, naaalala mo ba yung itsura nung babae kahapon?" tanong ni Yena habang naghihintay sila sa mga pagkain na inorder nila.

"Hmm, bakit?"

"Malay mo lang kilala ko." natatawang tugon ni Yena.

"Hindi siya ganun katangkad, tapos may blonde siyang buhok, tapos yung pisngi niya ang cute, hahahahahahaha tapos yung ngipin niya sa unahan, grabe she looks really beautiful." nagkatinginan sina Hyewon at Yena.

"Iba na talaga 'to." bulong ni Hyewon bago bumuntong hininga.


Habang kumakain sila naisipan ni Hyewon na kuhaan silang tatlo ng litrato, para i-send sa chatroom nila at kay Wonyoung.

"Saan tayo pagkatapos?" tanong ni Yena.

"Uuwi." natatawang saad ni Hyewon.

"Ang boring naman nun, computer bang tayo." umiling sina Chaewon at Hyewon. "Hays, sa bahay na nga lang ako maglalaro." tumayo na si Yena at naghanda sa pag-alis.

"Diretsyo ka na ba?, hatid na kita." sambit ni Hyewon habang nakasunod silang dalawa ni Chaewon kay Yena.

"Salamat."

"Pwede ba kitang panuorin?" umiling si Chaewon. "Okay."

Pagkahatid nila kay Yena, dumiretsyo na sila Hyewon at Chaewon sa Han River kung saan may magp'perform mamayang ala sais.

"Tatlong oras pa, sigurado kang maghihintay ka lang dito?" tumango lang si Chaewon sa tanong ni Hyewon. "Sigurado ka talaga? Aalis na ako." tumango lang ulit si Chaewon. "Gusto mo bibilhan kita ng pagkain?"

"Hye, malapit lang yung opisina ni mom, kung may kailangan ako pupunta na lang ako dun." napanguso si Hyewon.

"Sige, alis na ako ah." tumango lang si Chaewon. "Grabe ka talaga." bulong ni Hyewon bago maglakad pabalik sa sasakyan niya.

"Hello baby?"
: Hmm, what do you need?
"Hey, what's wrong?" nag-alala si Hyewon nang matamlay na tumugon si Wonyoung sa kaniya.
: It's not like I'm jealous to you going out with your friends, but Hye can we go out today?
"On my way baby Wony, same place?"
: Yeah, same place, see yah!


Napangiti na lang si Hyewon at nagsimula nang magmaneho.


"Pupunta kaya siya ngayon." nakangusong bulong ni Chaewon habang sinusundan nang tingin yung mga taong dumadaan sa harapan niya. "Dapat siguro hindi ko muna pinauwi si Hyewon." bumuntong hininga si Chaewon bago sumandal sa kinauupuan niya at pumikit.

"Set-up na tayo!!" napatayo si Chaewon at tumingin dun sa sumigaw.

"Sakto." tumakbo na siya papalapit doon sa babae. "Hey, can I ask you something?"

"Ikaw yung babae kahapon na kumanta diba?" tumango si Chaewon. "Salamat, mas dumami yung mga nanunuod at nagbibigay ng pera sa'min."

"Ahh, wala yun."

"Anu nga pala yung itatanong mo?" hinubad ni Chaewon yung cap na suot niya.

"Gusto ko sanang kumanta ulit mamaya." tinignan ni Chaewon yung magiging reaksyon nung babaeng kausap niya. "May hinahanap kasi akong babae, iniisip ko na baka makita ko siya ulit kung kakanta ako dito."

"Ahh, sure." nilahad nung babae yung kamay niya. "Jeon Soyeon." muling pagpapakilala nito, tumango si Chaewon at nakipagkamay kay Soyeon.

"Chaewon."

"Sige mag-aayos na muna kami, sabihan mo lang ako kung ready ka nang mag-perform." tumango lang si Chaewon, bigla na lang siyang nakaramdam nang kaba.


Paikot-ikot si Chaewon habang naghihintay sa backstage, nang nagsimula nang kumanta si Soyeon lalo siyang kinabahan.

---------

"Hye, bakit ba tayo nandito?" tumingin si Wonyoung sa babaeng nasa stage. "Wait, may gusto ka ba sa babaeng yun?" tinuro pa ni Wonyoung yung kinaroroonan ng stage.

"Baby, calm down. Basta surprise, mamaya siguradong aakyat na rin yun sa stage." sinubuan ni Hyewon ng pagkain si Wonyoung para hindi na magtanong nang magtanong ang huli.

*Dalawang oras na kami dito, hindi pa ba siya kakanta?* napabuntong hininga si Hyewon tsaka kinuha yung cellphone niya.

To: intRoVErt cub
how's your performance?
: did you already see your girl?

Ilang minuto pang naghintay si Hyewon sa reply ni Chaewon.

From: intRoVErt cub
i can't even move right now
: what should i do?!!!!

To: intRoVErt cub
want me to go there?
: i'll cheer for you

From: intRoVErt cub
of course not
: don't dig your own grave
: gtg i'm going to sing now

To: intRoVErt cub
k.

"Harap harapan Hye? Magkasama tayo tapos may katext ka diyan?" natawa si Hyewon at agad na hinalikan sa labi si Wonyoung.

"Napaka-selosa talaga, sila Yena yung katext ko maglalaro daw sila mamaya, pwede ba akong sumali?" ngumuso si Hyewon.

"Nope, may klase bukas."

"Sabi ko nga, ito talagang sila Yena wrong timing." tinago na ni Hyewon yung cellphone niya. "Patayin ko na yung ilaw ah, buksan mo yung bintana." sumunod na lang si Wonyoung sa sinabi ni Hyewon.

"OMO!! Chaewon-unnie?" nilabas ni Wonyoung yung ulo niya sa bintana.

"Huwag kang maingay." inalalayan ni Hyewon yung ulo ni Wonyoung pabalik sa loob nang sasakyan.

"Si Chaewon-unnie nga." kitang kita ni Hyewon yung pagkamangha sa mga mata ni Wonyoung.

*She really adores her unnie.* bumuntong hininga si Hyewon at pinanuod na lang din si Chaewon.

Hanggang sa matapos ni Chaewon yung dalawang kantang hinanda niya, hindi pa rin pinapansin ni Wonyoung si Hyewon.

"Dalawa lang kakantahin niya?" napanguso si Wonyoung at tumingin kay Hyewon.

"Hindi naman kasi siya kumanta diyan para talaga magp'perform, kundi hanapin yung babaeng nakilala niya kahapon." paliwanag ni Hyewon bago paandarin yung makina nang sasakyan niya. "Oo nga pala, huwag mong sasabihin kahit na kanino lalong lalo na kay Chaewon na pumunta tayo dito para panuorin siya."

"So anu? Mas supportive ka talaga sa mga kaibigan mo kaysa sa'kin?" natawa si Hyewon.

"Ang supportive ko kaya sayo." nagsimula nang magmaneho si Hyewon.

---------

"Hindi siya pumunta." napabuntong hininga na lang si Chaewon pagkarating niya sa backstage.

"Pumunta ba siya?" salubong ni Soyeon kay Chaewon.

"No, she didn't." tinapik ni Soyeon sa balikat si Chaewon.

"Huwag kang mag-alala, pwede ka namang magp'perform dito hanggang sa mahanap mo na siya." tumango lang si Chaewon. "Uuwi ka na ba?" tumango lang ulit si Chaewon. "Sobrang tahimik mo siguro, ito bigay ko na lang sayo yung kulang bukas hindi pa kasi tapos yung pagtugtog namin kaya hindi ko pa alam kung magkano magiging hatian natin." umiling si Chaewon.

"No need, I'm fine." nag-bow na si Chaewon. "Thank you." naglakad na siya papunta sa sakayan ng bus.

*Gusto ko na siyang makita!* pumikit si Chaewon.

Dumating na yung bus na sasakyan ni Chaewon kaya naglakad na siya palapit sa pintuan na nasa bandang unahan.

"I swear, kapag narinig mo yung boses niya baka manghina ka." 

Pagka-upo ni Chaewon agad siyang pumikit para magkapag-pahinga.

Pagkarating ni Chaewon sa bahay nila hindi niya pinansin yung mga kasama niya sa bahay at dumiretsyo lang paakyat sa kwarto niya, ibinagsak yung katawan niya sa kama at pumikit para matulog.

------------------------

[KINABUKASAN]

Buong klase tahimik lang si Chaewon, walang nakakapanibago dun, pero sa pagkakataong 'to may dahilan kung bakit siya tahimik.

"Chae, sabay ka na sa'kin." tawag atensyon ni Hyewon kay Chaewon.

"Anong oras na ba?" kinuha ni Chaewon yung cellphone niya. "Sh!t, mauuna na ako." tumakbo na si Chaewon at hindi na nilingon pa yung mga kaibigan niya.

"Problema nun?" tanong ni Chaeyeon sa mga kaibigan niya.

"May hinahanap kasi siyang babae." tugon ni Hyewon.

"And I think that girlie is really different, unnie." nakangusong sambit ni Wonyoung.

"Argh, not again." napakamot si Yena sa ulo niya.

"Hahahahaha, sorry Yena, sinabihan ko na siya pero ayaw niya talagang makinig sa'kin." napahawak na si Sakura sa tsyan niya dahil sa kakatawa.

"Nung mga nakaraan mag-isa lang siya, ngayon nagdala pa siya ng mga tropa niya." natatawang sambit Hyewon. "Anu nga ulit pangalan nung nagpupunta dito?"

"Nako, Yabuki Nako." napabuntong hininga si Yena.

"Sinabi ko sa kaniya na may girlfriend ka na, ayos lang daw dahil gusto lang naman niyang magpasalamat sayo." ngumiti si Sakura. "Anu bang ginawa mo at nagpapasalamat siya sayo?"

"Basta." ngumiti si Yena nang makalapit na si Nako at yung mga kaibigan nito sa kaniya.

"Yena-unnie." masayang saad ni Nako. "Nakita ko 'yan kahapon nung nagpunta kami sa mall, sana magustuhan mo." may inabot na paper bag si Nako kay Yena.

"Sakura baka pwede mo naman kaming ipakilala sa kanila." nakangiting saad ni Hyewon, agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Wonyoung.

"Ahh, ito si Minjoo tapos si Hitomi." nagulat si Hyewon nang mapatingin siya kay Hitomi. "Wala si Yuri?"

"May part-time job siya ngayon." tugon ni Minjoo.

"Oo nga pala." tumango tango si Sakura. "Bakit nga pala kayo sumama kay Nako ngayon?"

"May pupuntahan pa kasi kami." muling tugon ni Minjoo.

"Hyewon, don't tell me may gusto ka sa isa sa kanila?" bulong ni Wonyoung bago hilain sa suit si Hyewon.

"Halika may sasabihin ako sayo." hinawakan ni Hyewon sa kamay si Wonyoung at naglakad sila palayo sa mga kaibigan nila at doon sa tatlong babae. "Yung Hitomi, tignan mo si Hitomi." kinuha ni Hyewon yung cellphone niya. "Kamukha niya yung nasa drawing ni Chaewon." kinuha ni Wonyoung yung cellphone ni Hyewon.

"Omo."

"Secret lang natin ah, baka kasi mali ako." bumuntong hininga si Hyewon.

*Pero blonde din yung buhok ni Hitomi, tapos yung mga pisngi niya.*

"Sige unnie, aalis na kami." paalam ni Nako at naglakad na kasama sila Minjoo at Hitomi.

"Hi gays, hinintay niyo talaga ako?" nakangiting bungad ni Yujin sa mga kaibigan niya habang nakasakay sa kick scooter niya. "Ahh, pumunta ulit yung admirer ni Yena-unnie." tumango tango si Yujin.

"Una na kami ni Sakura, sisilipin pa namin yung coffee shop namin." paalam ni Chaeyeon bago hilain si Sakura.

"Ikaw Yena? Sabay ka ba samin?" tanong ni Hyewon kay Yena.

"Pupuntahan ko pa si Yuqi sa school nila, ikaw Yujin?" tumingin si Yena kay Yujin.

"Sabay na lang ako kela Hyewon-unnie." tiniklop na ni Yujin yung kick scooter niya at naunang maglakad papunta sa sasakyan ni Hyewon.

"Ingat kayo." paalam ni Yena bago maglakad palayo.


---------

"Chaewon, five minutes tapos akyat ka na sa stage." sambit ni Soyeon bago uminom ng tubig.

"Sige." simpleng sagot ni Chaewon bago suotin yung itim na mask at cap niya.


"Si Yuri, dinala daw siya sa hospital." tarantang sambit ni Minjoo.

"Tara na." tumayo si Hitomi mula sa pwesto nilang magkakaibigan. "Si Yuri muna bago yung babaeng yun." saad ni Hitomi at naunang maglakad


Muling nakatapos si Chaewon nang dalawang kanta, na hindi nakikita yung babaeng hinahanap niya

"She's not here?" umiling lang si Chaewon sa tanong ni Soyeon "Sige, ingat ka pag-uwi mo, ayaw mo talagang kuhain yung parte mo?"

"Hindi na, ayos lang naman." nakayukong kinuha ni Chaewon yung gamit niya tsaka naglakad paalis.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
T
I
M
E
-
L
A
P
S
E
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

[Three Months Later]

Mas lalong naging tahimik si Chaewon, lalo na nang bumalik siya galing sa Boston para sa interview niya sa isang paaralan doon.

"Gusto kang makausap ng auntie mo?" tumingin si Chaewon sa ina niya.

"Why?"

"Bago ka daw pumunta sa Boston, gusto ka niyang makita." natawa si Chaewon.

"Sa susunod na taon pa nam-"

"Kim Chaewon?" napabuntong hininga na lang si Chaewon tsaka tumayo.

"Hindi porket nag-aral ka doon mom, gusto ko na rin na mag-aral doon." umakyat na si Chaewon para makapag-bihis.


Nang dumating si Chaewon sa Enozi University kung saan ang kapatid ng ina niya ang siyang Dean sa paaralang 'yon, dumiretsyo na siya sa opisina nito.

"How's your trip to Boston?" nakangiting bungad ng tita ni Chaewon.

"Bad trip." ngumiti si Chaewon at umupo na sa isang upuan na nasa loob nang opisina ng tita niya.

"Sabi ng mom mo, ayaw mo daw mag-aral dun?" tumango lang si Chaewon. "Saan mo gustong mag-aral?"

"Dito."

"Bakit hindi mo sabihin sa mom mo?" natawa si Chaewon.

"You know her."

"Fill up this form, kung wala ka na talagang balak punta sa Boston, at least nag-apply ka dito." ngumiti si Chaewon at kinuha yung papel na inaabot ng tita niya. "Pero hindi kita itatrato bilang pamangkin ko, job is a job." tumango lang si Chaewon tsaka mabilis na sinagutan yung form na hawak niya.

"Pero auntie, hindi ba malalaman ni mom na nag-apply ako dito?" umiling yung tita ni Chaewon.

"Hindi ko isasama yan sa for application files, kaya sa araw nang mismong registration, daanan mo yan dito sa opisina ko." ngumiti lang si Chaewon at pinag-patuloy na yung pag-sagot sa form.


Pagkatapos na mag-fill up ni Chaewon agad siyang tumayo para mag-pasalamat at mag-bow.

"Basta, wala kang pagsasabihan na kahit na sino." tumango lang si Chaewon. "Sabihin mo sa mom mo, we had a great conversation, sige na makakauwi ka na."

"Salamat po talaga auntie." masayang lumabas si Chaewon nang opisina ng tita niya.

"Everyone, makinig muna kayo sa'kin. Yung mga registration form na sinagutan niyo, parang survey lang yan sa mga nagnanais na mag-aral dito sa mga susunod na taon kaya huwag kayong matakot na ilagay diyan yung totoong sagot tungkol sa inyo." lumapit si Chaewon sa kumpulan ng mga estudyante. "Since ako lang mag-isa ang maga-assist sa inyo, sampong estudyante muna yung isasama ko para mai-tour sa buong university." pinanuod lang ni Chaewon yung mga estudyante. "Ten."

"Sige na Juri, hihintayin na lang kita dito." nakangiting sambit ng isang babae.

"Sigurado ka?"

"Oo nga, sige na sumama ka na dun." napahawak na lang si Chaewon sa dibdib niya at bahagya siyang napaatras.

"Siya.... siya yung babaeng hinahanap ko." hinintay muna ni Chaewon na makaalis yung unang sampong estudyante na kasama yung prof. na naga-assist sa kanila bago niya lapitan yung babaeng nakita niya. "Hi." ngumiti si Chaewon.

"Uhm, ako ba yung kausap mo?" tumango si Chaewon na para bang yung babaeng yun lang yung nakikita niya. "Ohh, hi."

"Dito ka mag-aaral?" nagkibit balikat lang yung babae. "Gusto mo ako na lang mag-tour sayo?, para pagbalik nung kaibigan mo maka-uwi na kayo." hindi pa rin maalis ni Chaewon yung ngiti niya sa mga labi.

"Hindi ayos lang, maghihintay na lang ako dito." umiling si Chaewon.

"Tara na, huwag kang mag-alala kabisado ko 'tong university." hinawakan ni Chaewon sa kamay yung babae at isinabay ito sa paglalakad niya. "Hindi ka pa ba sigurado kung dito ka mag-aaral?" tumango lang yung babae sa tanong ni Chaewon. "Anu nga palang pangalan mo?" medyo nagulat yung babae sa tanong ni Chaewon. "Chaewon, Kim Chaewon, ikaw?"

"Honda Hitomi." ngumiti si Chaewon.

"Ang ganda naman ng pangalan mo, pwede ko bang tignan yung registration form mo?" tumango lang si Hitomi at inabot kay Chaewon yung papel na hawak niya. "Wow, pareho pala tayo ng top 1 course interest." tumango tango si Chaewon habang binabasa yung nakasulat sa form ni Hitomi. "Taga Japan ka, ang cool naman."

"Uhm, sorry ah, alam ko namang mabait ka siguro." tumingin si Chaewon kay Hitomi nang magsalita ito. "Kaso lang yung kamay ko, pwede mo na bang bitawan?" napatingin si Chaewon sa magkahawak nilang kamay ni Hitomi.

"Sorry." marahang binitawan ni Chaewon yung kamay nito at napakamot sa batok niya.

*Anu bang nangyayari sayo Kim Chaewon!!* napalunok na lang si Chaewon at muling tinignan yung form ni Hitomi.

"Dito ka ba nag-aaral?"

"Hindi, may pinuntahan lang ako dito, ikaw ba dito ka ba mag-aaral?" umiling si Hitomi.

"Hindi ako sigurado, baka kasi hindi ko kayanin yung tuition fee."

"Bakit wala ka na bang mga magulang?" natawa si Hitomi.

"Nasa Japan sila kasama yung mga kapatid ko, hindi ko pa nga nasasabi sa kanila na pati sa college dito ako mag-aaral." tumango si Chaewon.

"Bakit hindi ka na lang mag-apply para sa scholarship?"

"Kung makakuha man ako ng scholarship, paniguradong malaki pa rin yung gastusin ko, ayoko naman na humingi ng dagdag na allowance galing sa mga magulang ko." napanguso si Chaewon.

"Pero kapag dito ka nag-aral sabihan mo ako."

"Bakit naman?" ngumiti si Chaewon.

"Para dito rin ako mag-aaral." huminto na sa paglalakad si Chaewon. "Dito yung mga dorms, may apat na building para sa mga dorms. Yung unang building, para sa mga estudyanteng gusto lang na mag-isa sa kwarto nila, yung pangalawa para sa dalawang estudyante, yung pangatlo para sa apat na estudyante at yung pang-apat para sa anim na tao kada kwarto.

"Sigurado kang hindi ka nag-aaral dito?" natatawang tumango si Chaewon.

"Madali lang matandaan yung mga building dito, dahil kung anong department yung nasa building na yun, yun din yung pangalan ng building, pinagsama lang parang love team." hindi alam ni Hitomi kung matatawa ba siya o maiirita. "Sorry, wala talaga akong sense of humor minsan." tinapik ni Hitomi sa likod si Chaewon.

"Ayos lang, magaling naman ako mambara." natawa na lang si Hitomi nang mapanganga si Chaewon. "Tara na, ituloy mo na yung pag-tour mo sa'kin."


Pagkatapos nang isang oras nakabalik na sila Chaewon at Hitomi kung saan nananatili yung iba pang mga estudyante.

"So, dito ka na ba mag-aaral?" nagkibit balikat lang si Hitomi. "Basta sabihan mo ako."

"Hii-chan, ikaw na yung kasunod ko diba?, ako naman maghihintay sayo." napatingin si Chaewon kay Juri.

"Tapos na rin ako sa pag-tour, sinamahan ako ni Chaewon." tinuro ni Hitomi si Chaewon.

"Ahh, so tara na ba?"

"Punta lang ako sa restroom." saad ni Hitomi.

"Samahan ba kita?" natawa si Hitomi dahil sa tanong ni Chaewon.

"Ayos lang ako, kaya ko na." naglakad na si Hitomi papunta sa pinakamalapit na restroom.

"May gusto ka ba sa kaibigan ko?" napatingin si Chaewon kay Juri. "Obviously yes you are." natawa si Juri. "Hindi ko alam kung may pag-asa ka, may hinahanap kasi siyang babae, kaya baka hindi ka makapasa."

"Ganun? Kilala mo ba yung babae na hinahanap niya?" umiling si Juri.

"Ang kwento ni Hitomi sa'kin, nakita niya yung babaeng yun tapos sinabihan niya na kapag kumanta siya sa stage magde-date silang dalawa, bago pa matapos sa pagkanta yung babae dumating na sila Yuri kaya wala siyang nagawa kundi umalis na." nakangiting tumango si Chaewon.

"Pwede ko bang makuha yung number ni Hitomi?" natawa si Juri.

"Ang lakas ng fighting spirit mo ah." kinuha ni Juri yung cellphone niya at idinikta kay Chaewon yung cellphone number ni Hitomi. "Huwag mong sasabihin na ako yung nagbigay sayo." tumango lang si Chaewon at masayang sinave yung number ni Hitomi.

"Juri, tara na."

"Hatid ko na kayo, saan ba kayo pupunta?" nagkatinginan sina Juri at Hitomi.

"Hii-chan nakalimutan ko, may pupuntahan pa pala ako, bye~" mabilis na tumakbo si Juri paalis.

"Want some ice cream?" nakangiting sambit ni Chaewon habang nakatingin kay Hitomi.

"Ang weird mo, ngayon lang tayo nagkita pero feeling close ka na kaagad?" napanguso si Chaewon.

"I just want to treat you something, because you treat me nicely." tumango si Chaewon. "Take care, bye." nag-bow na si Chaewon at mabilis na naglakad.

*Bakit parang ang sakit nung mga sinabi niya!* napahawak si Chaewon sa dibdib niya.

"Fine, I'm coming with you!" napahinto si Chaewon sa paglalakad at lumingon kay Hitomi. "Your treat." tumango si Chaewon. "Tara na."

Habang naglalakad sila palabas nang university, hindi maalis ni Chaewon kay Hitomi yung paningin niya.

*Adorable.*

"Can you stop staring at me?" ngumiti lang si Chaewon at umiling. "What's wrong with you?"

"You're beautifully amazing, adorable and cute. I can't take my eyes off of you." napamaang na lang si Hitomi sa mga narinig niya. "Alam kong weird, ako mismo hindi naniniwala sa mga ganun, pero na-love at first sight ata ako." napakagat si Chaewon sa labi niya.

"What the heck are you talking about?" tinuro ni Hitomi yung sarili niya. "Love at first sight, sa'kin?" marahang tumango si Chaewon.

"Hindi ko rin maintindihan yung sarili ko, mabilis ba masyado?" ngumiti si Chaewon. "At least I didn't ask you to do something just to have a date with me." bulong ni Chaewon habang nakatingala sa langit.

"Sobrang weird mo, pero hindi ko alam kung bakit sumama ako sayo para lang sa ice cream."

"Just tell me you like me too." napapikit na lang si Chaewon nang pitikin siya ni Hitomi sa tenga.

"Huwag ka ngang mag-biro, hindi nakakatuwa." huminto na sa paglalakad si Hitomi at binuksan yung pintuan nang isang ice cream parlor.

"Isang mint choco." nakangiting sambit ni Chaewon. "Ikaw?"

"Chocoberry." tugon ni Hitomi.

"Saan ka nga pala nakatira, ihahatid na kita." sambit ni Chaewon paglabas nila ni Hitomi nang ice cream parlor.

"Kahit sa bus stop mo na lang ako ihatid." nagsimula nang maglakad si Hitomi.

Tahimik lang silang dalawa habang naghihintay ng bus, apat na bus na yung huminto sa harap nila na sasakyan dapat ni Chaewon, pero ayaw niyang iwan si Hitomi na mag-isa habang naghihintay nang masasakyan niya

"Ayan na yung bus na sasakyan ko, mag-ingat ka sa pag-uwi." ngumiti si Chaewon.

"Thank you for the date." inirapan lang ni Hitomi si Chaewon tsaka sumakay sa bus.

Sakto namang yung bus na kasunod na dumating, yun yung bus na sasakyan ni Chaewon. Pagka-upo niya agad niyang nilabas yung cellphone niya.


[Gays panicking over the Gays]

ssamu: gays??
: hey
: anyone?
: this chatroom is
: just delete this already
hye: wow 😮
: kim chaewon is still alive
kkuranichae: kakagising ko lang
: anong meron
hye: chaewon sabihin mo na, baka hindi mag-chat yung dalawa
: huwag mong sayangin yung paglabas ko sa balcony para sa matinong signal
ssamu: malapit lang ba sa campus natin yung Urban Creative campus?
kkuranichae: oo, at sa pagkakaalam ko
: partnership ata sila
: mas kilala nga lang si Wollim
: bakit?
hye: mga dalawang dura chae, nandun ka na 🙄
: taga saang planeta ka ba?
ssamu: malay ko ba
: kaya nga nagtatanong ako
: galet ka kaagad
: may regla ka ba?
hye: naglalaro kasi ako
: akala ko pa naman nakita mo na yung babaeng hinahanap mo
ssamu: pwede niyo ba akong samahan sa Urban Creative sa monday?
hye: try namin ni Wony
kkuranichae: kakabukas lang ng coffee shop namin, kaya medyo busy pa kami ni Chaeyeon
I'm the ducking duck: traumatized na ako sa urban creative, doon nag-aaral si Nako diba 😅
: baka isipin niya pinupuntahan ko siya
yudaeng: sama ako!!
: gusto ko makita si minjoo!!!
: please, unnieeeeee!
ssamu: minjoo?
: sino yun?
hye: lagi ka kasing umaalis kaagad pagkatapos ng klase
: may sinasama si Nako na mga tropa niya
: sayang talaga hindi mo sila nakikita
ssamu: basta samahan niyo ako sa monday
: gtg
I'm the ducking duck: may nangyari kayang maganda ngayon?
: kung nakakapanibago na si Chaewon dahil sobra sobra yung pagkatahimik niya
: mas nakakapanibago ata kapag maingay siya
: hey gays?
: still there?
: what the F
: lagi na lang akong naiiwan sa chatroom na 'to
: wala talaga kayong awa sa cute kong mukha

Napabuntong hininga na lang si Chaewon bago hanapin yung contact number ni Hitomi.

To: sUn 2 b mine
Hi?
: Hi?
: Hi?
: Hello?
: Hey? 😁
: kIM chAeWOn herr

From: sUn 2 b mine
the heck
: how did you get my number
: what's wrong with your typings
: it's a focking sore to my eyes

Napangiti na lang si Chaewon nang magreply na si Hitomi.

To: sUn 2 b mine
to answer your questions
: i memorize your number that written on your form
: nothing's wrong with my typings
: i just want to get your attention
: yes i'm attention seeker

From: sUn 2 b mine
hindi lang ako nakapag-reply kaagad
: kasi puro ka lang Hi
: kung nagpakilala ka na unang text mo pa lang
: edi sana nareplyan kaagad kita
: you're not an attention seeker
: anyway, what do you need?

To: sUn 2 b mine
wala naman
: pwede ba kitang puntahan sa school mo sa monday?

From: sUn 2 b mine
bahala ka

To: sUn 2 b mine
see you on monday
: enozi ka na ba mag-aaral?

From: sUn 2 b mine
hindi nga kaya ng budget ko

To: sUn 2 b mine
ask your fam for help?

From: sUn 2 b mine
kapag humingi ako sa kanila ng tulong
: kailangan kong bumalik sa japan
: at doon na lang mag-aral

To: sUn 2 b mine
don't forget about university's scholarship
: try to apply for that scholarship
: i'm going to wait for your answer 😁

From: sUn 2 b mine
bakit ba gusto mong malaman kung sa enozi ako mag-aaral?

To: sUn 2 b mine
kasi kung doon ka mag-aaral
: edi doon na lang din ako mag-aaral

From: sUn 2 b mine
you're sooooo
: UNBELIEVABLE!! 🙄

To: sUn 2 b mine
liligawan kita 😁

From: sUn 2 b mine
nababaliw ka na ba?!!
: sinasabi ko sayo
: kung pinagt'tripan mo lang ako
: itigil mo na yan
: kundi masasaktan ka talaga
: hindi ako nakikipag-biruan sayo
: umayos ka
: hindi na nakakatuwa
: kapag ikaw lang talaga nakita ko ulit
: sasakalin kita hanggang sa malagutan ka ng hininga
: hindi ako nagbibiro
: makakatikim ka talaga sa'kin
: YAH!!
: still there?

To: sUn 2 b mine
yeah
: i like you too
: gtg, bye~

Nakarating na si Chaewon sa bahay nila na may ngiti sa labi.

"Bakit ngayon ka lang umuwi? Kanina pa nagsabi yung auntie mo na nakaalis ka na." nakangiting tumingin si Chaewon sa ina niya.

"I had a date, a great date."

"Kim Chaewon, what did you say?" nanatili lang na nakangiti si Chaewon. "Are you dating someone?"

"Hmm, is there something wrong about that?"

"You can't date anyone else." natawa si Chaewon at napa-iling. "Kapag siya yung naging dahilan para hindi matuloy yung pag-alis mo papuntang Boston, sinasabi ko sayo, ako mismo yung makakalaban mo."

"Good for you mom, dahil hindi ako lalaban." masayang tumakbo si Chaewon papunta sa kwarto niya.

*Siya man yung dahilan o hindi, wala talaga akong balak na tumuloy sa Boston.*

Pagkatapos makaligo ni Chaewon humiga na siya sa kama niya para makapag-pahinga.

"Makikita ko siya ulit sa Monday." nakangiting pumikit si Chaewon at inalala yung pagsasama nilang dalawa ni Hitomi kanina.


---------------------------

[Monday]

Naninibago na yung apat na kasama ni Chaewon sa chatroom dahil sa biglang pagiging active nito muli, pero mas nanibago sila nang makitang masaya at tumatawa si Chaewon.

"Natatakot na ako kay Chaewon-unnie." nakangusong bulong ni Wonyoung kay Hyewon habang nakatingin kay Chaewon na may kausap sa cellphone at tumatawa.

"May nangyari atang maganda nung sabado kaya ganiyan siya, hayaan mo na." kinuha na ni Hyewon yung binili nilang bubble tea ni Wonyoung. "Need some help?" tanong ni Hyewon kay Wonyoung, dahil hawak ng huli yung cellphone at wallet niya sa kanang kamay tapos yung paper bag ng regalong binigay ni Hyewon nasa kaliwang kamay niya.

"Please?" nakangusong sambit ni Wonyoung, agad namang kinuha ni Hyewon yung mga hawak ni Wonyoung.

"Tara na." todo ngiting saad ni Hyewon at naunang maglakad.

"Ang tagal niyo naman, masyado niyong sinusulit yung monthsary niyo." natatawang saad ni Kkura.

"Si Yena, hindi pa ba lumalabas?" takang tanong ni Hyewon at hinanap si Yena.

"Nakaalis na, nag-away ata sila ni Yuqi." tugon ni Chaeyeon. "May bubble tea rin sa coffee shop namin, sana doon na lang kayo bumili." pabirong umirap si Chaeyeon.

"Kung libre sige, pero kung may bayad huwag na lang." nakaismid na saad ni Hyewon.

"Hey, gays, anu tara na?" nakangiting saad ni Chaewon habang tumatakbo palapit sa mga kaibigan niya.

"Si Yudaeng wala pa." sambit ni Hyewon habang inaabot kay Wonyoung yung bubble tea ng huli. "Tama ba? Yan yung sayo diba?" tanong ni Hyewon kay Wonyoung.

"Hmm, thank you." nakangiting saad ni Wonyoung.

"Huwag kang ngumiti, kinikilig ako."

Natigil silang magkakaibigan sa mga ginagawa nila nang dumating na si Nako, kasama yung mga kaibigan niya.

"Si Yena-unnie?" nakangiting saad ni Nako.

"Nako-yah, anu bang meron kay Yena?" kunot noong sambit ni Kkura.

"Basta unnie, nasaan siya?"

"May problema ata sila ng girlfriend niya, nakaalis na siya." tugon ni Chaeyeon.

"Chaewon-unnie, long time no see." kumaway si Nako kay Chaewon. "Ang tagal na kitang hindi nakikita."

"Busy lang." todo ngiting saad ni Chaewon.

"Si Minjoo at Hitomi nga pala, hindi mo pa sila nakikita, diba Chaewon-unnie?"

"Ahh, ikaw pala yung Minjoo." nakipag-kamay si Chaewon kay Minjoo. "Hitomi?" natatawang nilahad ni Chaewon yung kamay niya, habang si Hitomi tinapik lang yun at umirap. "Sungit."

"Grabe, the world is really healing, hinihintay niyo na ulit ako?" nakangiting saad ni Yujin.

"Basta ikaw magbabayad ng kakainin mo." saad ni Hyewon at naglakad na.

Kasabay ni Hyewon maglakad si Kkura, si Wonyoung kasabay si Yujin, si Chaeyeon kasabay sila Nako at Minjoo.

"Anu ba, tumigil ka nga." bulong na saway ni Hitomi kay Chaewon, nasa pinakahuli silang dalawa at nakasunod lang sa mga kaibigan nila.

"Sabi ko sayo diba, kapag nakita kita hahawakan ko yung kamay mo?" bulong ni Chaewon.

"Pero kasama natin yung mga kaibigan natin, tsaka hindi pa naman tayo diba?" bulong ni Hitomi at muling tinapik yung kamay ni Chaewon.

"Pero kapag sinabi ko, gagawin ko." hahawakan na sana ni Chaewon sa kamay si Hitomi nang unahan siya nitong mahawakan sa necktie niya. "Sorry na." nakapikit na saad ni Chaewon.

"Ayos lang kayong dalawa diyan?" tanong ni Chaeyeon.

"Naglalaro lang kami unnie, diba?" inis na inayos ni Hitomi yung necktie ni Chaewon.

"Nakita mo Chaeyeon, susuntukin niya ako diba?" napapikit na lang si Hitomi bago pitikin sa tenga si Chaewon. "Aray, namimitik pa." inirapan ni Hitomi si Chaewon at inis na naunang maglakad.

Pagkarating sa coffee shop nila Chaeyeon, parehong tutok sa cellphone sina Hitomi at Chaewon.

To: sUn 2 b mine
gusto kitang katabi 😭

From: sUn 2 b mine
A-Y-O-K-O!

To: sUn 2 b mine
paano kita maliligawan niyan
: andamot mo naman sa'kin

From: sUn 2 b mine
HOY KIM CHAEWON
: PANGALAWANG ARAW MO PA LANG NA NANLILIGAW SA'KIN
: BUTI NGA PINAYAGAN KITA
: KAHIT SOBRANG WEIRD MO
: AT WALA KA PANG SENSE OF HUMOR

To: sUn 2 b mine
may sense of humor naman ako minsan
: parang gusto ko yung inorder mong tinapay
: pwede patikim ako niyan?

From: sUn 2 b mine
A-Y-O-K-O!

To: sUn 2 b mine
okay

Nilapag ni Chaewon yung cellphone niya sa lamesa at lumapit sa pwesto nila Hitomi.

"Chaeyeon, pwedeng patikim?" sumandok na si Chaewon sa platito ni Chaeyeon. "Wonyoung masarap ba yan?"...."Wow, parang masarap yung inorder mo Nako, patikim."...."Grabe Minjoo, ubos mo na yung sayo?" natatawang lumapit si Chaewon sa likuran ni Hitomi. "Pahingi." nakatitig lang si Hitomi sa kamay ni Chaewon at sa mga kilos na ginawa nito. "Ang sarap." nakangiting bumalik si Chaewon sa upuan niya.

"Ang weird talaga ng kaibigan mo unnie, okay lang ba siya?" tanong ni Hitomi kay Chaeyeon. "Pare-parehas lang naman yung order nating lima, pero tinikman niya pa isa isa."

"Hindi rin namin alam kung anong meron sa kaniya, tahimik lang naman yan dati, halos hindi na nga nagsasalita yan." napa-iling na lang si Chaeyeon at tinuloy yung pagkain niya.

"Promise totoo nga, ang weird nung pangalan ng katext ni Chaewon-unnie." natatawang saad ni Yujin na nakahawak na sa tsyan niya.

"Patingin kami Chae." sambit ni Kkura.

Pinakita naman ni Chaewon sa mga kaigan niya yung naka-save na pangalan ni Hitomi sa contacts niya.

"Chaewon, taga ibang planeta ka talaga." natatawang sambit ni Hyewon. "Akala ko nagkamali lang siya ng pagkaka-type niya sa cellphone ko nung sinave niya yung number niya, ganun pala talaga yung typings niya." napapunas na si Hyewon sa mga luha niya dahil sa kakatawa.

Agad na kinuha ni Hitomi yung cellphone niya at tinext si Chaewon.

To: weirdo
what the heck are they talking about?
: screenshot mo yung convo natin
: kasama yung pangalan ko

From: weirdo
i swear nothing's wrong with your name
: they're just overreacting

To: weirdo
send the screenshot now
: i'm waiting

From: weirdo
fine 😔
/sent a photo/

To: weirdo
what the heck
: chaewon!!!!!
: sUn 2 b mine?!!!!
: to the restroom
: NOW!!!

Napasapo na lang si Hitomi sa noo niya.

"Restroom." nakangiting saad ni Hitomi bago tumayo at magtungo sa restroom.

Ilang minuto siyang naghintay kay Chaewon, bago pa pumasok ang huli sa restroom.

"What's with your name?" nakangusong saad ni Chaewon.

"Give me your phone."

"But, why?" napabuntong hininga na lang si Hitomi.

"Papalitan ko yung pangalan ko." nakangusong inabot ni Chaewon kay Hitomi yung cellphone niya. "Passcode?"

"1006."

"You have good memory." nakangiting saad ni Hitomi, tumalikod siya kay Chaewon at sumandal sa huli. "You're funny." inabot ni Hitomi kay Chaewon yung cellphone nito. "Save yours."

"Huh?"

"Change your name on my contacts." kinuha ni Chaewon yung cellphone ni Hitomi.

"Yah, isn't it rude to name someone weirdo?"

"But you are." nakaismid na sambit ni Hitomi.

"Tss, fine."

"I hope we get along together, short tempered and another short tempered, but I can be a savage some times." nakangiting binalik ni Chaewon yung cellphone ni Hitomi.

"You still don't know me." nakaismid na tugon ni Chaewon bago naunang lumabas nang restroom.

"Tss, tignan natin kung makatagal ka sa'kin." tinignan ni Hitomi yung pangalan na sinave ni Chaewon sa cellphone niya.

'sSAmUtIMe'

Napabuntong hininga na lang si Hitomi.

"Anu bang problem

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
i know this is too much to ask, but can you guys leave a comment or feedback about this story?

i really want to know if the plot was nice, good or it is fine 😭

Comments

You must be logged in to comment
hyemstar #1
I need english version of this 😭
Tailofkia_87
#2
Chapter 19: Nice update! Thank you ☺️
Tailofkia_87
#3
More updates please 😍
kimudamu21 #4
Chapter 11: I wonder why konti lang views nitong story mo, authornim. I like your story. Please update. Thank you.
kimudamu21 #5
Chapter 11: Update please.