Chapter 2

The Love Affairs
Please Subscribe to read the full chapter

Dahil hindi nakapasok kahapon si Minjoo, inagahan nalang niya yung pagpunta sa unang klase niya ngayong umaga.

"Akala ko hindi ka pa gising." ngumiti si Yuri kay Minjoo. "Bakit ka nga pala absent kahapon?" napatingin silang dalawa kay Yujin nang umupo ito sa upuan niya.

"Alam mo palang absent ako kahapon, hindi ka man lang nag-abalang puntahan ako kahapon sa dorm ko." saad ni Minjoo.

"Oo nga pala, wala ako sa sarili ko kahapon. Basta mamaya ko sasabihin sayo, marami akong sasabihin sayo." kumaway na si Yuri kay Minjoo at tumakbo sa pwesto niya.

"I write the notes yesterday, you want to copy for the some scopes?" hindi pinansin ni Minjoo si Yujin. "Here, just ask me if you can't understand my penmanship." napabuntong hininga si Minjoo.

"You're the one who ask me stop talking to you, then what the heck are you doing?" napatitig si Yujin kay Minjoo.

"Ayoko lang na mapabayaan mo yung pag-aaral mo dahil sakin." mahinang tugon ni Yujin.

"Hindi ako pumasok kahapon dahil masakit yung katawan ko, hindi yun dahil sayo." napabuntong hininga nalang silang dalawa nang dumating na yung professor nila.

Bukod sa lunch break, wala nang ibang bakanteng oras si Minjoo at nagpapasalamat siya dun. Dahil at least, mawawala sa isip niya si Yujin.

"Minjoo, right?" may babaeng lumapit kay Minjoo.

"Bakit?"

"Nagkaroon kasi tayo nang activity kahapon by twos, ikaw yung naka-partner ko. Actually hindi ako sigurado kung ikaw nga yung Minjoo na ka-partner ko, since kahapon lang naman yung unang klase natin sa unit na 'to." napakamot sa ulo niya si Minjoo.

"Ganun ba, sorry absent ako kahapon."

"Wala yun, nasabi ko narin naman kay Professor. Chan na kung pwede bukas nalang natin i-present yung gawa natin at pumayag naman siya." tumango si Minjoo. "Para makasigurado lang, nagtanong kasi ako sa mga kaibigan mo ata tapos ito yung binigay nila." may inabot na papel yung babae kay Minjoo.

"The heck, kilala mo ba kung sinong nagbigay sayo nito?" halos malukot na ni Minjoo yung papel.

"Kim Sakura daw yung pangalan niya, bakit may mali ba? Kamukha mo naman yung nasa drawing diba?" sinamaan ni Minjoo ng tingin yung babae, paano ba naman kasi yung nakadrawing sa papel yung usong usong meme ng palaka sa social media.

"Ako nga si Kim Minjoo, magkita nalang siguro tayo mamayang uwian sa gate para gawin yung activity natin." tumango yung babae.

"Shin Ryujin." sambit nung babae. "Yung papel nga pala?" umiling si Minjoo.

"Ibabalik ko sayo mamaya pag nagkita na tayo." wala namang nagawa si Ryujin at tumango nalang.


Nang mag-lunch break na nagmamadaling maglakad si Minjoo papunta sa pwesto nilang magkakaibigan.

"Kim Sakura? So sino talaga yung nagbigay sa kaklase ko nito?" nilapag ni Minjoo sa lamesa yung papel na binigay sakaniya ni Ryujin kanina.

"Hmf!! Sorry, Chaewon." agad na sambit ni Chaeyeon nang mabugahan niya nang tubig sa mukha si Chaewon.

"Sana sinabi mong ipapainom mo pala sakin yung tubig sa bibig mo, ngumanga sana ako." inis na pinunasan ni Chaewon yung mukha niya.

"Ganda nang drawing." saad ni Sakura.

"Sino nga?!" sinamaan nang tingin ni Minjoo si Chaewon.

"Makatingin ka sakin, hindi ako nagdrawing niyan." nakangusong sambit ni Chaewon.

"Dapat makita mo yun matutuwa ka." napatingin si Minjoo kay Yuri na kakarating lang kasama si Hyewon. "Anong meron?"

"Sinong nag-drawing nito?" tanong ni Minjoo kay Yuri.

"Hahahahahahaha, duplicate ah." nawala yung tuwa sa mukha ni Yuri nang samaan siya ng tingin ni Minjoo. "Hindi ko alam." saad ni Yuri.

"Gays look, may nagbigay sakin nang........chocolates and milktea." masayang bungad ni Nako sa mga kaibigan niya.

"Kanino naman nanggaling yan?" tanong ni Yuri sakaniya.

"Kahapon kasi may lumapit saking cute na girl, kaya nagpa-cute din ako. Kaso si Minjoo pala hinahanap niya, so ayun binigyan ko siya nang konting impormasyon." nakangiti pa ni Nako na ani mo'y lumilipad sa alapaap.

"Anong impormasyon naman yung binigay mo?" si Chaeyeon.

"Buong pangalan niya, tapos yung itsura niya." simpleng saad ni Nako.

"So, mukha talaga akong palaka?" nagulat si Nako nang makita niya si Minjoo.

"Akala ko next week ka pa papasok, naka-move on ka na kagad kay Yujin?" tugon ni Nako na naging dahilan kaya napatingin sa pwesto nila yung mga estudyanteng nasa paligid nila.

"Sila ni Yujin?"
"Break na ata sila."
"Siguro nga."
"Kaya siguro wala siya kahapon."
"Grabe, wala man lang nakahalata."
"So, siya yung girlfriend ni Yujin. Akala ko ba si Wonyoung?"
"Yun ang balita ko, si Wonyoung daw tsaka si Yujin yung ikakasal."
"Grabe, sino yung kabit? Si Wonyoung o si Minjoo."

"YAH!!" napahinto sa pagbubulungan ang lahat nang sumigaw si Hyewon. "Sino ba kayo para alamin at pag-usapan yung personal na buhay nila?!" tumingin si Hyewon sa pwesto nila Yujin.

"Hyewon huwag ka nalang magsalita, hayaan mo na sila." bulong ni Yuri.

"Nako kasi ang daldal mo." sambit ni Chaewon.

"Sorry na, nagulat lang naman ako."

"Umupo ka nalang, ako nang bahalang bumili ng pagkain mo." saad ni Hyewon kay Minjoo bago yayain si Yuri.

"Uy, huwag ka nang ngumuso diyan, mahahalikan mo na ako." pag-aasar ni Chaewon kay Minjoo. "Smile ka na." inirapan lang ni Minjoo si Chaewon. "Ayaw mo bang ako nalang? Pwede naman."

"Kim Chaewon." saway ni Chaeyeon sa kaibigan.

"Aalugin ko na talaga yung utak mo." saad ni Sakura.

"Nagbibiro lang naman ako." nakangusong saad ni Chaewon.

"Hindi naman ako mukhang broken hearted, diba?" tanong ni Minjoo sa mga kaibigan niya. "Sabi ko nga, halatang broken hearted ako." saad ni Minjoo nang makita niya yung reaksyon ng mga kaibigan niya.

"Basta ako naghihintay lang naman ako nang mag-aaya sakin ng date." saad ni Nako.

"Let's go out then." sambit ni Chaewon.

"Kung ikaw lang, huwag na." nakangising tugon ni Nako.

"Ang arte naman nito." uminom ng tubig si Chaewon. "Magpapalit pa pala ako ng damit, salamat sa pagpapaligo sakin Chaeyeon, appreciated." nakaismid na saad ni Chaewon at umalis na.

"Saan punta nun?" tanong ni Yuri nang makabalik na sila ni Hyewon.

"Magpapalit lang daw siya ng damit." tugon ni Minjoo. "Thank you." saad niya kay Hyewon nang ilapag nito yung platong may pagkain sa harap niya.

"Excuse me, Yuri pwede ba kitang makausap?" napatingin sila sa babaeng nagsalita. "Privately?" umiling si Yuri. "Saglit lang."

"Kung anu man yung sasabihin mo Yena, sabihin mo sa harap namin." saad ni Chaeyeon.

"Pero si Yuri lang naman yung kailangan kong makausap." tumingin sila kay Yuri.

"Yul?" tanong ni Minjoo.

"Kung hindi mo sasabihin dito, hindi ako sasama sayo." kunot noong sambit ni Yuri.

"Gusto ko lang mag-sorry sayo, sorry sa mga nasabi ko kahapon." panimula ni Yena. "Hindi ko naman intensyon na sabihing wala kang kwenta, nadala lang ako pasensya ka na." napatayo si Nako dahil sa narinig niya.

"Anong sabi mo?" tanong ni Nako kay Yena.

"Sinabihan mo siyang walang kwenta?" tanong ni Minjoo, tumango lang si Yena.

"The heck." sambit ni Hyewon nang ibato ni Nako sa mukha ni Yena yung mismong lalagyanan ng milktea na iniinom niya.

Napakagat sa labi si Yena at pinunasan yung mukha niyang may milktea na.

"I just want to say sorry, what the fu-" sinampal siya ni Minjoo.

"Do it sincerely." saad Minjoo bago hilain sa braso si Yuri patayo.

"Pagsabihan niyo yung kaibigan niyo, kulang ata sa laro yan ngayon." saad ni Nako bago sumunod sa mga kaibigan niya palabas nang cafeteria.

"Sinabi mo talaga sakaniya yun?" tanong ni Chaeyeon.

"Alam kong mali, kaya nga ako nagso-sorry." inis na saad ni Yena.

"Para ipaalam ko sayo, sawang sawa na si Yuri sa mga salitang yun. Kaya nga siya nag-dorm para hindi na makarinig nang ganun, tapos sinabi mo lang sakaniya yun na parang pamilya ka niya, wala ka palang pinagkaiba sakanila." di makapaniwalang sambit ni Sakura.

"Hindi ko alam yung buong istorya tungkol sa pamilya niya at sakaniya, pero nakita ko siya kahapon sa rooftop, balak ata niyang magpakamatay." saad ni Hyewon.

"Grabe naman yung magpapakamatay kagad, kaya nga nagso-sorry na ako." hindi parin maalis kay Yena ang mainis habang tuloy sa pagpunas sa mukha niya.

"Wow, grabe parang hindi kaibigan, anong ginawa niyo sa sketch pad ko?" kinuha ni Chaewon sa lamesa yung sketch pad na naiwan niya kanina. "Langya naman, ito yung huling binili ni-" hindi natuloy ni Chaewon yung sasabihin niya. "Tsk, bibili na nga lang ako ng bago." wala siyang nagawa kundi dalhin parin yung sketch pad kahit na tumutulo pa yung milktea nanatapon doon.

"Huwag mo nalang munang kausapin si Yuri, mas mabuti pa yun." saad ni Chaeyeon bago tumayo at naunang maglakad.

"Kahit sinong tao masasaktan kapag sinabihan nang ganun, iba nga lang talaga yung epekto kay Yuri nun. Wala siyang ibang maiisip na way para makatakas sa salitang yun, kundi ang magpakamatay." tumayo na si Sakura at sumunod kay Chaeyeon.

"Know her, before you tell her anything." pinagpatuloy ni Hyewon yung pag-kain niya at hindi na pinansin yung presesiya ni Yena.

--------------------------------

Tulala parin si Yuri hanggang sa huling klase niya. Kaya hindi niya napansin si Chaewon nang harangin siya ng huli.

"Gusto mong sumama?" muling tanong ni Chaewon kay Yuri. "Tatambay ako sa dorm ni Minjoo ngayon, sama ka?" tumango lang si Yuri at kumapit sa braso ni Chaewon.

"Wala namang magagalit kung kakapit ako sayo diba? Di bale nalang kung may girlfriend ka na hindi ko alam?" natawa si Chaewon.

"Meron man o wala, hindi ko parin ipapaalam sayo." ngumuso si Yuri.

"Bakit naman?"

"Kung ikaw lang naman magiging girlfriend ko, bakit ko pa ipapaalam sayo?" nakangiting sambit ni Chaewon.

"Pwede bang huwag kang magsalita nang ganiyan, madali akong umasa sa mga matatamis na salita." napakamot si Chaewon sa batok niya.

"Gusto lang naman kitang mapangiti, ang lungkot mo kasi nung lumabas ka sa classroom niyo." ngumiti si Yuri.

"Alam mo kung sino man yung magiging girlfriend mo, ang swerte niya." tumango si Chaewon.

"Edi ang swerte mo." inirapan lang siya ni Yuri.

"Mukha tayong magjowang magkapatid kapag nagkataon." natawa silang dalawa.


Pagkarating nila sa harap ng dorm ni Minjoo, naunang pumasok si Yuri habang si Chaewon kumatok muna bago pumasok.

"Akala ko may dala kayong pagkain." saad ni Minjoo.

"Sana sinabi mo." tugon ni Yuri bago umupo sa kama ni Minjoo.

"Ako nalang yung bibili, tutal napaliwanag ko narin naman sayo yung gagawin mo." tumayo si Ryujin at kinuha yung wallet niya sa bag.

"Goods yan, damihan mo ah." saad ni Chaewon habang naka thumbs up pa.

"Ako nalang sasama sayo, hindi mo talaga maasahan yan si Chaewon." sambit ni Yuri at agad na kumapit sa braso ni Ryujin.

"Anu ba yung gagawin mo?" tumabi si Chaewon kay Minjoo na nakaupo sa sahig.

"Kailangan ko lang namang gumawa nang report, kung anong klaseng materyales ang kailangang gamitin at kung magkano yung aabutin nun." tumango si Chaewon.

"Bahay ba yung pagbabasehan niyo?" tumango si Minjoo.

"Tsaka building, may binigay din kung saang lugar itatayo yung bahay at building kaya kailangan naming magre-search para malaman namin kung anong klaseng lugar at lupa yung pagtatayuan ng bahay." paliwanag ni Minjoo.

"Actually wala akong pake, gusto ko lang talagang magtanong. Totoo bang umamin ka na kay Yujin?" tumango lang si Minjoo.

"And she just rejected me." natawa si Chaewon.

"Ambobo mo naman kasing pumili ng magugustuhan mo, kung ako yung pinili mo edi sana happy ka na ngayon." kumindat pa si Chaewon.

"Tsk, pwede ba. Huwag ka ngang magsalita nang ganiyan, madali akong mahulog sa mga ganiyang salita." tumingin si Minjoo sa sinusulat niya.

"Edi mahulog ka, malay mo saluhin kita." binato ni Minjoo kay Chaewon yung ballpen niya.

"Huwag kang tumigil susuntukin kita." natawa lang si Chaewon at dumila bago isuli yung ballpen ni Minjoo.

Nilabas ni Chaewon yung sketch pad niya na ngayon ay tuyo na, pero may matsya parin yun ng milktea.

"Sino ba kasing nagtapon kay Yena ng milktea, pati 'tong sketch pad ko nadamay." nagsimula nang gumuhit si Chaewon.

"Si Nako, nainis kasi siya kay Yena, ako rin pala kaya nasampal ko siya." natawa si Chaewon sa narinig niya.

"Ang hilig mong manampal, nung isang araw sinampal mo rin ako, wal

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
i know this is too much to ask, but can you guys leave a comment or feedback about this story?

i really want to know if the plot was nice, good or it is fine 😭

Comments

You must be logged in to comment
hyemstar #1
I need english version of this 😭
Tailofkia_87
#2
Chapter 19: Nice update! Thank you ☺️
Tailofkia_87
#3
More updates please 😍
kimudamu21 #4
Chapter 11: I wonder why konti lang views nitong story mo, authornim. I like your story. Please update. Thank you.
kimudamu21 #5
Chapter 11: Update please.