~01~

The Love Affairs
Please Subscribe to read the full chapter

Pagkatapos ikasal nila Sian at Eunbi, sunod na ikinasal si Yena, pagka-graduate ni Chaewon pinakasalan narin siya ni Hitomi at sumunod sakanilang ikasal sila Chaeyeon at Sakura.

"Chaewon!! May tao, pakitignan naman kung sino yun!!" sigaw ni Hitomi mula sa kusina.

"Yunjin, ikaw muna maglaro." inabot ni Chaewon kay Yunjin yung controller na hawak niya tsaka tumayo bago pumunta sa pintuan. "Sino yan?" kumunot nalang yung noo ni Chaewon nang wala naman siyang nakitang tao sa labas. "Babe, wala namang tao." isasara na sana ni Chaewon yung pintuan nang mapatingin siya sa lapag.

"Narinig ko may nag-doorbell." sumilip si Hitomi sa pintuan at nakita rin niya yung baby carrier basket na nasa lapag. "Kuhain mo na."

"Babe, hindi ko nga alam kung kanino ba yan." napa-irap si Hitomi.

"Kaya nga kuhain mo na para malaman natin, tsaka malamig diyan sa labas." napabuntong hininga nalang si Chaewon at kinuha yung basket. "Dahan dahan."

"Anu yan?" lumapit si Yunjin kela Hitomi.

"Bata." simpleng tugon ni Chaewon. "Yuri, lumipat ka nga muna dun sa kabilang sofa."

"Ito may sulat." kinuha ni Hitomi yung papel na nakapatong sa paanan nung baby. "Dear Chaewon, alam kong makakaabala sayo kung iiwan ko yung anak ko sa inyo. Kay noona ko sana siya iiwan, pero nasa ibang bansa sila ngayon ni Sian. Babalikan ko rin si Minho kapag nakahanap na ako ng stable na trabaho, pasensya na talaga sa abala."

"That guy." napahilot nalang si Chaewon sa sintido niya.

"Felix." bulong ni Hitomi. "Binigay niya rin yung birthday nung bata, October 6."

"Anong gagawin niyo diyan ngayon?" tanong ni Yuri.

"Edi aalagaan." bulong ni Chaewon.

"Sigurado ka?" tanong ni Hitomi, agad na kumunot yung noo ni Chaewon. "Concern lang ako, kasi ikaw lang yung maiiwan dito kapag nagsimula na yung klase namin."

"Kesa naman ibigay natin kay mom yung bata." napabuntong hininga si Chaewon.

"Goods yan, pagkatapos niyong ikasal may alagain na kayo, kung sakali mang maisipan niyong magka-baby, edi handa na kayo." nakangiting saad ni Yuri.

"Parating na daw sila Yena at Hyewon." saad ni Yunjin habang nakatingin sa cellphone niya.

"Mauuna na kami, anong oras na rin baka masaraduhan na kami ng gate." nakangiting saad ni Yuri.

"Why didn't you ask her?" saad ni Chaewon.

"I already did, but she never told me." pilit na ngumiti si Yuri. "Masaya narin naman ako."

"Masaya, pero lagi kang nagyayayang mag-inom." natatawang saad ni Yunjin.

"Bakit ikaw? Masaya ka ba?" tanong ni Chaewon kay Yunjin.

"Kailan pa naging masaya maging kabit? Oo hindi pa sila kasal, pero para narin akong kabit nun." bumuntong hininga si Yunjin. "Pero ako naman yung nagmaka-awa kay Nako, kahit kapiranggot na oras lang ayos na sakin basta galing sakaniya." tumayo na si Yunjin. "Happy weekends, see you on Monday." paalam ni Yunjin bago lumabas sa bahay ng mag-asawa.

"Kung maging kabit nalang din kaya ako ni Yena?" natatawang saad ni Yuri.

"Yul, hindi magandang biro yan." seryosong saad ni Hitomi.

"Yul, alam kong mahal mo parin si Yena, pero sana huwag kang umabot sa puntong nakikisalo ka sa oras niya." napayuko si Yuri dahil sa sinabi ni Chaewon.

"I don't even know how did we ended like this, mahal namin yung isa't isa pero bakit iba parin yung pinakasalan niya." naluluhang saad ni Yuri.

"Hoop, washap Yul." inakbayan ni Hyewon si Yuri. "Akala ko ba nakaalis na kayo."

"Nakita mo ako dito, malamang nandito pa ako." siniko ni Yuri si Hyewon bago naglakad palabas nang bahay nila Chaewon. "May naiwan kang basura dito sa labas, pakitapon nalang." saad ni Yuri bago sumakay sa sasakyan ni Yunjin.

"Hey, yow kiddo." hinawakan ni Hyewon yung kamay ng batang karga na ni Chaewon.

"Huwag mong hawakan, mukha kang germs." nakaismid na saad ni Chaewon.

"Oo nga pala kaninong baby yan?" umupo na si Hyewon sa sofa at nagsimulang kumain.

"Kay Felix-oppa, ewan ko ba dun at sakin talaga iniwan yung anak niya." napabuntong hininga si Chaewon.

"She's still mad at me?" tanong ni Yena sa mga kaibigan niya.

"Sino ba namang hindi, umaasa na yung tao sa kasal niyo, tapos sa iba ka pala ikakasal." natatawang saad ni Chaewon.

"Totoo man yung rason na sinabi mo samin, sana pati kay Yuri pinaliwanag mo." sambit ni Hitomi bago pumunta sa kusina.

"Bakit nga pala kayo nandito?" tanong ni Chaewon sa dalawa.

"Hindi naman pwedeng yung dalawa lang yung laging tumatambay dito, pa-experience naman ng bahay niyo dalawang beses palang ata ako nakakatambay dito." tugon ni Hyewon na punong puno yung bibig.

"Si Wonyoung nga pala?" napa-inom ng tubig si Hyewon nang mabilaukan siya. "Don't tell me, naghiwalay nanaman kayo?" dagdag na tanong ni Chaewon.

"Tinanong ko siya kung gusto niyang sumama, pero sabi niya sa susunod nalang daw, marami daw kasi siyang aayusin sa magiging dorm niya." nakangiting tugon ni Hyewon.

"Anu namang aayusin niya sa dating dorm mo?"

"Ewan ko din sa babaeng yun, ikaw ba Yena, nakuha mo na ba yung mga gamit mo sa dorm mo dati?" saad ni Hyewon.

"May naiwan pa akong gamit, babalikan ko nalang siguro bukas." natawa sila Chaewon at Hyewon.

"Yung mga gamit ba talaga yung babalikan mo." tanong ni Chaewon.

"Huwag na nga kayong dumagdag." inis na sambit ni Yena.

"Chae, akin na muna siguro yung bata, matutulog narin naman ako." tumango lang si Chaewon bago iabot kay Hitomi yung batang karga niya. "May mga pagkain pa dun sa kusina, kumuha nalang kayo."

"Parang isang pamilya na talaga kayo, isipin mo nalang blessing in disguise yung anak ni Felix." sambit ni Hyewon nang makaakyat na si Hitomi sa pangalawang palapag.

"Kamusta na kaya si Yuri." napanguso si Yena.

"Bakit hindi mo itanong sa mga magulang mo?, sila yung kasalukuyang tumatayong guardian ni Yuri, diba?" saad ni Chaewon.

"Oo nga, pero itinakwil narin nila ako dahil nga sinaktan ko si Yuri." inis na tugon ni Yena.

"Yunjin 2.0, hahahahahaha." sambit ni Hyewon.

"Buti ka pa, hindi ka itinatakwil ng pamilya mo, ilang beses mo nang sinasaktan si Wonyoung, diba?" nakangiting saad ni Chaewon.

"Hindi naman kasi nakakarating sakanila yung balita, sa mga kapatid ko lang. Pero nanganganib na rin ako, nung minsan kasi nagkasalubong si mom tsaka si Wonyoung sa mall, buti nalang nakita ko sila kagad." humawak si Hyewon sa dibdib niya at huminga nang malalim.

"Hindi ka na nga okay sa mga magulang ni Wonyoung, balak mo ring sumablay sa mga magulang mo?" natatawang saad ni Chaewon.

"Ampotek nito ni Yena, tawa ka nang tawa diyan, akala ko ba magpapakalasing ka kapag nagkita kayo ni Yuri ngayong gabi?" sambit ni Hyewon.

"Bawal alak dito, pasensya na." nakangiting saad ni Chaewon.

"Si Hyewon lang ba makakasama kong uminom?" natawa si Hyewon at binatukan si Yena.

"Sinong nagsabing iinom ako, uuwi ako sa dorm tutulungan ko si Wonyoung mag-ayos." tumayo na si Hyewon. "Sige na Chae, dumaan lang talaga ako dito para makikain."

"Dalhan mo nalang si Wonyoung ng pagkain." tumango si Hyewon at pumunta sa kusina nila Chaewon.

"Umuwi ka nalang din Yena, kawawa naman yung asawa mo." nakangiting saad ni Chaewon.

"Asawa? Eh sinira nga niya yung buhay ko?" napa-iling si Yena. "Sa papel lang kami kasal, pero kahit kailan hindi ko na siya mamahalin pa ulit." paulit-ulit na umiling si Yena. "Ako nalang mag-iinom, sana ako rin happy ang married life." tumayo na si Yena at agad na lumabas nang bahay nila Chaewon.

"Ampotek na yun, hindi pa nakakainom mukha nang lasing." natatawang saad ni Hyewon. "Sige Chae, uwi na ako, bye." tumakbo na palabas nang bahay si Hyewon dala yung tatlong lunch box na pinaglagyan niya ng pagkain na niluto nila Chaewon at Hitomi.

Pagkatapos maglinis at mag-ayos ni Chaewon ng mga kalat at hugasin, umakyat narin siya sa kwarto nila ni Hitomi.

"I was thinking, anu kayang gatas yung pwede sakaniya?" bulong ni Chaewon nang makahiga na siya sa kama nilang mag-asawa.

"Siguro yung pwede sa five months old, bukas nalang natin problemahin yan, meron pa naman siyang hindi pa natitimpla na gatas tsaka meron ding iniwan na instruction si Felix-oppa." nakangiting saad ni Hitomi.

"Hindi ko naman ine-expect na ganito kabilis tayong magkaka-baby, edi sana handa ako." napabuntong hininga si Chaewon. "Goodnight." hinalikan ni Chaewon si Hitomi sa noo.

"Goodnight, sana hindi magising kagad si Minho." natatawang bulong ni Hitomi.


----------

"Baby Won?" niyakap ni Hyewon si Wonyoung.

"Miss me?"

"Sobra." hinalikan ni Hyewon sa pisngi si Wonyoung. "Nag-uwi nga pala ako ng pagkain galing kela Chaewon, para daw sayo." umupo na si Hyewon sa kama at hinubad yung mga sapatos niya.

"Paano na ako kapag nagsimula na yung klase, hindi ka naman pwedeng basta basta nalang na papasok dito sa university." umupo si Wonyoung sa kama at yumakap kay Hyewon.

"Edi, pupuntahan kita kapag wala akong trabaho." ngumuso si Wonyoung.

"Ngayon pa nga lang hirap ka nang hatiin yung oras mo." ngumiti si Hyewon at hinalikan sa ilong si Wonyoung.

"Kumain ka na nga muna, ako na magtutuloy ng ginagawa mo." uimiling si Wonyoung.

"Akala ko ba namiss mo ako." natawa si Hyewon at niyakap nang mahigpit si Wonyoung.

"Pagkatapos mo nalang kumain, para may lakas ka." kinuha ni Hyewon yung mga lunch box na dala niya. "Susubuan nalang kita para hindi ka magtampo, ang hirap mo pa namang suyuin kapag nagtampo ka, bigla nalang tayong naghihiwalay nang hindi ko alam."

"Niloloko mo ba ako?" umiling si Hyewon.

"Susubuan na kita, ahh." ngumanga si Wonyoung at sinubo yung pagkain na nakaipit sa chopsticks na hawak ni Hyewon.

"Apat na buwan narin, ayos na kaya si Yuri-unnie?" nakangusong tanong ni Wonyoung.

"Sa nakita ko sakaniya kanina, parang hindi pa." pilit na ngumiti si Hyewon.

"Hindi ko rin maintindihan kay Yena-unnie kung bakit siya pumayag sa kasalang yun, kung tutuusin kaya naman niyang iwasan yun."

"May mga bagay lang talaga na si Yena lang yung nakakakita, hindi naman kasi lahat sinabi niya satin, kaya kahit gusto kong magalit sakaniya hindi ko magawa may parte kasi sa kwento na hindi ko alam." napanguso si Wonyoung.

"My baby is growing, you're matured now." niyakap ni Wonyoung si Hyewon. "I'm so proud of you."

"Well, Kang Hyewon is my name." natatawang saad ni Hyewon bago halikan sa labi si Wonyoung. "Effective nga."

"Huh?"

"Sabi kasi ni Chaewon, pwede akong humalik na hindi umiepekto yung chip." tumango si Wonyoung. "Kailangan ko lang gawin, halikan ka nang hindi ka handa, dahil wala kang temptasyon na nararamdaman ibig sabihin hindi rin yun magdudulot ng epekto sakin."

"Kaya pala minsan hinahalikan niya si Hitomi-unnie, pero parang wala 'yong epekto sakaniya."

"Tawag niya dun, expect the unexpected." natatawang saad ni Hyewon. "Dahil nga hindi ine-expect nung partner mo na hahalikan mo siya, wala kang mararamdamang kakaiba."

"Kinabahan ako bigla sa mga nalalaman mo." hinalikan ni Wonyoung sa labi si Hyewon.

"Ako lang pwedeng gumawa nun." natatawang saad ni Hyewon bago itabi yung mga lunch box na hawak niya sa study table. "You ready?" nakangiting tumango si Wonyoung.


--------

"I hate this." umiling si Yena at muling nagsalin ng alak sa baso niya. "Are they abandoning me?" ngumiti si Yena. "I hate my life, I hate myself and I hate you." ininom ni Yena yung laman ng baso niya.

Tumagal pa si Yena sa loob nang bar nang isang oras bago may dumating para sunduin siya.

"Yena tara na, nakakarami ka na." natawa si Yena

"Anu naman sayo kung makarami ako, teka nga, sino ka ba?"

"Yena tara na, iuuwi na kita." umiling si Yena.

"Ayoko, ayoko nang sumama sayo." tumulong na yung ibang marshal para mailabas si Yena sa bar. "Bar namin 'to, bakit niyo ako pinapaalis." inis na saad ni Yena.

"Yena tara na umuwi na tayo, paki sakay nalang siya sa sasakyan ko."


Habang nasa biyahe at hanggang sa makarating na sila sa bahay nila paulit-ulit lang si Yena sa sinasabi niya.

"Ayoko ngang umuwi, ayokong sumama sayo."

"Yena nandito na tayo." mag-isang bumaba si Yena nang sasakyan at dirediretsyo papasok sa bahay hanggang sa kwarto nila.

"Ayoko ngang umuwi dito, tapos nandito nanaman ako." pagewang gewang na umupo si Yena sa kama at wala sa sariling hinubad yung mga sapatos niya.

"Tutulungan na kita." umiling si Yena at lumayo sa asawa niya.

"Ayoko, huwag mo akong lalapitan."

"Ako nang mag-aayos say-" inis na tinulak ni Yena yung babaeng nasa harapan niya.

"Ayoko nga sayo!!" pinunasan ni Yena yung luha niya. "Sinira mo yung buhay ko, yung masayang buhay ko kasama si Yuri!!" iritableng napakamot si Yena sa ulo niya. "Anu bang ginawa ko sayo para iparanas mo sakin 'to?!! Eh sa ating dalawa ikaw naman yung nanakit sakin, diba?!" napatingala si Yena. "Yuqi bakit ako?!! Bakit ako pa, alam mo naman na malapit na kaming ikasal ni Yuri, bakit ako pa!!"

"Kasi nga mahal kita, mahal na mahal kita!!" natawa si Yena.

"Edi sana pinatunayan mo yan nung mahal pa kita, nung tayo pang dalawa at wala pang Yuri sa buhay ko!! Hindi yung....., hindi yung kung kailan masaya na ako sa iba tsaka mo sasabihin sa'kin na mahal mo ako." napaluhod na si Yena. "Dapat pala mas pinili ko nalang na mamatay kesa araw araw akong nagdurusa sa desisyong nagawa ko, pinagpalit ko si Yuri sa buhay na hindi naman ako magiging masaya." hindi na napigilan ni Yena yung sarili niya at kusa nang bumagsak yung katawan niya sa sahig.


------------------------------

[KINABUKASAN]

Nagising si Yena na sobrang sakit ng ulo niya, nakahiga na siya sa kama at napalitan narin yung damit niya.

"May nakahanda nang breakfast sa baba, kumain ka nalang kapag nagutom ka na." tinitigan lang ni Yena si Yuqi hanggang sa makaalis na ang huli.

"What a nice weather to die." bumangon na si Yena at bumaba sa hapagkainan.

Habang nag-aagahan si Yena, nakatanggap siya nang text mula kay Chaewon.

From: Satan's heir
yow, daengdaeng is already landed
: can you pick her up?
: grocery atm
: forget to tell you, min is with her
: good luck

To: Satan's heir
how about yunjin? hye? ryu? kkura?

From: Satan's heir
you son of satan?
: it's daengdaeng's last wish, she said

To: Satan's heir
fine, can you buy me some gummy bears
: I'll pay


Uminom na ng tubig si Yena at naghanda sa pag-alis niya, napakamot nalang siya sa ulo niya nang hindi niya makita yung sasakyan niya paglabas niya nang bahay nila.

"Getting drunk is amazing, not until you got home without your car." pumara ng taxi si Yena papunta sa bar nila para kuhain yung sasakyan niya.

Pagkarating ni Yena sa airport nakita narin niya kagad sila Yujin at Minjoo.

"Yow." yumakap si Yena kay Yujin.

"I miss you, unnie." mahigpit na niyakap ni Yujin si Yena. "Anong kabobohan nanaman yung ginawa mo?" humiwalay si Yujin kay Yena.

"Napaliwanag ko na sayo diba?" napabuntong hininga si Yujin.

"Dapat talaga hindi na kami tumuloy sa pag-alis last year, edi sana natulungan kita." natawa si Yena.

"Anu ka ba, kahit naman nandito ka hindi kita isasali sa gulong yun." ngumiti si Yujin.

"Ako hindi mo masasali, pero yung asawa ko hindi papayag na saktan mo yung bestfriend niya." inakbayan ni Yujin si Minjoo.

"Sumakay na nga lang tayo, saan ba yung venue?" tinulungan ni Yena si Yujin sa mga gamit nila.

"Sa bahay daw nila Kkura, bagong patayo gusto nilang ipagamit satin." natatawang saad ni Yujin bago alalayan si Minjoo pasakay sa sasakyan ni Yena tsaka niya nilagay yung mga gamit nila sa trunk nang sasakyan.

"Dapat siguro hindi nalang namin pinaghandaan ni Yuri yung kasal namin, tignan mo kayong dalawa biglaan lang pero masaya." nagsimula nang magmaneho si Yena.

"Happy kami kasi ine-enjoy lang namin yung mga oras na meron kami, tsaka ganun ata siguro kapag baliw na baliw kayo sa isa't isa." natatawang saad ni Yujin.

"So, kami ni Yuri hindi?"

"Huwag mo ngang mabanggit banggit yung pangalan niya, ambaho kapag sayo nanggaling eh." napakamot si Yujin sa ulo niya.

"Min-min naman." inakbayan ni Yujin si Minjoo. "Pag-pasensyahan mo na, meron kasi ngayon." natatawang saad ni Yujin.

"Ayos lang, naiintindihan ko naman." ngumiti pa si Yena, pero sa loob loob niya sobrang sakit nun.


Pagkarating nila Yena sa bahay nila Sakura, kompleto na sila dun pati sila Sian at Eunbi.

"Akala ko ba nasa ibang bansa kayo?" tanong ni Yena kela Eunbi.

"Halos kasabay lang namin sila Yujin, hindi lang sila nakasabay kasi kasama ni Chaeyeon si Sakura nung sunduin niya kami." tugon ni Eunbi.

"Dahan dahan naman, pamangkin ko 'yang pinagkakaguluhan niyo." kinuha ni Chaewon yung anak ng kapatid niya. "Don't let those germs touch you, my poor baby." niyakap ni Chaewon si Minho.

"Ikaw mukhang germs." nakaismid na saad ni Nako. "Yunjin-ah!" pumasan si Nako kay Yunjin.

"Did Chaewon predicte

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
i know this is too much to ask, but can you guys leave a comment or feedback about this story?

i really want to know if the plot was nice, good or it is fine 😭

Comments

You must be logged in to comment
hyemstar #1
I need english version of this 😭
Tailofkia_87
#2
Chapter 19: Nice update! Thank you ☺️
Tailofkia_87
#3
More updates please 😍
kimudamu21 #4
Chapter 11: I wonder why konti lang views nitong story mo, authornim. I like your story. Please update. Thank you.
kimudamu21 #5
Chapter 11: Update please.