~07~

The Love Affairs
Please Subscribe to read the full chapter

"Hye, ayos ka lang?" hinawakan ni Yena sa magkabilang balikat si Hyewon.

"Sugod ka nang sugod." sinipa pa ni Hyewon sa hita si Yena bago tignan yung sugat niya sa braso na nadaplisan ng bala.

"Siguro nga lumaban kayo para sa kaligtasan ng mga estudyante na nandito ngayon, pero hindi ibig sabihin nun makakaligtas na kayo. Choi and Kang, outsiders who attend the winter ball without any permission and being armed inside the university." napakamot sila Yena at Hyewon sa batok nila. "Together with Kim."

"Dean, bakit kasama ako?" nakangusong saad ni Chaewon.

"An outsider who attend the winter ball without any permission and by using invalid ID."

"Kayo nanamang tatlo." bulong ni Yujin.

"Si Ryujin nga pala?" tanong ni Yena.

"Dinala na siya sa hospital kasama si Nako." tugon ni Chaewon.

"Hindi ko alam kung sadyang lapitin lang si Yunjin at Ryujin ng aksidente o dahil nakadikit sila kay Nako." pigil ang tawang saad ni Hyewon.

"Yujin." pati yung mga kaibigan ni Yujin nagulat nang yakapin siya ng dad niya. "Sabi ko naman sayo hindi mo na kailangang pumunta dito."

"Ayos lang ako, dad." pilit na ngumiti si Yujin.

"Kim Minjoo?" may lumapit na detective kay Minjoo. "Tatlo sakanila, kamag-anak niyo po. Sa ngayon, inaalam na po namin kung sino pa yung kasama nila sa pag-paplano nang nangyari dito."

"Salamat." simpleng tugon ni Minjoo.

"Yena?" umiiyak na yumakap si Yuri kay Yena. "Bakit mo ako iniwan?"

"Tinulungan ko lang sila Ryujin, sorry." hinalikan ni Yena sa noo si Yuri.

"President Ahn, pwede ka bang sumama sa amin?" tumingin si Yujin sa dad niya.

"Remember this, everything that I've done is for you. For you and your wife's safety." sumama na yung dad ni Yujin sa detective na kumausap sakaniya.

"Kim, Choi and Kang, isang gabi sa loob ng presinto?" nakangiting saad ng Dean.

"Isang gabi lang naman, Hii-chan huwag kang masyadong mag-alala." hinalikan ni Chaewon sa labi si Hitomi.

"Pupuntahan ka namin dun ni mom." tumango lang si Chaewon at nauna nang maglakad.

"Yul, kailangan ko nang sumama sa kanila." umiling si Yuri. "Don't worry about me." tinignan ni Yena si Yujin para alalayan si Yuri. "Salamat." sumunod na si Yena kay Chaewon.

"Won, piyansahan mo ako ah." natatawang saad ni Hyewon.

"Ayoko nga, bahala ka diyan." nakangusong saad ni Wonyoung. "Sige na sumama ka na dun sa kanila."

"Wala akong kiss?" umiling si Wonyoung. "Sunduin niyo ako ah." tumakbo na si Hyewon.

Unang dumating yung mom ni Chaewon para sunduin si Hitomi, sunod yung dad ni Wonyoung.

"Unnie, ihatid ka nalang kaya namin?" tanong ni Yujin kay Yuri.

"Dito lang naman ako sa dorm."

"Ayaw mong puntahan yung parents ni Yena-unnie?" tanong ni Minjoo.

"I can't tell them that she got involve into a trouble." bumuntong hininga si Yuri.

"Ihahatid nalang muna kita sa dorm mo." tumango lang si Yuri sa alok ni Yujin.

"Yujin."

"Unnie." hinintay nila Yujin na makalapit sila Eunbi sakanila.

"Anong nangyari, bakit ang daming pulis?" tanong ni Sian bago lapitan si Yuri. "Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako unnie." tugon ni Yuri.

"Ahn Yujin, we are here to investigate you and your wife, can we have a private conversation with you and your wife?"

"Yes, sure." tugon ni Yujin.

"Pupuntahan nalang namin kayo mamaya." paalam ni Chaeyeon kay Yujin at Minjoo.

"Nasa presinto pa rin sila Chaewon, hindi sila makaalis dun dahil hindi nila maiwan si Yena, hindi pa daw pumupunta dun yung parents niya." saad ni Sakura habang nakatingin siya sa cellphone niya.

"Puntahan natin si Yena." wala sa sariling sambit ni Yuri, nagkatinginan sila Chaeyeon.

"Kami nalang siguro sasama kay Yuri sa presinto, kayo nalang bahala kay Yujin at Minjoo." sambit ni Eunbi kay Chaeyeon.

"Tawagan nalang namin kayo kung anong balita kay Minjoo at Yujin, ingat kayo." saad ni Chaeyeon bago yumakap kay Yuri. "Ingat." bulong ni Chayeon kay Yuri bago maglakad kasama si Sakura.


--------

"Kung sino huling makalabas satin dito, manlilibre." sambit ni Chaewon habang pinaglalaruan yung suot niyang necktie.

"Game, basta kapag ikaw yun walang bawian ah." nakaismid na saad ni Hyewon.

"Kim Chaewon." tumayo si Chaewon at humawak sa rehas na nasa harapan niya.

"Ako po yun." nakangiting saad ni Chaewon habang nakataas yung kanang kamay niya.

Paglabas ni Chaewon sa selda kung saan sila nanatiling tatlo nila Yena at Hyewon, agad siyang yumakap kay Hitomi.

"Thank you, babe."

"Kay mom ka mag-thank you, kung ako lang hahayaan talaga kita nang isang gabi dito." nakaismid na saad ni Hitomi bago pingutin si Chaewon.

"Next time pwede bang legal na pumasok ka sa university, hindi porket kapatid ko yung Dean doon gagamitin mo na yung privilege na meron ka, Chaewon grow up." napabuntong hininga yung mom ni Chaewon. "Bago ka makasama sa graduation ni Hitomi, humingi ka muna ng permission mula sa Dean, para makabawi ka man lang sa mga kalokohan mong nagawa in the past four years na nag-aral ka sa university at ngayon."

"Mom, mas mabigat ka pang magparusa kaysa kay auntie, tsaka absuwelto na rin naman ako kay auntie." nakangusong sambit ni Chaewon.

"Hye? Kang Hyewon?" napatingin nalang sila Chaewon kay Wonyoung nang lumapit siya sa selda kung na saan si Hyewon. "Bakit nandiyan ka sa loob? Pwede ka namang dito nalang sa labas, diba?"

"Won, kumalma ka makakalabas din ako dito." naglakad na si Hyewon palapit sa pintuan nang seldang kinaroroonan niya. "Akala ko bukas pa talaga tayo makakalabas." natatawang saad ni Hyewon tsaka nakipag-apir kay Chaewon.

"Oo nga." bahagyang hinampas ni Chaewon sa braso si Hyewon.

"Aray ko naman!" napakagat si Hyewon sa labi niya.

"Sorry nakalimutan ko may sugat ka nga pala." ngumiti si Chaewon at hinampas ulit sa braso si Hyewon.

"Babe, si Yena paano?" bulong ni Hitomi kay Chaewon.

"Mister, hindi pa po ba pwedeng lumabas yung kaibigan namin?" tanong ni Chaewon sa pulis na nag-aayos ng record nilang tatlo.

"Guardian, relatives at malapit na kamag-anak lang ang pwedeng mag-claim sa kaniya." natawa si Chaewon.

"Claim? Tingin niyo sa kaibigan namin, gamit na iniwan?" agad na hinila ni Hitomi si Chaewon.

"Umayos ka nga, imbes na makakaalis na tayo." inis na bulong ni Hitomi.

"Eh kas-"

"Kim Chaewon?" ngumuso lang si Chaewon at hindi na nagsalita pa.

"Won, text mo nalang kaya si Sakura, paniguradong nandun na yung mga yun." sambit ni Hyewon habang nakahawak sa kamay ni Wonyoung.

Umupo nalang muna silang magkakaibigan sa waiting area, habang yung mom ni Chaewon umalis na para asikasuhin yung gulo na nangyari sa university.

"Si uncle nga pala nasaan?" tanong ni Hyewon kay Wonyoung.

"Hinatid niya lang ako dito, tapos pupunta daw siya sa kabilang presinto kung saan dinala yung mga sangkot sa pagsugod kanina." yumakap si Wonyoung kay Hyewon. "Anu nga palang nangyari?"

"Sumugod kasi si Yena, wala akong nagawa kundi samahan siya, habang nasa amin yung atensyon nung mga sumugod, bumabaril si Ryujin. Buti nga si Ryujin may natamaan, kaming dalawa na sumugod wala ata, tapos ayun na dumating na yung mga back up na tinawagan ni Ryujin." natatawa pa si Hyewon habang nagkukwento kaya napataas nalang yung kanang kilay ni Wonyoung. "Bakit?"

"Happy ka pa? Happy ka na muntik ka nang mamatay?" napakamot si Hyewon sa batok niya.

"Anu ba dapat? Dapat ba umiyak ako habang nagkukwento?"

"Kung pwede lang sana, umiyak ka nalang." nakaismid na saad ni Wonyoung.

Nang dumating na sa presinto sina Yuri, agad nilang inayos yung record ni Yena.

"Ayos ka lang ba, may masakit ba sayo?" hinawakan ni Yuri yung mukha ni Yena. "Sumagot ka."

"Ayos lang ako, huwag ka nang masyadong mag-alala." niyakap ni Yuri si Yena.

"Huwag niyong sabihin na mag-asawa rin sila." tanong nung pulis kay Sian at Eunbi.

"Hindi rin po namin alam." natatawang saad ni Sian, napakamot nalang yung pulis sa ulo niya.

"Sige na sige, hindi naman ganun kabigat yung kaso sa inyo." nag-bow na silang magkakaibigan tsaka sabay sabay na naglakad palabas nang presinto.

"Paano tayo makakauwi?" tanong ni Chaewon.

"Maglakad kayong tatlo kami nang bahala sa asawa mo, sa girlfriend mo at sa bestfriend mo." tugon ni Sian.

"Correction, fiancee." nakaismid na saad ni Hyewon.

"Magta-taxi nalang siguro kami ni Yuri, ihahatid ko nalang siya sa bahay nila mom." saad ni Yena.

"Sige ingat kayo." agad na saad ni Eunbi, bukod kasi sa hindi na sila mamomroblema kung paano ba sila makakasakay sa sasakyan, mukhang kailangan din ni Yena na pumunta sa bahay ng mga magulang niya.

Tinulungan naman nilang makahanap nang taxi sila Yena bago sumakay sa sasakyan nila Sian.

"Hyewon parang tanga naman eh." reklamo ni Chaewon habang nakakandong kay Hyewon.

"Wala naman akong ginagawa sayo." natatawang saad ni Hyewon.

"Malayo pa ba tayo, badtrip 'to si Hyewon pinagtitripan yung likod ko." nakangusong saad ni Chaewon.

"Wala nga akong ginagawa sayo." nilingon ni Chaewon si Hyewon.

"Unhook mo pa yung bra ko, susuntukin na kita." natawa si Hyewon.

"Isipin mo yun naka suit and tie ka, tapos naka-bra ka hahahahaha." piningot ni Chaewon si Hyewon.

"Bakit ikaw, anong suot mo?"

"Sports bra." ngumiti si Hyewon. "Talagang nagpapabigat ka pa, baka humiwalay na yung binti ko sa hita ko." bahagyang tinulak ni Hyewon si Chaewon.

"Nandito na tayo, pwede na kayong bumaba." bumuntong hininga si Sian. "Please, bumaba na kayo ang ingay niyo."

"Paano kami ni Wonyoung?" nakangusong saad ni Hyewon.

"Makitulog nalang muna kayo sa bahay nila Chaewon, dadaanan pa namin sa presinto sila Yujin, tapos pupuntahan pa namin sila Ryujin sa hospital. Alas diyes na ng gabi, bumaba na kayo." kunot noong saad ni Eunbi.

"Ito na, bababa na kami." nauna nang bumaba si Chaewon at pumunta sa kabilang pintuan nang backseat para pagbuksan ng pintuan si Hitomi.

Nang makapasok na sila Chaewon sa bahay nila hinila niya sa damit si Hyewon.

"Huwag kayong gagawa nang kung anu dun sa kwarto, magiging kwarto yun ng anak ko huwag kayong mag-iwan nang kung anu." nakaismid na saad ni Chaewon.

"Marunong naman kaming pumili ng lugar, tsaka mabubuhay naman kami nang walang ganun." inirapan ni Hyewon si Chaewon bago lumapit kay Wonyoung.

"Magpahinga nalang muna tayo, bukas na tayo makibalita tungkol sa nangyari ngayong gabi." hinila na ni Hitomi paakyat sa kwarto nila si Chaewon. "Babe, sumasakit yung puson ko." tumango si Chaewon at agad na pinahiga sa kama si Hitomi.

"Wait lang." kinuha ni Chaewon yung doppler at doppler gel na nasa cabinet nila. "Just calm down, okay?" tumango lang si Hitomi.

Nilagyan na ni Chaewon yung doppler ng gel, bago yun idikit sa puson ni Hitomi.

"Can you hear the heartbeat?" agad na tanong ni Hitomi.

"Wait babe, I'm still trying to find where is our baby." huminga nang malalim si Chaewon bago idikin ulit sa puson ni Hitomi yung doppler. "There's still a heartbeat." napabuntong hininga si Chaewon bago yumakap kay Hitomi. "Magpahinga ka nalang muna, sorry for the stress today." hinalikan ni Chaewon sa noo si Hitomi. "Kukuhaan lang kita ng damit pamalit."

"Chae, hindi naman ako makukunan diba?" napahinto sa paghahanap ng damit si Chaewon at humarap kay Hitomi.

"Hindi, hindi ka makukunan." agad na lumapit si Chaewon sa kama nilang mag-asawa at lumuhod sa sahig. "Hindi ka makukunan, magagawan natin nang paraan para mas kumapit yung baby natin." hinawakan ni Chaewon yung kamay ni Hitomi at hinalikan yun. "Huwag mong sabihin 'yan." pinunasan ni Chaewon yung luha niya.

"Chae, nahihilo ako." tumango si Chaewon.

"Ako nang magbibihis sayo." agad na tinulungan ni Chaewon si Hitomi na bumangon para makapagpalit na siya nang damit.

---------

"Yujin, you have to calm down, please." hinawakan ni Chaeyeon si Yujin sa braso.

"Paano ako kakalma unnie, dahil sa ginawa nilang pananakot sa asawa ko nawalan kami ng anak!" napahilamos si Yujin sa mukha niya. "Kaya lang naman ako umalis nung araw na yun kasi sabi nila importante yung trabaho na pupuntahan, pinigilan ako ni Minjoo na umalis nun pero nagpumilit ako kasi sinabi nila." pinunasan ni Yujin yung luha niya. "Nawalan kami ng anak unnie."

"Shh." niyakap na ni Chaeyeon si Yujin. "Masakit, pero sayo nalang kumakapit ngayon si Minjoo. Isipin mo nalang yung kalagayan niya, Yujin mas delikado yung lagay niya ngayon."

"Bakit kasi kailangan pa nilang humantong sa ganito, willing naman kaming ibigay yung gusto nila pero sa legal na paraan, 'yon lang yung hinihingi namin sakanila."

"Chae, naghihintay na si Minjoo sa labas, kailangan niya pang magpahinga." pilit na ngumiti si Sakura.

"Ihahatid nalang namin kayo sa bahay niyo, tara na." hinagod ni Chaeyeon sa likod si Yujin. "Huwag mo nalang muna siguro banggitin sakaniya ngayon yung nalaman mo, dahan dahanin mo lang na sabihin sa kaniya." bulong ni Chaeyeon.

"Min, uwi na tayo." nakangiting inakbayan ni Yujin si Minjoo.

"Ayos ka lang ba?" hinawakan ni Minjoo yung mukha ni Yujin. "Namumula ka."

"Ayos lang ako, umuwi nalang muna tayo para makapag-pahinga ka na." nakangiting saad ni Yujin bago halikan sa noo si Minjoo.


Habang nasa biyahe sila Chaeyeon tahimik lang silang apat, hanggang sa makarating sila sa harap nang bahay nila Yujin tahimik lang sila.

"Gusto mo, ako nalang magmaneho pauwi?" tanong ni Sakura kay Chaeyeon.

"Sigurado ka?" nag-hum lang si Sakura. "Dumaan nalang muna tayo sa convenient store, nagugutom na ako."

"Sabi ko naman kasi sayo, huwag ka nang dumaan sa shop natin." inayos ni Sakura yung b

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
i know this is too much to ask, but can you guys leave a comment or feedback about this story?

i really want to know if the plot was nice, good or it is fine 😭

Comments

You must be logged in to comment
hyemstar #1
I need english version of this 😭
Tailofkia_87
#2
Chapter 19: Nice update! Thank you ☺️
Tailofkia_87
#3
More updates please 😍
kimudamu21 #4
Chapter 11: I wonder why konti lang views nitong story mo, authornim. I like your story. Please update. Thank you.
kimudamu21 #5
Chapter 11: Update please.