Backstory (Nako's Point Of View)

The Love Affairs
Please Subscribe to read the full chapter

Nako's Point Of View

"Anu bang nangyayari sa'kin?" tinignan ko yung kagandahan ng langit. "I failed, not only one or two subjects, but all of the exams." humakbang ako paabante bago tignan yung mga ilaw sa ibaba. "Saan ako nagkamali?" huling hakbang tapos na lahat.

"YAH!!" tinignan ko yung taong nakahawak sa kamay ko. "Don't let go." hindi ko alam kung susundin ko ba siya o hindi. "The heck, I said don't let go!" galit na siya pero dahil sa nguso niya, hindi ko alam kung dapat ba akong matakot. "On three try to lift yourself." hindi ako tumugon at hinintay lang siyang magbilang.

"Let me go." tumigil siya sa paghila sa'kin at tumitig sa mga mata ko. "Please, let me go."

"I can't." bahagya siyang tumawa bago ako buong lakas na hilain ulit. "Need someone to talk to?" halata sa mukha niyang nahirapan siya sa pagtulong niya sa'kin, pero hindi ko naman hiniling na tulungan niya ako. "Bakit ka magpapakamatay?" umupo siya sa isang sulok at pinatabi ako sa kaniya.

"Bakit mo ako niligtas?" natawa siya bago tumingin sa langit.

"Yung kapatid ko, sinubukan na rin niyang magpakamatay dahil sa isang babae. Kaya kung sino man yung nanakit sayo, ayos lang yan, makakabawi ka rin sa taong yun."

"I'm single, since birth." tumingin siya sa'kin.

"Binubully ka ba?" umiling lang ako. "Family problem?"

"Half of it." ngumiti siya.

"Want to share it to me?"

"Bumagsak kasi ako sa lahat ng exams namin, as in lahat ng test papers ko F-." napakamot siya sa batok niya.

"Kaya ko rin gawin yun, without even trying." napabuntong hininga na lang ako.

"You don't understand." nginitian ko siya. "I'm always at the top 3 in homeroom and top 5 in the whole grade, what happened this time is such a disappointment. My parents scolded me and I can't even get a chance to take the exams again."

"Ikaw na matalino." tumitig siya sa'kin. "Maganda ka rin." nagulat ako sa sinabi niya.

"Huh?!"

"Wala." tumingin siya ulit sa langit.

"Anu nga palang ginagawa mo dito?"

"Magpapahangin lang sana ako, tapos nakita kita." pumikit siya bago huminga nang malalim. "Gusto mong sumama sa'kin?" tumayo siya at agad na nilahad yung kaliwang kamay niya para tulungan ako sa pag-tayo. "Let's drink and get drunk?"

"No way, I can't drink."

"Ayos lang, sumama ka na lang sa'kin." sapilitan niyang hinila yung kamay ko patayo.

Pagsakay namin sa elevator, nakatitig lang siya sa pintuan.

"Bakit dito mo piniling pumunta? Taga dito ka ba sa apartment building na 'to?" marahan akong tumango kahit pa hindi siya nakatingin sa'kin.

"Bumili ng isang unit yung parents ko sa building na 'to, pero nangungupahan pa rin ako sa ibang apartment kasama yung kaibigan ko."

"Gusto mong sumama sa bahay namin?" napakagat na lang ako sa labi. "Nasa ibang bansa kasi yung parents ko, doing their research tapos yung kapatid ko naman sumama sa kanila para makapag-bakasyon."

"Paano kung masamang tao pala ako?"

"Choosing suicide because of failed grades?" tumawa siya. "Baka nga mas masamang tao pa ako kaysa sayo." napalunok na lang ako at bahagyang lumayo sa kaniya.

Paglabas namin nang building agad siyang pumara ng taxi, hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kaniya, basta ang alam ko lang gusto ko ng makakasama ngayon. Kahit wala nang kwenta yung sinasabi niya, nakakagaan pa rin nang pakiramdam yung presensiya niya.

"Hoooop, thank you." nag-abot na siya ng pera sa taxi driver bago buksan yung pintuan. "Tara, huwag kang mag-alala safe ka dito." hinawakan niya yung kamay ko, nakasunod lang ako sa kaniya habang namamangha sa loob ng bahay nila.

Sinama niya ako sa kusina nila at inabutan ng iba't ibang uri ng pagkain.

"Sa kwarto ko na lang siguro tayo, feel at home."

"Pwede mo ba akong tulungan dito sa mga dala ko? Kung pwede lang naman." tumawa siya bago kuhain yung ilan sa mga pagkain na hawak ko.

"Sunod ka lang sa'kin." hindi pa ako nakakatugon nagsimula na siyang maglakad.

Pagpasok namin sa isang kwarto binuksan niya kaagad yung aircon at tv, tsaka ginawang dim yung ilaw sa bandang kama niya.

"Rich biatch." bulong ko bago umupo sa kama niya.

"Anong gusto mong palabas?"

"Kahit anu, huwag lang nakakatakot." tumango lang siya at pumili na ng palabas.

"By the way, do you have any plans for winter break?" inirapan ko siya bago tumugon.

"I'm going to kill myself earlier, do you think I'm planing anything for winter break?"

"Natanong ko lang, kasi diba bukas na yung simula ng winter break?" umupo na siya sa tabi ko. "Want to stay here? Kahit isang linggo lang." ngumiti siya. "Sorry, hindi lang ako sanay na walang kasama, my family aren't here, then my friends have their own plans."

"Okay, I'll stay here, as long as you're not planning to kill me."

"Ahh, talking like you didn't try to kill yourself earlier." hinampas ko siya sa braso.

"Magkaiba naman kasi yun."

"Pero yung totoo, kaya ka ba talaga magpapakamatay dahil sa grades mo?" tumango ako.

"Sobrang taas kasi ng expectation ko at ng parents ko sa'kin, kahit yung mga kaibigan ko nagulat nang bumagsak ako, hindi lang sa isang subject kundi lahat ng subject." marahan siyang tumango.

"Sabagay, kung lagi ka nga namang nasa top, nakakagulat talaga kung bigla ka na lang babagsak." nagsimula na siyang kumain.

"Saan ka nga pala nag-aaral?"

"Secret." inakbayan niya ako. "Baka puntahan mo pa ako." napatingin siya sa cellphone niya na nasa bedside table. "Wait lang, sasagutin ko lang yung tawag." tinanguan ko lang siya at tinuon na sa palabas yung atensyon ko.

"Spongebob squarepants?" napa-iling na lang ako, dahil ngayon ko lang napansin kung anu ba yung pinapanuod namin.

Tinitigan ko lang siya nang umupo siya sa gaming chair kaharap yung computer niya.

*Hindi ko pa pala natatanong yung pangalan niya.* *Really Nako? Nakarating na kayo sa bahay nila, hindi mo pa rin alam kung anong pangalan niya?!* *Dinala nga niya ako dito nang hindi nalalaman yung pangalan ko.*

"Why do I even come with her." pumunta ako sa likuran niya. "Hey, pwede ba akong manuod sayo?" nakapokus lang siya sa screen ng computer niya.

"Don't judge me, hindi ako ganun kagaling." pinatong ko sa sandalan ng upuan niya yung baba ko at pinanuod siya. "Ahh, yah! Hyewon-ah! You should wait for me." kinalabit ko siya sa balikat.

"Pwede ko yan subukan?" matagal siyang tumitig sa'kin bago tumayo at paupuin ako sa upuan niya.

"Just do what you think you have to do." isinuot niya sa'kin yung headphones niya.

"Yah!!! Yena anong ginagawa mo!!"

*Sakura-unnie?!*

"Yena, dito sa likod ko." napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Ito si Hyewon, tapos itong isa si Sakura, tapos yung kamamatay lang si Chaewon, yung isa naming kasama hindi gaanong marunong yun kaya huwag mong sasamahan." tinuro niya isa isa yung kakampi niya. "Ito yung isa, si Yujin." tumango lang ako.

Hindi ako pamilyar sa boses nung tatlong kakampi niya, dahil si Sakura-unnie lang naman yung kilala ko.

"Uhm, who's Yena?" tumingala ako sa babaeng nasa gilid ko.

"Yun yung pangalan ko." natatawa siyang napakamot sa pisngi niya.

"Ahh, so they're talking to me." napatango na lang ako at bumalik sa paglalaro.

Natapos yung laro at natalo kami.

"Ayos lang yan, kailangan mo lang ng konting practice pa." humiga siya sa kama niya. "Matutulog na ako, good night."

"Pwede pa ako maglaro ulit?"

"Ikaw bahala." binalik ko yung atensyon ko sa computer ni Yena.

Nang magsimula na ulit yung laro, hindi ko na kasama yung apat kanina kaya mas naging pokus ako sa sarili kong strategy kaysa sumunod sa sinasabi nila Sakura-unnie at nung tatlong hindi ko kilala.

"Kung hindi ko lang kasama sa apartment si Hitomi, makakapaglaro siguro ako ng mga ganito." napatingin ako sa orasan. "Malapit nang mag-alas tres? Napuyat na naman ako masyado." pinatay ko muna yung computer ni Yena bago tumabi sa kaniya sa kama. "Kaya pala ang sakit na ng ulo ko." tinalikuran ko si Yena tsaka pumikit.


"Hmmm." napadilat ako nang may sumiksik sa batok ko.

*Ang clingy naman ni Hii-chan!*

"Hii, baka naman gusto mong umusog?" hindi siya sumagot at mas sumiksik pa sa batok ko tsaka hinigpitan yung pagkakayakap niya sa'kin.

*Wait?!!* *Wala ako sa apartment namin!!!* napatingin ako sa salamin na nasa harapan ko, maliwanag na at mukhang tanghali na rin.

"Waking up with someone beside me feels new to me." napapikit na lang ako nang maramdaman ko yung mainit niyang hininga sa tenga ko. "Sorry but I can't control myself from hugging you."

"Pwede ka bang umusog nang konti?"

"Isang minuto pa, please?" mas lumapit pa siya sa'kin, gusto ko mang lumayo hindi ko magawa dahil baka mahulog na ako sa kama. "Lunch na pala, bababa lang ako para magpaluto ng pagkain natin." marahan siyang humiwalay sa'kin bago bumangon at lumabas nang kwarto niya.

"The heck I'm feeling right now." napahawak ako sa dibdib ko. "Ang lakas ng kabog nito, ngayon lang nangyari sa'kin 'to."

"May nakahanda na palang pagkain sa baba, tara na?" marahan akong napatango tsaka bumangon.

*Bakit ngayon ko lang napansin, ang ganda niya pala.*

"May gusto ka bang puntahan natin? Kahit saan sagot ko na." inakbayan niya ako habang naglalakad kami pababa nang hagdanan.

"Sinabi ko na sayo, wala akong plano dahil dapat patay na ako sa araw na 'to."

"But still I save you, so let's celebrate your second life." tinitigan ko siya sa mukha. "Start your life with me, is that okay to you?" pilit akong napangiti.

"Whatever." tumawa lang siya at marahang tumango.

"Magandang tanghali sayo hija." napatingin ako sa babaeng medyo may edad na nang magsalita siya.

"Kasamabahay namin siya, she's the one who cook our foods." agad akong nag-bow.

"Good afternoon po."

"Maiwan ko na muna kayo, tawagin niyo na lang ako kung may kailangan kayo." natatawang sambit niya bago mag-bow at naglakad paalis.

"Akala ko ba ikaw lang mag-isa?" natawa si Yena bago iurong yung isang upuan sa harap ng hapagkainan.

"Sa amin ng pamilya ko, ako lang mag-isa." nilahad niya yung kamay niya sa upuan. "Umupo ka na para makakain na tayo."

"Bakit ang bait mo sa'kin?"

"Dahil bago kitang kaibigan? Paano ba kita dapat itrato?" umupo sa siya sa isa pang upuan at nagsimulang kumuha ng pagkain, umupo na lang din ako sa upuan na iniurong niya kanina.

Marami siyang kinukwento sa'kin tungkol sa mga kaibigan niya na hindi ko maintindihan dahil hindi ko naman kilala sina Hyewon, Chaewon at Yujin. Tanging si Sakura-unnie lang yung kilala ko sa mga nabanggit niya.

Pagkatapos naming kumain inaya niya akong maglaro ng table tennis.

"Mauna ka nang maligo, may kakausapin lang ako." tinanguan ko lang siya bago ako pumasok sa banyo na tinuro niya sa'kin kanina.

"Bakit ba ako nagtitiwala sa taong 'to, hindi ko naman siya kilala talaga." umupo na ako sa bathtub tsaka pumikit.

Paglabas ko nang banyo naka-upo si Yena sa kama niya habang nakatutok sa cellphone yung atensyon niya.

"Uhm, may damit ka ba na pwede kong magamit?" tumingin lang sa'kin si Yena bago tumayo at may kuhain sa aparador niya.

"Kakarating lang niyan, kung hindi kasya sayo sabihan mo lang ako." binuksan ko yung package na inabot niya sa'kin.

*Undergarments, right. So where's the clothes?*

"Do you want me to go out only with this?"

"Kung gusto mo, bakit hindi?" tinitigan ko siyang mabuti. "Biro lang, ikaw na yung pumili ng masusot mo, maliligo lang ako." tumatawa siyang pumasok sa banyo.

"The heck is wrong with her." lumapit na ako sa aparador niya, pero maling aparador ata yung nabuksan ko. "Is she collecting girls to become her toy?"

"Seems like you found my collection." hindi ako makagalaw nang maramdaman ko yung presensiya niya sa likuran ko. "Are you scared of me?" napapikit na lang ako nang ipatong niya yung mga kamay niya sa magkabilang balikat ko. "Huwag kang mag-alala koleksyon ko lang yan, wala akong balak na gamitin yan." mas ipinikit ko pa yung mga mata ko nang maglakad siya papunta sa harapan ko.

"Please, don't."

"Mukhang takot na takot ka sa'kin, do we have to cancel our plan to ease that fear?" tinulak ko siya at agad na tumakbo.

"Yah?!! Yah!! Ayos ka lang?!" napadilat ako at napatingin sa pintuan ng banyo.

"Panaginip lang." tumayo na ako at agad na lumabas nang bathtub. "Nakatulog na pala ako." kinuha ko yung bathrobe na nakasabit malapit sa pintuan at sinuot yun.

"Ayos ka lang?" halata sa mukha ni Yena yung pag-aalala niya. "Nung hindi ka tumugon kanina nag-alala ako sayo, ayos ka lang ba? May nangyari ba?"

"Miss Yena ito na po yung susi." napatingin ako sa kasambahay na nakalahad yung kamay at inaabot kay Yena yung susi na nasa palad niya.

"Salamat." kinuha niya yung susi at tumingin sa'kin. "Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako, puyat lang siguro kaya nakatulog ako sa bathtub." kumunot yung noo ni Yena at marahang tumango.

"Nahanda ko na yung mga gamit mo, sigurado kang ayos ka lang?"

"Oo nga, sige na maligo ka na." ngumuso siya bago maglakad papasok sa banyo. "Wala namang masama kung titignan ko diba?" marahan kong binuksan yung cabinet niya para tignan kung may adult toy siya sa loob nun. "Panaginip nga lang yun Nako." lumapit na ako sa kama at kinuha yung mga damit na nakapatong dun.

Oversized plain white t-shirt at grey na sweatpants yung pinahiram sa'kin ni Yena, tapos yung sapatos na sinuot ko, yung rubber shoes na suot ko kahapon.

"Masyado palang malaki, ayos na ba yan o gusto mong dumaan muna tayo sa mall para bumili ng sakto lang sayo?" tinignan ko si Yena.

"Ayos na 'to, saglit lang naman tayo maglalaro." naglakad na ako palapit sa pintuan ng kwarto niya. "Hihintayin na lang kita sa baba."

Habang naghihintay ako kay Yena sa baba, tinignan ko yung mga picture frame na naka display sa loob ng isang cabinet na may glass door.

"Magkamukha silang dalawa ng kapatid niya." tinitigan kong mabuti yung picture ng parents niya. "Wait, Choi?"

"Tara na?" hinarap ko si Yena.

*Ibig bang sabihin, mga magulang niya yung nakadiskobre sa chip?* *Baka meron din siya.*

"May problema ba?, tulala ka?" napapikit na lang ako nang hawiin niya yung buhok ko at inipit yun sa kanang tenga ko. "May itatanong nga pala ako sayo." marahan akong tumango. "Pwede bang dumilat ka muna?"

"Pasensya na." dumilat ako at umiwas nang tingin sa kaniya.

*Bakit ngayon pa talaga tumibok nang ganito kabilis yung puso ko, kung kailan talaga na malapit lang siya sa'kin.*

"Ano nga palang pangalan mo?" bahagya siyang natawa. "Kanina ko lang kasi narealize na, hindi ko pa pala naitatanong kung anong pangalan mo."

"Nako, Yabuki Nako." nagulat siya nang tumugon ako. "May problema ba?" umiling siya.

"May hawig ka kasi kay Yujin, lalo na nung bata pa siya." inakbayan niya ako bago magsimulang maglakad. "Yabuki, Japanese?" tumango lang ako. "Dapat mong makilala si Sakura, paniguradong matutuwa yun kapag nakilala ka niya."

*Sasabihin ko na bang kilala ko yung Sakura na sinasabi niya?*

"Mag-taxi na lang siguro tayo, para mabilis tayong makarating sa pupuntahan natin." tumango lang ako.

*Mas mabuti nang tahimik lang ako.*


Pagdating namin sa isang table tennis center, humanap na kagad kami ng pwesto. Hindi ganun karami yung tao na naglalaro, pero nahihiya pa rin ako dahil hindi naman ako ganun kagaling sa larong 'to.

"Huwag kang mag-alala, hindi kita papahirapan." inirapan ko lang siya at kinuha na yung paddle at bola.

"Dito ang tingin." tawag atensyon ko sa kaniya.

"Sayo lang naman ako nakatingin." inirapan ko siya.

*Ako pa lolokohin mo.* *Bakit naman ako naiinis, nakatingin lang naman siya sa pwet nung nasa kabilang pwesto.* sinerve ko na yung bola at nung bumalik na sa'kin 'yon, nilaksan ko yung pagkaka-palo sa bola.

"Yah, kalma ka lang." natatawa niyang pinulot yung bola. "Kakasimula pa lang natin, nag-iinit ka na." sinerve na niya yung bola, at sa pangalawang pagkakataon pinalo ko ulit 'yon ng malakas. "Game, seryoso na." pagka-serve niya sa bola at paluin ko 'yon ng malakas natamaan na niya.


Pagkatapos naming maglaro nang mahigit dalawang oras, nag-aya na siyang magpahinga.

"Tubig." inabutan niya ako ng tumbler.

"Salamat." umupo siya sa tabi ko.

"Sabi mo hindi ka marunong?" nagkibit balikat ako.

"Hindi naman talaga, marunong na pala yun para sayo?" nakanguso siyang tumango.

"Sa mga kaibigan ko, wala pa akong nakakalaro nang katulad ng sayo." uminom siya sa tumbler na hawak niya. "Pero natalo pa rin kita, kaya may dare ako sayo."

"Ano ba yun, nang magawa ko na?" umiling siya.

"Mamaya ko na sasabihin sayo." tumayo na siya. "Maliligo na ako, tara na?" nilahad niya yung kamay niya, humawak naman ako doon tsaka tumayo.

"Wala akong damit."

"May dala ako." tumango lang ako bago kumapit sa braso niya. "Tandaan mo 'tong locker na 'to, nandito yung gamit natin." kinuha ko yung tuwalya na inaabot niya.

"Huwag mo akong iiwan kapag una kang natapos." natatawa siyang ginulo yung buhok ko.

"Syempre naman, hindi kita iiwan." pumasok na siya sa mismong shower room kung saan maraming cubicle sa loob nun.

Binilisan ko na lang yung pagligo ko, mahirap na baka niloloko lang ako ni Yena wala akong matinong damit na masuot mamaya kapag iniwan niya ako.

Pagbukas ko ng locker na tinuro ni Yena, may itim na duffle bag sa loob nun. Nagdadalawang isip pa ako na kuhain yung bag, kung hindi ko lang nakita yung pangalan na nakasulat sa nametag na nakasabit sa zipper nun.

"Excuse me." agad naman akong umusog pero bumangga pa rin ako doon sa taong nagsalita. "Nako?" tinitigan ko siya nang banggitin niya yung pangalan ko.

"Do I know you?"

"Uhm, we're classmates." napanguso ako at inisip kung sino ba siya.

"Sorry I can't remember you." marahan siyang napatango.

"Huh Yun-"

"Nako-yah, may problema ba?" napatingin ako kay Yena na naka-bathrobe.

*Tignan mo 'to, bathrobe yung gamit niya, samantalang ako nakatapis lang ng tuwalya.*

"May kasama ka pala, see you around then." naglakad na siya papasok sa shower room.

"Sino yun?" nagkibit balikat lang ako sa tanong ni Yena.

"Huh Yun, yun lang yung nasabi niya. Saan ba ako magbibihis?"

"Dito." sumunod lang ako kay Yena. "Mauna ka na para hindi ka mahirapan sa pagbibihis, sabihan mo na lang ako kung ano yung kailangan mo, iaabot ko na lang sayo." nakangiting saad niya habang nakalahad yung kamay sa harap ko.

"Panigurado namang may mapagpapatungan ako sa loob." nakaismid na saad ko bago pumasok sa isang cubicle.

"Suggest ko lang naman yun." napairap na lang ako bago magsimulang magbihis, yung undergarments na nasa lalagyanan pa yung sinuot ko.

"Yena?"

"Yow?"

"Yung suot ko palang mga damit kanina, nilagay ko dun sa locker kung saan nakalagay yung bag kanina." hinintay ko siyang tumugon, pero wala siyang sinagot. "Umalis na ata."

*Saan naman dito yung susuotin ko?*

"Yena? Choi Yena?~" nakarinig ako nang pagtawa.

"Bakit?"

"Saan dito yung isusuot kong damit?"

"Yung dress na blue." napatango na lang ako at kinuha na yung dress na nasa loob ng bag ni Yena.

Paglabas ko sa cubicle nagulat ako kay Yena, sobrang lapit niya kasi sa may pintuan, halos bumangga na yung mukha ko sa kaniya.

"Ano ka ba?" tinawanan niya lang ako.

"Diyan mo na lang ako hintayin, ito yung sapatos mo." kinuha na niya sa'kin yung bag niya at agad na pumasok sa cubicle kung saan ako nagbihis.

Sinuot ko na yung rubber shoes ko at nanatiling nakaupo sa bench para hintayin si Yena. Napatingin ako sa gilid ko, may drawstring bag doon.

"Paniguradong kay Yena 'to." bulong ko bago tawagin si Yena. "Sayo ba yung drawstring bag na may design na bibe dito sa labas?"

"Oo, diyan nakalagay yung damit natin kanina." lumabas na siya nang cubicle. "Gusto mo bang dumaan muna tayo sa mall, para makabili ka ng mga gamit mo? Undergarments, slippers or sandals."

"Mabilis lang tayo?" tumango lang siya.

"Para may magamit ka na gusto mo talagang style." tumayo na ako at naunang naglakad.

"Hintayin mo naman ako." napatingin na lang ako sa kaniya nang kasabay ko na siyang maglakad.

*Simpleng itim na hoodie lang naman yung suot niya, bakit na naman ganito kabilis yung tibok ng puso ko.*

"May mall na malapit lang dito, doon na lang tayo pumunta para maka-uwi tayo kaagad." hinawakan niya ako sa kamay.

*Lalong bumilis yung tibok ng puso ko!!*


---------


"Argh, matutulog muna ako, grabe napagod talaga ako sa laro natin." tinignan ko lang si Yena na humiga sa kama niya.

"Maglalaro lang ako dito." nag-thumbs up lang siya.

*Pagod nga siguro siya, siya ba naman nagdala nung mga pinamili namin.* humarap na ako sa computer at nagsimulang maglaro.


Hindi ko alam kung ilang oras na akong naglalaro nang tumunog yung cellphone ni Yena kaya napalingon ako sa kaniya.

"Hello Hye? Hmm? No need, I already have plans this winter break.... akala ko ba may plano kayo ng pamilya mo?... nah... sige na bye." napatingala ako nang lumapit sa'kin si Yena. "Kumain na muna tayo, mamaya na yan." pinatong niya sa balikat ko yung baba niya.

"What are you doing?"

"Being clingy?" inikot niya yung gaming chair na inuupuan ko paharap sa kaniya. "Tara na, gutom na ako." hinila niya ako patayo.

"Oo na, sandali lang, kaya ko namang tumayo." hinila ko yung kamay ko, pero mali ata na ginawa ko yun.

"So-sorry." napayuko siya at bahagyang lumayo sa'kin. "Huwag kang magalit, please?"

"That's my first kiss." napahawak na lang ako labi ko.

*With my first love.*

"Sorry, if you want to slap me that's okay with me." hinila ko siya sa damit palapit sa'kin. "Nako?" niyakap ko siya nang mahigpit.

"Ayos lang, tara na at gutom na rin ako." hinawakan ko siya sa kamay tsaka naunang maglakad palabas nang kwarto niya.

Habang kumakain kaming dalawa ni Yena, tahimik lang siya at panay panay ang tingin sa'kin

"Ayos nga lang." dinig ko yung pagbuntong hininga niya.

"But that was your first kiss."

"Bakit ikaw ba, pang-ilan mo na yun?" tumikhim siya bago bahagyang umayos nang pagkakaupo.

"I can't remember." uminom siya ng tubig at marahang tumayo. "Aakyat na ako."

"Pero hindi ka pa tapos kumain." ngumiti lang siya bago marahang tapikin yung ulo ko.

"Tapos na ako." tinitigan ko lang siya.

"Nakakailang subo ka pa nga lang."

"Akala ko tapos na kayo, kaya tumayo na si Miss Yena." napatingin ako sa kasambahay nila.

"May gagawin pa po ata siya." tinuloy ko na yung pag-kain ko.

"Mabait na bata naman si Miss Yena, pilya nga lang kung minsan." napangiti na lang ako. "Payo ko lang sayo, kung hindi mo na siya mahal sabihin mo lang, kaysa manatili ka sa relasyon na meron kayo pero hindi mo na siya mahal." nag-bow na siya sa'kin. "Maiwan na muna kita."


Pagkatapos kong kumain marahan akong pumasok sa kwarto ni Yena, tutok siya sa paglalaro kaya hindi niya ako napansin nang lumapit ako sa likuran niya.

"Ang hirap naman kapag hindi mo kilala yung mga kasama mo." napabuntong hininga na lang si Yena bago hilutin yung magkabilang sintido niya.

"Yena?" tumingala siya sa'kin.

"Hmm, tapos ka nang kumain?" tumango lang ako bago kumandong sa kaniya. "Gusto mong maglaro?" umiling lang ako at yumakap sa kaniya.

"Makakapaglaro ka ba kapag nandito ako?" ngumiti lang siya. "Ano nga?"

"Subukan natin." nagsimula na siyang maglaro ulit.

"You can't." tatayo na sana ako nang yakapin niya ako sa bewang.

"No, please?" matagal akong tumitig sa mga mata niya. "Nako, can you hear my heartbeat?" umiling ako. "I think I'm sick?, simula kahapon ang bilis na ng tibok ng puso ko."

*What a dummy!*

"Kung hahalikan ba kita, tututol ka?" hinawakan niya ako sa baba bago umiling at lumapit sa'kin.

"Why would I." napapikit na lang ako nang maglapat na yung mga labi namin.

"Yena?" habol hininga kong sambit. "Can we?" halata sa mukha niya yung pag-aalala.

"Sigurado ka? Ayokong gawin kung napipilitan ka lang." umiling ako bago siya halikan.

"We only have a week, what if after that we never see each other again?" marahan siyang tumango.

Kinarga niya ako papunta sa kama, tsaka marahang inihiga dito.

"I'll be gentle, just tell me if you already change your mind then I'll stop." tumango lang ako bago siya hawakan sa batok at marahang hilain palapit sa'kin. "Don't regret this, please."

"No, I'm not going to regret this." tumango siya bago ako muling halikan.


------------------------

[KINABUKASAN]

Nagising akong pagmumukha ni Yena yung una kong nakita, nakapalumbaba siya habang nakangiti at nakatingin sa'kin.

"Good morning." hinalikan niya ako sa ilong. "How's your sleep." hinalikan niya ako sa labi. "Naghanda na ako ng agahan mo, sandali kukuhain ko lang." tumayo siya at kinuha yung tray na nakapatong sa gaming table niya.

"Did we really?" napahinto siya sa paglapit sa'kin at yung mga ngiti sa mukha niya nawalang parang bula.

"I told you, don't regre-"

"So this is how it feels like?, plus there's a breakfast for me?" marahan akong bumangon habang hawak yung kumot na nakabalot sa'kin. "How are we going to spend our remaining days together?" nakangiti siyang umupos sa tabi ko.

"Pwede naman tayong manatili dito sa bahay, pero kung gusto mo mag-plano tayo ng mga pupuntahan natin." yumakap ako sa kaniya.

"Kapag nanatili ba tayo dito nang magkasama, walang magagalit?" umiling siya bago ako halikan sa noo.

"Wala." bahagya akong lumayo sa kaniya.

*But you call me Yuqi last night, is she the reason why you're asking me not to regret it?* tinignan ko yung pagkain na dala niya.

"Ikaw ba yung nagluto niyan?" nakangiti siyang tumango.

"Tikman mo." nakatitig lang ako sa kaniya hanggang sa maisubo na niya sa'kin yung pagkain na nasa kutsara.

"Hmm, masarap."

"Buti naman nagustuhan mo, gagawan kita ng shake, anong flavor gusto mo?"

"Mint choco?" natawa siya.

"Brush your teeth while eating chocolate bar." hinampas ko siya sa balikat.

"Hindi naman hays, huwag na nga lang."

"Bibili muna ako ng mint choco ice cream, kumain ka lang diyan." tumayo na siya at nagsuot ng coat dahil malamig. "Kumuha ka na lang ng maiinom mo dito sa refrigerator, bye." humalik siya sa labi ko bago tuluyan na maglakad palabas nang kwarto niya.

"Baka makikipagkita siya kay Yuqi." napabuntong hininga na lang ako bago bumaba nang kama para magbihis. "Pero wala naman akong makitang kahit na anu dito sa kwarto niya na pwedeng magpakilala sa'kin kay Yuqi." kumuha ako ng bottled water sa ref ni Yena na nasa kwarto niya. "She's already taken, then why she's treating me like I'm hers. Well I can be hers, but she can't be mine." tinuloy ko na lang yung pag-kain ko bago maligo.


Saktong paglabas ko ng banyo kakapasok lang ni Yena sa kwarto niya.

"Here, bumili na lang ako ng shake." nilapag niya sa bedside table yung plastic na dala niya. "Dapat pala sinama na lang kita." yumakap siya sa'kin.

"Bakit naman, naligaw ka ba?" umiling siya bago ako yakapin nang mas mahigpit pa.

"Ewan ko kung magiging okay pa ako kapag umalis ka na, baka mamiss kita." umupo siya sa kama bago ako paupuin sa kandungan niya. "Parang gusto kong lagi ka nang yakap." ngumuso siya bago pumikit.

"Ano yan?"

"Kiss." nakangusong tugon niya.

"Mamaya na." sabay kaming napatingin sa cellphone niya nang tumunog yun.

"Sino naman ngayon ang tatawag sa'kin?" bumuntong hininga siya bago kuhain yung cellphone niya. "Kkura-chan?.... sinong kaibigan mo?... sige sige send mo na lang sa'kin yung picture niya tapos lalabas ako para tumulong... hindi naman pero kung kailangan mo talaga ng tulong ayos lang, hindi pa naman ganun ka-finalised yung plano ko.... tawagan kita kapag may nakuha na akong impormasyon, bye."

"Anong meron?"

"Ahh, yung kaibigan daw ni Sakura nawawala, hindi daw umuwi sa apartment niya." napalunok ako sa sinabi ni Yena at agad na kinuha yung cellphone niya. "You want to help?" hindi ko siya pinansin at binuksan yung message na galing kay Sakura-unnie.

From: kkurakkura
ducky
: Yabuki Nako yung pangalan niya
'sent a photo'

"Argh, nakalimutan ko yung cellphone ko sa apartment." inabot ko kay Yena yung cellphone niya.

"Use my phone then." tinitigan ko siya. "Text mo na lang si Sakura."

"Hindi niya pwedeng malaman na magkasama tayo." nakanguso siyang tumingin sa'kin.

"Bakit naman?"

"I want to spend my days with you." nakangiti siya tumango.

"Mag-sign in ka na lang sa koalatalk ko." binigay niya sa'kin yung cellphone niya.

"Thank you."

"Sige na, tatahimik lang ako dito." pinatong ni Yena yung ulo niya sa balikat ko. "Para masabi na rin ni Sakura sa parents mo na nasa mabuting kalagayan ka."


Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Sakura-unnie tumayo na ako at kinuha yung binili ni Yena na shake para sa'kin.

"Bakit hindi ka makipagkita sa kanila?" tinignan ko si Yena.

"Wala akong planong makita sila, gaya ng sabi ko sayo, dapat patay na ako sa mga pagkakataong 'to." kunuha na ako ng damit sa mga pinamili namin kahapon. "I'll pay you when our week already ended, sinave ko na rin yung cellphone number ko sa cellphone mo, hanapin mo na lang yung pangalan ko."

"Galit ka ba sa parents mo?"

"Sa kanila hindi, pero sa mga sinabi nila oo." pagkatapos kong magbihis umupo ako sa gaming chair ni Yena. "Pero alam mo kung kanino ako mas galit?, sa sarili ko. I'm such a disappointment, but still here I am alive and being a coward."

"You're not a coward."

"You think being a suicidal is different from being a coward?" naglakad siya palapit sa'kin.

"You're not a coward, period." hinawakan niya yung mga kamay ko. "Nadaig ka lang ng pagkadismaya sa sarili mo kaya naisip mong magpakamatay. Kung duwag ka, edi sana sapilitan mong tinanggal yung pagkakahawak ko sa kamay mo nung nasa rooftop tayo para makatakas sa mapanghusga na mundong 'to." marahan niya akong hinila patayo. "Siguro may rason kung bakit ka bumagsak, pero hindi ibig sabihin nun wala ka nang pag-asa para makapasa ulit."

"If I'm not a coward, maybe I'm a failure."

"Huwag mo ako subukan na patahimikin ka." hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi ko at pinatingin ako sa kaniya nang diretsyo. "Sabihin mo sa'kin, anu talagang dahilan bakit ayaw mong makipagkita kay Sakura?" bumuntong hininga ako.

"Natatakot ako sa sasabihin nila, kapag nalaman nilang nagbalak akong magpakamatay, paniguradong madidismaya rin sila."

"Now you're a coward." inirapan ko siya. "Kung totoong kaibigan mo sila, maiintindihan ka nila kung bakit pumasok sa isip mo na magpakamatay, siguradong dumating din sila sa puntong gusto na lang nilang tapusin lahat pati yung sarili nilang buhay." nilapit niya yung mukha niya sa'kin. "Hindi ako marunong magbigay ng advice, pero para sayo gagawin ko huwag ka lang mawala sa mundong 'to." marahan akong tumango.

"Masyado ka nang malapit." inirapan ko siya bago itulak palayo sa'kin.

"Nako?" tinitigan ko lang siya. "Wala ba akong kiss sa ginawa kong pagbibigay ng advice sayo?"

"Wala." pilit siyang ngumiti bago umupo sa gaming chair niya.

"Papapuntahin ko na lang siguro si Sakura dito." hinila ko siya patayo at mabilis na idinampi yung labi ko sa labi niya.

"Now shut up."

"Thank you." bumalik na siya sa pagkakaupo niya tsaka humarap sa computer niya.

"Pahiram muna ako ng cellphone mo, check ko lang yung iba kong message." nag-thumbs up lang siya kaya kinuha ko yung cellphone niya.

*There must be a clue about Yuqi.*


----------

"Hey, ayaw sana kitang gisingin, pero anong oras na kasi hindi ka pa nakakapag-tanghalian." kaliwang mata ko lang yung idinilat ko. "Dinner na, paniguradong gutom ka na."

"Sobrang pagod lang siguro ako." tinulungan niya akong bumangon.

"Sorry kung napagod kita kagabi, may pupuntahan nga pala tayo mamaya, ayos lang ba sayo?" yumakap ako sa kaniya bago tumango.

*I'm going to wait for you to tell me about her, just tell me sooner.*

Habang kumakain kaming dalawa, nakikipag-kwentuhan ako sa kaniya, pero hindi pa rin maalis sa isip ko yung mga nakita ko kanina sa cellphone ni Yena.

*Masakit pero may karapatan ba akong masaktan?*

Hindi ko alam bakit kung itrato niya ako para kaming nasa isang relasyon, pero may girlfriend naman na pala siya.

*Ilang buwan pa lang sila!!*

Wala akong ideya kung anu bang meron sa'ming dalawa, pero parang ayaw ko siyang iwan, ayaw ko ring magalit sa kaniya.

"Hey, ayos ka lang?" tumingin ako sa kaniya. "Nakatulala ka, may iniisip ka ba?" natatawa akong umiling.

"Huwag mo na akong pansinin, minsan talaga bigla na lang ako napapatulala." ngumiti lang siya bago lumipat sa katabi kong upuan.

"Ano man yung iniisip mo, try to share it with me?" hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi ko. "I'll try to help you with it." hinalikan niya ako sa labi bago bumalik sa upuan niya kanina.

"Yena?" nag-hum lang siya. "Saan tayo pupunta mamaya?"

"Secret, para naman ma-excite ka kahit papaano." napa-irap na lang ako at hindi na siya kinausap.


Hindi ko alam kung nasaan na kami, basta dumaan kami sa maraming puno na parang gubat. Tapos sa dulo nun may maliit na lawa.

"Nasa city pa ba tayo?" hinawakan niya ako sa kamay para alalayan.

"Yup, hindi ko rin alam kung bakit may maliit na lawa dito." umupo siya sa pinakadulo ng tulay na kahoy. "Kahit papaano sariwa yung hangin dito." umupo ako tabi niya.

"Secret place mo ba 'to?"

"Hindi naman, minsan naliligo pa kaming magkakaibigan dito. Gusto ko lang talaga nang katahimikan, pero ayoko namang mapag-isa kaya sinama kita." hinawakan niya yung kamay ko. "Lalo akong hindi nasanay na mag-isa, sobrang komportable ko sayo." pumikit siya tsaka tumingala. "Magkikita pa naman siguro tayo kahit tapos na yung isang linggo diba?" pinatong ko yung ulo ko sa balikat niya.

"When you realise something, you'll be the one who's going to ask me to stay away from you."

"No way, hindi mangyayari yun." tumingin ako sa kaniya. "Kapag nangyari yun, edi parusahan mo ako."

"Sure." hinalikan ko siya sa pisngi.


Hindi ko alam kung ilang oras kaming tumambay sa tulay, basta nang pumasok kami sa kwarto ni Yena....

"Hmm, sandali....Yena." pareho kaming hinihingal nang bahagya akong lumayo sa kaniya.

"Bakit?" bulong niya habang nakatitig sa'kin.

"May sasabihin lang ako sayo." marahan siyang tumango. "I want you, to be my first at everything."

"I promise." ngumiti siya. "I never felt something like this before." hinawakan niya yung kamay ko at idinikit yun sa dibdib niya. "Ikaw pa lang nakakapag-patibok nang ganito sa puso ko." hinalikan niya ako sa labi. "And I don't know what to call this kind of feeling."

*Yena, why!!!* *Why you cheated with me, why me!!!*


----------------------------

"Gays, AFK!" nagulat ako nang tumalon pahiga si Yena sa tabi ko. "Gising ka na pala."

"Maglaro ka na dun." yumakap siya sa'kin.

"Mamaya na, nakipaglaro lang naman ako sa kanila kasi tumawag sila sa'kin." sumiksik siya sa leeg ko. "I think breakfast is ready, let's go downstairs?"

"Magbibihis lang ako." tumingin siya sa'kin.

"Sorry kung ilang araw ka nang natutulog na walang damit." bumangon siya tsaka kinuha yung damit ko. "Next time bibihisan na kita bago ako makatulog." hinampas ko siya sa braso.

"Nauuna ka pa ngang nakakatulog kaysa sa'kin, samantalang ako yung pagod na pagod." tinawanan niya ako.

"Kung kaibigan ka ni Sakura, bakit hindi mo ako kilala?" ngumuso siya.

"Hindi naman niya nababanggit sa amin yung tungkol sayo, bakit special ka ba para ikwento sa'min?" kumunot yung noo niya. "Hahahahaha biro lang, sadyang hindi lang kami interesado sa mga kaibigan niya."

"Marunong kang mag-skateboard?" umiling ako. "I'll teach you later, but for now... let's go downstairs and eat breakfast."

"Ang talented mo naman." natawa siya bago ako halikan sa labi.

"Sa kama rin ba?" napabuntong hininga ako tsaka umiling bago bumangon at tumakbo palabas ng kwarto niya. "Yah!!" tinawanan ko lang siya tsaka tumakbo papunta sa hapagkainan.

"Buti naman at gising na kayo, kakahanda ko lang ng pagkain."

"Thank you po." umupo na ako at hinintay si Yena na makababa.

"May dumating na po ba akong package?" yumakap sa'kin si Yena.

"Nasa sala na, mabuti pa kumain na kayo, gagamitin mo ba yung sasakyan mamaya?"

"Opo, pinagbawal po ba nila mom?" tumingala ako kay Yena.

"Kilala mo naman ako, sige na at marami pa akong gagawin." hininatay kong makaalis nang tuluyan yung kasambahay nila Yena bago ako magtanong.

"Magsisinungaling siya para sayo, yun ba yung ibig niyang sabihin?"

"Don't worry, ako pa rin naman yung papagalitan kung sakaling malaman nila mom yung totoo." umupo na siya sa tabi ko. "May lisensya naman ako, iniisip lang nila mom na baka mapasali ako sa illegal race, si Hyewon lang naman gumagawa nun."

"Hyewon, siya ba yung matakaw sa inyong magkakaibigan?" natawa siya sa sinabi ko.

"Grabe naman, yan ba yung description ni Sakura kay Hye?" tumango ako.

"Narinig ko sa mga kwento niya, si Hyewon yung matakaw, si Chaewon amoy baby, si Yujin parang aso."

"Eh ako?"

"Wala akong pake kung sino ka." inirapan niya ako.

"Pero alam mo yung itsura nila?"

"Hindi, wala namang pinapakita si Sakura-unnie na picture sa'min." napabuntong hininga siya.

"Anu kayang kwento ni Sakura tungkol sa'kin." kumain na siya.

*Never trust that person.*

Kung alam ko lang na siya yung Yena na sinasabi ni Sakura-unnie, hindi dapat ako nandito. Tinanggal ko sana yung pagkakahawak niya sa'kin sa rooftop.

"Here." binuksan niya yung cellphone niya. "Ito si Hyewon." nagulat ako nang makita yung itsura ni Hyewon.

"Matakaw ba yan?"

"Hindi ko rin alam kung saan napupunta yung mga kinakain niya." inusog niya yung nakazoom na picture. "Ito si Chaewon."

"Hmm, amoy baby nga." sinamaan niya ako nang tingin. "What?, totoo naman, mukha na siyang baby tapos paniguradong amoy baby din siya." umismid siya bago i-usog yung picture.

"Ito naman si Yujin, ang cute niya diba?" totoong totoo yung ngiti niya nang si Yujin na yung pinapakilala niya sa'kin.

*Sakura-unnie is right, there's a different bond between Yujin and Yena.*

Nung i-zoom out na niya yung picture, may apat na babae dun na kasama nila na hindi ko pa kilala. Si Chaeyeon-unnie at Sakura-unnie naman kasi, kilala ko na.

"Sino yung iba pa?" tinignan niya ulit yung picture.

"Ito sina Sian at Eunbi-unnie, si Eunbi-unnie kapatid ni Chaewon tapos si Sian girlfriend ni unnie. Tapos itong katabi ni Chaeyeon, si Wonyoung matangkad yan katulad ni Yujin." tumango ako.

"Yung katabi mo?"

"Ahh, si Yuqi." ngumuso ako.

"And?"

"What and?" natatawa niya binalik sa bulsa yung cellphone niya. "She's just Yuqi."

*Isn't that rude or disrespectful?* *Gosh, girlfriend mo siya tapos sasabihin mo, she's just Yuqi?!*

"I think, I can't come with you later."

"What? Why?" ngumiti ako.

"Christmas eve will be in four days, I need to go home get some money and buy gifts."

"Sasamahan kita, please?" umiling ako.

"Huwag na." ngumuso siya.

"But that will be your first time buying some gifts with me." kunot noo ko siyang tinitigan.

"You're a tricky duck." bahagya kong tinulak yung mukha niya. "I hate you."

"Go on, hate me more. The more you're going to hate me, the more you gonna love me." napabuntong hininga na lang ako.

"Mag-ingat ka nga sa mga sinasabi mo, obvious naman diba, madali akong mahulog." pinatong niya sa balikat ko yung baba niya.

"Pero nasalo naman kita, diba?"

"Hindi mo ako sinalo, hinawakan mo lang ako, paano kung bumitaw ka na?" nakanguso siyang lumayo sa'kin.

"You scaring me." nginitian ko lang siya bago ituloy yung pag-kain ko.


Pagkatapos naming kumain, nauna na akong maligo dahil titignan pa daw ni Yena kung maayos at nasa magandang kundisyon yung sasakyan niya.


"Nako?" halos mapatalon ako nang yumakap sa'kin si Yena mula sa likuran ko. "I already misses you." hinawakan ko yung pisngi niya.

"Maligo ka na, dahil medyo marami yung bibilhin ko." napabuntong hininga siya.

"Can you just order online? I really want to spend this day with you."

"Bakit hindi ba tayo magkasamang pupunta sa mall?" hinarap ko siya.

"Fine, pero pwede ba tayong manuod ng movie pagkatapos?" tinanguan ko lang siya bago kumuha ng mga susuotin ko.


Habang naghihintay akong matapos si Yena sa pag-ligo, napansin ko yung cellphone niya na umiilaw.

'Yuqi is calling...'

"Ahh, finally I can go to the mall alone." tumayo na ako at handa nang lumabas ng kwarto ni Yena.

"Saan ka pupunta?" napatingin ako kay Yena.

"Aalis na."

"Diba sinabi kong sasamahan kita?" tumango ako.

"Pero tumatawag ata si Sakura-unnie, baka may lakad kayong magkakaibigan." lumapit siya sa bedside table at kinuha yung cellphone niya.

"Wala namang tumawag, hintayin mo na lang ako sa baba, magbibihis lang ako."

*Bakit niya ba dine-deny yung relasyon nila ni Yuqi!* bumuntong hininga na lang ako at lumabas na ng kwarto niya.


Habang nasa biyahe kami, napatingin na lang ako kay Yena nang hawakan niya yung kamay ko.

"You alright?" nag-hum lang ako. "Gusto mo kausapin ko yung parents mo? Para payagan ka nila na manatili sa bahay."

"Hindi na kailangan, maiintindihan naman nila kung gusto ko muna nang kalayaan." tumango siya.

"With me?"

"With or without you." napanguso na lang siya. "Kanino pa ba ako sasama, sayo lang naman diba?"

"Ahh, my heart is pounding." nakangiti siyang tumingin sa'kin. "Alam mo kung paano ako mapatawa, sigurado kang hindi ako nakukwento ni Sakura sayo?"

*Since you're a walking happy virus, you're laughing literally at everything.*

"Kahit anu naman tinatawanan mo, huwag mo masyadong gawing espesiyal yung mga ginagawa ko." marahan niyang pinisil yung kamay ko.

"May nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan?"

"Wala, bakit mo naman natanong?"

"Simula pa kasi kaninang nag-aagahan tayo, ganiyan na yung pakikitungo mo sa'kin." nginitian ko siya.

*You're cheating with me! WTF!*

"Huh? Ganito naman ako makitungo sayo nung una pa lang." inayos ko yung cap na suot niya. "Don't over think things too much." hinalikan ko siya sa pisngi.

*Apat na araw Nako, apat na araw na lang.*


Pagkarating namin apartment kung saan tumutuloy yung parents ko kapag pumupunta sila dito, agad nila akong tinawag nang makita nila akong pumasok sa pintuan.

"We're sorry for doubting you, just because of what happened. To make things right, we want to know if there's a problem why you failed?" napabuntong hininga ako.

"I don't even know why I failed, all of the sleepless nights and studying with empty stomach, still I failed." pilit akong ngumiti nang maalala ko na naman yung araw na makita ko yung test papers ko.

"Let's have a deal, once you failed again, you're not going to participate in any ballet activities." napatango na lang ako, kahit naman kasi hindi ako pumayag sila pa rin yung masusunod.

"And by the way, we're going back to Japan before Christmas eve, are you coming with us?" tumingin ako kay mom.

"Yeah, I'm coming."

"24th, 7am." tumayo na ako at nag-bow sa kanila bago pumasok sa kwarto ko para kuhain yung wallet at cellphone ko.

"I'm buying gift today, I'll go straight to the airport on 24th, bye." hindi ko na hinintay na makatugon pa sila bago ako lumabas ng apartment.

Agad akong tumakbo palapit kay Yena, nakatalikod siya sa'kin kaya nagulat na lang siya nang yumakap ako sa kaniya.

"May nangyari ba?" umiling lang ako at mas hinigpitan pa yung pagkakayakap ko sa kaniya.

*Walang Yuqi sa pagkakataong 'to at yun yung mahalaga.*

"Tara na." tumakbo na ako papunta sa passenger's seat.

"Sigurado kang ayos ka lang?" tumango ako bago hilain si Yena palapit sa'kin.

"Let's enjoy our remaining days." hinalikan ko siya sa labi. "Tara na sa mall." nakangiti siyang tumango bago nagmaneho.


Pagkarating namin sa mall, hindi ko alam kung sino ba talaga sa'ming dalawa yung mamimili. Mas marami pa ata siyang napili, hindi naman ganun karami yung bibilhin ko, sila Yuri lang naman yung pagbibigyan ko.

"Kumain na muna tayo bago manuod, nagugutom na talaga ako." nakasunod lang ako kay Yena kung saan niya gustong kumain.

"Dapat nilagay muna natin 'to sa sasakyan, baka makasagabal tayo." tumango siya.

"Ako na lang yung bababa sa parking lot, kumain ka na pagka-serve ng mga pagkain natin." tumayo siya bago kuhain yung mga paper bag na dala namin, lumapit pa siya sa'kin para halikan ako sa labi.

*Anu kayang problema sa relasyon nila ni Yuqi?* napabuntong hininga ako.

Wala namang nabanggit si Sakura-unnie na nangongolekta ng babae si Yena, ang sinabi lang niya hindi mapagkakatiwalaan si Yena.

*Hindi mapagkakatiwalaan saan?!*

Kinuha ko yung cellphone ko para tignan yung mga bagong message.

From: Teacher Chan
Good day, I know that most of you are having fun with your family and friends. But this announcement is important and your response is a must. Please inform me if you can make it to attend our ballet practices starting on January 2nd for the ballet recital that will be held on January 12th, thank you and have a good day every one.

"Nako?" napatingala ako sa tumawag sa'kin.

"Hmm?" nagtataka ako habang nakatingin sa kaniya. 

"Huh Yunjin, nagkita tayo last time sa table tennis center." napatango ako. "Can I seat with you for a while?"

*Ang sama naman kung hindi ako papayag diba?*

"Wala pa naman yung kasama ko, sure." ngumiti siya bago umupo sa kaharap kong upuan.

"By the way, I heard about the ballet recital, are you participating?" nagkibit balikat ako.

"Hindi ako sigurado, after ko kasing bumagsak sa exams ko, gusto ng parent ko na mag-pokus ako sa pag-aaral." nakanguso siyang tumango.

"Sana sumali ka, manunuod ak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
i know this is too much to ask, but can you guys leave a comment or feedback about this story?

i really want to know if the plot was nice, good or it is fine 😭

Comments

You must be logged in to comment
hyemstar #1
I need english version of this 😭
Tailofkia_87
#2
Chapter 19: Nice update! Thank you ☺️
Tailofkia_87
#3
More updates please 😍
kimudamu21 #4
Chapter 11: I wonder why konti lang views nitong story mo, authornim. I like your story. Please update. Thank you.
kimudamu21 #5
Chapter 11: Update please.