~05~

The Love Affairs
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi alam ni Wonyoung kung tama ba yung gagawin niya, pero dahil nandito narin naman siya, wala na siyang dahilan para umatras pa.

"Pasok po kayo." nag-bow muna si Wonyoung sa kasambahay na nagbukas ng gate para sakaniya bago mag-pasalamat.

Isang beses palang siyang nakakapunta sa lugar na yun, yun yung araw na inimbitahan siya ni Hyewon para ipakilala sa mga magulang at mga kapatid h.

"Huwag kang kabahan, para 'to kay Hyewon." bulong ni Wonyoung habang naglalakad sila papunta sa mismong pintuan ng bahay na pinuntahan niya.

"Good afternoon?" nakangiting saad ng mom ni Hyewon.

"Good afternoon po." sambit ni Wonyoung bago mag-bow, napatingin siya sa mga naka-upo sa sala.

*May meeting ata sila, mahgahdnis!*

"What brings you here?" nakangiting sambit ng dad ni Hyewon.

"Alam ko po na nasagot niyo na po yung tanong ko, pero gusto ko lang pong makasigurado, si Hyewon po ba talaga yung bangkay na nasa sasakyan?" napayuko nalang si Wonyoung nang makita niyang magbago yung emosyon ng mga kaharap niya.

"I will handle this." tumayo na si Daniel at agad na hinila si Wonyoung palabas nang bahay ng mga magulang nila. "What the heck, Wonyoung?"

"Gusto ko lang namang makasigurado."

"Sinabi na namin sayo, si Hyewon nga yun, tingin mo ba magsisinungalin kami sayo? Wonyoung magtatatlong buwan na mula nung mangyari yun, hindi na natin mababago pa yung katotohanan na siya talaga yun." napayuko nalang si Wonyoung at paulit-ulit na pinunasan yung mga luha niya.

"I just miss her so much, sorry."

"Naiintindihan kita, pero wala na tayong magagawa, kailangan niyang maging si Hyewon." tinapik na ni Daniel sa balikat si Wonyoung. "I'll give you a ride." umiling lang si Wonyoung tsaka naglakad paalis.

"I shouldn't go there anyway." hindi na pinansin pa ni Wonyoung yung mga taong tumitingin sakaniya habang naka-upo siya sa waiting shed at umiiyak.

Napatingin nalang si Wonyoung sa babaeng umupo sa tabi niya, sobrang lapit nito sakaniya kaya umusog siya nang kaunti. Naka-cap na itim at itim na mask yung babae, kaya medyo kinakabahan na si Wonyoung.

"Miss can you move?" pinunasan ni Wonyoung yung luha niya at tumingin dun sa babaeng tumabi sakaniya. "I said move." may inabot yung babae ka Wonyoung na panyo at papel.

'Dont cry, tears will make you ugly.'

"Madaling sabihin yan para sayo, hindi naman kasi ikaw yung nawalan." umupo nang maayos si Wonyoung. "Thank you but I can't accept this, someone's gonna get mad if accept it." tumango lang yung babae at tinago na yung panyo niya.


Sabay na sumakay si Wonyoung at yung babae sa bus, nabawasan yung kaba ni Wonyoung nang hindi na siya tabihan nung babae kanina. Tinuloy nalang niya yung pag-iyak niya at hindi pinansin kung may mga tao mang tumingin sakaniya.

Pagbaba ni Wonyoung nang bus, kinabahan nanaman siya nung bumaba din yung babae at nakasunod sa likuran niya.

"What do you need from me?" umiling lang yung babae at sumenyas kay Wonyoung na tumuloy sa paglalakad. "Stop following me."

Naglabas yung babae ng papel at ballpen.

'I'm not following you, I'm walking my way home.'

May sinulat ulit yung babae sa papel bago yun ipakita kay Wonyoung.

'I know you're beautiful, but that doesn't mean I'm interested to you.'

"Tss, I'm just scared." inis na naglakad si Wonyoung at hindi nalang pinansin yung prisensya nung babae.

Nang makarating na si Wonyoung sa harap ng bahay ni Hyewon, tumingin muna siya sa paligid niya para siguraduhin na hindi siya sinundan nung babae kanina.

"Aish, Hye! Winter na! Bukas na yung anniversary natin! Sabi ko na nga ba, makakalimutan mo nanaman!" maluha luhang sigaw ni Wonyoung habang nakahiga sa kama ni Hyewon. "Bakit ka ba kasi umalis?!" niyakap ni Wonyoung yung unan ni Hyewon at doon umiyak.

Napabangon si Wonyoung nang may magdoorbell, wala naman siyang hinihintay na darating ngayong gabi.

*Nakatulog na ako, anu ba yan!*

"Sino yan?" nagulat nalang si Wonyoung nang makita yung babae kanina na naka-uniform na pero nakasuot parin siya ng cap at mask, tapos may dala na dalawang box ng pizza. "Hindi naman ako nagpa-deliver." may inabot na papel yung babae.

'Ordered by Miss Kang Seulgi'

"Oh, salamat." napakamot nalang si Wonyoung nang maalala niyang wala pala siyang dalang wallet. "Kukuha lang po ako ng pambayad." tumango lang yung babae bago tuluyang iabot kay Wonyoung yung box ng pizza.

Napanguso nalang si Wonyoung nang pagbalik niya sa gate wala na yung babaeng naghatid nung pizza.

"Lalo akong kinakabahan, mamaya may kung anu yung pizza." napakamot si Wonyoung sa ulo niya at pumasok nalang ulit sa loob ng bahay.

Nakatitig lang sa box ng pizza si Wonyoung, hindi alam kung kakainin ba yung laman nun o hindi.

"Alam ko na." kinuha niya yung cellphone niya at tinawagan yung number na nasa box nung pizza.

"Hello, gusto ko lang sanang itanong kung may umorder po bang pizza sa inyo, Kang Seulgi yung pangalang?"
: Yes po, may problema po ba?
"Wala naman po, salamat."

"Nakakahiya naman yun, kakainin ko na ba?" binuksan na ni Wonyoung yung box na nasa harapan niya. "Nope, magluluto nalang siguro ako." kinuha na ni Wonyoung yung dalawang box at nilagay yun sa basurahan na nasa labas ng bahay.


Pagkatapos makahanap ni Wonyoung ng mga sangkap, hinanap niya yung notebook ni Hyewon.

'For my baby Won's first step, cooking recipes'

"Baby Won's, tss."

Habang nagluluto si Wonyoung, hindi niya inaalis yung paningin niya sa notebook ni Hyewon.

"This is why I love watching movies with subtitles." natatawang bulong ni Wonyoung.


Nang maihanda na ni Wonyoung yung pagkain niya, kinuhaan niya muna yun ng litrato bago magsimulang kumain

"Hmm, Hye I got-" napangiti si Wonyoung. "-the taste you like." umiling si Wonyoung tsaka tinuloy yung pag-kain niya na may luhang pumapatak mula sakaniyang mga mata.

---------------------------

[KINABUKASAN]

"Seven years with you." sinuot na ni Wonyoung yung winter gloves niya at nagsuot ng winter beanie tsaka lumabas nang bahay. "Wala paring snow?" tumingala sa langit si Wonyoung.

Tumuloy na siya sa paglalakad papunta sa isang park. Sa lugar kung saan sila laging pumupunta ni Hyewon tuwing sumasapit yung anniversary nilang dalawa.

"I hope I'm with you right now." bumuntong hininga si Wonyoung at kinuha yung cellphone niya. "No one's here to take a good picture for me, hays, Kang Hyewon-ah." kinuha ni Wonyoung yung kwintas niyang may snowflake na pendant. "You're coming, I know you are coming." saad ni Wonyoung habang nakapikit at magkadikit yung mga palad niya na umiipit sa kwintas na hawak niya.

"Yow?" napadilat si Wonyoung at napatingin sa babaeng tumabi sakaniya.

"You, again?" tumango yung babae. "Sino ka ba?" hinubad nung babae yung cap at mask niya. "Yena-unnie?" natawa si Yena.

"Hindi ko alam kung bakit pinagawa sakin ni Seulgi-unnie 'to, pero sinunod ko nalang, ayoko namang broken hearted na nga ako wala pa akong trabaho." napabuntong hininga si Yena. "Saan mo ba gustong pumunta?"

"Sasamahan mo ako?" tumango si Yena.

"I have to, so where?"

"Sa puntod ni Hyewon?" natawa si Yena.

"She doesn't even have one."

"You know something, where is she?" napalunok si Yena nang ilang ulit.

"Where who?"

"Hyewon." nagkibit balikat si Yena.

"Anu bang sinasabi mo?" natawa si Wonyoung.

"Sabi ni Daniel-oppa kahapon, kailangan niyang maging si Hyewon. Ibig sabihin hindi talaga si Hyewon yung bangkay na nakuha sa sasakyan."

"Anu bang sinasabi mo?" pilit ang tawang saad ni Yena.

"Obviously, you know something." tumayo na si Wonyoung. "Just tell her, I don't have enough time to wait for her." naglakad na paalis si Wonyoung.

"Ampotek na yan, wala naman talaga akong alam." napanguso nalang si Yena at sumunod kay Wonyoung. "Saan ka ba pupunta, ihahatid na kita."

"Sa company ni dad."

"Bakit? Doon ba kayo nagde-date ni Hyewon tuwing anniversary niyo?" sinamaan nang tingin ni Wonyoung si Yena.

"Of course not."

"Sabi kasi ni Seulgi-unnie, samahan kita sa lugar kung saan kayo nagde-date ni Hyewon, ampotek na-scam ata ako." napabuntong hininga nalang si Yena. "Tara na, pupunta na sa kompanya ng dad mo."

"Bakit nga pala kayo naghiwalay ni Yuri-unnie?" tanong ni Wonyoung habang nasa biyahe sila.

"Kasi, hindi na tama?"

"Dahil kasal ka na?" tumango si Yena. "Bakit ka kasi nagpakasal, ambobo mo rin." napa-iling nalang si Yena at hindi na nagsalita.

Pagdating nila sa kompanya ng dad ni Wonyoung nakasunod lang si Yena sakaniya, nililibot yung mga mata niya at namamangha nalang siya.

"Where's Hyewon?" napalunok si Yena nang itanong yun ni Wonyoung sa dad niya. "I said where's Hyewon?"

"I don't know." kumunot yung noo ng dad ni Wonyoung. "After we close the deal with the investors and other board members, she suddenly disappeared."

"I hate this." inis na naglakad palabas si Wonyoung sa opisina ng dad niya.

"Wony, anu bang ginagawa mo?" saad ni Yena habang hinahabol si Wonyoung.

"Looking for Hyewon." napakamot si Yena sa ulo niya.

"Saan mo naman hahanapin si Hyewon?"

"Kahit saan." sumakay na si Wonyoung sa sasakyan ni Yena. "Ikaw lang ba talaga yung hindi sumama sa Japan?"

"Kasama nila si Yuri, malamang hindi ako sasama." napabuntong hininga si Wonyoung.

"Bakit ikaw pa yung naiwan, di mo naman ako matutulungan." natawa si Yena.

"Wow, sorry ah." nakaismid na saad ni Yena. "Saan tayo pupunta."

"Ihatid mo nalang ako ulit sa park." tumango lang si Yena at nagmaneho na.

Pagdating nila sa park, hindi na nagpasama si Wonyoung kay Yena. Hihintayin lang naman niya si Hyewon, hindi na niya kailangan pa ng kasama.

"You're coming, I know you are."

1 hour...

2 hours...

4 hours...

6 hours...

"Wony?" pinunasan ni Wonyoung yung luha niya at tumingala. "She's not coming anymore, I'll take you home now."

"Just few minutes, please Yena-unnie."

"Let's eat for awhile." umiling lang si Wonyoung, napabuntong hininga nalang si Yena tsaka umupo sa tabi ni Wonyoung. "She's not coming back, she died three months ago, Wony you also have to admit it, she's not coming back anymore."

"Can you stop talking nonsense?" pareho silang napatingin sa nagsalita.

"Hye-"

"Shut your ducking mouth." nakaismid na saad ni Hyewon.

"Pero paanong?"

"I said shut your ducking mouth, bakit ba kasi hindi ka pa sumama sakanila sa Japan?" inis na saad ni Hyewon. "Umalis ka na nga, anu bang ginagawa mo kasi dito?"

"Inutusan lang ako ng kapatid mo."

"Pwede ka nang umalis, nandito na ako." tumayo si Yena at nilahad yung kamay niya.

"Pang-gas lang."

"Edi kay Seulgi-unnie ka humingi, umalis ka na nga." napakmot nalang si Yena sa ulo niya tsaka naglakad palayo. "Miss me?" nakangiting saad ni Hyewon pagka-upo niya sa tabi ni Wonyoung.

"Buhay ka nga?" tumango si Hyewon.

"Kumain muna tayo, anu bang gusto mo?" hindi na sumagot si Wonyoung at agad na yumakap kay Hyewon.

"I hate you." natawa lang si Hyewon at hinalikan si Wonyoung sa noo. "Stress na stress na ako kakaisip sayo, araw araw akong nag-iisip kung nasaan ka na tapos mababalitaan ko nalang na namatay ka na. Tapos ngayon babalik ka na parang wala kang kasa-"

"Baby Won~" tumawa si Hyewon. "Mamaya na natin pag-usapan yung tungkol sa pag-alis ko, tsaka huwag kang umiyak, pinagtitinginan na tayo." agad na humiwalay si Wonyoung kay Hyewon.

"Kinakahiya mo na ako ngayon?"

"Hindi naman sa ganun baby, pero hindi kasi ako pwedeng makita ng mga tao." bahagyang binaba ni Hyewon yung cap na suot niya. "Can we start our date now?"

"In one condition?" ngumiti si Wonyoung. "You can't kiss me today."

"What? Why?"

"Because of the chip." tumango si Hyewon.

"Okay." mabilis niyang hinalikan sa labi si Wonyoung. "Let's go." tumayo na si Hyewon tsaka naunang maglakad.

"Ang daya talaga kahit kailan." tumakbo na si Wonyoung at inip yung leeg ni Hyewon sa braso niya.

"Aray." napahinto si Wonyoung nang makita niya yung noo ni Hyewon.

"Hye?"

"Hmm?" bahagyang lumayo si Wonyoung sakaniya. "Ah, you saw it." ngumiti si Hyewon at pinulot yung cap niyang nahulog. "Sasabihin ko sayo mamaya, tara na kumain na muna tayo." inalok ni Hyewon yung kamay niya kay Wonyoung.

"You alright?"

"Of course I am, let's go now?" tumango lang si Wonyoung at humawak na sa kamay ni Hyewon.

"Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ni Wonyoung nang makasakay na sila sa sasakyan ni Hyewon.

"Nagpa-reserve na ako sa isang restaurant, kung ayaw mo naman dun, pwede tayong lumipat." nakangiting saad ni Hyewon habang nagmamaneho.

"Hye?" bahagyang tumingin si Hyewon kay Wonyoung at sa kalsadang tinatahak nila. "I miss you."

"I know, kaya nga bumalik ako."

"Hindi ka na aalis?" ngumiti si Hyewon. "Of course you're going to leave again." napabuntong hininga si Wonyoung. "Like a snowflakes, you came back to leave again when the spring is coming." binaba ni Wonyoung yung bintana na nasa kanan niya. "Today is the first snowfall." inilabas ni Wonyoung yung kamay niya.

"Still with you." saad ni Hyewon, dinikit ni Wonyoung yung palad niyang may snow sa pisngi ni Hyewon.

"I love you." yumakap si Wonyoung sa bewang ni Hyewon at pinatong yung baba niya sa balikat ng huli. "Pwede mo bang tanggalin yung cap mo?" tumango lang si Hyewon at hinubad yung cap niya. "You still the most beautiful girl I've ever known."

"Yah~, stop it, you're making me blush."

"Can you stop calling me a baby?" natawa si Hyewon nang ngumuso si Wonyoung.

"Then stop acting like a baby."

"I'm not done with my pick up lines yet." napakagat si Hyewon sa labi niya tsaka tumango. "Let's start again. Can you stop calling me a baby?"

"Hmm, why?"

"Isn't that sounds confusing, you're going to call me and our child, baby?" bumuntong hininga si Hyewon at pinigilan yung sarili niya na matawa dahil sa kilig.

"Wony, I said stop it, I'm gay panicking right now."

"By the way, how long are we going to be together?"

"A week? I know that's not enough." napabuntong hininga si Hyewon bago iparada yung sasakyan niya sa parking lot nang restaurant na pupuntahan nila.

"That's enough, I'm only asking for a day but we're going to have a week together." hinalikan ni Wonyoung sa pisngi si Hyewon bago humiwalay sa huli. "Let's go?" tumango lang si Hyewon at sinuot yung cap niya tsaka nauna nang bumaba ng sasakyan para pagbuksan ng pintuan si Wonyoung.

"Reservation for Jang Hyewon?" saad ni Hyewon sa receptionist nang restaurant.

"This way." hinawakan ni Hyewon yung kamay ni Wonyoung tsaka sumunod sa receptionist. "The dish will be serve in a minute." nag-bow na yung receptionist kay Hyewon at Wonyoung bago maglakad pabalik sa pwesto niya.

"Jang Hyewon?" nakaismid na saad ni Wonyoung nang alalayan siya ni Hyewon sa pag-upo.

"Yes, Kang Wonyoung?"

"Shut up and marry me." tumango si Hyewon.

"Yes, I do, I'm marrying you." hinubad ni Hyewon yung cap niya at sinuot yun kay Wonyoung patalikod.

Hindi na nakatugon pa si Wonyoung nang dumating na yung pagkain nila.

"Kawawa naman si Yena-unnie, sana binigyan mo nalang siya nang pangkain niya." napangiti nalang si Hyewon sa itsura ni Wonyoung.

"Your cheeks, so fluffy." marahang pinisil ni Hyewon yung magkabilang pisngi ni Wonyoung. "Don't mind her, she's going to Japan anyway."

"Yesterday I cook for myself-"

"Did you burn our house down?" umiling si Wonyoung.

"Of course I didn't." napanguso nalang si Wonyoung. "I really hate you."

"Just kidding, that means you didn't eat the pizza I bought for you?" tumango si Wonyoung. "That poor pizza, hindi pa naman nakaalis kagad si Yena kagabi, dahil sabi ko kay Seulgi-unnie si Yena dapat magbigay sayo nun."

"So, wala talaga siyang alam na buhay ka?"

"Sinabihan na siya ni Seulgi-unnie, hindi lang niya nagets yung mga sinabi ni unnie, dahil hindi naman sinabi ni unnie directly na buhay ako. So, dahil sa pagiging slow niya hindi niya alam na buhay pa ako." tumango si Wonyoung. "What the heck did you do yesterday?"

"What?"

"Hindi mo naman kailangan pumunta sa bahay." napakamot si Hyewon sa batok niya.

"Akala ko nung una nagkamali lang si Daniel-oppa nung sinabi niyang dapat maging ikaw yung nakita sa sasakyan mo." tumango si Hyewon. "Why?"

"Mamaya ko na nga ikukwento sayo."

"Paano si Yena-unnie, paniguradong sasabihin niya sa iba na buhay ka talaga." natawa si Hyewon.

"Walang maniniwala dun, iisipin lang nila na walang magawa si Yena pagkatapos nang break up nila ni Yuri."

"Obviously, you know everything what happened to us while you're not here?" bahagyang tumango si Hyewon. "Gusto ko na umuwi para makapag-kwento ka na sakin."

"Then let's go home." umiling si Wonyoung.

"I'm really hungry, I haven't eaten since I step out of the house."

"Kumain ka nalang kasi muna, mamaya ka na magtanong pagka-uwi natin." umirap lang si Wonyoung at hindi na pinansin si Hyewon.

----------

"Did you enjoy our date?" tumingin si Hyewon kay Wonyoung, kasalukuyan na silang nakahiga sa kama para matulog.

"Syempre, tsaka ikaw naman yung kasama ko." hinaplos ni Wonyoung yung buhok ni Hyewon. "I miss you so much."

"I miss you too, can you hug me?" natawa lang si Wonyoung at niyakap nang mahigpit si Hyewon.

"I really hate you, sana nagpaalam ka man lang sakin. Pinag-alala mo ako nang sobra, ang dami ko nang luha na inilabas." humiwalay si Hyewon kay Wonyoung.

"Sorry." hinalikan ni Hyewon sa labi si Wonyoung. "I miss everything about you, your eyes, your nose, your lips, everything about you is perfect."

"Sinabi ko na sayo diba, hindi mo ako pwedeng halikan sa araw na 'to."

"Halik lang naman." ngumiti si Hyewon. "Kiss me?, please~"

"Nope."

"Sige na." ngumuso si Hyewon at hinintay na halikan siya ni Wonyoung.

"Nope."

"Don't worry, wala namang mangyayari kung halikan mo man ako." kumunot yung noo ni Wonyoung. "Look." pinakita ni Hyewon yung kanang palapulsuhan niya. "Wala na yung chip, kaya wala nang magiging epekto sakin kung halikan mo ako."

"Walang epekto sayo yung halik ko?"

"Hindi naman sa ganun, pero kahit na halikan mo pa ako hindi na ako katulad nang dati." napabuntong hininga si Hyewon, agad siyang hinalikan ni Wonyoung sa labi.

"Explain." walang emosyon na saad ni Wonyoung.

"Nakita mo naman yung tahi sa noo ko diba?" tumango si Wonyoung at dahan dahang hinawakan yung marka na nasa noo ni Hyewon. "Naaksidente talaga ako nung araw na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
i know this is too much to ask, but can you guys leave a comment or feedback about this story?

i really want to know if the plot was nice, good or it is fine 😭

Comments

You must be logged in to comment
hyemstar #1
I need english version of this 😭
Tailofkia_87
#2
Chapter 19: Nice update! Thank you ☺️
Tailofkia_87
#3
More updates please 😍
kimudamu21 #4
Chapter 11: I wonder why konti lang views nitong story mo, authornim. I like your story. Please update. Thank you.
kimudamu21 #5
Chapter 11: Update please.