Gubat
Tadhana
How to remove your enemy’s organs without her knowing?
What poison can kill within .345 second?
How to execute Avada Kedavra?
How many years in prison for manslaughter?
Is there a bail for murder?
How to get away with an arson and mu……..
“Ano pang hinihintay mo dýan Seulgi? Halika na, gagabihin na tayo sa daan!” sigaw ni Dra. Yuri, naistorbo ang aking pagogoogle search.
Nagpasama sya sa akin mamalengke dahil wala na daw kaming food supply. Pumayag na din ako, bukod sa sabi nya ay may signal dito sa may palengke, meron ding wifi sa mga tindahan. At higit sa lahat, gusto ko ng maaliwalas na paligid. Malayo sa kabihasnan kung saan nagta-thrive ang isang witch sa pangalang Chou Tzuyu. Hanggat nakikita ko yung Chou na yun, di ko maa-achieve ang ultimate balance ng yin and yang.
Si mama lang ang tinawagan ko. Mag-isang linggo na rin kasi mula noong nagsimula akong mamundok dito sa Santol. I was thinking of calling Byul din, pero last time na kinontak ko sya
Seulgi: Where do broken hearts go?
Byul: Circulatory system pre, from right atrium (deoxygenated) passed into the right ventricle to pumped through the pulmonary artery to the lungs (for reoxygenation) then parekoy, going to left atrium receives newly oxygenated blood tapos from the lungs which is passed into the strong left ventricle to be pumped through the aorta to the different organs of the body parekoy, ganun yun, in short paulit ulit ka lang masasaktan
Frustrated cardiac surgeon ang gaga
Gusto ko kamustahin ka sana? Kung ano ang kalagayan mo. Kung apektado ka rin ba sa break up natin or wala lang sayo. Kung nakamove on ka na or may bago ka na. Pero naisip ko, ako ang hindi makakamove on kung ikaw pa rin ang inaalala ko.
Buti pa si Leila De Lima, nakamove one agad sa signal number 5 na 7 years na pag-iibigan nila ni Ronnie Dayan.
“Ano ba ang ginagawa mo pa kasi? Natawagan mo naman na ang mama mo. May iba ka pa bang kokontakin? Biilisan mo kasi dadaan pa ako ng pharmacy. Sumakit ulo ko bigla.”
Nitong mga nakaraang araw, napalapit na rin ang loob kokay Dra. Yuri, parang si boss din kasi sya. Yung hindi madamot ituro ang mga nalalaman nya, yung laging andyan para i-guide ka, yung parang barkada mo din kapag nasa labas kayo pero at the same time pareho din silang strict kapag trabaho. Ang kaibahan lang siguro, mas playful si boss, si Dra. Yuri naman gumagamit ng dahas kapag nagagalit. Noong isang araw nabutas yung mesa sa sobrang lakas ng suntok nya dahil nafrustrate sa isang pasyente.
Hindi ko rin makalimutan yung engkwentro nya sa mayabang na anak ng may-ari ng pagawaan ng karot.
Dra. Yuri: Mahirap insertan ng suwero tong anak mo, maliit kasi mga ugat.
Nanay ng Pasyente: Eh bakit di nyo po matusukan?
Dra. Yuri: Bili na lang po kayo ng mas manipis na suwero dyan sa labas, para yun po ang ipasok naten sa vein ng anak nyo.
Nanay ng Pasyente: Bili na naman? Kabibili ko lang ah!
Dra. Yuri: (Umuusok ang ilong, parang dragon) Eh sige po nay, ako na lang po bibili, kayo po ang magtusok. Palit na lang tayo ng puwesto
--
Bakit ba kasi biglang naisipang magstay ni Dra. Yuri malapit sa may accommodation namin, kabilang bayan lang naman sya nakatira. Si Chou din daw, sa kabilang bayan lang din nakatira. Pero yun nga, sobrang hassle daw ang pag akyat panaog sa Santol kung uwian pa sila. Ako lang din sumagot sa tanong ko.
Habang naglalakad kami papuntang pharmacy with all the supotssss (marami eh) ng lahat ng pinamiling pagkain, sabon, etc ni Dra. Yuri, sinamantala ko din ang pagkakataon na makahanap ng wifi signal.
“Ate pabili ng paracetamol.” Naulinigan kong tugon ni Dra. Yuri sa ale
“Ilan po?”
“Isa lang.. ako lang naman nasaktan sa aming dalawa eh.”
Hala, hugot.
--
Magdidilim na noong nakauwe kami sa pinaglalagian namin.
“Bakit ngayon ka lang?!” Nakapamewang na tanong ng mangkukulam
“Kadarating lang namin ni Dra. Yuri, magkasama kaya kami.”
Bakit ba ako nagpapaliwanag sa kanya? Tsk. Makapaglaro na nga lang sa cellphone ko
“Kung hindi mo pa alam, wala pong signal dito. Kaya hwag ka nang umasa.”
Arrrrhhhhhhhhggggggg. Ganito ba talaga tong babaeng ito? Lahat ng kilos ko papansinin. Isang linggo na akong nagtitiis! Hindi na nga ako nakakanood ng Probinsyano kasi Encantadia pinapanood nya. Ano bang maganda kasi sa mga teleserye kasi sa GMA. Yung The Rich Man’s Daughter lang ang magandang naging teleserye nila eh.
Wala naman kasi ako magawa kaya tinuloy ko ang binalak kong laruin yung mga games na dinownload ko kanina sa may palengke.
“Oi ano yan Kang? Tinder, bakit ka may Tinder?” sabay silip nya sa phone ko
“Gusto ko kasi magtinda, bakit ba?”
Tsk, sinubukan ko lang naman buksan kanina, wala din naman.
---
“Para sa linggong ito ang schedule ng barangay visit natin ay Biyernes, ang next na lugar na pupuntahan ay ang Corro-oy. Malapit lang ito sa pinuntahan mo last last week Dra. Tzuyu, so hindi na kayo mawawala.”
“What? Teka lang Dra. Yuri ha, bakit ako na naman? Di ba ako na noong nakaraan? Andyan naman si Kang, I mean si Dra. Kang, sya na lang.” Nakataas na kilay na tugon ni Chou
“At sino nagsabing isa lang ang pupunta? Kayong dalawa! Halangan ako ang magpunta? Kabago bago nyo! Gripuhan ko kayong dalawa sa tagiliran eh.”
Nanginig ang internal organs ko sa banta ni Dra. Yuri. Hindi na kami nakapalag. Ano pa nga ba, isang linggo nga natiis ko, isang araw pa kaya.
--
“Sigurado ka bang dito ang daan? Bakit ang sukal? Baka may ahas diyan ah?” reklamo ko
May lalalala pa ba sa sitwasyon kung saan nasa worst place ka of the forest, walking under the sun with your worst enemy?
Okay, andun na ako, in the service of the Filipino people, pero gravity naman ang parusa. Death March ba ito?
Parang hindi rin alintana ng Chou ang init, palibahasa SPF 1000 ang kapal ng skin, nagbabounce back ang sun ray sa balat nya.
“Ang dami mong sinasabi Kang! Ikaw ang dahilan kung bakit na-late tayo— late ka nagsing ,tagal mo magbihis, ang tagal mong kumain, ang tagal mong arrgggg nakakainis!” sigaw nya
“Hoy Chou! Hindi ako la
Comments