La Union
TadhanaJoohyun’s POV
“Pasalamat na lang ako at children’s party theme ang hiningi nya this year. Noong nakaraan namulubi ako dahil linibot namin ang lahat ng Disneyland sa balat ng lupa.”
Whipped.
Sino ang mag aakala na ang isang Kim Taeyeon, pinagpipitagan at ginagalang sa buong hospital ay ganito ka-soft kapag si ate Pany na ang usapan.
Pero saan ka makakakita ng children’s party na may beer, cocktail drinks, at kung ano ano pang alcoholic drinks. Nakakatakot pa yung clown, pero eto sina Yongsun tuwang tuwa sa mga magic na pinapakita.
“Inuman naaaaaaaa!!!” sigaw ni Joy
“Uy inuman lang ha? Walang banggitan ng ex.”
Tinginan ang lahat sa akin
“Si Joy ang tinutukoy ni Byul, bakit kayo kay Joohyun nakatingin?” pag attempt ni ate Taeyeon to divert the attention.
“Games na lang tayo, games naaaaaa” excited ulit si Joy
Host: “Ang unang game natin ay bring me!”
“Woooooohhhhh”
Host: “Miss Tiffany, ano ang prize natin dito? Ay wow, dining certificates from MidTown Food Palace. Talaga namang galante ang ating birthday celebrant”
“Bring me.......... “
“Ayan, Sali ako, Sali ako!”
Host: “Bring me ….”
“TOTGA!”
Biglang natahimik ang lahat.
“Ay potaaaa, TOTGA? Transposition of (the) Great Arteries yun. hehehe”
Host: “Serioulsy, di nyo alam ang TOTGA?”
“No no no, don’t even say those words.” Rinig kong taimtim na dasal ni ate Pany
Host: “The One That Got Away!”
“Why are all of you looking at me that way? Guys, okay lang. We came here to celebrate and enjoy. I’m okay.”
Naglakad lakad muna ako palayo sa nagkakasiyahang mga kaibigan ko. I will only spoil their fun kung mag stay pa ako. They will just look at me with their pitiful eyes. Kahit pa ilang beses ko sabihin sa kanila na okay lang ako at wala na sa akin ang lahat.
And just when I am trying to be calm and embrace the cool see breeze. Someone, someone has just to ruin my moment
“Hi Joohyun, hinahanap ka na sa loob.”
“Susunod ako.” Matipid kong sagot
Bakit ba kasi andito itong Jeff Ortega na to? This son of the governor or congressman or whatever political position his father has. Point is isa syang Ortega, the most powerful clan here in the province. As if I will be appalled by that.
“You know, I’ve known you for 1 year na, I met you on this same day, birthday din ni Fany. Grabe noh, isang taon na pala kitang kilala.”
“Hmmmm”
“And you know exactly how I feel about you. I mean, my signals are clear. Ha ha”
Tsk.
“Well, in case gusto mong maging mas clear pa. I’ll go straighter to the point. Pwede bang manligaw?”
Ay Lichiii!
“Oo naman…….”
“…..basta hindi sa akin.”
…
SEULGI’S POV
“Manong isang San Juan po. Yung window side po sana if meron pa. ”
Akala ko di ko na maabutan ang first trip ng Partas pa norte, swerte at dadaan pa sa T-Plex, more or less 6 hours na byahe lang ito.
Naalimpungatan ako sa aking pagkakatulog noong narinig ko ang sigaw ng kondoktor na mag iistasyon ang bus, nasa Sison, Pangasinan na pala, sakto for lunch. Namiss ko na ang tig 45 pesos na mami.
Ramdam na ramdam ng sikmura ko ang bawat subo ko sa mainit na sabaw na may onion leaves at toasted garlic. Ito ang isa sa dahilan kung bakit Partas ang lagi kong sinasakyan, masarap ang pagkain dito sa terminal nila.
Babalik pa sana ako sa tulog ko pero nabaling ang atensyon ko sa dalawang dalagang nakawhite uniform na sumakay sa may Rosario, sa isip ko, baka mga interns sila, baba either sa ITRMC (Ilocos Training and Regional Medical Center) or Lorma. Nagbalik tuloy ang aking alaala sa aking internship sa ITRMC.
Me while explaining a test result to a patient during my IM(Internal Medicine) rotation
“Mam may infection po kayo sa ihi *sabay turo sa urinalysis results ni patient” tignan nyo mam yung WBC – “many” ang nakalagay, ibig sabihin pati yung mga taga laboratpry hindi nila mabilang sa dami.”
…..
Surgeon opening the abdomen.
Me: “Ay ano yan? Ay hala ano yan? Ay... yan... ay dugo. Ay suction daw. Hala closing na? Anyare?”
Anyare bes?
…..
OB Gyne Rotation
History taking: “Maam may mga maseselan akong bagay na itatanong okay lang po ba kailanpoangunangcontactnila?”
Chismosa with a purpose -motto of every doctor during History taking.
…..
DOC: Asan na ung kasunod na pasyente?
Me: Pinauwi ko na po doc
DOC: Bakit mo pinauwi?
Me: Masama daw po kasi pakiramdam nya eh
DOC: Kang, what is DNR?
Me: Do Not Record?
Also Me: Do Not Reply?
Nag extend ako ng duty that time. Akala nya kasi namimilosopo ako … Sigh
Mula noon di ko makalimutan ang pisting Do Not Resuscitate na yan.
Resident: “Pag may hindi kayo alam, magtanong lang kayo ha?”
Same resident: “Ano baaa di niyo pa ba alam yaaaan di kasi kayo nakikinig e!!”
I was frustrated about myself as much as he was. We can't go on talking about too much positivity in life. In reality, it is not. It is not always rainbows and smiles and glory. It can be monochrome and sighs and sorry.
Pero pinakamahirap sa lahat, ang mag assess ng pasyente kapag may pinagdadaaanan ka
“May iba pang nararamdaman?”
“Nahihilo?”
“Nanghihina?”
“Masakit ang ulo?”
“Namamanhid ang katawan?”
“Hirap Huminga?”
“Kinakabog ang dibdib?”
“Nagmamahal?”
“Luhaan?”
“Sugatan?”
“Di mapakinabangan?”
“MASAKIT?”
Siguro kaya tayo laging iniiwan ng mahal natin kasi….
Lagi tayong duty or on call…
Twice a day: BID
Thrice a day: TID
After all this time ikaw: PRN
Magpapa-2nd opinion ka?
Sige, eto: Gusto-gusto pa rin kita.
Yung feeling na nakatulala ka nalang at tinatanong ang sarili
“Ano ba tong pinasukan ko?”,
SLU
1st yr 89,477/sem
2nd yr 85,175/sem
3rd yr 81,264/sem
4th yr 79,402/sem
Nakailang loan din si mother earth para matustusan ang pag aaral ko.
Sana nag artista na lang ako eh.
Pero sabi nga nila, you do not study to pass the test. You study to prepare for the day when you are the only thing between a patient and the grave.
And when I was ready to quit , I realized how good I’ll look in that white coat.
Hayyyy
NPO - Nothing Per Orem
HFLRD - High Fiber, Low Residue Diet
DAT - Thing called tadhana
..
“Iba talaga kapag big time na, Pa Kahuna Kahuna na lang.”
My hear
Comments