Ang Tagpuan
Tadhana“Irene! Nagkakagulo sa SBO (Student Body Organization) office! May nagsusuntukan!!” Hinihingal na sumbong ng secretary ng org.
Dali dali kong tinakbo ang office mula sa NatSci Lab. Busy kami ng group mates ko sa paghahanap ng thesis adviser, pero dahil sa pangyayare, nag excuse na lang ako sa kanila. Last year ko na rin to sa pre-med course ko na BS BIO. I need to do well in academics kahit busy ako sa presidency ko sa SBO,and besides I am a candidate for Magna Laude.
“I swear Park! Magbabayad ka sa ginawa mo!” pasigaw na pagbabanta ng kung sino mang kasuntukan yata ni Bogum
“Talaga? Kwon?! I’m sure after this, you will be forcedly ejected from this school!”
“Tama na Bogum, you’re part of this Student Body, maging mabuting ehemplo ka naman sa kanila. ” mahinahon kong pag-aawat
“Yang creep na yan ang sabihan mo, sya nag-umpisa nito!”
“Stoooppppp!”
Akma na namang susuntok ang kaaway ni Bogum pero natigilan sya sa lakas ng sigaw ko.
“Both of you! Get ouuuuuuuuuuut!”
I am infuriated to say the least but somehow nakonsensya din ako. Di ko alam ang totoong nangyare pero I acted prematurely and reprimanded both of them. Sa position ni Bogum sa council and having a father as one of the board directors, di sya maeexpel for sure.
I am worried with the other guy though, mukha naman syang mabait, najudge lang sya siguro because of how he looks. Spiky colored hair, tattoos all over his arms, piercings, etc etc.
Nalaman ko ang pangalan nya sa record nya sa SBO, Kwon Jiyong. I felt like I needed to talk to him, I am not the SBO president for nothing.
--
Naabutan ko syang natutulog sa bench sa may ilalim ng punong manga.
“Hi” bati ko
Di nya yata narinig kasi di man lang sya gumalaw sa pagkakahiga
“Hi, I’m Irene” ulit ko
Impatient din talaga ako kaya nagdecide akong umalis na lang at magpunta ng library, mas maging productive pa ang breaktime ko.
“Teka lang, saglit.”
Gising naman pala eh
“Ako nga pala si Irene, president ng SBO”
Editor in chief ng Highlights, reigning Ms. BS Bio, TOYM nominee, candidate for Magna Laude
“Oh tapos?”
Ang arrogant ng lalakekng ito. I need my dose of patience and understanding
“About what happened last week, that , you know, commotion inside the SBO office.” Umpisa ko
“What about that?”
“I want to apologize for shouting”
God, Irene Bae bakit ka nag-aapologize? Akala ko ba pagsasabihan mo syang hwag ng manggulo ulit.
“Well that’s new. SBO apologizing?” sabay ng nakakalokong smirk nya
May hitsura din tong lalakeng ito, ayusin lang nya pananamit nya.Kasi ang jologs nya.
“I just want you to know na hindi kaaway ang SBO, we are student’s advocate, ang welfare ng mga estudyante ang priority namin. So if you feel like talking to us, you can visit us sa office or you can give me, I mean us a call.”
What am I saying?
KRIIIIINNNGGGGGGGG
I guess break time is over.
“I gotta go. Salamat sa time.”
Suplado ang bruho. Wala man lang sinabe.
__
Napag alaman kong di sya naexpel. I heard that he belongs to an influencial family dito sa La Union.At ayon sa tsismosang ka-org ko sa Highlights, he is living alone in a mansion , that his parents are abroad. No wonder, nagrerebelde din sya, walang proper guidance.
Naging curious ako sa kanya bigla. It must be hard living alone. He just needs someone to understand him to stop his disruptive behavior. Ewan, ko pero feeling ko parang mabait syang tao.
--
Hinihintay ko ang sundo ko nang may nakita akong nagrarambulan sa may paradahan ng jeep. Kitang kita ko sa kinatatayuan ko ang pagkuyog ng mga grupo ng kalalakihan sa isang lalaki. I am about to intercept (yes, ganyan katapang si Irene Bae) kasi natakot ako para dun sa lalaking pinagkaisahan, pero after few minutes, lahat ng miyembro ng grupo ay nakahiga sa lupa at namimilipit sa sakit.
Napansin yata ng lalake ang presensya ko kaya unti unti nya akong nilalapitan. Sa paglapit nya sa akin, nagiging mas pamilyar ang mukha nya. Si Jiyong the loner and gangster pala ito.
Tinignan ko lang sya habang papalapit sya sa akin. I know, I should run or scream. Pero may tiwala ako sa kanya na wala syang gagawing masama sa akin.
“Delikado sa lugar na to kapag gabi Ms. President, lalo na sa mga kagaya mo…”
“You’re bleeding”
“Wala lang toh. Umuwi ka na.”
“Let me take you to our office, may first aid kit doon.”
“Gasgas lan…”
Hinila ko sya papasok ulit sa school para magamot yung sugat nya.
Hawak hawak ko ang kamay na habang binabagtas naming ang daan pabalik sa office. Gabi na din, nagsiuwian na ang karamihan, pero may mangilan ngilan pa rin naman sa paligid gawa ng mga late night classes.
May mga matang sumunod sa amin, kagaya ni manong guard, nagulat yata sa sitwasyon na kaholding hands ko ang isang gangster na duguan.
“Aissshh, anong ginagawa mo miss?”
“It’s Irene, ilang beses ko ba sasabihin sayo?”
Pinaupo ko sya sa at agad kong hinanap ang first aid kit.
Nahanap ko naman agad ito sa kabutihang palad.
“I told you, gasgas lang ito”
“Stay still, this will only take few seconds.”
Lininisan ko ng betadine yung sugat sa may noo, hindi naman ito malalim, di kailangan ng suturing. Hindi ko maiwasang di tumingin sa mata nya habang pinapahid ko ang naturang solution, mahahabang pilikmata, mapungay na mata, matangos na ilong, maninipis na labi.
Irene umayos ka!
Naramdaman ko din na nakatitig sya sa akin. Naconscious ako bigla.
“Stop looking.” Sabi ko
“You are the one ogling.” Balik nya
“I was not, tinitignan ko lang yung sugat.”
“Done.”
Natapos ang paglagay ko ng ointment sa mga sugat nya.
Bigla sya tumayo at naglakad palayo.
“Salamat ha?” sarkastiko kong sigaw mula sa hallway.
--
Ilang araw na rin nakakalipas mula noong engkwentro namin. Paulit ulit na ginugulo ng alaalang yun ang isip ko. Madalas akong makitang tulala at nagzozone out ng mga ka-org ko. I am not attracted to him right? Tanong ko sa sarili ko. I don’t have a thing for bad boys naman siguro.
“Irene, pumayag ka nang maging date ko sa Foundation Day. Last year na natin to, di mo ba ako pagbibigyan?” pangungulit ni Bogum
“Ilang beses ko ba sasabihin sayo, ayoko ng ka-date, busy ako sa araw na yan. Tsaka ang daming naghahabol na babae sayo dyan. Sila na lang i-date mo.”
“Eh ikaw nga gusto ko.”
“Hwag ka nga makulit, you’re not my type, okay?” I just said that to his face, I hope tumigil na sya.
“At sino ang type mo? Yung gangster na repeater na yun?! Hindi ganyang mga lalake ang nababagay sayo Irene.”
“Ano ngayon pala if type ko sya? That does not concern you!”
Napalakas yata sigaw ko at lahat ng tao sa SBO office ay napatingin sa amin.
Kalat na pala sa school din yung nakita kaming magkaholding hands. Sana di sya naapektuhan sa nangyare.
--
It was weekend, katatapos lang naming magsimba. Nagdecide akong maglalakad lakad sa subdivision, safe naman kasi dito.
Gustong gusto kong maupo sa damuhan at magmuni muni sa mga bagay bagay. Yung mag-isa lang ako habang linalanghap ang sariwang hangin.
Huli na ang lahat nang makita ko syang nakahiga sa damuhan. Aatras sana ako pero napansin nya akong parating.
“Hi” bati ko na lang sa kanya
As usual wala syang sagot. Suplado
Pero di ako sumuko.
“I didn’t know that we live in the same neighborhood?” Nagtataka kong tanong
“I don’t live here” matipid na sagot nya
“Bawal ang hindi taga subdivision dito ah.”
Lumaki ang mga mata nya, nagsisi sya siguro sa kanyang sinabi.
“I need to tell the security.” Sabi ko habang tumatayo sa pagkakaupo sa damuhan
“Teka lang, wait.” Hinawakan nya ako braso
“Please don’t tell.”
“Okay.
In one condition.”
“What?” iritable nyang tanong
“Talk to me.”
“What the fck.”
“Ooops no cursing.”
“What do you want?”
“Gusto ko lang ng kausap Jiyong.”
“You can have half of this city’s male population in your palm, sila ang kausapin mo, I am sure, they will come running into your feet.”
Wow, ang haba ng sinabi nya ngayon. Napa smile ako
“What now? Ano nakakatawa doon sa sinabe ko?”
“Wala. Nagsasalita ka din pala.”
“Where do you live then?”
“None of your business.”
“Okay, I’ll go to the security guard then.”
“Aisshhhh! This woman!”
“Where do you live?” pag-uulit kong tanong
“Malapit sa plaza.”
“Anong plaza? Ang daming plaza. It’s not as if pupuntahan kita doon.”
“Tsk. Sa plaza ng San Juan.”
“Nakakatakot, magmotor you know, lalo na sa gabi, ang dami naaaksidente.”
Nakita ko kasi yung motor nya sa may tabi ng puno. Almost a million daw ang presyo ng motor nya sabi ng classmate kong mahilig sa mga automotive, narinig ko minsan noong pinakukuwentuhan nila ang modelo ng motor.
“Leave my bike alone.”
Napaka-apathetic talaga kausap. Nag-aalala lang naman ako. Wait.. Bakit ako nag a
Comments