Stress Ball

Tadhana
Please Subscribe to read the full chapter

Seulgi’s POV

 

“Welcome back Dra. Kang!!”

Sabay yakap at ni Byul sa may pwetan ko. At di pa nakontento,  yinapos pa nya ang s ko!! I feel so violated…

“Byuul!! Ano ba, ang dami tao oh, saka na, kapag tayo na lang.” sabay ng nakakalokong tingin ko sa kanya

“Pero may tanong ako parekoy, seryoso to… Please isapuso mo”

 

Noong nagpaalam ako kay Byul bago umakyat ng Baguio, ang dami nyang shi-nare na motivational inspirations sa akin.

Alam nya by heart yung book na The Purpose Driven Life. At ang mga binabasa nyang mga libro, ‘Tuesdays with Morrie’, ‘The 5 People You Meet in Heaven’ at kung ano ano pang libro na sinulat ni Mitch Albom. Minsan talaga, malalim na tao rin itong si Byul.

 

 

“Kapag ba wala kang tenga, mag-I earrings ka pa rin?”

 

Kasasabi ko pa lang na deep syang tao, bakit ganito na naman ang tinatanong  nya.

 

“I don’t have time for this Byul..”

 

“Sagutin mo na lang parekoy ah” pagpupumilit nya

 

Sigh

 

“Hindi na syempre, wala nga akong tenga di ba?”

 

 

“Eh Seul, bakit ka pa nagbra-bra?!”

 

 

 

Hinablot ko ang pinakamalapit na weapon of destruction, at sa kabutihang palad nakita ko ang stress ball ni Wendy.

 

“Walangya ka talaga Byul!!” sabay bato ko ng stress ball sa kanya.

 

Shet may tinamaan!!!

 

 

Lagot.....

 

 

 

“Sorry po Dra. Bae, di ko sinasadya. Sorry po..” paulit ulit kong paghingi ng sorry

 

“In my office now, Dra. Kang!”

Kung nakakasaksak lang ang tingin mo, malamang multiple stabbed wounds na ako with Tension Pneumothorax.

 

“Kagagaling mo lang from suspension, you are acting like a child again. The hospital is not a playground. Paano kung pasyente ang natamaan? That will be a bigger problem for sure!”

 

Nakayuko lamang ako at di makasagot sa mga pang uusig nya. Hiyang hiya ako sa inasal ko.

 

“I am so sorry Dra. Bae. I did not intend to throw a ball.”

I just want to kill Moonbyul now, paano ba siya nakailag?

 

“Huwag mo ng ulitin and bawas bawasan mo ang pagiging playful mo.”

 

“Opo.” Para akong pre-schooler na pinapagalitan ng teacher. Preschooler din siguro ang tingin mo sa akin. Hindi ko nga maredeem redeem ang sarili ko, eto ako at lalo pang binabaon ang self ko sa masamang misconception sa akin.

 

 

“And Dra. Kang, it’s nice to see you again. Welcome back.”

 

 

 

--

 

“Seul, sorry na. Namiss lang kita eh. Di ko naman alam na nanakit ka na ngayon. Bati na tayo pretty please.”

“Tigilan mo ako Moonbyul.”

 

“Pramis di na mauulit. Di na kita aasarin.”

Halatang sincere naman sya sa paghingi ng tawad  sa akin.  2pm pa natapos ang duty nya, pero andito pa din sya nagmamakaawa na patawarin ko, 5pm na rin.

 

“Okay fine,, basta libre mo ako sa CSI”

“Yey!!!” Sabay kiss nya naman sa pisngi ko at kumaripas ng takbo afterwards.

 

 

--

“Dra. Kang, yung patient sa bed 3, nagblebleed. She’s complaining a knife-like pain in her abdomen. Hypotensive na rin sya, 90/60 ” pag iinform ng nurse sa akin.

Tinakbo ko ang paseyente. Hindi naman siguro ito yung iniisip ko.

 

l bleeding- check

Abdominal pain-check

Radiating back pain-check

Uterine tenderness-check

Rapid utrerine contraction-check

 

 

 

Xhit! Abruptio Placenta nga!!

“Prepare the patient! Inform DR, we’re gonna shift her!”

 

 

 

“Good job, Dra. Kang, as expected from one of the best Residents of this hospital. Walang nagawa ang suspension mo sayo. You’re still the competent Seulgi that I knew from before.” bungad ni Dr. Kyuhyun. Malamang sya ang Specialist on Duty sa DR

“I just did my job doc. Nothing special.”

“And still humble, kung ibang residents yun, they will just think that it’s a physiologic bleeding. You are really good at what you do. Matalino na maganda pa. Who wouldn’t fall for that?” Obvious na pangfliflirt pa nya

“Thank you Dr. Kyuhyun, but I am kinda busy now, I need to do an ultrasound for a patient, please excuse me po.” pagdadahilan ko.

 

 

“What’s wrong with Dr. Kyu, Dra. Kang? I mean don’t get me wrong ah. Doctor, gwapo, mabait, matalino….”

“And mayabang and flirt” pagtatapos ko sa sinasabi ng nurse habang nagsusulat ako sa progress notes sa patient’s file

 

“Bakit kasi ang daming nabubuntis at nanganganak nitong mga nakaraang araw?” out of nowhere na tanong ko

 

Sumabat ulit ang makulit na nurse. “Kaya nga po. Kayo po doktora, kailan po kayo magpapakasal? Tumatanda na rin kayo ah.”

 

Anak ng. Pati edad ko pinakialaman.

 

“I’m still young you know. And besides, aanhin ko ang asawa, pakakainin ko, di ko kaano ano.”

Natahimik ang nurse sa tinugon ko. Nagulat yata sya sa aking prinsipyo sa buhay. Joke lang naman yun. Gusto ko lang syang tumahimik.

 

---

 

“Seulgi, you remember that one of your punishments from the Disciplinary Committee’s recommendations was to be part of the Medical Mission Team to Santol right?” pagpapaalala ni boss

We are conducting our monthly departmental meeting in parallel with the plan of the hospital to do a Medical Mission.

“We need actually 2 representatives from our department. Si Seulgi na yung isa. Sino ang gusto mong kasama from our unit?”

Ayaw makipag eye contact sa akin ng lahat. Yung iba kunware nagbabasa pa. Mga walang puso, ayaw magsilbi sa kanayunan, nasaan ang humanistic-altruistic at compassionate hearts nyo! Nakakahiya kay Hippocrates!

 

“Well, boss, it will be better to take Dra. Moonbyul with me since we work with coordination. I’m sure mataas ang productivity and efficiency level namin kapag kami ang magkasama.” This is my revenge *evil laugh*

 

“Moonbyul it is.” Pagkumpira ng boss

 

Sa hitsurahin ni Byul ngayon parang gusto nya akong idissect mula skin hanggang sa bone marrow ko.

 

“Okay, that’s settled then, the team leader will  be Dra. Irene Bae. Other departments involved are Surgery, Pedia and Medical. It will be a 4-day Medical Mission. And yes, you will live and stay there.

 

Any question?”

 

“May malapit na hotel po ba doon or accommodation?”

Shunga din talaga ni Byul minsan

“Dra. Moonbyul, Medical Mission into sa isang far flung area, immersion ang magaganap dito, kaya wag kang mag expect na bakasyon grande ito.” Paliwanag ni boss

“May tanong pa? Well anyway, it will be next week. So kung may katanungan pa kayong dalawa. Just contact me. We have our whatsapp group.”

 

 

 

“Huy Byulieeeee, kausapin mo ako…”

 

“Shatapp oso, lagi mo na lang akong hinihila sa mga kalokohan mo, hmmmp”

 

“Isipin mo na lang, honeymoon nyo ito ni Solar.”

Napakunot noo sya muna.

Pero after a while, nagtwinkle with all the stars in the galaxy ang mga mata ni Byul

 

“Di pa ba sinabe ni Solar sayo? Part sya ng team. Isa sya sa mga nurses na makakasama sa medical mission. Si Wendy din.”

May alinlangan ako bigla sa naging desisyon ko sa pagpili kay Byul.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
akosimithi
See you next time...

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
#1
Chapter 1: Just discovered this! Will read it na 🥹
ereni_r #2
Chapter 30: Thank you for writing this po. I only started reading last night and finished it this afternoon. Buti madami idle time, hehe. Gem ito, I love the writing style. May comedy pero hindi naman corny and hindi din pilit. And I love how you gave justice sa characters ng SR as doctors. Sobrang bagay talaga ng white coat kay madam, huhu. Thanks for this po! Will move on sa other fics mo pa.
ereni_r #3
Chapter 6: Si Seulgi kababalik lang from suspension, ang dami na agad ginawa sa hosp. 🤣 Ang ganda po nito. Salamat po sa nagdala sa timeline ko. Hahaha
RedRose0289
#4
Chapter 30: Wow.
That was....🥰😍🥰
Thank you Author for this story...

Mejo kalungkot lang nung nabasa ko si Tootsiepop Authornim..
Deactivated pa rin xa...kala ko F.I.F.O next nyang tatapusin eh..😭
RedRose0289
#5
Chapter 23: Hirap tumawa sa 12:30 ng umaga Author...
Heheehe...
"Number 1"
Pati ako napasigaw sa isip eh...may mura pa nga..damuho tlga.😂🤣😂
RedRose0289
#6
Chapter 21: 🥺🥺🥺
Alexa play Beer by IW: Giliw~ wag mu sanang limutin...
ang mga araw na hindi sana natapos..
Sheessshh..for a 6 year old story(completed)
How are you na Authornim? Mukang nasa medical field ka din by reading these medical terms...
RedRose0289
#7
Chapter 19: Oooppsss...what are the odds Seulgibear...hehehehe..
Minsan tlga mapang.asar ung buhay di ba? Nilalapit pa lalo ung mga taong gusto mung iwasan...ahahahah
RedRose0289
#8
Chapter 18: Ganitong-ganito ung kapatid ko eh...
Ung mag.re.reading from Meralco...sinigaw ba naman na jowa ko daw...nasa mejo loob kasi ung kontador namen...
Bwiset...ahahahaha
RedRose0289
#9
Chapter 16: Ahahaha...nagpasintabi na agad si Author-nim sa AN nya ah..hehehe...mga Ending nga namn kasi ng TzuGi eh literal na chugi ang loveteam eh..hehehe..
Labyu Bebe Tzu😘
RedRose0289
#10
Chapter 15: Napadami ung lagok ko ng kape ngayong gabi sa chapter na'to ah.hehehe...
Minsan cguro space and time ung need to realize whats worthy.astronaut yarn?..hehehe...ay huhuhu pala.