Muli
TadhanaTaeyeon’s POV
“Bae, labas tayo mamaya after duty. May bagong kainan sa city, masasarap daw ang nasa menu.”
“Si Manang Pany pala, sya na lang isama mo?” sagot nya habang nakatuon pa rin ang pansin sa binabasa nyang mga dokumento.
“Busy yun, tsaka magagalit yun kasi karibal ng restaurant nya. Sige na, pagbigyan mo na ang ate Taeyeon mo, di na tayo nakakapagbonding, tagal na kita yinayaya eh. Magtatampo na ako. “
Actually, di naman yun ang totoong dahilan. Fany and me had been there sa CUISINA at kahit sya bilib sa services at mga pagkaing hinahain dun. Gusto ko lang ilabas ang workaholic na babaeing ito. Ilang araw ko na syang napapansing malungkot at mukhang depress na naman. I somehow knew the reason, yun ay ang biglaang pagsulpot ni Seulgi out of nowhere sa mga panahong akala nya nakamove on na sya.
“Ate…..” she sighed for the umpth time already
“Oh sige, huwag na lang, nagpakahirap pa naman akong ipareserve yung table natin tapos ayaw mo din pala. Kung di ko pa naging pasyente dati yung manager dun. Hayyyy” sabay aegyo and puppy eyes ko sa kanya.
Sa dalawang tao lang umeepekto ang mga yun. Kay Fany at kay Irene.
“Okay fine. Let’s go. You really know your ways Kim Taeyeon.”
--
“You’ll never regret coming with me Madam Hospital Director, it’s Wednesday night and may mga acoustic performances pa sila mula sa mga local bands.” Umpisa ko dahil mula pa kaninang nakaalis kami sa parking lot ng Lorma, ni buntong hininga nya di ko naririnig pa
Ang hirap namang maging kaibigan ang isang Irene Bae, challenging ang pagpapasaya sa kanya. Sa bahay ko nalang sana imbitahin para magbonding kami sa pagluluto or paglalaba kung yun ang gusto nya kaso wala akong mga appliancespa sa bagong apartment ko pa. Di na ako nakatira sa apartment namin ni Tiffany, mutual decision na rin. We want to start from nothing, yung tipong di namin nakikita ang isa’t isa araw araw para may element of mystery and excitement pa din. Siguro isa sa mga naging problema namin dati ay yung nabored na kami sa isat isa.
Anyways, tama nga ako, 7pm pa lang pero di mahulugan ng karayom na ang lugar. Nakita ko yung manager na pinaanak ko dati at dali dali naman kaming inassist sa reserved table namin.
May mangilang ngilang mata ang nakatitig sa amin mula pa noong dumating kami. Karamihan ay mga kalalakihan. May isang kumpol pa ng lalaking nagtatalo kung si Ellen Adarna daw ba ikaw. Atleast di ako pinagkamalang si Baste Duterte di ba? Mas macho ako dun.
We ordered Beef Brisket Rice, Baby Back Ribs, Pork Binagoongan, Sizzling Jambalaya and bibingka cheese cake for dessert. Nagtataka na yung waiter sa dami ng orders namin, na paano kakainin ng dalawang bulinggit na ito ang family size na mga servings ng mga orders namin.
“Excuse me, we did not order these alcohols. Baka sa kabilang table.” Baling ko sa waiter habang binababa nya sa table sa amin ang 2 ice cold beers.
“I did , ate.”
Teka, kailan pa may beer dito sa Cuisina? Shet shet, may promo nga pala ngayon, ice cold beer achuchu ang ganap sa kanila.
“If you don’t like to have yours ako na lang iinom nyan.” Offer ni Irene. Pero alangan akong ibigay ito sa kanya. Lagot naman ako kay Fany kapag naamoy nya ang alcohol breath ko. Sapagkat, datapwat dahil mabuti akong kaibigan, hinayaan ko syang kunin ang beer ko. *biggrin*
Mataas din naman yata ang alcohol tolerance nitong si Bae eh.
Maya maya pa nagsimula na nang tumugtog ang local acoustic band.
“Sandali nal ang
Maari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay
Sana ay maabot nglangit
Ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip
Wag kang mag-alala
Di ko ipipilitsa 'yo
Kahit na lilipad ang isip ko' torete sa 'yo”
Tama ba ang pagdala ko kay Irene dito? Lalo ito ma-eemo sa mga kanta ng bandang ito eh.
Paubos na yung beer ko na binigay ko sa kanya.
“Hindi Maikumpara ang nasa Kamera
Aking nadarama kapag kasama ka
Bawat sulyap at titig
Katumbas ay langit
Bakit na sa isip walang papalit
sayong mga tingin
Akoy natutunaw
bakit nalulusaw
Pusoy umaasa sayong pangako sinta
Ikay maghihintay
kahit na mawalay
Ngunit Lumipas at pagibig moy nahimlay”
(Awit ni Ginny by Toni G)
“Irene, tara na, hatid na kita sa inyo.”
“Kauumpisa lang nila ate, let’s stay for a while.”
Paktay kang bata ka. Tinawag na nya ang waiter ulit.
“Another set of cold beer please” she huskily ordered
“A….A…Anything el…..se po M…..aam?” nauutal na ang waiter. Kinilig yata sa kanya.
“That would be all.” Sabay wink nya
Omaygudness, mali, maling mali ang pagdala ko kay Irene dito. NagMcDo na lang sana kami
“Pasensya na, kung papatuligin na muna
Ang pusong napagod kakahintay
Kaya sa natitirang Segundong kayakap ka
Maaari bang magkunwaring akin ka pa
Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit
Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipasnggabi
Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin
Baka sakaling maibalik
Malaya kana, Malaya”
https://www.youtube.com/watch?v=TDTdz7m3HPY
That’s it! Kung di ko maconvince si Irene na umuwe. Ang nag eemong band na ito ang pipigilan ko.
“Hello kuya.” Bati ko
“Ah yes, may request po ba kayo?” tanong ng manager yata ng banda
“Pwede bang huwag malulungkot mga kanta? Wala akong pakialam kung acoustic band kayo. Tugtugin nyo Gee, Ring Ding Dong or Fantastic Baby or Sorry Sorry.. Basta huwag lang mga panghugot na kanta. Depress yung kaibigan ko. Baka maglaslas. Ayaw nyo naman na may maglaslas na customer dito di ba?”
--
Bumalik ako sa table at may isang lalaki nang nakaupo sa lugar ko. Sweet na sweet nanakikapag-usap/flirt naman itong si Irene.
“Excuse me, I think, you’re occupying my chair.” Mataray kong sambit
“Ah sorry, let me introduce myself….”
“That would not be necessary, aalis na kami ni Irene.”
“Let’s go Irene.”
Teka di pa pala kami nakabayad
“Waiter, yung bill namin.”
Di ko na
Comments