Buhangin
TadhanaSeulgi’s POV
“Happy Birthday Solaaaaaar!!!!!!!” Sigaw agad ni Joy pagpasok namin sa Kahuna Beach Resort sa may San Juan.
Sosyal si Byul ah, afford na afford ipagcelebrate ang birthday ng jowa sa high end resort na to.
Uupo na sana ako sa table nina Byul nang nakita kitang kasama ni boss. Di ko alam na mag aatend ka din pala ng birthday party ni Solar. Paano, deadmakels ever mo yung mga tawag at messages ko sayo mula pa kahapon.
“Seulgi!” tawag ni boss
“Good evening po boss, Dr.Bae” bati ko. Standard Operating Procedure na maging pormal ako sayo kapag nasa public tayo.
“Dito na kayo ni Joy sa table namin, kami lang dito.” Aya ni boss
“Ay sige po boss” agad na sang-ayon naman ni Joy
19:14 Seulgi: Irene…..
Di mo man lang binuksan yung message, noong nalaman mong sa akin galing yung text. Galit ka nga talaga.
Pain is when I look into your eyes
And you look away...
Di pa man tapos ang party nagpaalam ka na. May lakad kang importante sabi mo. Di ko maitago ang disappointment sa mukha ko.
Plano ko pa naman kausapin ka tonight. I was looking forward din to spend time with you here sa resort tapos aalis ka lang pala agad.
“Bakit di mo hinabol?”
“Huh?”
Sinabi ba sa kanya ni Irene?
“No one told me Seul.
Sa lahat ng juniors ko sa OB, ikaw ang pinakamadaling basahin. Kahit di nyo pa sabihin sa akin, alam kong may namamagitan sa inyo ni Irene.” Umpisa ni boss nang macorner nya ako sa may pool side.
“Boss…”
“Ang babae, gustong gusto nila na hinahabol sila, sinusuyo sila. Kailangan nila yung re-assurance na sakanila lang talaga yung atensyon mo at wala sa iba.”
Never would I imagine na mag bro-brother talk kami ni boss. Si Byul lang kasi napagsasabihan ko ng lahat. This is a totally different side of her. She’s very strict and firm at work, black and white lang, nothing in between. She is goal-driven, focused sa mga objectives and plans nya. FOCUS PDCA ang peg, Find, Organize, Clarify, Understand, Set, Plan, Do, Check and Act to hold the gain ang kanyang way of living.
“Irene. She’s stubborn, hard-headed. A workaholic brat who easily gets what she wants, she was brought up that way. She lived a perfect life in short. But she was never happy. She was not contented. Until recently. Nakita ko ang isang masayahing Irene . And I knew immediately, something’s up. At di nga ako nagkamali; I accidentally saw her once sending a message to you, and that smile she wore while sending that message, it’s my first time seeing that. It was genuine happiness.”
Awww…
“Please take care of her Seul, parang kapatid ko na yang si Irene. Magkakaroon ng maraming pagsubok, maraming kokontra. Pero kapag mahal nyo at kaya nyong paninindigan at ipaglaban ang isa’t isa, then that’s more than enough.
Halaaaa.. Bakit ngay naman ganito na kalalim ang mga hugot ni boss? Payo nya ba ito sa akin talaga? Or baka payo din nya sa sarili nya?
At bakit ganito ang nararamdaman ko kay Irene? Bakit feeling ko I don’t deserve a woman like you. Natatakot ako.
Fear of the unknown...
--
“ Seul, red wine lang yan. It wouldn’t hurt. Tsaka may pang-intubate kami dito kung sakaling mangisay ka dyan” pang-aasar ni Joy
“Kaya nga isang shot lang naman Seul, keribels lang yan”
--
“There is no substitute to the human brain. And that only a doctor-patient encounter, not encounter with google involves the human heart” matinding English ni Joy
Lasing na ang bruha
--
“Solar, nakagat ka ba ng aso?
Kasi rabies kitang mahal”
Lasing na rin si Byul
--
“Kahit sa medical may gender bias,
Bakit MitoSIS in general sa lahat ng tao? Dapat kapag lalaki MitoBRO
May ANTIbiotic, wala namang UNCLEbiotic”
Eto naman si hugot boss Taeyeon kapag nalalasing
--
Yung isang shot, naging dalawa, tatlo, di ko na mabilang. At yung red wine, naging beer, black label etc etc. Yung attention span ko measured in milliseconds na lang
Syempre si ako, na kumakanta kapag lasing
“Kapag tumibok ang puso
Wala ka na magagawa kasi involuntary muscle ito”
“Bongga ka day, bongga ka day
Shigella, shigella, itaas ang kilay”
----
Irene’s POV
“Irene Bae… your love of your life sunduin mo dito! Huwag ka na magpa-bebe dyan. Lunurin ko to sa dagat, kanina pa nagpapagulong gulong dito sa buhanginan!”
What the?
“He…he.. hello ate Taeyeon?”
“Oo, ako nga, just come here and take this bear with you. No questions asked!!” sigaw ni Ate Taeyeon sa telepono
Ano naman ang ginawa mo this time?
And paano nalaman ni ate Taeyeon?
Dali dali akong nagbihis at tumungo agad sa garahe.
Pagkauwe ko kanina, dumiretso na ako sabahay. Wala naman talaga ako pinuntahan. I just want you to run after me, unfortunately you did not...
--
Wala ng tao sa party hall pagkadating ko sa resort.
Comments