Morphine
TadhanaMadilim pa ang buong paligid nang magsimulang baybayin ng motor ko ang daan papunta sa pinapasukan kong hospital. 5:30 AM pa lang, maaga pa para sa 6am to 2pm na shift ko sa ER (Emergency Room).
Marami na ring nurses, at student nurses na pumapasok sa mga oras na ito, morning duty din malamang. Panibagong araw ng pakikibaka na naman sa buhay ni Kang Seulgi.
“Good Morning Dra. Kang” bati ng guard sa may entrance
“Magandang umaga din po”
Di naman sa pagyayabang isa akong pinagpipitagang Senior Resident ng Lorma Medical Center dito sa La Union. Pero sa hitsura kong ito na nakajeans at plaid shirt lang, pagkakamalan lang akong isang pasyente. 23 years old lamang ako nung natapos ko ang kursong medisina, ilang beses nga ba ako naaccelerate nung elementary?
Lunes na Lunes, parang palengke na naman ang eksena sa Emergency Room, hindi ko pa man din naisusuot ang white coat ko…..
“Miss, saan ang XTray dito?” tanong ng matandang lalaki.
Minsan matatawa na lang din ako sa mga taong kumukonsulta sa ospital.
“Doon po sa kabilang kwarto manong, dumiretso lang po kayo”
Minsan din. Hindi ko maintindihan kung ano ang mahirap sa salitang “CT SCAN” ?
Patient 1: “Doktora, gusto ko po sana magpaSIYETE SCAN?”
Patient 2: “Mahal ba ang CT SKULL dito Doktora?”
Patient 3: “Ano result ng CT Scam ko Doktora?”
Natapos ang recollection ko sa evolution of CT SCAN nung narinig ko si Byul
“Aba! si Dra. Kang pala ang ROD (Resident on Duty) sa Gyne ER, paanak pa more !!” pang aasar na bati sa akin ng kapwa ko OB-Gyne doctor na si Moonbyul na nakatoka naman sa Labor Room.
“Iaadmit ko lahat sa Labor Room, ikaw magpaanak, ikaw na rin umire para sa kanila.”
Ilan nga ba pinaanak ko dito sa ER kahapon? Anong unos ba kasi ang meron kahapon at parang lahat ng buntis ay sa ER na napaanak. Itutulak pa lang ang stretcher papuntang paanakan, nakalabas na ang ulo ng bata. Excited lang lumabas? Wala tuloy akong choice kundi paanakin sila sa ER. Syempre tuwang tuwa ang mga student nurses na nakaduty dahil additional na naman sa delivery cases nila. Napag alaman kong kailangan pala nila makakolekta ng 25 direct assist na delivery cases bago makakuha ng board exam.
“Sabay tayo lunch mamaya ah? Hindi duty si Yongsun eh” yaya ni Moonbyul
“Ganun? Second choice mo lang pala ako. I was never your partner, I’m just your wife”
Haha charot lang. Pareho kaming may buang at may shakol sa pag iisip ni Byul kaya normal lang ang mga ganitong eksena sa amin.
Magkaibigan na kami ni Moonbyul mula pa sa Med School, sinuwerte din at pareho kaming natanggap dito sa ospital.
Pero unlike ko, maligayang maligaya sa Moonbyul sa piling ng nurse na girlfriend nya. Sa medical field, open minded man kasi ang mga tao kaya walang pakialamanan ng trip.
“Aylabyu bes” sabay halik ni Byul sa pisngi ko
“Kadiri ever ka talaga, umayos ka nga, pagkamalan pa tayong magjowa” habang pinupunasan ko ang flaming red na lipstick ni Byul sa pisngi ko.
Pero sabi nga nila, kung gagawa ka ng nakakatakot na istorya in one word, ito yun
“LUNES”
---
“Seulgi!!!! mabuti naman at dumating ka na, wala na ako energy. Isang lagok na lang ng RedBull madadialysis na ako sa overdose!” pagod na bati sa akin ng outgoing shift na si Dra. Joy Park. Si Joy na katulad namin ni Byul ay isa ring OB Gyne Resident.
“Umayos ka! Wala nga kayong admission kagabi, nakita ko sa census, you don’t me ah”
“Ay grabe sya oh, di ba pwedeng, may balat ka lang talaga sa bajayjay mo at kung ikaw ang nakaduty eh dinudumog ka?”
Well, lapitin talaga ako ng babae, pasyente man o hindi.
__
Sa awa ng Diyos, wala pa akong 10 minutes na nakaduty, dumagsa na ang pasyente
“Dra. Kang, yung patient po sa bed 1, yung pre-eclampsia tumaas po ang Blood Pressure, 150/90 na” report ng nurse sa akin
Inincrease ko ang dose ng Labetalol (gamot sa mataas ang BP), bumaba naman ang blood pressure nya.
“Dra. May ‘scissors’ po ako dati” usal ng pasyente habang kinukuha ko ng past and present medical history nya.
“Scissors po?” Di ko yata naintindihan ang saad ni ate buntis kaya inulit ko.
“Opo doktora, yung nanginginig po tapos nawawalan ng malay”
“Ahhh, seizures” natatawa kong paglilinaw
Sa panahong ganito na di na ako makainom man lang ng tubig sa sobrang kabusyhan, nawawala ang pagod ko sa mga bloopers sa hospital.
Hindi pa man din ako nakakalayo kay ate buntis, humirit pa sya. “Dra, naggagamot po ako dati, ‘Phenobarbiedoll’ (Phenobarbital)”
Jeskelerd. Hindi ako makahinga sa pagpigil ng tawa ko.
--
At dahil nga sa kabusyhan ko, di na ako nakapaglunch. At malamang si Byul din. Natoxic sya sa pasyente nyang nag cardiac arrest sa Labor Room. Buhay naman daw, sabi nya sa telepono sa akin kanina nung sabihan ko sya na di ako makakasabay sa kanya maglunch.
Ilang oras na lang din at pa-out na ako, ng biglang nakita kong nagkukumpulan ang mga lalaking nurse sa pag assist sa babaeng pasyente na sa tingin ko naman ay perfectly fine, no pain, no complain, for observation. Pero nung natanaw ko ang magandang mukha nya, no wonder, pinag aagawan syang asikasuhin ng mga bugok na to.
“Magandang umaga doctora” bati nya, aruujusko, buntis pa yata si ate, malamang gumuho na ang mga munting pangarap ni Romeo, I mean ng mga lalaking nurse.
“Magandang umaga din Ms. Irene” yun ang pangalang nabasa ko sa chart nya
“ER kasi dito Ms. at mga kasong emergency lang ang tinatanggap, wala akong makitang dahilan para dito ka sa ER magpagamot, anjan ang Out Patient Department namin, sila ang titingin sayo dahil, ang nakikita kong complain mo
Comments