Lemon Chicken

Tadhana
Please Subscribe to read the full chapter

Gumamit ako ng ibang POV maliban sa usual na kay Seulgi lang.

Thanks sa mga comments and upvotes mga bes.. 

 

 

 

Seulgi’s POV

Ayokong magtama ang tingin natin. Kaya habang nagbibigay ka ng iyong speech sa entablado, nakatingin lamang ako sa floor, oww,  bago shoes ni Byul?

“, tang inang kamatis, ang ganda nya Kang Seulgi!” pabulong na halos pasigaw na komento ni Byul na ipinagdadasal kong di narinig ng mga matatandang consultants sa harap namin dahil di naman pwede talagang magmura.

Hindi ko pinapansin si Byul sa pagfafangirl nya kasi, kasing laki na ng grapes ang bawat patak ng pawis ko.

“Thank you Dra. Taeyeon for those wonderful words…….”

Blah blah blah, dahil wala na akong marinig sa sinasabi mo,  clouded na ang isip ko. Nagriring na ang ears ko na nagtitinitus. Mahabaging langit, mahal ko ang trabahong ito, hindi maganda sa CV(curriculum vitae) ko kapag natanggal ako dito. Or worse, matanggalan ng lisensya! Huhubels

At pagkatapos ng 5-minute speech mo na parang 2 mahahabang oras sa akin, napabuntong hininga ako. Nagdeep breathing exercise na ako dahil ito lang naman ang alam kong exercise.

Ano kaya ang kahihinatnan ng career ko. Ipapatawag mo  ako malamang sa opis. Nakikinita kinita ko na ang pagsusumbong mo sa Hospital Director, isang doctor na nagbigay ng morphine sa dysmenorrhea.

Grabe ah, pang FAMAS ang acting mo kahapon. Narealized kong nagpanggap ka lang na pasyente para maassess kung paano magbigay ng TLC (tender loving care) ang mga taga ER. Na sa kasamaang palad ay wala yata ako nung mga panahong yun. Ikaw pala yung tinutukoy ni boss nung minsan na magmeeting kami, na may magpapanggap na pasyente sa ER.

Napag alaman kong magkabatch pala kayo sa  Medical School ni boss, at matalik daw kayong magkaibigan kaya yung plano na pagdidisguise mo as pasyente ay nabanggit mo sa kanya.  At dahil ka-close ka nga ng boss ko, malamang naitimbre mo na rin ako sa kanya. Sinabi pa naman ni boss dati na promising daw ako. Gumuho bigla ang mga pangarap ko. Maglinis na lang kaya ako ng chimineya, teka, may chimineya ba dito sa La Union?

--

Irene’s POV

“So, kamusta na ang babaeng humayo?” pabirong tanong ni ate Taeyeon sa akin

Ate kung ituring at tawagin ko pa rin si Taeyeon kahit magkabatch kami sa Med School. Mas matanda rin kasi sya sa akin ng 2 taon. Ewan ko, 5 years old lang yata ako nung nag grade 1.

 Mahigit 3 taon din ako nagstay sa US, kumuha ng specialization  sa endocrinology at nagsimulang ipractice ang natapos ko. Si Ate Taeyeon naman dito sa Pinas na nag specialize sa OB Gyne.

“Eto, maganda pa rin”

“Oo alam ko, lumuwa nga lahat ang mga mata ng mga nasa auditorium kanina, halos mabulag sa kagandahan mo”

“Ay grabe sya oh, haha, maiba ako, akalain mong head ka na ng OB-Gyne! As expected from the youngest consultant, ikaw na talaga. Dadami na naman admirers mo nyan. Marami na naman ipapakulam si Manang Pany” natatawa kong sagot sa kanya

Si Manang Pany ay si Tiffany Hwang, ang nag iisang nabulag kay Ate Taeyeon. She owns and manages Midtown Restaurant here in the city. Matagal na rin sila, grade school pa lang yata sa Saint Louis si Ate Taeyeon eh nilaan na nya ang buong puso nya kay Manang Pany.

Kahit nasa US ako noon, di kami nawalan ng communication. May mga updates pa din naman kami sa isa’t sa. Kahit hirap ako gamitin ang mga messenger apps sa cellphone ko. Sya nga lang nagtiyagang magpaliwanag ng instructions sa akin. Ano nga ba tawag dun sa appliance na yun I mean application, Vivoree ba yun. Yun nga yata Vivoree, kulay purple ang logo, eh di yun na lang ang dinownload ko.

“Seryoso Irene, hindi naman sa ayaw kitang magtrabaho dito, you have the world in your hands sa US, I mean ang ganda ng career mo doon, you excel both in the clinical and administration. Bakit mas pinili mong bumalik dito?”

Napaisip ako, bukod sa pamimilit ng dad ko na Hospital Director dito. May kailangan akong balikan dito. Di ko alam, for closure siguro or second chance. Di ko pa napagmuni munihan.

“Alam mo naman ate na daig pa ng mga nagbebenta ng encyclopedia kung makapamilit si dad sa akin, I have no choice” Actually I have a choice. I just have to come back. I need to come back.

“You’ll enjoy your stay here, I hope. And for sure you will be a big contribution to the workforce of this organization. Lalo na at may balak daw to undergo for international accreditation ang hospital. Eh ikaw ang may experience sa mga ganung bagay.”

“Nabanggit nga sa akin ni dad, I hope I can be a help”

“Maiba ako Irene, kamusta pala ang pagpapanggap mong pasyente sa ER nung isang araw. What were your observations? Any positive or negative feedback? Bukod sa nabalitaan kong pinagkaguluhan ka ng mga staff.”

Napangiti ako nung naalala ko yung nangyare. Ang galing ko lang pala talagang umarte, dapat nagtheater arts na lang pala ako.

“Nothing  extraordinary happened, okay naman ang services sa ER, maliban lang sa...”

“Maliban sa alin?”

Dahil cute ka din naman,  ano nga bang pangalan mo? Dra. Kang. I mean di ka cute. Kaninang umaga kasi di ko maipinta ang mukha mo nung nakita mo ako. Naaliw ako . I hope makaencounter ulit kita. Again di ka cute. Ano lang... may something sayo?

“Wala it was totally fine”.

“So I guess you will start as a physician in practice? Di ka uupo sa administrative side? I introduced you as the new deputy Medical Director pa naman. Magclinical ka naman pala.” Nakakunot noong tanong ni Ate Taeyeon sa akin

“Not that di ako mag uukol ng time ko sa administration ate, I will still do my duty as Deputy, mejo low profile muna. Ayoko din na iquestion ng mga seniors dito kung bakit ko nakuha yung posisyon na  to.”

Sabihan na naman na I got the position because of dad. I grew up proving myself to everyone na nga. Hanggang ngayon pa naman?

----

 

Seulgi’s POV ulit

Ito na nga ba ang kinakatakutan ko eh, pinapatawag na ako ni boss. Kumakabog ang dibdib ko na sumakay sa elevator. Mag earthquake na ang iris ng mata ko, dilated na rin yata ang pupils ko. Ito na ba ang katapusan ko?

 

Pati ba naman elevator di nakikisama sa akin, sa lahat ng floors tumitigil! Sino ba ang animal in the grass na pumindot sa lahat ng buttons?!

Hanggang sa bumukas ang elevator sa 3rd floor. Anak ng lahat ng tipaklong!

“Good morning Dra. Kang” nakangisi mong bati

“Go..ood mo.....rning din po Dra. Bae.” God I’m stuttering

Jeskelerd! di ko ala

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
akosimithi
See you next time...

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
#1
Chapter 1: Just discovered this! Will read it na 🥹
ereni_r #2
Chapter 30: Thank you for writing this po. I only started reading last night and finished it this afternoon. Buti madami idle time, hehe. Gem ito, I love the writing style. May comedy pero hindi naman corny and hindi din pilit. And I love how you gave justice sa characters ng SR as doctors. Sobrang bagay talaga ng white coat kay madam, huhu. Thanks for this po! Will move on sa other fics mo pa.
ereni_r #3
Chapter 6: Si Seulgi kababalik lang from suspension, ang dami na agad ginawa sa hosp. 🤣 Ang ganda po nito. Salamat po sa nagdala sa timeline ko. Hahaha
RedRose0289
#4
Chapter 30: Wow.
That was....🥰😍🥰
Thank you Author for this story...

Mejo kalungkot lang nung nabasa ko si Tootsiepop Authornim..
Deactivated pa rin xa...kala ko F.I.F.O next nyang tatapusin eh..😭
RedRose0289
#5
Chapter 23: Hirap tumawa sa 12:30 ng umaga Author...
Heheehe...
"Number 1"
Pati ako napasigaw sa isip eh...may mura pa nga..damuho tlga.😂🤣😂
RedRose0289
#6
Chapter 21: 🥺🥺🥺
Alexa play Beer by IW: Giliw~ wag mu sanang limutin...
ang mga araw na hindi sana natapos..
Sheessshh..for a 6 year old story(completed)
How are you na Authornim? Mukang nasa medical field ka din by reading these medical terms...
RedRose0289
#7
Chapter 19: Oooppsss...what are the odds Seulgibear...hehehehe..
Minsan tlga mapang.asar ung buhay di ba? Nilalapit pa lalo ung mga taong gusto mung iwasan...ahahahah
RedRose0289
#8
Chapter 18: Ganitong-ganito ung kapatid ko eh...
Ung mag.re.reading from Meralco...sinigaw ba naman na jowa ko daw...nasa mejo loob kasi ung kontador namen...
Bwiset...ahahahaha
RedRose0289
#9
Chapter 16: Ahahaha...nagpasintabi na agad si Author-nim sa AN nya ah..hehehe...mga Ending nga namn kasi ng TzuGi eh literal na chugi ang loveteam eh..hehehe..
Labyu Bebe Tzu😘
RedRose0289
#10
Chapter 15: Napadami ung lagok ko ng kape ngayong gabi sa chapter na'to ah.hehehe...
Minsan cguro space and time ung need to realize whats worthy.astronaut yarn?..hehehe...ay huhuhu pala.