Unwell
TadhanaDumaan ang mga araw na wala akong naging focus kundi ang tapusin ang research na to. Kung pwede lang huwag nang matulog. I wish I could live without sleeping because there are so many things to do in life.
Sa bawat araw din na lumipas, ni anino mo di ko nasilayan. Iba ka talaga, kapag sinabe mo, gagawin mo. Sana ganun din kadali sa akin.
“Uy p’re baka naman gusto mong sagutin mga tanong ko sayo? Alam ko nakakawalang ganang kumain tong hitsura ko, pero hwag mo naman ako isnabin.”
“Pasensya na Byul, dami ko lang iniisip nitong mga nakaraang araw. Drain na drain na ako sa trabaho.” And emotionally din.
Totoo naman, more than 10hrs ako sa Lorma MTW tapos magmamadali akong bumalik ng Santol ng ThFS para sa konsultasyon ko. At kung mamalasin ka pa dahil wala ka ng 3 araw sa nayon, dagsa sila sa araw ng dating mo. This life is su.cking the life out of me.
Well, sino sisihin ko? Ginusto ko to. Di rin ako mapakali dun sa thought na I made you cry doon sa party ni boss. Ang pinaka-ayoko sa lahat eh yung makikita kitang umiiyak, lalo na nang dahil sa akin. How dare I? How dare me? How dare myself?
But everytime naman na accidentally nakakasalubong kita sa hallway on the way to cafeteria, parang wala lang naman sayo. After exchanging formal greetings, you’ll routinely ask me how the project is going on. Kaya sa isip isip ko, sige na nga, let bygones be bygones.
“Alam mo p’re, you just have to talk to her naman if you like, hindi yung lagi kang natutulala dyan sa tabi at naghihintay ng sagot sa hangin.” Sabay subo ng Byul ng spoonful ng ulam naming dinakdakan
“Huy! Huwag mo namang ubusin yang ulam! Ang daya mo eh! Ako pinabili mo ng meat na meal tapos ikaw gulay lang binili mo pero halos ubusin mo na.”
“Gwanohn chalagra pre, nagchichipird” usal nya habang puno pa ng pagkain ang bunganga nya.
Di na nahiya sa mga ilang student nurses na pinagtitinginan na kami
“Ano sabi mo? Lunukin mo na nga muna yang nasa bunganga mo.”
“Sabi ko nagtitipid ako.”
“Bakit ka naman magtitipid aber? Hoy Moonbyul, wala kang bayarin at gastusin. You don’t me ah.”
“P’re, atin atin lang ah?”
Kinabahan ako. Shet! Nagdrodroga yata si Byulieeeeee!
“Byul, kung ano man ang pinagdadaanan mo, malalagpasan mo yan. Sumuko ka na habang maaga pa. Ayaw kitang maoplan Tokhang. Pwede ka pa magparehab. Di pa naman huli ang lahat.”
“Anak ng Bear Brand ka pala eh”
“Aww aray! Huwag namang batok oh.” Sakit makabatok eh
“Eh ano nga pinagakakagastusan mo. Malay ko ba if nagco ka, sa laki ng gums mo, malamang dyan mo kinikiskis”
“Oo ganda mo rin eh noh. Eh ikaw laki ng tenga mo. Mukha ka pang oso na bagong gahasa.”
Di talaga ako mananalo sa tikbalang na to.
“ Anyway… Ayon na nga p’re, malapit ko na kasing mabuntis si Solar, kailangan ko nang paghandaan ang panganganak nya. Syempre bibigyan ko ng magandang buhay ang mag ina ko. Kukuha ako ng education…”
pak
“Aray ko Seul! Bakit naman sampal?!”
“Para matauhan ka, hayup ka eh. Puro ka biro kasi”
“Hay naku di ka na talaga mabiro nitong mga nakaraang araw. Chill p’re, seryoso ka masyado eh. Ganito kasi yan. Minsan sa buhay, you just need to go with the flow. Di kailangan ng sagot sa bawat tanong mo. Alam mo yung tinatawag na Tadhana ? Syempre di mo alam yun kasi half of your life you just played around eh.”
Sapul.
Oo, I just played around pero alam ko naman ko naman kung ano ang Tadhana.
Natahimik ako..
“Huy p’re, juk lang, ito naman, din a mabiro maramdamin pa. Huwag ka na malungkot. ANo ba maitutulong ko sayo? Gusto mo kidnapin ko si Dra. Irene tapos ideliver sayo? Maliit na bagay, sus!”
.. ..
“Hayyy Byul, bakit ba hirap intindihin ng mga babae? bakit ba kasi ako naging ganito, siguro mas madali intindihin mga lalake noh? Sana naprogram na lang tong puso ko na magmahal ng lalake. Parang mas simple ang ganun eh.”
“Hotdog? Ewwwww! Buhay na hotdog?!! Ewwwww!!! Kaw na lang maghotdog”
----
Ganun lang ang buhay ko, Lorma-Santol, Santol-Lorma. Mag-isa ako sa apartment ko sa Lorma, hanggang dito sa Santol ba naman mag isa pa rin ako? Di na naglagi si Tzuyu dito sa accommodation mula noong mag isa na lang sya. Araw araw syang umuuwe na lang, which is safer at convenient kasi andyan naman si Sana na naghahatid sundo sa kanya. I guess they are back in each other’s arms again.
Natatawa na lang ako habang minamasdan ang kisame ng tinutuluyan ko. I deserve this, this whole miserable situation. Naghangad ng dalawa, nawalan dalawa.
Lahat ng pangit na nagaganap deserve ko. Isa lang ang di ko deserve, ang mahalin ulit. Walang nakatakda sa isang tulad ko. Karma ko.
What’s next in my life? Wala akong maisip, siguro mamundok na lang ako forever para magkaroon naman ng silbi tong buhay ko.
--
Nasa last phase na ako ng research, at happy ako sa magandang feedback ng board dito. I presented this already also sa panel ng DOH, and they have nothing but praises. I received an offer din from Pfizer to work in one of their main labs.
Tempting masyado yung offer, tanga lang ang tatanggi dito, bukod sa sobrang taas na paycheck, you’ll be known in your field, you’ll live a comfortable life too. Sabi ko tanga diba?
Eh si Kang Seulgi ako, ang numero unong tanga. Ayun tinanggihan ko. Gusto nga akong ilublob nina Joy sa sopas na hinihigop ko noong kinuwento ko sa kanila ang nangyare. Di rin ako nakaligtas kay boss, halos iraspa nya ako nung narinig nya ang balitang pagtanggi ko. Nahimasmasan lang sya noong sinabe kong pwede pa magbago ang isip ko.
Assumera na kung assumera, pero somewhat naging Masaya ka sa pagdecline ko ng grand offer na yun. Unlike Tzuyu na nadismaya din sa desisyon ko pati na si Dra. Yuri.
Are you perhaps happy na di ako lalayo? Malulungkot ka ba if tinanggap ko yun? I tried approaching you, naglakas loob akong lapitan ka, not once, not twice. Pero lagi mong sinasabi na may meeting ka pa, may conference ka pa, maglalaba, magpaplantsa, magsashopping pa ng downy. Napakailap mo. Bakit di ko ba naisip na baka iniiwasan mo lang ako.
And I try, and I try, I can’t get no…satisfaction (Please huwag kantahin, sa June pa concert ni Britney)
2 weeks na lang siguro, matatapos na buong manuscript. Nag oovertime na ako ng bongga para mahabol ang deadline. Gabi na ako nakakauwe. At kung malas malasin pa, aabutan ka pa ng malakas na ulan. Mag alas-siyete na ng gab
Comments