Desisyon

Tadhana
Please Subscribe to read the full chapter

Di ko alam kung kanino ko itutuon ang aking tingin sa 3 tatlong taong nasa harap ko ngayon. Sa nanlilisik ba na tingin ni Dra. Yuri kay boss? Sa clockwise-counter clockwise na pagroll ng eyes ni boss? or sa babaeng nagpatigil na naman ng ikot ng mundo ko?

 

“Long time no see Kim. Ano maipaglilingkod ko sa pinagpipitagang si Kim Taeyeon?” may pagkasarkastikong bati ni Dra. Yuri

 

“Oh hello Kwon, it’s NOT nice to see you. Well,  as much as I want to talk to you, we came here with a purpose,if you will excuse us, we would like to discuss matters with Dra. Kang Seulgi, privately.”

 

May bigat ang bitiw ng salita ng bawat isa sa kanila, pero di ko na napansin masyado if nag-iirapan na sila or nagkakwelyuhan na dahil ang atensyon ko ay nakatuon na naman sayo.  Mula sa pagkunot ng noo mo, sa pagsalubong ng kilay mo hanggang sa bilang na buntong hininga mo hindi nakaligtas sa obserbasyon ko. Wala na bang bago? Ganito na lang ba ako lagi?

 

“Magandang umaga ate Yuri, sorry for this abrupt visit, we didn’t expect to see you here. Uhmmm, may ire-relay lang kaming message kay Dra. Kang. If pwede sana i-excuse sya sandal from her post.”

Grabe lang, parang kailan lang naman kita nakita ah, pero bakit blooming ka ngayon?  Iba ang ningning ng mata mo kumpara noong huling pagkikita natin. Ang ganda ganda mo pa rin talaga…. Hayyyy

 

“Seulgi”

“Seulgi!”

 

“Ha… Ha boss?”

 

“Tsk. Still the same bear, sabihin mo nga sa akin, paano ka nakapasa sa medisina? Paano ka nakakapagsulat ng mga publication na nafifeature sa mga international medical magazines? Eh daig ka pa ng gold fish na may 2.3 seconds na attention span.”

 

….

 

“So, Seulgi, kamusta ka naman dito? I heard na marami raw talagang mga katutubo na dumarayo dito pa para magpakonsulta. That’s expected anyway, inactive ang health care delivery system ng Santol, not until these past 2 years of Lorma’s initiative in rehabilitating its centers and medical missions. And while I’m talking, will both of you refrain from eye-s3xing each other? I’m here, you know.”

 

“Ate!!!!”

 

Namumula mong binaba na lang ang ulo mo habang nakatingin sa bitak bitak na flooring ng clinic room ko dito sa center.

 

“Ayun na nga, gaya ng sabi ko kanina, may pinunta kami dito. And please, this is not about personal matters at all kaya huwag kang mag-assume na dinadalaw ka lang namin para kamustahin.  Nandito kami to ask you if… kaya mo bang ibuod ang talambuhay ni Rizal in 140 characters? Di joke lang. Irene, help me here, di ka naman pumunta dito para magpacute lang kay Seulgi di ba?”

 

“Ate naman! You start, ikaw ang magpapaliwanag sabi mo?” namumula pa rin ang mukha mo habang sinusubukang i-compose ang sarili mo. Aren’t you cute?

 

Teka nga, kanina pa sila nagsasalita, ano ba talaga ang purpose nila ng pagpunta dito? Paligoy ligoy silang dalawa. Huwag nila sabihing pinababalik ako sa Lorma, di naman ako ganun kaprestigious pa para ipadala pa dito sa Santol ang dalawa sa may pinakamataas ng posisyon sa Lorma para i-convince ako to go back? At wala akong balak bumalik na dun noh, my work is here in this area.

 

“Yes Seulgi, seryoso na. Remember your research proposal about Gestational Diabetes? It got accepted by the international pharmaceutical company and the Department of Health is highly endorsing this research and that they want to pull you out from the DTTB program to complete this study.”

“Boss…..”

“Yeah, I know, nagulat din kami, this is a very big opportunity sa career mo Seul, not everyday may narerecognize na OB Gyne doctor sa research industry.”

 

I dreamed of doing a research to make a difference, ayokong mamatay na lang ako na isang nugu, I want to make an impact  sa buhay ng tao. Though I already affected lives by being a doctor, being a well known researcher and OB Gyne advocate will help not only the people but also my professional growth as a health care provider.

 

“You don’t need to decide now Seul, we’ll give you time. Here’s the contract, read it thoroughly, if may gusto kang ipamodify or kung may points kang gustong i-clarify, you can contact me… I mean Dra. Kim.”

 

Napansin mo yata ang confusion ko kaya, binigyan mo ako ng chance. Sino ba naman ang hindi macoconfuse. Accepting and signing the contract means, iiwan ko ang Santol at ang trabahong minahal ko na, I have an unfinished business also with Tzuyu. And di ko pa sure din if kakayanin kong makatrabaho ka muli. Especially sa nabasa ko yung part ng contract na sa Research and Education department na ako ng Lorma, hindi na sa OB, meaning I am directly under administration, under you. Hindi kaya pa ng puso ko. Pero sino ang niloko ko? Syempre, I prefer the place under you, shet , I want to be UNDER YOU Bae. Landi ay, parang di nabrokenheart.

 

“Okay, alis na ako, iiwan ko na si Irene dito.” Sabay tayo ni boss

 

“Ate naman. Seul, please call us sa kung ano man ang magiging desisyon mo. We’ll respect whatever the outcome is. Just make sure, masaya ka sa gagawin mong hakbang. And,…”

 

“And?”

 

“I missed you, I really missed you Seul. Please come back…”

I missed you more than you know.

 

“Magtititigan lang ba kayo? Di ba kayo magyayakapan man lang or maghahalikan? Ang tagal mong hinintay toh Irene, andyan na si Seul oh. Hawakan ko ba para di makapalag?” natatawang tugon ni boss

 

“Umalis ka kasi muna ate, magbonding muna kayo dun ni ate Yuri, I’m sure namiss nyo ang isa’t isa. Kaya shooo, labas ka muna.”

 

Di ko inexpect na ganito ka-bold sa nararamdaman mo. Part of me is kinikilig, the other part is nililibugan. Tangna

 

“Tok tok tok”

 

Anak ng palaka.

Sumilip si Nayeon mula sa pinto, “Doktora, lunch na daw po sabi ni Dra. Yuri, tawagin mo din daw po mga kaibigan nyo.

 

“Kain muna kayo bago umalis, napagod kayo malamang sa pagtunton sa akin.” Imbita ko

 

“Ah hindi na, kumain na kami kan…”

Brrrog brrrorgg

 

“Your tummy says the other way around though, halika na, daanan natin si boss sa labas, I’m sure gutom na din yun, di pa naman sanay na nalilipasan ng gutom yun.” Yakag ko sayo

 

 

...

 

It’s too late nung narealize kong andyan din pala si Tzuyu, akala ko naghouse visit sya. Bakit nakabalik ba sya agad?

 

“Guys, si Dra. Taeyeon and Dra. Irene nga pala, mga kaibigan ko sa Lorma dati. Boss, Irene, mga nurse namin dito, si Nayeon, Mina, tapos si Dra. Kwon ang head, and Dra. Chou sa Medical clinic. Uhmm, I think magkakilala na yung iba sa inyo?”

Ito na ang pinaka-awkward na hapag kainan na kinainan ko, at kahit di ko pa alam ang “something” kina Boss and Dra. Yuri dati. Di ko man alam ang nakaraan nila, alam kong hindi yun maganda, base sa tinginan at irapan nila.

 

Di rin nakatulong ang sweet gestures pa rin ni Tzuyu kahit may konting “tampuhan” pa rin kami sa isa’t isa. Tuloy lang ang paglagay nya sa pinggan ko ng kung ano anong ulam. Territorial it seems.

 

“Kain ka marami lalabz, di ka pa nag umagahan kanina. Eto pa, arosep oh, bigay ng nanay kanina sa home visit ko, alam kong paborito mo yan kaya rinamihan ko ang pagdala.” Sabay ngiti nya ng pagkatamis tamis

 

Sa tabi ko naman, nakikita ko na through may peripheral bird’s eye view 300mm telephoto lens na umuusok na ang ilong ng dragon.

 

“Irene…”

 

Shet tahimik na bumubuga lang sya ng apoy. Di mo naman cguro i-flip yung table….

 

“Dra. Kim, ang ganda nyo po pala sa bagong infomercial ng Lorma, kayo din po Dra. Bae, pwede po ba ako magpapicture mamaya?” na ah, lumabas na ang inner fangirl ni Nayeon.

Naikwento ko kasi sa kanya dati na head ko ang the Kim Taeyeon  dati sa Lorma. Di ko naman inexpect na fan pala itong si Nayeon, nakasave sa phone nya ang Interview ni boss sa TV Patrol Northern Luzon.

 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
akosimithi
See you next time...

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
#1
Chapter 1: Just discovered this! Will read it na 🥹
ereni_r #2
Chapter 30: Thank you for writing this po. I only started reading last night and finished it this afternoon. Buti madami idle time, hehe. Gem ito, I love the writing style. May comedy pero hindi naman corny and hindi din pilit. And I love how you gave justice sa characters ng SR as doctors. Sobrang bagay talaga ng white coat kay madam, huhu. Thanks for this po! Will move on sa other fics mo pa.
ereni_r #3
Chapter 6: Si Seulgi kababalik lang from suspension, ang dami na agad ginawa sa hosp. 🤣 Ang ganda po nito. Salamat po sa nagdala sa timeline ko. Hahaha
RedRose0289
#4
Chapter 30: Wow.
That was....🥰😍🥰
Thank you Author for this story...

Mejo kalungkot lang nung nabasa ko si Tootsiepop Authornim..
Deactivated pa rin xa...kala ko F.I.F.O next nyang tatapusin eh..😭
RedRose0289
#5
Chapter 23: Hirap tumawa sa 12:30 ng umaga Author...
Heheehe...
"Number 1"
Pati ako napasigaw sa isip eh...may mura pa nga..damuho tlga.😂🤣😂
RedRose0289
#6
Chapter 21: 🥺🥺🥺
Alexa play Beer by IW: Giliw~ wag mu sanang limutin...
ang mga araw na hindi sana natapos..
Sheessshh..for a 6 year old story(completed)
How are you na Authornim? Mukang nasa medical field ka din by reading these medical terms...
RedRose0289
#7
Chapter 19: Oooppsss...what are the odds Seulgibear...hehehehe..
Minsan tlga mapang.asar ung buhay di ba? Nilalapit pa lalo ung mga taong gusto mung iwasan...ahahahah
RedRose0289
#8
Chapter 18: Ganitong-ganito ung kapatid ko eh...
Ung mag.re.reading from Meralco...sinigaw ba naman na jowa ko daw...nasa mejo loob kasi ung kontador namen...
Bwiset...ahahahaha
RedRose0289
#9
Chapter 16: Ahahaha...nagpasintabi na agad si Author-nim sa AN nya ah..hehehe...mga Ending nga namn kasi ng TzuGi eh literal na chugi ang loveteam eh..hehehe..
Labyu Bebe Tzu😘
RedRose0289
#10
Chapter 15: Napadami ung lagok ko ng kape ngayong gabi sa chapter na'to ah.hehehe...
Minsan cguro space and time ung need to realize whats worthy.astronaut yarn?..hehehe...ay huhuhu pala.