First Day High
Tadhana
“Eto si Nayeon at Mina, sila mga nurses dito sa center. ” Walang ka-affect affect na pagpapakilala ni Dra. Chou sa dalawang nurses
Ano bang problema nito sa akin? Ang sungit sungit, di naman kagan.......dahan….
Okay, maganda sya. Pero hindi yun nagbibigay ng karapatan sa kanya para irap irapan ako.
“Alas otso nagsisimula ang consultation, pero dapat 7:30 nandito ka na kasi mag-aayos pa tayo ng mga upuan at mga gamit. Alas kwatro ang uwian pero na-iistay kapag may pasyente pa, alam mo naman na for the people ang trabaho natin dito. Bawal tatamad tamad, kung sa pinanggalingan mo paupo upo ka lang habang naghihintay ng pasyente, dito hindi, minsan, naghohomevisit pa nga kami.”
“Excuse me, Dra. Chou, to tell me na paupo upo lang ako sa hospital na pinanggalingan ko is blowing an insult, wala kang alam sa clinical experience ko.” Palaban kong sagot
Hindi ako nakatiis sa panghahamak nya sa akin at sa naging trabaho ko sa Lorma.
“Oh well Dra. Kang, it’s not nothing compared to my experience here in the community. So might as well agree to me when I say na mas experienced ako sayo. First timer ka sa ganitong sitwasyon. Matuto kang mag adjust at makisama.”
Anong galit nito sa akin? This is my first time meeting her and she is treating me like a crap. Wala naman kami sigurong past nito?
“Hindi naman kita naging ex no?” pang-aasar ko, makabawi man lang
“What? Eww no!”
“Just making sure na hindi ako ganun katanga noon.” Sabay smirk ko. Take that, bully.
“You know what? I am not liking your attitude, senior mo ako, you should follow the rules and MY rules.” Nakataas ang kilay nyang tinugon
“You know what DIN, ang sabi sa job description ko, ‘reports to head of center’ hindi ‘reports to resident’. Pareho lang tayong residente dito, kaya don’t deal with me like you are my superior, have you heard of vertical and horizontal communication and delineation of accountabilities?”
Di ko naisip na magkakaroon ako ng ganitong engkwentro sa unang araw ng trabaho ko. Sa kapwa ko pa talaga manggagamot, na unfortunately ay makakasama ko sa 2 taon na stay ko dito sa Santol. What a life. Pwede ba magpalipat?
“Oy oy oy, ano yan? Bakit may naririnig akong nagsasagutan?!”
Hay sa wakas, kanina pa kita hinihintay Dra. Kwon. Sabihan mo ‘tong antipatika na to, hindi ako tinuturuan ng matino.
“Dra. Kang, kabago bago mo, you are starting already an adversity? What is this? Be professional naman. Pareho kayong doctor, hindi pasikatan dito. Maraming mga taong nangangailangan ng serbisyo nyo, kaya imbes mag-argue kayo, tignan nyo na lang mga pasyente.”
Asan na ba yung kuliglig or pasagad, uwi na ako. Ayoko na!
Pero again naalala ko ang playlist ko..
Work - Rihanna
Work - Iggy Azalea
Work It - Missy Elliott
Work B*tch - Britney Spears
Work From Home - Fifth Harmony
Si DOH secretary Paulyn Ubial dapat ang aking role model. She has 27 years of experience in public health. Grabe, nakatiis sya?
Kaya huwag kang susuko Kang Seulgi. Fighting!
--
“Dra. Kang, ako nga po pala si Nayeon, ako po makakasama nyong nurse dito sa OB clinic. Welcome po dito sa center, pagpasensyahan nyo na po si Dra. Tzuyu, may pagkasuplada po, pero mabait po yan.”
Buti pa ang nurse mabait….
“Hello Nayeon, nice to meet you, pasensya na at nawitness mo pa yung argument namin.”
“Okay lang po Dra. Naintindihan ko po kayo. Maiba po pala ako, pwede na po ba tayo magsimula? Ang dami na po kasing nakapila dito sa clinic mula pa kanina nang nabalitaan nilang may OB-Gyne Doctor.”
“Ah sige sige” sagot ko habang napapakamot na lang sa ulo dahil ang buong akala ko orientation day pa lang ito, kung ano ang scope ng trabaho ko, kung ano ano ang mga procedures na allowed, kung ano mga instruments na available sakaling magpaanak, kung saan ang referral hospital kung sakaling magtratransfer ng pasyente, etc etc.
Pagkaupo ko palang, nag-unahan na ang mga pasyente sa pagpasok sa munting silid.
Kung makipagtulukan sila ay parang mga hindi buntis. Daig pa MRT kung magbungguan kapag rush hour. Aba mga ateng, dahan dahan naman, magtrigger yan ng panganganak nyo, hindi ako prepared magpaanak sa ganyan kadami.
“Dahan dahan lang po, lahat po kayo matitignan. Kumalma po tayo.” Malumanay kong instruction
Patient 5
Seulgi: Ano po yung naging sakit ninyo?
Buntis: May ketong daw po ako
Inexamine ko ang balat ni nanay, wala naman akong makitang senyales ng ketong
Seulgi: Sigurado po ba kayo nay na may ketong kayo?
Buntis: Eh yun po ang sabi ng doctor na tumingin sa akin sa kabilang bayan, mataas daw ketong ng ihi ko dahil may diaebetes po ako.
Seulgi: Ah ketone po yun (Ang positive ketone sa ihi ay senyales ng kumplikasyon ng diabetes)
Patient 34
Seulgi: Ano yung sinabe po ng doctor dati sa naging sakit ng huling pinagbuntis na anak nyo po?
Buntis: Eh doktora, sabi po nya Tragedy of Fallot
Seulgi: Ah baka po Tetralogy of Fallot (Isang Con Disease)
<
Comments