Chapter 8

Meant To Be Together

Cebu

 

Pinagmasdan ni Kim ang nakahigang ina. May humihiwa sa puso niya habang pinagmamasdan ang sakiting ina. Bakit ba naman kasi hindi sila pinanganak na malusog, salat na nga sila sa pera, pareho pang mahina ang kanilang katawan. She hated to leave her. But she had to! Kailangan niyang tanggapin ang scholarship sa Maynila dahil yun lang ang paraan upang makaahon sila sa kahirapan. Ang sabi ni Kikay masyado daw kung magtrabaho ang kanyang ina kaya naisugod ito sa ospital, sobrang pagod at stress ang dahilan ng pagkakasakit nito.

 

Yumuko siya and planted a soft kiss on her mother’s forehead. Bahagya itong gumalaw at nagising.

 

“Anak, anong ginagawa mo dito?” nanghihinang sambit nito.

 

Kusang tumulo ang kanyang luha na agad din niyang pinunasan, ayaw niyang makita siya ng kanyang ina na umiiyak, kailangan niyang maging matatag para dito. Agad niya itong niyakap ng mahigpit.

 

“Ma, sabi ko naman sainyo na wag kayo masyado magpapagod, tignan niyo tuloy ang nangyari”

 

Nginitian lamang siya nito at hinalikan ang kanyang pisngi.

 

“Ma naman, pinag-alala niyo ako ng sobra”

 

“Kim, ayos lang ako, ikaw nga itong inaalala ko, akala mo ba hindi ko alam na minsan kang hinimatay doon, buti nalamang at nakita ka kaagad ng kaibigan mo”

 

Hindi na niya nasabi noon sa kanyang ina ang pagkakaospital niya, ayaw niya kasi itong mag-alala, kahit ito ang hinanap niya noong naospital siya hindi niya nagawang masabi dito ang nagyari sa kanya, mahigpit na bilin niya kay Kikay na wag sasabihin sa kanyang Mama, pero wala siyang magagawa reyna talaga ng kadaldalan ang baklita niyang kaibigan.

 

“ikaw talaga Mama! Ako pa ang inalala niyo eh ang lakas lakas ko kaya, tsaka yung nangyari sakin wala lang yun, nasobrahan lang ako sa pagpupuyat kaka-aral.”

 

“Oo nga Mother, wag niyo alalahin yang si Kimimay kahit naman payatot yan malakas yan, diba sister?” sabat ng kanyang kaibigang si Kikay.

 

“Tumigil ka nga diyan Kikay, wag mo ng pagtakpan yang kaibigan mo”

 

“Eto naman si Mother, hindi ka na nasanay diyan, may sa  pusa yata yan si sister, mahaba pa buhay niyan noh, kaya wag mo yang alalahanin lalo na ngayong may nag-aalaga diyan” ngumiti ito na may halong kilig kaya naman nakurot niya ito sa tagiliran nang lumapit ito sa kanya. Napangiwi ito sa sakit

 

“Lumabas ka na nga Kikay, mag-uusap kami ni Mama dun ka muna sa labas”

 

“Lalabas na talaga ako, you’re soooo mean sister, papasain ata ako sa kurot mo! Hmpf! Dun nalang talaga ako sa labas, aantayin ko si Fafa Gerald, aahasin ko siya sayo! Tse!” nagwalkout na ang bruha.

 

Muli niyang tinignan ang kanyang ina, seryoso siya nitong pinagmamasdan.

 

“Ma? Wag kayo magagalit ha, mabait naman po si Gerald, promise wala kaming ginagawang masama”

 

“Oh, wala naman akong sinasabi, hindi pa nga ako nagtatanong, napaka defensive mo talaga anak” Ngumiti ito.

 

“Promise mama mabait siya, siya din ang dahilan kung bakit ako nakauwi dito, siya din ang nag-alaga saakin noong magkasakit ako. Magugustuhan mo siya Mama.”

 

“May tiwala ako sayo anak, basta tandaan mo bata ka pa, wag na wag mong pababayaan ang pag-aaral mo kahit na anong mangyari, Kim wag na wag mong hahayaang mawala ang scholarship sayo. Kung saan ka naman masaya, masaya na din ang Mama para sayo.”

 

Lumapad ang kanyang pagkakangiti at muling niyakap ang ina.

 

“Oo naman mama, hinding hindi ko hahayaang mawala ang scholarship saakin, gagawin ko ang lahat para makatapos ako agad sa pag-aaral. Salamat mama”

 

Dumating si Kikay na may dala-dalang dalawang basket ng iba’t ibang klase ng prutas.

 

“Tama na ang drama, lafang na tayo, nanjan na si Fafa kong yummy ang daming dala oh.”

 

Pumasok si Gerald. Ngumiti ito sa kanila bitbit ang mga plastic na may lamang pagkain. Hindi na siya nasamahan nito pagpasok ng ospital kanina. Nauna na siyang bumababa at bumili naman ito ng pagkain. Wala silang pahinga matapos ang biyahe. Agad kasi silang dumiretso sa ospital.

 

“Magandang gabi po”

 

Lumapit ito sa kanya, agad naman siyang tumayo at kinuha ang pagkain dito, ipinaakilala niya ito sa kanyang ina.

 

“Mama si Gerald po”

 

“Kamusta po kayo?” Umupo ito malapit sa kanyang ina. Nagmano ito at humalik sa pisngi.

 

“Mabuti naman, salamat sa pagsama mo kay Kim, masaya akong makita ulit siya.”

 

“Wala po yun, at tsaka gusto ko din po kayo makita.”

 

“Salamat hijo, napakabait mo, gwapo ka pa, wag na wag mong pababayaan ang anak ko ha, aalagaan mo siya”

 

“Eto naman si Mother, buririt kung makahabilin kala mo naman sinusundo ni San Pedro, sorry Mother wit ka pa tatanggapin doon, mga 100 years pa kayo kasama namin, no choice kayo, makikita niyo aketch everyday.”

 

“Wag mong pansinin yang baklitang yan hijo, may katok na talaga yan sa ulo”

 

Nagtawan sila, pero agad din sumeryoso ang mukha niya sa mga nagiging palitan ng usapan ng kanyang ina at ni Gerald. Hindi niya maalis sa kanyang sarili ang matakot at mag-alala.

 

“Opo naman po, hinding hindi ko pababayaan ang anak niyo, mahal na mahal ko po ito” sabi ni Gerald habang pisil pisil ang kanyang kanang kamay.

 

“Tatandaan ko yan, mumultuhin kita kapag sinaktan mo itong anak ko” nakita niya din ang naging reaksyon ni Gerald at Kikay na sumersyoso.

 

“Ano ba yang pinagsasasabi niyo Mama, wag nga kayo magsalita ng ganyan. Mauunang mag multo si Kikay bago kayo” biro nalamang niya.

 

“Mother dear, kinikilabutan ako sa mga sinasabi niyo, lumafang na nga lang tayo” sabi ni Kikay at inabot ang supot ng mga pagkain.

 

Nagpaalam naman siyang lumabas muna. Pagkalabas na pagkalabas niya agad na umagos ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Naitakip niya ang kamay sa bibig upang hindi marinig ng mga ito ang kanyang iyak. Pero agad din naman siyang sinundan ni Gerald sa paglabas niya. Niyakap agad siya nito at hinayaang umiyak.

 

********************************************************************************

 

KINABUKASAN ay nailipat sa mas magandang private room ang ina ni Kim sa tulong ni Gerald. Nabayaran na din ang hospital bills at naibili na ng gamot ang kanyang ina, gusto man niyang tumanggi sa lahat ng tulong ni Gerald ay hindi niya magawa, kinapalan nalamang niya ang kanyang mukha dahil walang wala din naman sila, mabait talaga ang Diyos dahil ibinigay sa kanya si Gerald. Pauwi na din sila ng araw na yun, kailangan na nilang bumalik ng Maynila, balak niya sanang magpaiwan ngunit hindi siya pinayagan ng kanyang ina, maayos na daw ang pakiramdam nito mas importante daw na wag siyang lumiban sa klase.

 

Bago sila dumiretso sa airport ay dumaan muna sila ni Gerald sa kanilang bahay kasama si Kikay. Nasa labas si Gerald may kausap sa cellphone habang siya ay kausap si Kikay.

 

“Kikay salamat sa pag-aalaga kay Mama ha, buti nalang talaga nandiyan ka habang wala ako”

 

“Sus, ano ka ba wala yun, love ko din naman yan si Mother”

 

“tignan tignan mo siya lagi dito ha, tsaka please pilitin mo siyang wag magtrabaho ng magtrabaho, alam ko kasing nagiipon yun para sakin, hindi nanaman kailangan kasi libre naman ako lahat dun sa Maynila.”

 

“Don’t worry sis, ako na ang bahala diyan kay Mother, igagapos ko yan kung kinkailangan para hindi maglaba diyan sa kapitbahay”

 

“Sa totoo lang natatakot na ako sa mga pinagsasabi ni Mama kagabi eh”

 

“Wag mong intindihin yun, ume-echos lang yun, akong bahala”

 

“Salamat talaga ha, love na love talaga kita” niyakap niya ito.

 

“ Tama na nga yang drama, kagabi ka pa ha! Maga na yang mata mo, kung makaiyak at puyat ka kala mo naman si superman ang lakas ng katawan mo, kitang kita ko tuloy na alalang alala si Fafa yummy sayo.”

 

“Oo na, hindi na ako iiyak, mukang okay na naman si Mama eh” ngumiti siya dito.

 

“Oh sige change topic na tayo, masyado nang expose sa usapan si Mother, si boyfie mo nalang paguspan natin. Sister, ang swerte mo diyan kay Fafa yummy ha! Kagwapo ni Gerald tapos ang yaman yaman at ang bait bait pa”

 

“Swerte din naman siya sakin noh”

 

“Ayyyy ang taray! Sabagay swerte talaga siya sayo, aba kahit ba probinsyana tayo magaganda naman tayo noh!”

 

“Talagang tayo?”

 

“Laiterang palakang toh!”

 

“Joke lang naman, ikaw talaga bakla, syempre pretty pretty ka din like me”

 

“Yan naman ang gusto ko sayo, were sisters”

 

“Pano nga ba naging kayo niyan? Akala ko ba hindi ka muna magboboyfriend aber”

 

“Haaayyy ganun pala talaga pag tinamaan ka bakla, wala na, sapul na sapul eh”

 

“Hmmmm… ang bataan intact pa naman ba?”

 

Pinamulahan siya ng pisngi, naalala niya kasi ang nangyari noong makita siya ni Gerald sa banyo.

 

“Hoy bruha ka! Bakit ka namula??? Wag mong sabihing bumigay ka ha! “ Tumaas ang kilay nito.

 

“Gaga hindi noh! Ikaw talaga ang dumi dumi ng isip mo! Gentleman ang honey ko”

 

“wusshuuuuuuu lumalandi, honey honey pa!”

 

“Pero seryoso bakla, mahal na mahal na mahal na mahal ko yung mokong na yun!”

 

“Nakikita ko naman, pati siya, mukang tinamaan ng 13 caliber ni kupido sayo!

 

Tumawa silang dalawa.

 

 

KAUSAP ni Gerald si Fred, hinahanap kasi siya nito, hindi sanay ang mga barkada niyang basta basta nalang siyang mawawala.

 

“Bro, hanep ka talaga! Nakarating ka nang Cebu agad agad?, hindi mo manlang kami sinama ni droga boy!!”

 

Natawa siya sa kaibigan, simula kasi ng sinabi ni Kim na droga boy ang tawag niya kay Jimmy ay naging droga boy na din ang tawag nila ni Fred dito.

 

“Hindi ako nagliliwaliw dito sa Cebu, baka pag sinama ko kayo dito magkalat pa kayo, sa ospital kami dumiretso, naospital ang Mama ng honey ko eh”

 

“Naninibago talaga ako sayo bro, aba hindi ka na nagpapakita samin ah”

 

“Araw araw niyo kaya ako nakikita sa campus”

 

“Sa campus bro, pero hindi ka na namin nakakasamang gumimik”

 

“Pass na ako diyan, alam niyo namang lapitin ako ng chicks, mahirap na”

 

“Tindi mo talaga, may girlfriend ka palang sa lagay na yan ha! Eh pano pa pag nag-asawa ka na! baka ni anino mo hindi namin makita ha!”

 

“Sira ulo! Siya siya sige babawi ako sa inyo, ngayon din naman ang uwi namin ni Kim diyan”

 

“Hindi ko talaga inaasahan na tatamaan ka ng sobra kay Chinita”

 

“Sapul pare eh, bumaon na sobra!”

 

“Anak ng! ang corny mo!”

 

“Inggit ka lang, dadating din ang araw mo”

 

“Oo pag hiwalay na kayo ni Chinita”

 

“Gago ka, mapapatay talaga kita pagbalik namin diyan”

 

Rinig na rinig niya ang hagalpak nito.

 

“Biro lang bro, sige bbye”

 

Pinatay na niya ang cellphone at pumasok sa loob ng bahay, naabutan niyang nagtatawan si Kim at Kikay. Napangiti siya, buti naman at nakakatawa na si Kim, sobra kasi siyang nag-aalala dito kagabi dahil hindi ito nakatulog, ramdam na ramdam niya ang malikot nitong pagkilos habang katabi siya. Kabilin bilinan pa naman ng doctor nito na wag dapat itong mai-stress. Kaya naman natuwa siya ng makita itong tumatawa, ang ganda ganda din kasi nito kapag tumatawa. Kapag pagod siya sa eskwela, makita niya lang itong tumatawa at nakangiti ng matamis sa kanya ay gumagaan na ang pakiramdam niya, minsan nga pati pag ngiti nito sa mga kaibigan niya ay pinagseselosan pa niya. Kitang kita niya kasi sa mukha ng mga kaibigan niya ang aliw pag ngumingiti si Kim sa kanila. Sumasama tuloy ang isip niya na baka ahasin ng mga ito ang girlfriend niya.

 

************************************************************************************

 

UMUWI si Gerald sa bahay nila matapos niyang ihatid si Kim sa dorm nito. Pagdating niya sa mansion ay agad siyang nagtungo sa hagdan.

 

“There you are, my son.”

 

Natigil siya sa pag-akyat  nang marinig ang tinig.

 

“Mom?” gulat na sambit niya. “What are you doing here?” May bahid ng iritasyon ang boses niya nang makita ang kasama nito.

 

“Hi Gerald how are you sweetie” Lumapit sa kanya si Natalie at humalik sa kanyang pisngi.

 

“Hey Natalie, it’s nice to see you again, kamusta?” Pinilit niyang ngumiti.

 

“I’m good, kanina pa kami dito ni Tita, where have you been?”

 

“Oo nga naman hijo, you’re not answering my calls, nakakahiya naman kay Natalie inaantay ka niya” sabat nang kanyang ina.

 

Ngumiti ang kanyang Mommy. “Maiwan ko muna kayong dalawa, matagal na din kayong hindi nagkita”

 

Alam niya ang gustong mangyari ng kanyang ina. Matagal na siya nitong inirereto kay Natalie. Gusto man niyang umakyat at magpahinga hindi niya magawa dahil ayaw niyang maging bastos sa bisita.

 

Umakyat na ang kanyang ina at iniwan sila.

 

“So kamusta ka Gerald, you’re looking good ha, natatandaan ko napaka nerd mo nung mga bata pa tayo” Ikinawit nito ang braso sa leeg niya.

 

“ Thanks, you too, always naman, and I’m great, actually kagagaling ko lang Cebu, kasama ang girlfriend ko”

Bahagya niyang inalis ang braso nito sa kanya.

 

Kitang kita niya ang pagkaalis ng ngiti sa mukha nito.

 

“Oh, Tita told me you don’t have a girlfriend, oh well, baka naman one of your toys”

 

Kumunot ang kanyang noo, nainis siya sa sinabi nito, hinding hindi laruan ang tingin niya kay Kim, mahal niya ito.

 

“ngayon lang naman kasi nakauwi si Mommy kaya hindi ko nasabi sa kanya, Kim is not one of my toys Natalie, I may sound corny to you, but I love her, so much”

 

“napakswerte naman ng Kim na yan kung ganun”

 

“Mas maswerte naman ako sa kanya, if you don’t mind Natz magpapahinga na ako, mejo pagod kasi ako sa biyahe, gusto mo ihatid na kita sa room mo?”

 

“No thanks Ge, I’ll be fine here, Tita toured me around the house while were waiting for you. Magpapahangin lang ako sandali.”

 

“Okay, maiwan na kita, goodnight”

 

“Go ahead sweetie, goodnight”

 

Umalis na siya, bago siya pumasok sa kanyang kwarto, kumatok muna siya sa kwarto ng kanyang ina upang makapag-goodnight na din, hindi nito kasama ang kayang ama nang umuwi, nasa Thailand daw ito at aabutin pa ng dalawang buwan doon. Naabutan niya ang kanyang ina na nanonood ng T.V

 

“Mom, mag-gugoodnight lang ako” Humalik siya sa pisngi nito. Pero tumaas ang isang kilay nito.

 

“Son, sabi ni Aleya na kumuha ka ng ticket papuntang Cebu kahapon?”

 

“Yes mom, aaahhh may sinamahan lang po ako”

 

“Anak, ano bang nangyayari sayo, sabi sakin ni Aling Susan hindi ka umuuwi dito pag weekends, tapos alam mo namang ngayon ang uwi ko, hindi ka umuwi ng maaga.”

 

“Sorry po, I didn’t expected na matutuloy kayo”

 

“Siguraduhin mong hindi babae ang sinamahan mo, itigil mo na yang pakikipag-date mo, nandito na si Natalie”

 

Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Pero kilala niya ang kanyang ina, gagawin nito ang lahat masunod lang ang gusto nito, kaya pinagpasyahan niyang wag muna sabihin ang tungkol sa kanila ni Kim, kakausapin nalang muna niya si Natalie.

 

“Mom, Natalie and I are friends, malalaki na kami, hindi na kami bata para ipagpareha niyo pa”

 

“Son, wala ka namang girlfriend, ganun din si Natalie, I know you like each other, mapapasaya mo ang mommy pag siya ang naging girlfriend mo”

 

“How can you be sure that I don’t have a girlfriend and so as Natalie?”

 

Masama ang naging tingin nito sa kanya, hindi na niya napigilan ang sariling sagutin ito, naiinis na talaga siya sa inaasta ng kanyang ina.

 

“Kilala mo ako Gerald, hindi ko matatanggap ang ibang babaeng dadalhin mo dito bukod kay Natalie, lalo na kung hindi natin ka-uri.”

 

Hindi niya inaasahan ang inasta ng ina. Hindi niya akalaing sumobra ang pagiging matapobre nito, kung nandito lang ang kanyang lolo siguradong maipagtatanggol siya. Kung dati ay lagi siyang nakasunod dito, hindi na ngayon, hinding hindi niya magagawang iwan si Kim.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
miel0806 #1
ms. liaaaaaaaaaaaaann kelan mo ito iupdate? :D update na pretty pretty please :D
honyou
#2
update ka naman
enderez #3
hi nameless...hope maka update ka ulit thanks
galomkg #4
Yes thanks sa update... gawa ka ng maraming marami para happy ulit kami:-):-)
KG4life #5
end na ng fanfic na 'to??!! thank you so much :)
nameless #6
iluvkimerald..hindi pa, may isang chapter pa, di ko pa tapos eh :))
iluvkimerald #7
nameless ?? tpos n b 2 ?? more chapter p ..
nameless #8
hoooyzzt may ipapabasa ako sayo... kaso sa tue. na, ieedit ko pa yun eh ep-ep hahaha
bambzy #9
ahaha...dito tayo mag usap.....:lol
nameless #10
Gagawa akong bago! Ikaw ang bida BAMBZEY ha! wahahahahaha<br />
<br />
Galomkg! joke lang yun hahahha