Chapter 21

Meant To Be Together

 

            KIM WOKE UP alone in bed. Nanatili siyang nakahiga, nag-iisip. Bumangon siya upang mag-ayos ng sarili. Napatingin siya sa side table kung saan naandoon ang orasan, alas dose na ng tanghali, siguradong kanina pa pumasok si Gerald sa opisina. Napatingin siya sa isang piraso ng papel na nakapatong malapit sa orasan. Kinuha niya iyon at binasa.

 

            Come and get Ralph, he is waiting for you to bring him home. – Gerald

 

            Mukhang nagbago na ang isip ng kanyang anak. Nagpapasundo na agad ito.

 

            Naligo agad siya at bumaba. May driver na nag-aantay sa kanya sa baba ng building. Sumakay na siya at nagbiyahe papunta sa bahay ng mga magulang ni Gerald.

 

            Gerald had made love to her repeatedly, paulit-ulit din nitong sinabi na mag-uusap sila pagkagising niya. So he had changed his plans too. Hindi manlang siya ginising nito kanina.

 

            Sa pagmumuni muni niya ay hindi niya napansin ang kanilang dinaraanan. They had just entered the massive gates where the Anderson resort was located. “Bakit po tayo nandito?”

 

            “Bilin po ni Sir na dito kayo dalhin, Ma’am.”

 

            Kahit nagtataka ay hindi na siya pumalag. Ano na naman kaya ang naisip ni Gerald at dito siya pinaderetso? Baka naroon ang anak niya.

 

            Nang dumating sila sa beach resort ay maraming tao, parang may kasayahang nagaganap. Pero wala siyang time makipagsaya. Pumasok siya sa loob ng rest house para hanapin si Ralph. Pagpasok niya ay lumapit sa kanya ang katulong at pinapupunta siya sa isang silid ng bahay.

 

            “Nandito ba si Gerald?” usisa niya dito

 

            “Nasa room po niya, Ma’am.”

 

            Ang herodes nandito lang pala hindi pa siya isinabay. Sa isip isip niya.

 

            “Pakitawag siya. Gusto ko siyang makausap.”

 

            “Opo. Sa room na lang po ninyo kayo maghintay kay Sir, ma’am.”

 

            Sumunod na lang siya. She was directed to a spacious, elegantly decorated bedroom.

 

            Agad na namataan niya ang isang white gown sa kama. Hindi niya napigilan ang sariling lapitan iyon. Hinaplos niya ang malambot na tela nito, parang wedding gown naisip niya. Maya maya ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang isang babae, nakangiti sa kanya.

 

            “Aayusan ko na kayo Ma’am.”

 

            “Huh? Bakit?”

 

            “Iyon po ang utos sakin ni Sir Gerald.”

 

            Namaywang na siya. “Teka, na’san ba siya? Gusto ko siyang makausap.”

 

            “Pinapasabi po niya na magkikita kayo mamaya sa party.”

 

            “Ayokong umattend ng party. Gusto ko lang siyang makausap!” Nagtaas na siya ng boses. Napakadami pang tanong sa kanyang isip. Hindi pwedeng ganito sila ni Gerald. Kelangan nilang mag-usap, party pa ba ang unang nasa isip nito.

 

            “Ehh…” ngumiwi ang pobreng babae sa pagtataray niya. Nahiya naman siya.

 

            “Ano ba ang occasion? Mukhang pormal.”

 

            “Sorpresa yata, Ma’am. Si Sir Gerald po ang nag pa-party.”

 

            At nagawa pang magpa-party nang lalaking iyon sa gitna ng nangyayari sa kanila? Minsan talaga iniisip niya kung anong utak mayroon ito. Inis na  inis na siya. Umupo siya sa isang silya paharap sa dresser.

 

            “Sige, ayusan mo ako.”

 

            The woman was just so happy to do her job.

 

            Minutes later, Kim was now looking at her reflection in the full-length mirror. The gown fitted her slender body perfectly. Of all gowns, puti pa ang napili para sa kanya. Feeling tuloy niya ay ikakasal na siya. Nailing siya.

 

            Then she saw the door open. Her son came running towards her wearing a white three-piece suit.

 

            “Nay, Nay! I missed you!” he shouted and gave her a big kiss and a tight hug.

 

            “Umm, I missed you too, baby!” Hinalikan niya ang anak. “Ang gwapo gwapo mo naman ngayon.”

 

            Ngumiti ito. Ang cute talaga ng anak niya. Lalong naging kahawig ng ama. “And you look so beautiful.”

 

            “Salamat.” She saw excitement in her son’s face. Parang may alam itong hindi niya alam.

 

            “Halika po, punta tayo sa labas.” Inakay siya ni Ralph palabas ng silid. Mukhang kabisado ng anak ang bahay dahil alam nito kung saan silang pasilyo liliko. Lumabas sila sa isang pinto patungo sa hardin. She immediately saw the gazebo decorated with flowers.

 

            Nakita niya na maraming tao ang nakapalibot sa gazebo. At nang makita sila ni Ralph ay lahat ng atensyon ng mga ito ay napako sa kanila. Natensyon tuloy siya. Tumingala sa kanya ang anak. Nagulat pa siya sa sinabi nito. “I love you, Nanay and Tatay loves you, too.” Pagkatapos ay nagmamadali itong tumakbo papasok sa loob.

 

            She frowned. Did he just say that?! Nailing siya, naawa sa anak. Inilibot niya pa ang tingin sa kapalgiran. Nakita niyang naandoon si Maja, kumaway ito sa kanya. Napangiti siya. Pero hindi niya inaasahan ang sunod niyang makikita, naandoon ang kanyang Mama, naandoon din si Kikay. Takang taka siya kung bakit nandoon ang mga ito. Lumawak lalo ang kanyang pagkakangiti, sobra na niya na-miss ang kanyang Mama at kaibigan. Pupunta na sana siya sa mga ito nang makitang papalapit ulit sa kanya ang anak, bitbit naman nito ang aso nilang si Muffin. Kaya pala wala ang aso ng magising siya kanina.

 

            Niyuko niya ito at hinalikan, saka kiniliti. Napahagikgik ito, mukhang ang saya saya.

 

            “Nay, Tatay wants to talk to you!” Ralph excitedly said. Hindi siya nakakilos sa sinabi ng anak na nakatakbo ulit. She just stood there motionless, afraid to see him. And then her senses were now telling her that he was now standing behind her. Then she heard his voice.

 

            “Kimmy..”

 

            Humarap siya dito. He cupped her face with his hands. Sinikap niyang makawala ngunit hindi siya nito hinayaan. “I love you. Do you love me, too? Did you ever love me? Yes or no.”

 

            “Teka, Ge ano ba? Ano nanaman bang trip mo—“

 

            Tinakpan ng labi nito ang labi niya. “Yes or no.”

 

            Her tears threatened to fall. Napangaga siya sa mga sinasabi nito. Ano ba to? On the spot, ang dami pa nilang audience. Wala talaga itong magawa sa buhay kundi pahiyain siya sa maraming tao. Bakit kailangan siya nitong pahirapan ng ganoon? Hindi pa ba sapat ang hirap ng kalooban na ipinaranas nito sa kanya noon hanggang ngayon? Kailangan ba talaga nitong hubarin sa kanya ang dignidad niya, ang pride niya? Iyon na nga lang ang mayroon siya. Kung sasagutin niya ito ngayon, paano pa niya ito pakikiharapan sa mga susunod na araw?

 

            “Answer me. Please, Kim. I need to know. I want to know. Please. Do you love me? Did you love me?” pakiusap nito.

 

            Lumuluhang hinawakan niya ang pendant na singsing. Sa palagay niya ay sapat nang sagot iyon sa tanong nito. “I kept this for so long. Dati halos hindi ko hubarin.”

 

            She bent her head, not wanting him to see her tears. He lifted her face with his hands, pinahid ang mga luha niya. Nanatiling dilat ang kanyang mga mata habang lumuluha. Ano pa ang gusto nito sa kanya?

 

            And the he kissed her. “I love you. I love you. I love you,” he murmured against .

 

            Ayaw maniwala ng isip niya. Nagsisinungaling lamang ito. Hindi totoo ang mga sinasabi nito sa kanya.

 

            Pagkatapos siyang hagkan nito ay inalis nito ang singsing sa kuwintas niya. “Let’s get married,” anito bago nito isinuot sa daliri niya ang singsing.

 

            “Tumigil ka sa kalokohan mo!” singhal niya rito.

 

            “Kim, you love me and I love you. Let’s get married. Iyon lang ang mahalaga sa akin ngayon.”

 

            “Sinungaling! Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa pero hindi ako naniniwala sa’yo. Hindi mo ako mahal. Hindi mo ako minahal noon. Sinungaling ka. Sinungaling ka mula noon hanggang ngayon!”

 

            “Kim, mahal na mahal kita noon, pero mas mahal na mahal kita ngayon.”

 

            Itinulak niya ito palayo sa kanya. “Paano ako maniniwala sayo kung hanggang ngayon ay nakatatak pa din sa isip ko yung mga salitang sinabi mo noon sa Mommy mo tungkol sa’kin? I was there, Ge. Dinig na dinig kita.”

 

            Naluluha itong tumitig sa kanya. Umiling ito.

 

            “Hindi mo maalala? Ipapaalala ko sa’yo.” Tumikhim siya bago nagpatuloy. “You really believe I’d become serious with her? You know me better than that, Mom. I was bored with my life. When I met her, I thought maybe a poor girl could spice up my life. I wanted to try something different. I have to admit, chasing her was kind of fun. She’s really an amazing girl. But it’s not as if I’m gonna marry her. . I’m not gonna spend my whole life playing with her. Alam ko kung sino ako. Alam ko kung anong klaseng babae ang nararapat kong pakasalan. I’m not stupid to fall for someone like her. This is just temporary, Mom. I’ll break up with her eventually. Ipagpalagay na mahal ko na po siya. Sa palagay niyo ba ay kaya kong tumagal sa mundo niya? I don’t love her that much. She’s just a plaything.”

 

            Nakakamangha ngunit hanggang ngayon, memorryado niya ang mga salitang nagmula sa bibig nito noon.

 

            Kahit napatawad na niya ito, hindi niya pa din pala kayang kalimutan ang mga sinabi nito noon. Kaya mahirap talagang paniwalaan ang sinasabi nito ngayon.

 

            Tila namamangahang napatingin ito sa kanya. “That’s why you accepted the money. Kaya mo sinabi ang masasakit na salitang sinabi mo noon para makaganti sa akin. You thought I meant those words.”

 

            “Wag kang sinungaling, Gerald. Kung  hindi sana mismo nangggaling sayo ang lahat, maniniwala pa ako. Ang kaso, narinig ko mismo.”

 

            Ikinulong siya nito sa mga bisig nito. Nagpumiglas siya ngunit hindi siya nito hinayaang makawala. Habang nag-uumalpas siya, lalong humihigpit ang yakap nito sa kanya.

 

            “Sinabi ko lang yon kay Mommy para tigilan ka na niya. Alam ko ang mga bagay na kaya niyang gawin sayo at sa Mama mo noon at ayokong mahirapan ka nang husto. Ayokong madamay ang Mama mo. Lahat ng narinig mo noon, it was my way of protecting you and your Mom.”

 

            “Hindi mo alam kung gaano kahirap sabihin ang mga bagay na yon. Ang hirap hirap magsinungaling. I was ready to introduce to you to my grandparents then. Alam kong kapag nakialam na si Lola, hindi na kayo mapapakeelaman ni Mommy. I was just waiting for the right time to tell Lola. Sayang nga lang hindi niyo na siya naabutan ni Ralph.”

 

            “In the meantime, I had to calm Mom down. I wanted her to think that I was not serious with you so she’d stop pestering you. Kung hindi mo sana tinanggap ang pera, noon pa tayo kasal. I wouldn’t have hated you so much for a long time. Sana nasa tabi mo ako nung pinanganak mo ang anak natin. Ang daming panahon na nasayang, Kim,” anito sa gumagaralgal na tinig habang hinahalikan ang sentido niya.

 

            “Nang dahil sa maling akala, ang daming panahong nasayang para sa ating dalawa. I wish I had known then. I wish you told me earlier. Nagkalinawan sana tayo kaagad. I love you so much, believe me. Please believe me. Please.”

 

            “Totoo ba yang sinasabi mo?” she sobbed.

 

            “Mag-isip kang maigi. Balikan mo ang nakaraan natin. Hindi mo ba naramdaman na mahal na mahal kita noon? Sa palagay mo ba ay hindi pa ako seryoso sa lagay na iyon? Sa palagay mo ba ay kaya kitang paglaruan?”

 

            She realized he was right. Minahal nila ang isa’t isa noon. Nadaig lamang sila ng galit. Madali silang naniwala sa mga kasinungalingan. Idagdag pang napakabata niya pa noon upang malaman ang kalakaran sa pakikipagrelasyon.

 

            Kim’s heart swelled with so much emotion and joy that it felt like bursting. Her tears kept flowing, not because of pain anymore but happiness.

 

            “Mahal na mahal kita, noon hanggang ngayon,” she said between tears.

 

            Pinahid nito ang kanyang mga luha kahit pati ito ay lumuluha na rin.  “I love you, I never stop loving you.”

 

            His simple declaration melted her heart. Just a simple direct expression of his feelings that erased all her fears and doubts.

 

            Her heart overflowed with love and happiness. Tears of joy welled anew. Then he was kissing her tenderly, lovingly and thoroughly. God, she felt like floating on air!

 

            Gerald went down on one knee, to her utter surprise. “Kim, will you marry me?” he said, his love for her written on his face.

 

            Natuptop niya ang dibdib. Can absolute happiness happen in one day? Noon lang tuloy niya napansin na ang suot nito ay katulad ng suot ni Ralph.

 

            She was about to say yes when he saw Ralph walking towards them. May iniabot ito sa ama na kinuha naman ni Gerald he opened it for her to see.

 

            It was an engagement ring, an emerald-cut-diamond ring set in platinum. Napatunganga siya. Akala niya ang singsing na itinago niya ang magiging engagement ring niya. Naalala niya na promise ring nga pala nito iyon. Natutop niya ang dibdib sa sobrang excitement at kaba.

 

            He chuckled. “Honey, baka mainip ang mga bisita.” Then he repeated his proposal. “Will you marry me, Kimberly Sue Chiu, today in front of our son, our families and friends?”

 

            “Yes! I will marry you.”

 

            He stood up and kissed her again.

 

            The she felt Ralph’s hand, pulling her gown. “I wanna kiss you, too.”

 

            Natatawang binuhat ni Gerald ang anak. Ralph kissed her, too. “Bakit parang feeling ko kabisado na ng anak ko ang gagawin niya? He was aacting on cue.”

 

            He chuckled. “That’s one of the reasons kaya umalis ako nang maaga kanina, para makapag-rehearse kami. Para hindi mabuko agad ang surprise.”

 

            “Aha, kunwari ka pang gusto nitong magbakasyon sa lolo at lola niya.”

 

            He chuckled again. “Sorry part of the plan.”

 

            “When did you decide to do all this?”

 

            “After nung anniversary party nila Mom and Dad. Nung party na naglasing ka! Dun din yung time na inamin sakin ni Mommy ang lahat”

 

            She made a face. “Eh, yun yung nakipaglandian ka sa Agatha na yun!”

 

            He laughed. “Hon, believe me. Wala akong ginawang masama. Nilayo ko lang si Agatha sa tao, ayaw ko lang ng eksena pag hindi ako pumayag sa gusto niya.”

 

            She grimaced. “Eh yung sa  office, yung niyaya mo akong lumabas para mag-usap tayo, tapos bugla kang tinawagan ng secretary mo kasi kailangan ka daw sa office mo.”

 

            “What about that? Sa office naman talaga ako nagpunta.”

 

            “Sinundan po kaya kita. Nakita ko sa office mo si Agatha, parang sawang nakapulupot sayo.”

 

            “Bakit hindi mo ako tinawag? Sana natulungan mo ako, Tsk.”

 

            “Natulungan saan?”

 

            “Lasing na lasing po si Agatha. Hindi ko nga alam kung bakit sa opisina ko pa pumunta, hindi ko naman basta mapaalis sa opisina kasi nagwawala. Ayoko ng gulo.”

 

            He peered at her teasingly. “Nagselos ka?”

 

            “Oo na. Selos nga.”

 

            He chuckled. “Honey, kaya pala pinagbagsakan mo ako ng pinto. Muntik ng matapyas ang ilong ko.”

 

            He hugged her. “Im so sorry honey. But you were so mean to me!”

 

            “Sinong di maasar? Kung landiin ka nung babaeng yun parang wala tayong anak. Nakakainis.”

 

            “Ayan kasi, hindi mo muna ako pinagpaliwanag. Sinusungitan mo ako agad.”

 

            She tiptoed to kiss him. “Sorry… Teka, pano mo nga pala naprepare ang lahat ng ito?”

 

             Her eyes now scanned the maginificent garden decked with beautiful flowers. She could see a banquet fit for royalty!

 

            He shrugged. “Simple. When money talks, people listen, saka andiyan naman sina Mommy at Maja na nagasikaso ng lahat. All I provided was a cheque.”

 

            She sighed and kissed his lips tenderly. “Thank you so much, Ge.”

 

            “You deserve a grand wedding, honey. At buong pamilya ko pati na si Ralph ay kasama sa paghahanda sa kasal natin ngayon.”

 

            He touched her face. “Kim, what happened to us made us stronger. It made us grow, it tested our love for each other, even though we were apart for years, our hearts never forgot each other. They both yearned, hoped that someday we will be together again. That’s why were here, we are meant to be together.”

 

            “I know, and because of that we can conquer all this problems that may come our way. “

 

            “I love you”

 

            “I love you too, honey, you and our son. Yes, we will never be apart again. I promise.”

 

            He kissed her again.

 

            Biglang nagpalakpakan ang mga tao.

 

            “Can we get to the wedding ceremony already?!” biglang sigaw ni Maja na natatawa.

 

            Umugong ang tawanan at nagpalakpakan muli ang mga guests.

 

            Magkahawak-kamay sila ni Gerald na nagtungo sa garden, habang karga nito si Ralph.

 

            And so her intuition was right all along, the dress was really her wedding gown and today was her wedding day.

 

            The day was just perfect at wala na yata siyang mahihiling pa…

 

 

            THAT NIGHT, Gerald brought his bride and their son to their home. They tucked Ralph to bed.

 

            For the first time in his life. Gerald felt so secure and at peace within himself. He had everything he needed to live a happy, fruitful life with his wife and his son.

 

            He and Kim made love all night, not only in body but in spirit, both whispering words of love to each other, promising forever and beyond.

 

****************************************************************************************

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
miel0806 #1
ms. liaaaaaaaaaaaaann kelan mo ito iupdate? :D update na pretty pretty please :D
honyou
#2
update ka naman
enderez #3
hi nameless...hope maka update ka ulit thanks
galomkg #4
Yes thanks sa update... gawa ka ng maraming marami para happy ulit kami:-):-)
KG4life #5
end na ng fanfic na 'to??!! thank you so much :)
nameless #6
iluvkimerald..hindi pa, may isang chapter pa, di ko pa tapos eh :))
iluvkimerald #7
nameless ?? tpos n b 2 ?? more chapter p ..
nameless #8
hoooyzzt may ipapabasa ako sayo... kaso sa tue. na, ieedit ko pa yun eh ep-ep hahaha
bambzy #9
ahaha...dito tayo mag usap.....:lol
nameless #10
Gagawa akong bago! Ikaw ang bida BAMBZEY ha! wahahahahaha<br />
<br />
Galomkg! joke lang yun hahahha