Chapter 11

Meant To Be Together

HINDI maipaliwanag ni Mrs. Anderson ang nadarama niyang inis habang isa-isa niyang tinitignan ang mga larawang ibinigay sa kanya ng inupahan niyang tao upang sundan-sundan ang anak niyang si Gerald. She couldn’t find the right words to explain what she was feeling. She felt like bursting with irritation and frustration.

 

Ang aking paboritong anak. What happened to my Gerald? God, what kind of girl is this?

 

Nalaman niyang may kinalolokohang babae si Gerald. Isang ordinaryong babae. Isang mahirap. Alam na niya ang halos lahat ng tungkol sa babae, alam niyang kaya lang pala ito nakakapag-aral dahil sa sa tulong ng scholarship niya. Ang eskwelahan kasi ang bahalang pumili ng mga scholars basta siya lamang ang nagbibigay ng pera. Alam niya din na may sakit ang ina nito at iniwan ng asawa. Lalo lamang siyang nanggagalaiti dahil hindi niya maintindihan kung ano ang nagustuhan ng kanyang anak rito. Hindi maayos ang pinanggalingang pamilya ng babae. Wala itong maipagmamalaki bukod sa ganda nito.

 

She needed a plan. Kung talagang nabaliw na ang anak niya, kailangan niyang planuhin ang lahat ng maigi. Hindi siya papayag na magpatuloy ang kahibangan nito. Gerald didn’t deserve a woman like her. Kilala niya ang anak niya, hindi ito tumatagal sa isang relasyon, ngayon lamang ito nagtagal ng ganun, hindi niya malaman kung anong napakain ng babae sa anak niya para seryosohin ito.

 

I didn’t raise a stupid grandson.

 

************************************************************************************

 

ANONG gulat nalang ni Kim ng sabihin sa kanya sa registrar na wala na siyang scholarship. Ganun nalang yun? Ni hindi niya nga malaman kung bakit nawala sa kanya ang scholarship eh halos siya ang may pinakamataas na grado sa kanila. Basta basta nalamang tinanggal sa kanya, halos ilang minuto din siya nakipagtalo sa tao doon dahil hindi nito masabi-sabi ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang scholarship. Mangiyak ngiyak siyang umalis dahil humahaba na ang pila dahil sa kanya. Kasama niya si Maja, ito ay tapos ng makapagenroll, siya naman ay napaupo sa isang bench malapit sa registrar. Pinipilit siya ni Maja na tawagan si Gerald pero ayaw niya, alam niya kasi kung anong gagawin ni Gerald kapag nalaman nito na nawalan siya ng scholarship. Naiyak nalamang siya sa sitwasyon.

 

“Kimmy tama na, alam mo namang bawal sayo iyak ng iyak, sige ka! pag di ka tumigil sa kakaiyak mo tatawagan ko si Ge” kanina pa siya pinapatahan ni Maja, pero di niya mapigilan, parang gripong sira ang mata niya patak ng patak ang tubig.

 

“Maja pano na to? Anong sasabihin ko kay Mama? Siguradong mag-aalala nanaman yun sakin.” Naiinis talaga siya sa mga nangyayari, parang gusto niyang magreklamo dahil hindi naman talaga tama na basta nalang siyang alisan ng scholarship. Pinaghirapan niya iyon, halos gabi gabi siyang nagpupuyat noon para lang mahila pataas ang grades niya dahil naconfine siya nung magkasakit siya.

 

“Tawagan na kasi natin si Ge, diba kilala naman siya dito, inaanak siya ng may-ari ng school, baka pwede niyang kausapin yung tao dun sa registrar, matutulungan ka ni Ge.”

 

“Ayoko, nakakahiya na, lagi nalang siya ang umaayos ng mga problema ko.”

 

“Eh ano naman, boyfriend mo yung tao, natural na tutulungan ka nun”

 

“Kahit na—“ naputol ang pagsasalita ni Kim ng makita niyang papalapit si Gerald sa kanila.

 

“Hon..” Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. Para nanaman siyang batang biglang ngumawa.

 

“Oh sssshhhh… Baby don’t cry, Papa is here, may dala akong candy” ngiting ngiti sa kanya ang luko-loko.

 

Binatukan niya ito.

 

“Ano ba! Puro ka naman kalokohan diyan, ba’t ka ba nandito?”

 

“Ikaw kasi napaka-iyakin mo, para kang pamangkin ko na 2 yrs old palang,” pinunasan nito ang luha niya, at talagang ginagawa siyang baby dahil kinuha nito ang panyo sa bulsa at pinasinga pa siya.

 

‘Oh singa ka na baby kong uhogin. Tama na ang iyak at baka ako naman ang maglupasay sa pag-iyak dito pag nagkasakit ka nanaman”

 

Kitang kita niya ang pagtawa ni Maja sa sobrang kilig. Nahihiya naman siya sa mga taong napapatingin sa kanila. Nasalo ata ni Gerald ang lahat ng klaseng pagiging sweet na binuhos ni Lord.

 

“Oh tapos ka na bang umiyak?”

 

“Tapos na,” pinipilit niya pahintuin ang pag-hikbi niya.

 

Binuksan nito ang bottle ng mineral water na hawak hawak nito at pinainom muna siya ng tubig.

 

“Kanina pa ako tawag ng tawag sayo hindi mo sinasagot, diba sabi ko naman sayo ako na ang mageenrol sayo”

 

“Alam mong nawala sakin ang scholarship?” kaya pala hindi siya nito tinanong kung bakit siya iyak ng iyak.

 

“Nakita ka ni Fred kanina, nakikipagtalo ka daw diyan sa registrar kaya tinawagan ako. Ikaw kasi kung bakit naman kasi isa’t-kalahating matigas yang ulo mo.” Pinindot nito ang dulo ng ilong niya.

 

“Ayoko kasing pati enrollment ko, ikaw pa magaayos”

 

“Basta wag ka na mag-alala.” May inabot itong mga papel sa kanya. “Enrolled ka na,”

 

“Paano nangyari to?”

 

“Wag na madaming tanong, basta enrolled ka na. Kaya umuwi na tayo, magpahinga ka na, masyadong mainit dito” panay ang punas nito sa pawis sa kanyang noo.

 

Tinignan niya si Maja, nagkibit-balikat lang to at ngumiti. Gusto man niyang kausapin si Gerald kung pano siya nakaenroll, siguradong mag-aaway lang sila kapag hindi niya nagustuhan ang sagot nito, kaya hindi niya muna ito tinanong.

 

 

NASA loob ng sasakyan na sila, si Maja ay naiwan kasama na si Matteo. Tinignan niya si Gerald, lagi siyang nagpapasalamat dahil lagi itong nasa tabi niya. Minsan kinakabahan siya na baka may kapalit na hindi maganda ang mga kasiyahang nangyayari ngayon sa kanya.

 

Tumingin ito sa kanya, nakangiti. “Bakit? Pinagsasawa mo nanaman yang mata mo sa mukha ko”

 

Kinurot niya ang magkabilang pisngi nito. “Ang cute cute mo kasi honey”

 

‘Cute lang?”

 

“Sige na, gwapo! Ang gwapo gwapo, mabait, caring, loving, lahat na”

 

Tumawa ito nang malakas. “You are really one of a kind. I’m so glad  you came into my life.”

 

Niyakap siya nito. Tila nanggigigil na hingpitan nito ang yakap sa kanya.

 

 “Promise me that whatever happens, you will not step out of my life. Promise you won’t forget about me. Don’t let me get over you, forget you. When life gets hard, always remind me that you’re always there. If you’re being unbearable and I think I already hate you, remind me that I love you no matter what.”

 

“Paano kung hindi ko magawa?”

 

“Bakit hindi mo magagawa?”

 

“Tamad ako, saka naiinis din ako.”

 

“Then I’ll remind myself. I’ll eventually remember. Just stay close to me.”

 

“Promise.” Siya na ang kusang naglapat ng kanyang labi sa mga labi nito.

 

Kahit ano talagang mangyari sa kanila in the future ay patuloy niya lang itong mamahalin.

 

***********************************************************************************

 

KINAKABAHAN si Kim habang patungo sa administration building. Hindi niya alam ang aasahan niya habang patungo sa opisina. Katatapos lamang niya mag exams at simula na ng Christmas vacation nila. Hindi niya alam kung ano ang aasahan niya habang patungo sa opisina ng presidente. Bago magsimula ang ikalawang exam niya para sa umagang iyon ay sinabihan siya ng propesor niya na ipinapatawag siya sa opisina ng presidente ng eskwelahan.

 

Alam niyang may kinalaman si Gerald sa pagpapatawag sa kanya. Sana ay ang nobyo lamang ang madatnan niya roon. Sana ay may magandang sorpresa lamang ito sa kanya.

 

Pilit na hinihiling niyang sana ay ganoon nga dahil ang totoo ay hindi maganda ang pakiramdam niya. Idagdag pa na parang hinang-hina siya na gumising kaninang umaga. Pinilit siya ni Maja na mag special exam nalang dahil baka magkasakit nanaman siya pero ayaw niyang gawin yon, hanggat kaya pa niya ay mag-eexam siya. Tila may hindi magandang mangayayari sa kanya. Iba ang kabang nararamdaman niya. Tila siya malalagutan ng hininga sa sobrang kaba.

 

Pagdating sa palapag ng opisina ay kaagad na sinabihan siya ng sekretarya ng presidente na pumasok na sa loob ng pribadong opisina. Upang matapos na ang lahat ay kumatok na siya. Pinihit niya ang doorknob nang marinig niya ang “come-in” mula sa loob. Lalong tumindi ang kaba niya nang boses ng isang babae ang narinig niya.

 

Pagpasok niya ay isang eleganteng ginang ang nakita niyang nakaupo sa swivel chair ng kanilang presidente. The woman looked like a queen sitting on her throne. She looked so proud and beautiful. Maliban sa kanyang ina, ito na yata ang pinakamagandang babaeng nasilayan ng kanyang mga mata.

 

The woman’s hair was in a loose bun. Her make-up was light and perfect. Ang damit nito ay simple lamang ang disenyo ngunit halatang mamahalin. Kumikinang ang mga alahas na suot nito. She was the perfect picture of a female beauty. She was a queen.

 

“Im Glydel Anderson, Gerald’s mother,” anito sa pormal na tinig. Binistahan nito ang kabuuan niya. Tumaas ang isang kilay nito at tila sinasabi nito sa kanya na hindi nito gusto ang nakikita nito.

 

Kung hindi marahil siya nagulat ay baka na-conscious na siya sa uri ng tingin nito. Nagulat siya sa sinabi nitong ina ito ni Gerald. Masyadong bata itong tignan. Ganoon ba talaga ang mayayaman, hindi gaanong nagmumukhang matanda?

 

“G-good m-morning po,” nauutal na bati niya. Sinikap niyang maging magalang ang kanyang tono kahit kinakabahan siya nang husto.

 

“Many mornings have not been good lately, young lady, and that’s because of you.”

 

“P-po?” Namilog ang kanyang mga mata sa narinig. Lalo yatang nadagdagan ang kabang nadarama niya. Hindi siya manhid upang hindi niya maramdaman na hindi siya gusto nito. Hindi pa rin bumababa ang kilay nitong nakatikwas. Hindi siya nito nginingitian.

 

“I won’t beat around  the bush, Miss Chiu. I want you out of my son’s life. I want you totally gone as soon as possible. I don’t like you.”

 

Hindi niya magawang sumagot. Nakatitig lamang siya rito. Hindi niya alam ang kanyang isasagot sa sinabi nito. Tila ayaw gumana ng isip niya upang makasorpresa ng dapat isagot. Ni hindi niya napaniwalaang naroon siya sa sitwasyong iyon.

 

Oo, alam niyang sa umpisa na hindi basta ordinaryong nilalang si Gerald Anderson. Alam niya kung gaano kaimpluwensiya ang pamilyang pinanggalingan nito. Alam na alam niya ang pagkakaiba nila. Marahil, pinaniwalaan ng puso niyang walang mangayayri na ganoon sa kanilang relasyon. Kahit madalas na niyang napapanood sa telebisyon ang mga ganoon, tila hindi pa rin niya kayang maniwalang nangyayari nga ang mga ganoon sa totoong buhay.

 

Tila nais na niyang umiyak upang mabawasan ang kamiserablehan niya, hindi lang niya magawa. Masyado pa ata siyang nabibigla at ayaw tumulo ng kanyang mga luha.

 

“Do you want me to enumerate the reasons why I want you out of my son’s life? I can give you thousand reasons. I can go on insulting you. But my time is very precious, so I’ll make things simple. I don’t like you. Hindi ang katulad mo lang ang kahuhumalingan ng anak ko. Hindi ako papayag. Habang buhay ako, hindi ako papayag na isang katulad mo na mahirap, opurtinista at walang binatbat ang pamilyang pinanggalingan ang pagaaksayahan ng pagmamahal ng anak ko. Kusa ka nang lumayo bago pa man ako kumilos talaga.”

 

“ Ang kapal ng mukha mong pabayaran sa anak ko ang tuition fee mo, matalino ka nga akala ko ay aalis ka nalang dahil tinanggal ko ang scholarship mo, pero pinabayaran mo sa anak ko. Hindi ka nararapat kahit tumabi sa isang Gerald Anderson.”

 

Nagpantig ang tenga niya sa mga narinig, ito pala ang dahilan kung bakit nawala lang ng ganun ang scholarship niya, nainis din siya dahil hindi sinabi sa kanya ni Gerald na ito pala ang nagbayad ng tuition fee niya. Pero kada maalala niya ang sinasabi sa kanya ni Gerald na kahit anong manyari na wag siyang susuko, pipilitin niyang ipaglaban ito.

 

"Paano po kung magmatigas ako? Paano po kung ayokong layuan ang anak niyo? Paano po kung sabihin kong mahal ko po siya at kahit na anong mangyari ay ipaglalaban ko siya? Ano pong gagawin niyo?”

 

Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob niyang sumagot dito. Hindi rin niya alam kung saan siya humugot ng tapang.

 

Sino ito upang pagsabihan siya ng ganoon? Ano ang karapatan nitong sabihan na walang binatbat ang pamilya niya? Kulang lamang sila sa pera pero hindi ibig sabihin nun ay wala na silang binatbat. Kilala ba sila nito? Wala itong alam tungkol sa kanila kaya wala itong karapatang magsalita nang ganoon. Kahit pa sabihing ito na ang pinakamayaman at pinakamaganda sa buong kalawakan, wala pa rin ito kahit kaunting karapatan na manlait ng kapwa nito.

 

Sa isang banda, sinadya ba niyang pumasok sa buhay ng anak nito? Sino ba ang naghabol sa kanya?

 

Ngumiti ito na tila inaasahan na nito ang sasabihin niya.

 

“Sasabin mo ba sakin na hindi mo kayang mabuhay kung wala ang anak ko?” panunuya nito. “Na kailangan mo siya? Na hindi mo kayang mawala siya? Ipaglalaban mo siya talaga?”

 

“ ’Opo’ ang sagot sa lahat ng tanong niyo,” aniya sa mas matatag na tinig. “Mayaman siya eh, kailangan ko ang pera niya. Hindi ako mahihirapan.”

 

Halatang gulat na gulat ito sa sagot niya. Nagbubunyi ang kalooban niya kahit na kasinunganlingan lamang ang mga sinabi niya. Nakaganti na kaagad siya sa sinabi nito tungkol sa pamilya niya na Mama niya ang tinutukoy. Akala ba nito ay basta-basta na lamang siyang mananahimik habang tinatapakan nito ang pagkatao nila? Kung hindi lang sana nadamay ang Mama niya ay igagalang niya pa ito.

 

Hindi niya alam kung madidismaya si Gerald dahil sinagot sagot niya ang ina nito, Pero mas hindi nito magugustuhan kapag nanahimik siya at tinanggap nalang ang mga salita ng ina nito. Iyon ang paraan upang ipaglaban niya ito.

 

Nakabawi na rin ang “reyna” sa pagkagulat nito. Tumawa ito nang malakas. “ God I cant believe I was schocked for a moment. Dapat ay inaasahan ko na iyon sa katulad mo. Paano ka nagustuhan ng anak ko? Paano mo napasundo si Gerald sa gusto mo? Anong ginawa mo sa anak ko?”

 

She shrugged nonchalantly. “He’s inlove with me.”

 

“Hah!” Galit na tumayo ito sa kinauupuan nito. “How dare you!”

 

Nais na niyang mangatog sa takot pero hindi niya ipinapahalata dito.

 

“Mahal ko po si Gerald,” aniya sa mahina ngunit matatag na tinig. “Hindi po ako lalayo sa anak niyo dahil lang po sa sinabi nyo.”

 

Tila lalo niyang sinalaban ang galit nito sa sinabi niya. “Ang tapang mong babae ka. Parang may kaya kang ipagmalaki sakin!”

 

“Meron po. Mahal po ako ng anak niyo at mahal ko rin po siya.” Nais niyang itanim sa isip nito na mahal nila ni Gerald ang isa’t-isa. She knew love was not everything, but she believed that love was more than half everything. She just couldn’t give Gerald up.

 

She strode regally towards Gerald’s mom. Buo pa rin poise nito kahit nagagalit sa kanya. Alam niya sasampalin siya nito ngunit hindi niya ito pinigilan. Hindi siya umiwas, at lalong hindi siya tuminag. Tinanggap niya iyon kahit talagang masakit. Pakiramdam niya ay nagmarka ang magandang kamay nito sa balat niya. Ganoon pala ang pakiramdam kung paano sampalin ng isang reyna.

 

“Ang kapal mong pagsalitaan ako nang ganyan!” galit sa sabi nito. Huminga ito ng malalim upang kalmahin ang sarili. “Kanina tinatanong mo ako kung ano ang gagawin ko. Ikaw naman ang tatanungin ko, nanonood ka ba ng mga drama sa TV?”

 

“Alin po? Iyong classic poor-girl-rich-boy at you-and-me-against-the-world ang drama? Nilait niyo na po ako. Susuhulan nyo po ba ako ng pera pag nagmatigas ako? Sasabuyan nyo ako ng alak, juice o tubig? Itatapon nyo ako sa swimming pool? Kapag hindi umubra, pahihirapan niyo ang Mama ko? Gigipitin niyo kami? Lalo niyo kaming ilulugmok sa hirap?”

 

Habang sinasabi niya ang mga iyon ay unti-unting kumakalat ang matinding takot sa buong pagkatao niya. Ang isipin palang na kayang kaya nitong gawin ang lahat ng iyon ay kinikilabutan na siya sa takot. Natatakot siya para sa Mama niya. Kung solo lang sana siya ay kaya niyang labanan ang lahat.

 

Huminga siya nang malalim. Lalaban pa rin siya kahit na anong mangyari. “At kapag hindi pa rin umuubra, itatakwil niyo ang anak niyo dahil mas pipiliin niya ako kaysa sa inyo?” pagpapatuloy niya.

 

“Kasama kong maghihirap ang anak niyo at gagawa pa rin kayo ng paraan para mailayo siya sa akin. Ganoon po ba ang gagawin nyo? Iyon po kasi ang madalas na mangyari sa T.V. Ipapaalala ko lang po sa inyo ang tipikal ending sa mga kuwentong iyon. Lagi pong nagkakatuluyan ang mga bida sa huli kahit anong pilit paghiwalayin ng kontrabida. Bumabait ang kontrabida sa ending dahil sa isang supling na bunga ng pagmamahalan ng dalawang bida.”

 

Tumawa ito nang malakas. “Matalino ka ngang talaga. Kung hindi ko lang alam na mas mahal mo ang pera kaysa sa anak ko, baka mapaniwala mo ako sa mga ganyang arte mo. Oo kaya kong gawin ang mga sinabi mong tipikal na nangyayari sa mga dram sa T.V. Gasgas na pero epektibo parin palagi. Ano naman kasi ang laban mo sa mga katulad naming maraming pera? Pag-ibig! Hah! Sa palagay mo ba ay hindi nabibili yun sa mundo? Iyong happy ending na sinasabi mo, hindi mangyayari iyon. Death means happy ending to me. As long as you’re alive, there’s no happy ending. Life goes on.

 

“Isa pa, sigurado ka bang mahal ka ng anak ko? Sigurado ka bang ipaglalaban ka niya sa akin, na mas pipiliin ka niya kaysa sakin? Paano kung pinaglalaruan ka lang niya, pano kung pamapalipas oras ka lang niya?”

 

“Maybe he’s bored being rich. Maybe he’s bored with rich women and he just wants to try something else. Maybe he was just curious. What if he got over you? Paano kung ipatapon ka na lang niya basta pagkatapos ka niyang pagsawaan? Habang maapa pa ay umalis ka na sa buhay niya.”

 

‘Mahal po ako ni Gerald. Sigurado po ako. Pinatutunayan nyo lang po sakin ngayon kung gaano niya ako kamahal.”

 

‘What?”

 

“Kung hindi niya ako mahal at laruan lang ang tingin niya sakin, hindi nyo ako pag-aaksyahan ng panahon. Hindi kayo maag-aaksaya ng laway sa akin. Sa ginagawa niyong ito, para nyo na ring sinabi sakin na mahal na mahal ako ng anak niyo.”

 

Gumuhit ang galit sa mukha nito. “You will pay for this Miss Chiu. You will regret this for the rest of your life.”

 

“Kung wala na po kayong sasabihin sakin bukod sa layuan ko ang anak niyo, maari na po ba akong umalis?, masama na po kasi talaga ang pakiramdam ko.”

 

Totoo iyon, kanina pa siya nanghihina, kung tatagal pa siya doon ay baka mahimatay lang siya. Napahawak siya sa upuang malapit sa kanya nang maramdaman niyang gumalaw ang kinatatayuan niya, naliyo ata siya sa lahat ng mga nangyayari. Pagod na pagod na siya.

 

‘Get out of my face,” sabi nito.

 

“It was nice meeting you po.” Sabi niya kahit hindi siya sinsero roon. Tumalikod siya at umalis ng opisina.

 

Paglabas niya ng gusali ay kaagad na hinanap niya ang pinakamalapit na comfort room. Pagpasok niya sa loob ng isang cubicle ay kaagad na bumigay siya. Napahagulgol siya sa iyak.

 

Miserableng miserable ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya ay ang liit-liit niya. Parang bumaliktad ang sikmura niya sa lahat ng sinabi ng ina ni Gerald kaya nasuka siya, nasusuka pa din siya kahit wala na siyang mailabas. Nang mahimasmasan siya, agad niyang tinawagan si Maja, para kasing hindi niya kayang lumakad mag-isa, hinang hina siya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
miel0806 #1
ms. liaaaaaaaaaaaaann kelan mo ito iupdate? :D update na pretty pretty please :D
honyou
#2
update ka naman
enderez #3
hi nameless...hope maka update ka ulit thanks
galomkg #4
Yes thanks sa update... gawa ka ng maraming marami para happy ulit kami:-):-)
KG4life #5
end na ng fanfic na 'to??!! thank you so much :)
nameless #6
iluvkimerald..hindi pa, may isang chapter pa, di ko pa tapos eh :))
iluvkimerald #7
nameless ?? tpos n b 2 ?? more chapter p ..
nameless #8
hoooyzzt may ipapabasa ako sayo... kaso sa tue. na, ieedit ko pa yun eh ep-ep hahaha
bambzy #9
ahaha...dito tayo mag usap.....:lol
nameless #10
Gagawa akong bago! Ikaw ang bida BAMBZEY ha! wahahahahaha<br />
<br />
Galomkg! joke lang yun hahahha