Chapter 16

Meant To Be Together

            Bigla siyang binitawan ni Gerald. Umalis ito sa kanyang ibabaw. She her side, hugging herself, unable to bear his presence anymore.

 

            “You were running away from me, what was I supposed to do para pigilan ka?” galit na sabi nito.

 

            She felt him grab the hem of the comforter and covered her with it. Matagal itong nakatayo sa gilid ng kama at tintignan siya. She put her hands on to stop crying but she couldn’t. Her sobs rock her whole body, echoing all over the room.

 

            “Listen Kim… may isa akong kondisyon kung ayaw mong mahiwalay kay Ralph”

 

            Hindi na siya nito inantay makasagot.

 

            “Sumama ka sakin sa Manila, dun ka titira sa bahay ko, kasama ako at anak natin.”

 

            Pagkasabi ay lumabas na ito ng kwarto at iniwan siya.

 

*****************************************************************************************************************************************************

 

            Kung inakala ni Kim na basta-basta na lamang nito maitatago sa kanya ang anak nila ay nagkakamali ito. Ang hirap isiping sa loob ng ilang taon ay nabuhay ang kanilang anak na hindi kilala ang ama nito. Hindi siya basta bastang tao. Napakadali para kay Kim na sabihin sa kanya ang lahat ngunit mas pinili nitong ilihim iyon, kahit sabihin pang hindi naging maganda ang paghihiwalay nila noon.

 

            At ano ang dahilan? She didn’t want to be with him, to share their child with him. Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa buhay niya, sa loob lang ng isang linggo, pumunta siya ng Leyte para tumulong sa mga tao, pagkatapos in an instant may anak na siya. Hindi niya lubos na maisip na halos walong taon siyang ginawang tanga ni Kim. Lalong namuo ang galit niya para dito.

 

            Noong magkwento si Gab tungkol sa ina ni Ralph habang nasa sasakyan sila papunta sa bahay ng mga ito, ganoon nalang ang kabog  ng puso niya ng marinig ang pangalan ni Kim. He secretly wished na nagkataon lang na Kim din ang pangalan ng ina ni Ralph.  Ganoon na lang ang pagkagulat niya ng makita si Kim noong araw na iyon, after seeing her, he had knew from his heart that Ralph was his son. Kahit hindi sabihin sa kanya ni Kim alam niyang anak niya ang bata, bukod sa magkamukhang magkamukha sila ay may kakaiba din siyang naramdaman ng una niya itong makita.

 

            Binigyan niya ng ilang araw si Kim at anak nila upang makap-impake at makapagayos sa paglipat sa Maynila. Piniling magpaiwan ng Mama ni Kim sa Leyte, ngayon ay isang linggo na ring nakatira ang mag-ina niya sa kanyang bahay sa Makati. Kung mayroon man siyang ipinagpapasalamat kay Kim, iyon ay ang maayos na pag-aalaga nito sa kanilang anak. Magalang ito at maalalahanin.

 

            Ngayon ay umuwi galing Amerika ang kanyang mga magulang at dumiretso sa kanyang bahay. Tuwang tuwa ang mga ito sa unang apo. Matagal nang nasasabik ang mga magulang niya para sa isang apo, sa isang bata sa pamilya.

 

            Nang malaman ng mga ito ang tungkol kay Ralph ay nabigla ang mga ito. Galit na galit ang mga ito kay Kim lalo na ang kanyang Mommy. Ganun din ang galit ng kanyang ina ng makitang doon din nakitara sa bahay niya si Kim.

 

            Tahimik lang si Kim sa isang tabi habang nakatingin sa mga magulang niyang tuwang tuwa sa kanyang anak. Panay ang parinig ng kanyang Mommy dito ng masasakit na salita. Napigilan nalang niya ang kanyang ina para na din kay Ralph.

 

            Nang maghikab na ang kanyang anak, lumapit na si Kim sa kanila.

 

            “Nay, inaantok na po ako”

 

            Tinignan siya ni Kim, tumango nalang siya bilang sagot.

 

            “Ah sige po, Mr. and Mrs. Anderson sasamahan ko na po si Ralph sa itaas.”

 

            “Sige, bukas susunduin namin si Ralph dito, gusto naming isama siyang magbakasyon sa Laguna” sabi ng kanyang Mommy.

 

            “P-po? Kailan po kayo babalik?” si Kim.

 

            “Hindi pa kami nakakaalis, pagbalik na agad ang itinatanong mo, ipinagdadamot mo ba ang apo namin?”

 

            “Sige po, aayusin ko nalang ang gamit niya”

 

            “No need, gusto ko din ipag shopping ang apo ko.”

 

            “aabot po ba ng isang linggo ang bakasyon niyo?”

 

            “Hindi ko pa alam, depende kung kelan kami magtatagal sa Laguna. Siguro pinakamaikli ng bakasyon ang isang buwan”

 

            “Teka, Ge?” alanganing tingin ni Kim kay Gerald. Tila takot na takot ito, hindi niya mabasa kung takot ba itong mahiwalay si Ralph dito ng isang buwan o takot itong magsama ng sila lamang dalawa at wala ang kanilang anak. Bumilis ang tibok ng puso niya sa isiping maiiwan sila ni Kim sa bahay niya.

 

            Pinagmasdan niya ang mukha nito. She really had grown more beautiful. Motherhood had become her.

 

“Pabayaan mo na sila Mommy, walang mangyayaring masama kay Ralph. Bakasyon pa naman ngayon. Minsan nalang din umuwi sila sa Pilipinas.” Sagot niya dito.

 

            Hindi na ito nakapalag.

 

******************************************************************************************************************************************************

 

            KINABUKASAN maagang gumising si Kim para ipaghanda ng almusal ang kanyang anak at si Gerald. Doon siya natutulog sa Master’s Bedroom pero hindi pa sila nagtatabi ni Gerald. Madalas itong matulog sa kwarto ng kanilang anak.

 

            Kagabi nang sabihin sa kanya ng mga magulang ni Gerald na isasama ng mga ito si Ralph, sobra sobra ang kabang naramdaman niya. Hindi niya akalain na mas kabado pa siya sa kadahilanang maiiwan siyang kasama si Gerald sa iisang bahay. Alam niyang hindi pababayaan ng mga magulang nito ang kanyang anak.

 

            Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang taong labis labis ang galit sa kanya. Matagal na niyang napatawad si Gerald sa mga kasalanan nito sa kanya. Walong taon na ang nakalipas, ang anak niya ang nagtulak sa kanya upang mapatawad ng husto ito. Mali lang talaga siya ng minahal nung mga panahong iyon, bata pa siya. Masyado siyang nangarap na pwede siyang mahalin ng isang katulad ni Gerald. Hinihiling niya na sana kaya din siyang patawarin nito para sa kanilang anak.

 

 

            PUMASOK si Gerald sa kusina at naabutan si Kim na nagluluto, napatigil siya sa alaalang sumagi sa isip niya. Just like the old times, he remembered cooking for her when they were in Batangas, the day when Ralph was conceived. Naginit ang pisngi niya ng maalala ang mga panyayari. He  remembered taking care of her, sayang nga lang at binalewala nito ang pagmamahal niya, masyado itong nasilaw sa pera.

 

            Humarap ito sa kanya ng maramdaman ang prisensya niya. Ngumiti ito, ngiti na minahal niya ng sobra sobra. Napailing nalang siya sa mga naiisip.

 

            “Goodmorning.”

 

            Tango lang ang naging tugon niya. Biglang pumasok ang kanilang anak.

 

            “Nay! Goodmorning” si Ralph, lumapit ito kay Kim at humalik sa pisngi ng ina.

 

            “Goodmorning baby. Nakaligo ka na agad?”

 

            “Opo, aalis na kami eh”

 

            Tinignan siya ni Kim

 

            “Ganitong kaaga?”

 

            “Yes, ayaw nila Dad na maabutan ng traffic. Ihahatid ko na si Ralph sa bahay nila Mommy para hindi na sila dumaan dito, maaga pa naman.”

 

            “Kumain muna kayo”

 

            “Doon na, diretso na din ako sa opisina. Sige alis na kami”

 

            “B-bye Nay. Mamimiss kita” si Ralph.

 

            “Wag  kang malikot doon ha, wag mong bibigyan ng sakit ng ulo ang lolo at lola mo.”

 

            “Opo” yumakap si Ralph kay Kim.

 

            Lalabas na sila ng tawagin siya nito.

 

            “Ge?”

 

            “Bakit?” sabi niya ng hindi humaharap.

 

            “Dito ka ba kakain ng hapunan?”

 

            “Hindi ko pa alam, you don’t have to wait for me, mauna ka ng kumain mamaya.”

 

            “S-sige, mag-iingat kayo”

 

            Tumango lang siya at umalis na.

 

****************************************************************************************************************************************************

 

            GERALD couldn’t stop drumming his fingers on the table. He was being a little rude, alam niya, pero hindi niya mapigilan.

 

            “So this is the lay-out plan of our next store in Marikina,” pagpapatuloy ng isang miyembro ng plannig

Team ng kompanya sa paglalahad ng feasibility report nito. Di niya napigilang mapahigit ng hangin nang malamang nasa huling stage na ito ng report. Pasimple niyang tinignan ang relo; 10pm na. Gutom na din siya, kung susuwertihin siyang wala masyadong traffic, makakauwi siya sa loob ng twenty minutes.

 

            Tinuon na niya muli ang buong atensyon sa presentation. Every now and then, he pointed out the flaws he saw in the plan. Nang sa wakas ay ma-finalize na nila ang plan, at makontento na ang lahat dito, hindi niya napigilan ang pagngiti ng malapad. He was going home at last! Pero ng maalalang naandun si Kim, bahagya siyang kinabahan, para siyang teenager na kinakabahan at excited na makita ang crush. Kaso hindi siya teenager, at lalong hindi niya crush si Kim, dapat ay galit siya dito.

 

            Mula nang tumira ang kanyang anak sa kanya, madalas siyang magmadaling umuwi. Pero wala ang anak niya sa bahay. Si Kim ang nasa bahay.

 

            Mabilis niyang inayos ang gamit at tumayo sa upuan.

 

            Nang makarating sa bahay. Umaasa siyang tulog na si Kim.

 

            Narinig niya ang mga yabag sa corridor mula sa kitchen, then Kim poked at the doorway of the living room.

 

            To his surprise she was smiling at him.

 

            “Tinawagan ko yung assistant mo, sabi niya hindi ka raw nag-dinner. Kain ka muna, eleven pa lang naman.”

 

            Nawala ito sa paningin niya at narinig niya ang paglalakad nito pabalik sa kusina.

 

            Gustuhin man niyang wag itong pansinin, hindi niya magawa dahil bukod sa gutom siya, may parte sa kanyang sarili na gusto itong makasama.

 

            He found his mouth watering when he smelled something delicious from the kitchen. Ramdam na ramdam na niya talaga ang gutom. Pagdating doon, he found Kim preparing his plate. Nakita niya ang niluto nito. Kare- Kare, alam pa din nito kung ano ang paborito niya.

 

            Seryoso niya itong tinignan matapos umupo.

 

            “Tell me you already ate and didn’t wait for me.”

 

            “Kumain na ako. Dumalaw nga pala si Maja dito kanina.”

 

            “Good, sayang at wala si Ralph.”

 

            “Oo nga, sa susunod nalang, malapit naman siya dito sa atin.”

 

            Naramdaman niya ang biglang pagkailang nito.

 

            “Ah baka, gusto mong kumain mag-isa, iwan mo nalang yung plato ako na ang bahala” Akmang tatayo ito, pero mabilis niyang hinagilap ang kamay nito.

 

            “No. Stay, please”

 

            “Okay” at umupo ulit si Kim. Hindi niya alam kung bakit niya pinigilan ito, hindi dapat pero parang kusa siyang nagrereact dito.

 

            He brought a spoonful to his mouth.

 

            It was heavenly!

 

            “It’s really good,” puri niya habang sumusubo ng ulam.

 

            “Salamat” nakangiting sagot nito sa kanya.

 

            Katahimikan ang namagitan sa kanila ng mga sandaling iyon. Nang matapos na siyang kumain, kusa na itong tumayo at inayos ang pinagkainan niya.

 

            “Gusto mo bang kumuha ako ng stay in maid, para may katulong ka dito?”

 

            “Ha? Hindi na, wala naman laging tao dito, anong gagawin ng maid.”

 

            “Just asking.”

 

            Inantay niya itong matapos, kahit sinabi niyang siya na ang maghuhugas ay hindi ito pumayag. Naiilang na siya sa mga nangyayari. Hindi sila makakilos ng maayos pareho, hindi niya tuloy alam kung dapat pa ba silang mag-usap. Napapagod na din siyang makipag away at makipag sigawan dito. Tila nagiiba na ang mga plano niya, imbis na paghihiganti ang plano niya, parang nagiging plano niya pa tuloy na magkabalikan sila ni Kim. Nainis na siya sa tinatakbo ng isip niya, kaya nagpaalam na siya ditong magpapahinga na.

 

            “Mauuna na ako sayo, Goodnight”

 

            “Doon ka na matulog sa kwarto mo, ako nalang ang lilipat sa kwarto ni Ralph. Nilinis ko na yun kanina.”

 

            “Sige, ikaw ang bahala.”

 

            “Ahhhmm.. Ge teka”

 

            “Hmm?”

 

            “May inaalok kasing trabaho sakin si Maja bak—“

 

            “You don’t have to work” putol niya sa sinasabi nito.

 

            “Wala naman kasi akong ginagawa, tsaka ikaw lang ang gumagastos dito”

 

            “Madami akong pera”

 

            “Alam ko yun, pero kailangan ko din ng akin, pano si Mama sa Leyte”

 

            Natahimik siya. Pakiramdam niya ang sama sama niyang tao, nadamay ang Mama ni Kim sa galit niya dito. Masyado siyang nadala sa galit kaya umisip siya ng paraan na walang choice si Kim. Nawala sa isip niya na may sakit ang Mama nito at naiwan sa Leyte. Walang trabaho si Kim at kahit kelan ay hindi ito nanghingi ng pera sa kanya. Binigyan niya ito ng ATM card pero kahit kelan ay hindi nito ginamit iyon.

 

            “Sorry, I forgot about your Mom. Ok lang na gamitin mo yung card ko para mag withdraw ng pera, ipadala mo sa Mama mo”

 

            “Hindi Ge, ok lang naman talaga saking magtrabaho, sa pasukan hindi magsstay ng matagal si Ralph dito sa bahay. Wala rin akong gagawin.”

 

            “You can work for me” Hindi niya napigilan ang bibig niya.

 

            “Ha?”

 

            “I said you can work for me”

 

            “Alam mong hindi ako nakapag-aral”

 

            “What?” Akala niya ay nakapagtapos ito kahit pampubliko lang na kolehiyo sa Leyte. Matalino ito, pwede itong makakuha ng scholarship, isa pa hindi naman siguro ganun kabilis naubos nito ang isang milyon.

 

            “Hindi ako puwedeng magtrabaho sa kompanya mo”

 

            “Why?”

 

            “Anong bakit? Ge, anong trabaho ang maiaalok mo sa dating taga tinda ng ube at leche flan sa palengke.”

 

            Kumunot ang noo niya. “San mo ginamit ang perang binigay sayo ni Mommy? Bakit hindi ka tumuloy sa pag-aaral?”

 

            “Huwag mo nang alamin, basta gusto kong magtrabaho.” Yumuko lang ito.

 

 

            NAGULAT si Kim ng hablutin ni Gerald ang braso niya. Kung kanina maamo ang nakikita niya sa mga mata nito, ngayon puro galit at pagdududa. Hindi na niya kailangan magpaliwag dito kung saan napunta ang perang binayad sa kanya noon. Hindi na din niya kailangang sabihing halos nasa bingit sila ng kamatayan ni Ralph noong ipinagbubuntis niya ito kaya kahit pwede siyang mag-aral noong buntis siya ay hindi na niya nagawa.

 

            “No, tell me!” sigaw nito sa kanya.

 

            “Gerald sa panahon ngayon mabilis nalang ang isang milyon!”

 

            “Akala ko ba matalino ka? Hindi ka manlang nag-isip ng paraan kung paano mo palalaguin ang pera?”

 

          Gago ka pala! Kung ang nanay mo halos mamatay na, hindi mo na iisiping palaguin ang perang nasa kamay mo na at pwede ng ibayad sa ospital! Gustong gusto na niyang isigaw dito.

 

            “Wala ka ng pakielam kung saan ko ginamit ang pera, pera ko yun hindi sayo!”

 

            “Yeah, perang galing samin!” sarkastikong pagkakasabi nito.

 

            “Ibinigay sakin, kaya sakin na yon,” nakipagsukatan siya ng tingin dito. Pinipilit niyang huwag lumaglag ang luha niya.

 

            Ito na ang unang sumuko.

 

            “Ako ang boss ng kompanya, kaya kong gumawa ng posisyon para sayo.”

 

            She rolled her eyes. Hindi talaga ito patitinag.

 

            “Anong posisyon? Tagalinis ng opisina mo?”

 

            “No, as my secretary” he look at her with a mischievous grin.

 

            “What?” Hindi niya talaga ito maintindihan, parang sira ulo kung magbago ng expression.

 

            “You heard me honey, so take it or leave it.” Pagkatapos ay dire-diretso na itong lumabas ng kusina.

 

 

            ONE hour later sumuko na si Gerald sa sarili, kanina pa siya bumabalikwas sa kama. Hindi siya makatulog, gusto niyang silipin si Kim. Pero hindi niya mapagkatiwalaan ang sarili, alam niyang kapag sumilip siya sa kwarto nito hindi siya aalis ng hindi nakukuha ang gusto niya. Pero parang may sariling isip ang paa niyang naglakad papunta sa kwarto ni Kim.

 

            Habang lumalakad paulit ulit niyang sinasabi sa sariling sisilip lang siya. “Promise, sisilip lang ako, hindi ako lalapit, promise promise.”

 

            Pagpasok niya sa kwarto nito parang gusto na niya magsisi sa naging desisiyon niya. Kim was sprawled in bed, nakadapa ito, nakasuot ng malaking T- shirt at nakabalot ng kumot hanggang baywang. Base sa marahan nitong paghinga, sigurado siyang tulog na ito.

 

            Pinipilit niya ang sariling umalis na pero natagpuan nalang niya ang sariling humihiga sa tabi nito. Humigit siya ng hangin at niyakap ito. He felt himself getting heady when his senses were filled with her sweet scent. Dapat na talaga siyang bumitiw at lumayo rito, pero lalong humihigpit ang pagkakayakap niya dito.

 

            Kim moaned in her sleep, bahagya pang gumalaw at lalong isiniksik ang katawan sa kanya. Ngumiti siya habang nakasubsob pa rin sa balikat nito, this really felt so nice. He couldn’t help but think how great it would be if he would wake up every morning this way. Bahagya siyang umunat para halikan ito sa noo.

 

            Although he was starting to get painfully aroused, bumuntong hininga na lang ulit siya at kinontento ang sarili sa inosenteng pagyakap dito. He could really get used to this.

 

            Narinig muli niya ang pagmurmur ni Kim, and then he felt her body stiffen. Napakagat-labi siya.

 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

SEMBREAK NA! weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee :)))))

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
miel0806 #1
ms. liaaaaaaaaaaaaann kelan mo ito iupdate? :D update na pretty pretty please :D
honyou
#2
update ka naman
enderez #3
hi nameless...hope maka update ka ulit thanks
galomkg #4
Yes thanks sa update... gawa ka ng maraming marami para happy ulit kami:-):-)
KG4life #5
end na ng fanfic na 'to??!! thank you so much :)
nameless #6
iluvkimerald..hindi pa, may isang chapter pa, di ko pa tapos eh :))
iluvkimerald #7
nameless ?? tpos n b 2 ?? more chapter p ..
nameless #8
hoooyzzt may ipapabasa ako sayo... kaso sa tue. na, ieedit ko pa yun eh ep-ep hahaha
bambzy #9
ahaha...dito tayo mag usap.....:lol
nameless #10
Gagawa akong bago! Ikaw ang bida BAMBZEY ha! wahahahahaha<br />
<br />
Galomkg! joke lang yun hahahha