Chapter 18

Meant To Be Together

 

            INISANG lagok ni Kim ang inumin pagkatapos ay inilapag ang shot glass sa pahabang mesa, parehong nakatawa.

 

            “How was it?”

 

            “parang wala lang naman,” aniya habang tila pinakikiramdaman ang sarili. “Parang tubig lang ang iniinom ko.”

 

            “Mamaya pa eepekto yan.” Itinaas ng kasama niyang lalaki ang hawak nitong bote ng tequila. “Another one?”

 

            Nagkibit-balikat lamang siya. “S-sige” Tila tuksong pumasok sa isip ang mga kabalustugang malamang ginagawa nila Gerald at Agatha sa mga oras na iyon. A river of jealousy flooded her system. “Hindi pa naman ako nalalasing.”

 

            She momentarily forgot the pain in her heart as she engaged in a drinking duel with a stranger. A few minutes more and they were already laughing and teasing each other just like old friends.

 

            Huli na nang makaramdam siya ng sobrang pagkahilo. Sa tanang buhay niya ay hindi pa siya nalalasing lalo at hindi naman siya marunong uminom. Her head spin out of control.

 

           

            ILANG MINUTO nang hinahanap ni Gerald si Kim, pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin niya ito nakikita. Agatha almost went ballistic when he rejected her offer, kaya kailangan pa niyang payapain ito.

 

            “Have you seen Kim?” Halos hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang naitanong ang linyang iyon sa lahat ng mga taong naroroon.

 

            Nang makita  ang pagkabalisa niya ay isa sa mga waiters ang lumapit sa kanya.

 

            “Boss Gerald, si Misis ho, mukhang lasing na lasing na,” naalangang sabi nito, tinatantya kung ikagagalit niya ang sasabihin.

 

            “What?” kunot-noong tanong niya. “Sigurado ka bang si Kim ang nakita mo? Where is she?”

 

            “Nakikipag-inuman ho kasama ng isa sa mga bisita.” Muli nitong inilapat ang mukha sa kanya. “Sir kanina pa ho nakaakbay ang isang iyon kay Ma’am.”

 

            “Bakit ngayon mo lang sinabi?” aburidong asik niya.

 

            His eyes automatically searched the whole place, pero hindi niya pa rin ito makita.

 

            “Nasaan sila?”

 

            “Nandoon ho sila sa kabilang dulo ng bar ---“

 

            Tumango siya nang makita ang tinutukoy nito. “Hanapin mo sina Mom and Dad at sabihin mong sila na muna ang magbantay kay Ralph. Ako na ang bahala kay Kim.”

 

            “Yes, Sir,” magalang na sabi nito.

 

            He took out his wallet and placed a couple of paper bills inside the man’s corner pocket. “Salamat sa tulong mo.” Iyon lang at buong pagmamadali niyang pinuntahan ang daan patungo sa bar kung nasaan si Kim.

 

            Tila umakyat ang lahat ng dugo sa ulo niya nang makita si Kim na nakayupyop sa mga bisig ng matangkad na estranghero. The caveman in him wanted to crack the opportunist bastard in half.

 

            “Easy, Darling,” bulong nito sa tainga ni Kim. “May isa ka pang shot na kailangang ubusin.”

 

            Tahimik siyang lumapit sa dalawa at tila gusto niyang magwala nang marinig ang impit na paghagikgik ni Kim dahil sa sinabi ng lalaki. “O-okay….na…ako…m-msyado ng…madami…” uttered in a breezy voice.

 

            “Damn right you’ve had enough!” he barked.

 

            Dumagundong ang malakas na boses niya sa apat na sulok ng bar na ikinahinto ng dalawa.

 

            Hinarap niya ang kasama ni Kim. “I hope that you realize that you’re taking advantage of a nearly unconscious woman,” he said in a murderous tone. Lumapit siya para kunin ang babae mula rito.

 

            The man gave him a knowing look. “Gerald Anderson,” anibo habang tila nagdadalawang-isip kung ibibigay sa kanya si Kim o hindi.

 

            “Mike,” malamig na tugon niya sa solong may-ari ng Montero Motors. He was a self-made who quickly gained his father’s favor because of his business acumen. “I see you’ve already met my fiancée.”

 

            Nakita niya ang bahagyang pagkabigla nito sa sinabi niya. Ilang sandali silang nagsukatan ng tingin bago ito tipid na ngumiti.

 

            “I’m not a monster, Gerald,” pagtatanggol nito sa sarili. “She was alone and it seemed like she needed some company. Wala kaming ginagawang masama.”

 

            “Well, thank you for your hospitality.” Walang kahirap-hirap na kinarga niya ang lasing na dalaga. “Ako na ang bahala sa kanya. I’ll take it from here.”

 

            Itinaas nito ang dalawang kamay sa ere. “Okay,” anito sa tonong umiiwas sa gulo. The man knew he was inside his territory after all.

 

            Tumalikod siya, bitbit si Kim. “Good night, Mr. Montero,” kulang sa emosyong paalam niya rito.

 

            “Hey, Gerald!” pahabol nito na bahagya niyang ikinahinto. Tahimik siyang lumingon. “Don’t lose her again if you can’t bear to see her in the arms of another man,” kalmanteng paalala nito sa kanya. “Kapag hinayaan mo siyang mag-isa sa susunod ay baka hindi ko na siya ibalik sayo.”

 

            “There won’t be any next time, Mike. I can promise you that.”

 

            “Ge?” mamaya ay mahinang sabi ni Kim sa kabila ng sobrang kalasingan. “Ang bi…lis n’yo naman ya…tang na… tapos ni Agtha…mo…hik…”

 

            “You stupid fool,” galit na sabi niya habang tinitingnan ito. “Alam mo bang muntik ka nang ma dahil sa ginawa mo? Four tequila shots in thirty minutes? Are you trying to kill yourself?”

 

            “Di..ko…alam…” anito nang marating nila ang pinto ng maliit na silid sa dulong bahagi ng mansion na nagsisilbing pahingahan nila tuwing hapon. Marahan niya itong inihiga sa maliit na kamang naroon at isa-isang hinubad ang damit nito maliban sa panloob.

 

            She was already sweating profusely. Nag-iinit na rin ang pisngi nito dahil sa sobrang alcohol na nainom.

 

            Ilang beses siyang napabuntong-hininga habang pinagmamasdan ang kagandahang nasa kanyang harapan. In another place and time, he would have wanted to ravage her, pero inayos na lamang niya ang higaan at tinakpan ng kumot ang katawan nito.

 

            Umupo siya sa tabi ni Kim at marahang hinaplos ang pisngi nito. “Pasalamat ka at wala rito ang anak natin para makita ka sa ganitong ayos. Don’t you ever do that again, Kimberly.”

 

            “Hmm…” wala sa loob na ungol ng dalaga habang nakapikit. Ilang sandali pa ay tila sanggol itong yumakap sa kanya at natulog nang mahimbing sa mismong mga braso niya, making his anger turn to jelly.

 

            They stayed in the same position for what seemed like eternity. Marahan niyang hinimas-himas ang buhok ng babae at buong rahan itong hinalikan sa noo at pisngi. She was sleeping like an angel.

 

            Ilang sandali pa ay iniluwa na ng pinto ang ulo ni Ralph. Ipinagbilin niya sa mga magulang na roon ihatid ang anak kapag natapos na ang kasiyahan.

 

            “Tay, anong nangyari?” tanong nito mula sa pinto.

 

            “It’s nothing, Ralph.” Tintigan niya si Kim at inayos ang ilang hibla ng buhok nito sa noo. “S-she probably drank a lot of pineapple juice.”

 

            Tumango ito. “ I know what you mean.”

 

            Napangiti siya. Nasasanay na din ito magsalita ng ingles dahil sa kanya.

 

            Sandaling katahimikan.

 

            “Can I sleep here?” tanong nito.

 

            “Of course.” Pinagpag niya ang espasyo sa gilid ni Kim.” Dito ka mahiga sa tabi ng Nanay mo.”

 

            Kumaripas ng takbo si Ralph para humiga sa gitna nila. He extended his arm to accommodate Kim in his embrace. Pakiramdam niya ay wala na siyang  mahihiling pa sa mga oras na iyon.

 

            Dumaan ang ilang minuto pero hindi pa rin siya makatulog. It was already ten in the evening but he could barely keep his eyes closed. “Ralph, are you awake?” tanong niya, sabay tingin sa nakapikit na anak.

 

            Base sa pagtaas-baba ng dibdib nito ay alam niyang nakikiramdam din ito sa kanya. “Opo,” anito na isang mata lamang ang pinanatiling bukas.

 

            “I have a confession to make.”

 

            Lumingon ang bata sa direksyon niya. “What’s that?”

 

            “Well, I just wanted to tell you that I’m…” alanganing sabi niya. “I’m inlove with your mother.”

 

            “I know.”

 

            “H-how did you know?”

 

            “Well, your eyes get all sparkly whenever you’re with her.” Nagkibit-balikat ito mula sa pagkakahiga at niyakap si Kim. “It’s not a rocket science.”
 

            Ngumiti siya. “Ganoon ako ka-obvious?”

 

            Tumango ito. “Opo.”

 

            Pinatay niya ang ilaw ng lampshade sa sidetable. “Goodnight, Son.”

 

            “Night, Tay.”

 

 

            KIM woke up with a terrible headache and Gerald reading the morning paper by her side. Sa kabilang kamay ay may hawak itong tasa ng umuusok na kape.

 

            “Ge!” Dinama niya ang kanyang sarili at bahagyang itinaas ang kumot na nakabalabal sa kanyang katawan. She was underneath the sheets. “Anong ginawa mo sa’kin kagabi?”

 

            Huwag na huwag lang masabi nang lalaking ito na may nangyari na naman sa kanila at kukuha na talaga siya ng malaking bato para ipukpok sa ulo niya.

 

            “In your dreams, Kimmy,” sabi ng binata na kaagad na nahulaan ang iniisip niya. He continued to read the newspaper as he sipped coffee from the mug. “Halos hindi ka na nga mapakinabangan buong magdamag.”

 

            Muli niyang tiningnan ang kanyang sarili sa ilalim ng kumot. “Kaya ba kinakailangan mo akong hubaran ng damit kagabi?”

 

            “Kung ang ibig mong sabihin ay hinubaran kita ng damit para masilayan ang katawan mo,” he looked at the ceiling before looking at her again, “that’s only the second reason.”

 

            Tinitigan niya ito dahil sa kaparangkahan nito. He didn’t look the least bit guilty for invading her privacy and her lace underwear last night.

 

            He chortled. “Ang totoo niyang ay basang-basa ka ng pawis kagabi. Kinakailangan kong punasan ng maligamgam na tubig ang buong katawan mo.”

 

            Nginitian niya ito nang mapakla. “At ako pa ngayon ang may utang na loob sa iyo, ganon ba?”

 

            He shrugged his shoulders. “Nasa dryer ang underwear at mga damit mo. Nilabhan ko na kagabi para may maisuot ka ngayong umaga. Thank me later.”

 

            Nagdududa pa ring tinitigan niya ito.

 

            “Kimmy, I don’t make it a habit to sleep with unconscious women.” Itiniklop nito ang binabasang diyaryo. “Isa pa, kasama nating natulog si Ralph buong gabi. You were probably too drunk to remember.”

 

            Nakahinga siya nang maluwag ngunit hindi pa rin siya nakaligtas sa pananakit ng katawan.

 

            “H-hindi mo man lang ba ako aalukin niyan?” Hinagod niya ang sentido. Her head was pounding like an ancient drum.

 

            “Oh, I’m sorry, I forgot,” nangingiting sabi ng lalaki habang iniaabot sa kanya ang tasa ng umuusok na kape. “Tinimpla ko nga pala to, para sa’yo.”

 

            Kinuha niya ang tasa mula kay Gerald at uminom mula roon. She could almost taste his lips from the cup, making them look like a married couple who just woke up from a night of lovemaking.

 

            “Anong nangyari sa akin kagabi?” she inquired shyly. Napansin niyang nakabihis na si Gerald na tila kanina pa nagising dahil tuyo na ang buhok nito.

 

            “You passed out. Ubusin mo ba naman ang lahat ng naka-stock na tequila sa bar. I even had to pay extra for the massive amount of lime you devoured.”

 

            Alam niyang nagbibiro lang ito nang sabihin iyon pero hindi pa rin siya nakaimik.

 

            “Lasengga,” he murmured in utter amusement.

 

            Her cheeks turned scarlet. “Wala kang karapatang tawagin akong ganyan,” asik niya, feeling the need to defend her from her shocking behavior.”Habang nagpapakasaya ka sa buhay mo noon ay nagpapalit ako ng diaper ni Ralph.”

 

            “Wag mo ngang idahilan yan, sinolo mo ang responsibilidad sa bata noon. Hindi mo sinabi sakin, at hindi pa rin rason yan para makipagharutan ka sa insekton yon! You were only a few steps away from his goddamn car last night. Paano kung bigla ka na lamang niyang dinala kung saan?”

 

            The thought immediately gave her goosebumps. Kahit ayaw niyang aminin ay alam niyang may punto ito. “B-bakit?, nagenjoy naman akong kasama yung gwapong lalaking yun ah.” Sabi na lamang niya para inisin ito.

 

            Biglang pumormal ang mukha ni Gerald. “Huwag mo na ulit gagawin ang stunt na ginawa mo kagabi,” seyosong babala nito. “Mike Montero may not be a , pero hindi rin santo ang lalaking iyon.”

 

            “Mike pala ang pangalan niya.”

 

            “Nakipag-inuman ka sa lalaking ni hindi mo alam ang pangalan?” Bigla na lamang umusok ang ilong nito sa sobrang iritasyon. “What are you, a loose cannon now?”

 

            Ibinaba niya ang tasa sa ibabaw ng maliit na mesa sa sa tabi ng higaan. Pinagkrus niya ang dalawang kamay sa kanyang dibdib at lumabi. What she had done last night was totally out of character. Pero hinding-hindi niya iyon aaminin sa binata. “Nagsalita ang hindi malandi.”

 

            “Anong ibig mong sabihin?”

 

            “Wala naman,” kibit-balikat niya. “Naisip ko lang na hindi mo yata kasama si Agatha.” Hindi niya napigilang sumabatan ito nang pailalim. “Nasaan na siya?”

 

            “I have no idea,” he replied casually. “Ikaw at si Ralph ang kasama ko buong gabi.” Saglit itong natigilan sa gitna ng nang-aarok na tingin. His face displayed an inquiring look before breaking into a wayward grin.

 

            Binuklat nito ang isang pahina ng diyaryong binabasa. “Nevertheless, I’m glad that you’re jealous,” ngingiti-ngiti nang sabi nito. He even hummed a silly old love song to annoy her.

 

            Matalim niyang tinignan ito. “hindi ako nagseselos,” she said indignantly.

 

            “Is that why you were throwing dagger glances at Agatha last night?” patuloy na panunukso nito. He pinched her cheek. “At naglasing ka pa talaga, ha.”

 

            Inirapan niya ito bago iniwas ang tingin, like a mouse cornered on the wall. “Tumalikod ka nga muna at magbibihis pa ako,” pag-iiba niya ng usapan para maitago ang pamumula ng kanyang mukha.

 

            Tumawa ito nang pagak. “Are you serious?”

 

            “Natural!”

 

            “Fine.” Patamad itong tumalikod. “Magkukunwari na lamang akong hindi ko pa nakita, nahawakan at nahalikan ang lahat ng yan.”

 

            She ignored his blatant insinuation. “Nasaan si Ralph?” aniya habang isinusuot ang puting blouse. Binato niya ng unan ang mukha nito nang magtangka itong lumingon. Gerald only retaliated with laugh.

 

            “Kanina pang umaga sinundo ng lolo niya,” he informed. “They’re going to go bass fishing at Lake Kaliraya.  Kagabi pa kasi napagkasunduan ng dalawang yon. Don’t worry he’s in good hands.”

 

            Yumuko siya at isinuot ang kanyang sapatos. “Bakit naman hindi ka sumama?”

 

            “Napakawalang  konsensya ko naman kung iniwan kita rito sa ganyang kalagayan.” Iniabot nito ang leather bag na dala niya nang naakaraang gabi.

 

            Sabay nilang tinungo ang pinto at akma na  itong bubuksan ni Gerald nang muli itong magsalita. “Besides…” nakangising sabi nito bago binuksan ang main door, “I don’t want to miss this for the world.”

 

            Nahigit niya ang hininga nang makita ang mga tauhan sa mansion na kaagad na huminto sa kanilang ginagawa. They stood like a scarecrows after going back and forth like busy bees.

 

            Napakapit siyang mabuti sa strap ng dala niyang bag. She dreadfully wanted to go back to the room and stay there forever but it was already too late. Wala siyang nagawa kundi taas-noong maglakad patungo sa labas ng mansion.

 

            “Good morning, Ma’am Kim,” paisa-isang sabi ng mga taong nadadaanan nila. Magiliw na nakangiti ang mga ito.

 

            She could almost hear the clacking sound of her shoes in every step. Na tila ba isa iyong eksena sa pelikula kung saan naka-slow motion ang bawat galaw ng bidang babae. It was so embarrassing!

 

            There was Engr. Gonzales, Albert, the old janitor and ten others who were introduced to her last night.

 

            “G-good morning….” ganting bati niya sa mga ito. She strangled Gerald with her bare hands inside her head.

 

            Hiyang-hiya man ay tipid pa rin siyang ngumiti. Nag-iisang linya ang mga matang nilingon niya ang katabi. Why, the bastard was only smirking calmly. Trip na trip talaga nitong ilagay siya sa kahihiyan.

 

            “Good morning, Boss Gerald,” bati ng isa sa mga ito.

 

            “Yes, Brent, it is indeed a great morning,” sagot ng hinayupak na tinapunan siya ng nang-aangking tingin.

 

            Nakailang bati pa siya sa mga tauhan ng mansion bago niya narrating ang puting sasakyan ng binata. “Para san yon?” inis na tanong niya nang makapasok na sa loob ng sasakyan.

 

            “Nothing.” He shrugged his broad shoulders. “ I just wanted the world to know that you’re already mine. Pagkatapos ng nangyari kagabi ay hindi na ako papayag na may iba pang lalaki na lalapit sayo.”

 

            “Hindi mo ako pag-aari!”

 

            “Oh you are mine, Kimmy.” Seryoso ang mukhang hinarap siya nito. “I think I’ve already made that clear the last time we made love. Gusto mo bang ipaalala ko sa iyo ang mga ginawa natin noong—“

 

            “No…!” she cried defensively.

 

            Dumukwang ito para ayusin ang seat belt sa kanyang katawan. “Well then, stop acting like a naïve seventeen-year-old, dahil matatanda na tayo. Okay naman tayo kahapon ah, naging tigre ka nanaman sakin ng dahil kay Agatha.” Ilang pulgada na lamang ay maari nang magdikit ang kanilang mga labi.

 

            “Umuwi na tayo, masama na talaga ang pakiramdam ko,” she said, causing him to draw back his body. Hinarap ni Gerald ang manibela at walang-salitang pinaandar ang makina.

 

 _____________________________________________________________________________________________

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
miel0806 #1
ms. liaaaaaaaaaaaaann kelan mo ito iupdate? :D update na pretty pretty please :D
honyou
#2
update ka naman
enderez #3
hi nameless...hope maka update ka ulit thanks
galomkg #4
Yes thanks sa update... gawa ka ng maraming marami para happy ulit kami:-):-)
KG4life #5
end na ng fanfic na 'to??!! thank you so much :)
nameless #6
iluvkimerald..hindi pa, may isang chapter pa, di ko pa tapos eh :))
iluvkimerald #7
nameless ?? tpos n b 2 ?? more chapter p ..
nameless #8
hoooyzzt may ipapabasa ako sayo... kaso sa tue. na, ieedit ko pa yun eh ep-ep hahaha
bambzy #9
ahaha...dito tayo mag usap.....:lol
nameless #10
Gagawa akong bago! Ikaw ang bida BAMBZEY ha! wahahahahaha<br />
<br />
Galomkg! joke lang yun hahahha