Chapter 6

Meant To Be Together

 

Kalalabas palang ng banyo ni Gerald nang tumunog ang kanyang cellphone. Napangiti siya, inaasahan niya kasing si Kim iyon, madalas kasi silang magtawagan kahit na buong maghapon silang magkasama sa eskwela. Agad niyang inabot ang cellphone na nakapatong sa bedside table niya.

 

Nagtaka naman siya at tila biglang kinabahan nang makitang si Maja ang tumatawag. Bago pa man siya magsalita, narinig na niya ang garalgal na boses nito.

 

“Ge, si Kim! Pumunta ka dito bilisan mo” rinig na rinig niya ang pag-iyak nito.

 

Lumakas ang kabog ng dibdib niya.

 

“Anong nangyari? Nasaan si Kim?”

 

“Ge, andito kami sa UST Hospital, nawalan nalang kasi siya ng malay kanina, ang tigas tigas kasi ng ulo nun”

 

Hindi na niya ito pinatapos sa pagsasalita, nagmamadali na siyang umalis.

 

“Pupunta na ako diyan”

 

Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan, halos hindi na siya makahinga sa sobrang pag-aalala. Ilang araw na din niyang napapansing matamlay si Kim, kapag tinatanong niya ito kung masama ang pakiramdam madalas na sagot lamang sa kanya nito ay pagod dahil sa pag-aaral. Hindi niya dapat hinayaan iyon, kung mas naging mapag obserba lang siya ay hindi na sana hahantong sa ganito.

 

Please God, let her be okay please please…

 

 

 

Pagpasok ni Gerald ng ospital, nakita niya agad si Maja na kausap ang doctor. Mabilis siyang nakalapit sa mga ito. Tumingin lang si Maja sa kanya at bahagyang ngumiti. Labis pa din ang pag-aalala niya sa kalagayan ni Kim.

 

“She’s okay now, Kim have abnormal heart beatings, meron siya Arrythmia, kaya madalas siyang nanghihina, isa iyon sa mga symptoms.”

 

“Doc, delikado ba yun?” nanghihina na siya sa mga malalaman, hindi niya kayang mawala si Kim.

 

“Many arrhythmias require no treatment, they are naturally controlled by the body’s immune system. Hindi pa naman masyadong serious o dangerous ang sa patient,  kelangan niya lang magpahinga, bawal din siyang masyadong magpapagod, stress din ay bawal na bawal, also make sure that Kim have a minimum of 8 hours of sleep, may mga gamot din akong nireseta para makatulong sa kanya, inatayin niyo nalang ang nurse na ibigay iyon sa inyo mamaya.”

 

Nakahinga siya ng maluwag kahit papano sa mga sinabi ng doctor sa kanila.

 

“Sige po salamat talaga doc”

 

“No problem, bukas pwede na din siyang umuwi maiwan ko na kayo”

 

“Sige po doc”

 

 

 

Nang makapasok si Gerald at Maja sa room ni Kim, agad niya itong tinanong kung anong nangyari. Umupo ito sa sofa at siya naman ay umupo sa gilid ng kama ni Kim. Wala pa din itong malay sa mga oras na iyon.

 

“Ano ba talaga ang nangyari Maj?”

 

“Basta kanina nung pagkahatid mo sakanya napansin ko ng namumutla siya, tapos sabi niya masakit lang daw ang ulo niya kasi pagod, nung sinabi kong tatawagan kita, ayaw naman niya baka daw maistorbo ka lang”

 

“No, alam ni Kim na kahit kelan hindi niya ako maiistorbo, kada tinatanong ko din siya kung masama ang pakiramdam niya, ayaw naman niya sabihin sakin ang totoo” namumo na ang luha niya sa mata.

 

Lumapit ito sa kanya at hinagod ang kanyang likod.

 

“Ok nanaman si Kim eh, magpasalamat nalang tayo, ayaw lang niya sigurong mag-alala tayo Ge”

 

“Buti nalang nakita mo siya agad”

 

“Kasi nung nagpaalam siya sa akin na kukuha daw siya ng tubig, hindi ako mapakali kasi yung itsura niya parang anytime mag ko-collapse, kaya sinundan ko siya sa baba, tapos nakita ko nalang siyang bumagsak”

 

“Pano kung nung nahimatay siya naging masama ang pabagsak niya, pano kung hindi mo agad siya nakita, hindi siya pwedeng mawala Maja” tuluyan ng nahulog ang kanyang luha

 

“Ano ka ba, ang importante ok na si Kimmy, wag na tayong mag-alala, ang dapat gawin nalang natin ay bawalan siyang mapagod”

 

“Alam na ba to ng mama niya?”

 

“Hindi pa, ayaw kasi ni Kim na mag-alala ang mama niya kaya hindi ko tinawagan kanina”

 

Natigil sila sa pag-uusap ng maramdaman niyang gumagalaw na si Kim. Agad niya itong niyapos.

 

“Kimmy, anong nararamdaman mo? Nagugutom ka ba?”

 

Umiyak ito, seeing her crying made his heart broke into pieces.

 

“Mama….Mama..” patuloy pa din ito sa pag-iyak.

 

“Ssssssshhh Kim, tama na, tatawagan namin ang Mama mo”

 

“Gusto ko ng umuwi Ge, gusto ko ng umuwi” Awang-awa siya dito, hindi madali para dito ang mahiwalay sa ina, kung siya nga dati ay hindi din natatahamik hangga’t hindi nakikita ang kanyang Mommy pag siya ay may sakit.

Kung pwede niya lang alisin ang lungkot at sakit na nararamdaman nito ay gagawin niya agad agad. Mas nahihirapan siyang makita itong umiiyak.

 

Pinunasan niya ang mga luha nito.

 

“Tama na Kimmy, lalo ka lang magkakasakit niyan eh, promise ko sayo sasamahan kitang umuwi sa weekend, please Kimmy tumahan ka na.”

 

Hindi tumitigil ang pag-agos ng mga luha nito, napatingin siya kay Maja na kasalukuyang naluluha na din.

 

 

Nanatili lang siyang nakayapos dito, hanggang sa makatulog uli ito sa sobrang pagod.

 

“Ge bibili muna ako ng pagkain, ikaw na muna ang bahala diyan” paalam sa kanya ni Maja.

 

Nginitian niya ito.

 

“Sige Maj, salamat ha”

 

“Ano ka ba, wala yun, ano bang gusto mo?”

 

“Kahit ano nalang”

 

Umalis na ito. Humiga na din siya sa tabi ni Kim sa kama, ayaw kasi nitong bitawan ang kamay niya, nagigising ito pag nararamdamang umaalis siya sa tabi nito. Hinimas niya ang pisngi nito at hinalikan.

 

“Wag na wag mo na ulit ako pag-aalahanin ng ganun ha, hindi ko kakayanin Kim, mahal na mahal kita, I will do everything I can to make you happy, I will take care of you forever”

 

 

 

Nagmulat ng mata si Kim nang marinig ang mga sinambit ni Gerald, hindi niya kasi iyon inaasahan.Hindi kasi ito nakatulong sa pagkakasakit niya, aminado siyang ito ang dahilan kung bakit palagi siyang stressed, sumama kasi ang kanyang loob nang isang araw ay narinig niya itong kausap ang mga kaibigan sa lugar kung san sila madalas magkita.

 

 

FLASHBACK:

 

 

Nakatanggap ng tawag si Kim mula kay Gerald nang matapos ang kanyang klase sa umaga.

 

“Hi Kimmy tapos na klase mo?”

 

“Oo katatapos lang, nasan ka?”

 

“Nandito ako sa gazebo, kasama ko sina Jimmy at Fred, punta ka na dito, lunch tayo sa labas”

 

“Okay,pupunta na ako”

 

Narinig niya pa ang boses ni Jimmy bago pa niya putulin ang tawag.

 

“Chinita bilisan mo! Gutom na ako!”

 

“Oh bilisan mo daw, mag-iingat ka ha, tignan mo ang stoplight”natatawang  utos ni Gerald sa kanya.

 

Natawa din siya,madalas kasi nilang pagkwentuhan ang araw ng una nilang pagkikita.Natatawa sila kada ma-aalala iyon, minsan binabanggit niya iyon dito para asarin ito kung gaano ito kasungit. Amazona naman ang pang-aasar nito sa kanya.

 

“Opo, sige bbye, yung ice cream ko ha!” pahabol niya.

 

“Hindi kita ibibili nang ice cream kapag hindi mo pa binilisan ang paglalakad, bbye na”

 

“sige bbye” pinutol na niya ang linya.

 

Papalapit na siya sa gazebo kung saan naroon ang mga ito, ngunit napahinto siya nang marining kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito.

 

“Bro, di mo sinabi samin na uuwi pala yung kababata mong si Natalie” sambit ni Fred.

 

“Oo nga bro, grabe kung hindi ko pa naka chat yun eh hindi ko malalaman na sa inyo pala siya magsstay habang nagbabakasyon” namamanghang pagkakasabi ni Jimmy.

 

“Nagulat nga din ako, actually last week lang sinabi sakin ni Mommy, namiss ko na din yung babaeng yun eh,butit sa bahay siya mag-sstay, makakapagbonding ulit kami”

 

“Bro lagi ko nakikita mga pictures nun sa FB, pare! Pamatay ang curves” ani ni Jimmy habang inilalarawan sa kamay ang curves na sinasabi nito.

 

“Kung dun siya mag-sstay sa inyo ibig sabihin desidido na talaga si Tita na paglapitin kayo, matagal na kayong ipinagkakasundo diba” ngiting ngiting sambit ni Fred.

 

Hindi na niya gustong pang marinig ang mga susunod na sasabihin ng mga ito, sumasama lamang ang loob niya, pero ang mas masakit pa ay hindi siya maaring masaktan ng ganito dahil wala naman silang relasyon ni Gerald, magkaibigan lang sila. Ngumiti siya habang tuluyang lumapit sa mga ito, ayaw niya kasing mapansin ni Gerald kung gaano siya kaapektado sa mga narinig. Pinilit nalang niyang maging masigla habang kasama ang mga ito kahit ang totoo ay masama pa din ang kanyang pakiramdam at nasasaktan pa din sa mga nangyayari.

 

 

END OF FLASHBACK

 

 

            “Ge?” sambit niya habang nakatitig sa binata. Kitang kita niya pagkagulat nito nang malamang gising pala siya at narinig ang mga sinabi nito. Inalalayan siya nito upang maka-upo at hinawakan ang kanyang kamay.

 

“Kim…” mahinang usal nito.

 

“Anong sabi mo?” tinanong niya ito upang makasiguro kung tama ang kanyang pagkakarinig sa mga sinabi nito.

 

Tinignan siya nito sa mga mata, kitang kita niya ang senseridad nang magsalita muli ito.

 

“I said I love you, I love you so much that it hurts me to see you like that, I don’t want to loose you, let me take care of you, please I want you to be mine… I love you Kimmy” niyakap siya nito.

 

The rational part of her mind says ‘No’. Nais niyang tumanggi dahil sa narinig niya ng mga nakaraang araw. But her heart that beat wildly for him told her otherwise.

 

Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata, siya na ata ang pinakamasayang babae sa mundo ngayon. Gerald loves her. Tumulo ang kanyang mga luha.

 

Hinawakan nito ang kanyang magkabilang pisngi and he kissed her tears away.

 

“Kim I’m not trying to pressure you, hindi mo kailangan sumagot agad, alam kong naguguluhan ka pa, kaya kong maghintay, I can wait even if it takes forever, I just want you to know that I love you, nandito lang ako para sayo, mahal na mahal na mahal kita tandaan mo yan.”

 

Niyakap niya ito nang mahigpit.

 

“I love you Ge, I love you…” ramdam niya ang pagkabog ng dibdib nito, tinugon nito ang mahigpit niyang yakap.

 

Bahagya itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Tinitigan siya nito, napalunok siya nang maramdaman ang paglapit ng mukha nito sa mukha niya. Then she felt his lips against her. Muling nabuhay ang mga paru paro niya sa sikmura, may kung anong kureyente ang gumuhit sa kanya. She was inlove with him since the very first  moment he kissed her. She could tell from the movement of his lips and his arms that suddenly hugged her tight that he really felt the same way, too.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
miel0806 #1
ms. liaaaaaaaaaaaaann kelan mo ito iupdate? :D update na pretty pretty please :D
honyou
#2
update ka naman
enderez #3
hi nameless...hope maka update ka ulit thanks
galomkg #4
Yes thanks sa update... gawa ka ng maraming marami para happy ulit kami:-):-)
KG4life #5
end na ng fanfic na 'to??!! thank you so much :)
nameless #6
iluvkimerald..hindi pa, may isang chapter pa, di ko pa tapos eh :))
iluvkimerald #7
nameless ?? tpos n b 2 ?? more chapter p ..
nameless #8
hoooyzzt may ipapabasa ako sayo... kaso sa tue. na, ieedit ko pa yun eh ep-ep hahaha
bambzy #9
ahaha...dito tayo mag usap.....:lol
nameless #10
Gagawa akong bago! Ikaw ang bida BAMBZEY ha! wahahahahaha<br />
<br />
Galomkg! joke lang yun hahahha