Chapter 2

Meant To Be Together

 

Hindi nahirapin si Kim sa paghahanap ng kanyang classroom dahil bago pa man ang pasukan ay nabisita na niya ang Unibersidad at finamiliarize na ang sarili. Yun nga lang bakit ang stoplight pa ang nawala sa kanyang isip, kaya ang akala niyang positibo at swerteng araw niya ngayun ay mukhang kabaligtaran na ata, dahil sa Gerald na yun, feeling niya ay minalas nanaman siya, lalong nalintikan pa ng pagpihit niya sa kanyang kanang katabi ay ang mukha pa ng taong hindi niya na gusting makita pang muli.

 

Nanlaki ang kanyang mata ng makita si Gerald, lalo pa ng makita niya itong panay ang hipo sa katabi nitong babae.

 

“Naku Naku, pag minamalas ka nga naman, Bro please help me, wag ka namang ganyan, hindi ko yata kakayaning makita ang pagmumukha ng lalaking to sa araw araw na ginawa mo.” Himutok niya sa kanyang isip.

 

“So Celine, sa bahay ni Fred ha, I’ll expect you to be there...” anito sa kausap na babae.

 

“Sure Gerald, basta ikaw” sabi ng huli at tumayo sa kinauupan at kumindat dito.

 

“Ang landi landi, hindi naman pala dito classroom” bulong niya sa sarili.

 

“Excuse me?” tanong ng malanding babae sa kanya

 

“Ha? Ako ba kausap mo?” habang palingon lingon siya sa kanyang likod.

 

“You’re saying something, I heard you” nakakunoot ang noo pagkakasabi ni Celine sa kanya.

 

“Ako? Ah miss siguro, guni guni mo lang yun kasi kung nakikita mo busy ako sa pagbabasa dito, wala naman akong sinasabi.” Pagtatanging sabi niya.

 

Inirapan siya nito at umalis.

 

“Irap irap pa, maduling ka sana” napalakas na sambit niya.

 

“What’s wrong with you?”

 

Nagulat siya ng marinig si Gerald na nagsalita, hinding hindi niya makakalimutan ang boses nito, ito yata ang nagpahiya sa kanya sa unang araw niya pa lang sa Unibersidad.

 

“What’s wrong with me?” Nakataas ang kilay pagkakasabi niya dito.

 

“Yes, what’s wrong with you?” Inis na sabi nito.

 

“No no no, what’s wrong with you?” Nakakalokong bigkas niya dito.

 

“Pinagttripan mo ba ako?”

 

“ako? Pinagttripan ka?”

 

“Oo, ikaw pinagttripan mo ba ako?”

 

“hindi, hindi, ikaw pinagttripan mo ba ako?”

 

“Alam mo ikaw, pagsisihan mo yang ginagawa mo sakin!” galit na sambit nito sa kanya.

 

“Asa ka pa, FYI, hindi ako takot sayo”

 

“nasasabi mo lang yan dahil hindi mo ako kilala”

 

“nasasabi mo lang din yan dahil hindi mo ako kilala”

 

Hindi niya namalayan na madami na palang isyosong mukha ang nakatingin at nakikinig sa kanila, ang masama pa, mukang ang lahat ng mga ito ay sa mukha palang kay Gerald na kampi, inis na inis siya dahil feeling niya ay isang sampid lang siya sa classroom.

 

Natigil ang pagtatalo nila ni Gerald ng pumasok ang kanilang professor. Umayos siya ng upo, akala niya ay lilipat ng mauupuan si Gerald ngunit nanatili ito sa kinauupan.

 

“Goodmorning, Im Robert Mcnally, your Professor for english1, may I see the hands of the new freshmen here?”

 

Nagtaas siya ng kamay, nakita niyang ay kanyang mortal na kaaway ay hindi nagtataas ng kamay, so tama nga ang kanyang hinala na hindi ito bago,but deep inside she wanted to laugh, dahil kung hindi ito freshie ay bakit ngayong lang ito nag i-english1.

 

Apat lamang silang freshmen, kaya lalo siyang kinabahan, dahil mukang antigo na ang mga kaklase niya, lalong lalo na tong mortal enemy niya, wag naman sana siyang pagtulungan ng mga ito.

 

“ I see, so the others?” sabi ng kanilang professor.

 

 

Halos kalahati ng klase ay seniors na pala, nagtaka tuloy siya dahil ngayon lang ang mga ito nag i-english1 samantalang kinukuha dapat yun simula palang. Nalaman din niyang si mortal enemy pala ay senior na din.

 

“Bagay nga ang classification na senior sayo, mukang mag si-senior citizen ka naman ng maaga sa kasungitan mo eh” sa isip isip niya.

 

**********************************************************************************************

Sa loob na cafeteria mag-isa lamang si Kim sa table na kanyang pinili malapit sa may bintana. Pinilit na lamang niyang magbasa habang humihigop ng juice upang hindi mag mukang katanga tanga, dahil siya lamang ang walang kasama at kausap doon.

 

She was shocked to see a man sat beside her, at naningkit pa lalo ang kanyang matang singkit na talaga ng makita kung sino ang intruder na yoon, ni hindi man lamang nagpaalam sa kanya dahil basta basta na lamang nakiupo ang kanyang mortal enemy na si Gerald. Lalo pa siyang nainis dahil mukang may bitbit pa itong mga alipores.

 

“Hey Gerald” sambit ng isang lalaking daig pa ang nakadroga sa kapayatan, habang papalapit sa kinauupan niya.

 

“Anderson pare” sambit naman ng isa pa, at natatandaan niya ang isang ito, hindi dahil may itsura din ito, kundi dahil ito ang tumawag kay Gerald noong nagbabangayan sila kani-kanina lang, ito ang makapal ang mukhang nagsabing type niya si Gerald.

 

Tumayo ang mortal enemy niya at talagang makapal ang mukha nito dahil humila ito ng upuan, at ipinaupo ang dalawa nitong alipores malapit din sa kanya, hindi talaga humingi ng permiso ang walanghiya!

 

“Kimberly Sue Chiu, hmmm not bad” swabeng pagkakasabi ng kanyang mortal enemy.

 

Napa-angat naman ang kanyang ulo na kanina pa ngalay sa pagkakayuko ng marinig ang pangalan niya, at buo pa, paano naman kaya nalaman ng mokong na ito ang pangalan niya, wala naman siyang natatandaan na nagpakilala sila sa klase kanina, mukang tatamad tamad nga ang kanilang guro dahil pagkatapos magtanong kung ano ang classification nila, aba umariba na sa pag-alis .

 

Tinignan niya ito, at takang taka.

 

“Chinese pala to eh, sabagay mukha naman talagang Chinese” sambit ng lalaking mukang naka droga.

 

“p-ppaano niyo nalaman ang pangalan ko?” nauutal na sabi niya

 

“because I have sources, wag mo ng itanong kung paano, diba Fred?.” Anito sa kanya habang tinapik ang balikat ng lalaking tinawag nitong Fred.

 

“Yep, so pare, is she invited?” tanong ng huli dito habang ang ‘she’ na tinutukoy ay mukang siya.

 

“Yes she is” anito sa kanya at kinindatan pa siya.

 

Nagabago ata ihip ng hangin dahil parang kanina lang ay mukhang kakainin siya nito ng buhay, ngayon naman mukang nilalandi siya.

 

“invited saan?” takang takang sabi niya.

 

“party sa bahay nila Fred, birthday ng utol niya” nakangising sabi nito sa kanya

 

“ha? Ba’t ako nasali diyan? Pake ko kung birthday ng kapatid niya, at tsaka bakit ikaw ang nagiinvite? Kung makapag invite ka kala mo naman ikaw ang may birthday”

 

“I know where you stay,be ready at 7 later, if you don’t, I’ll drag you out of your dorm, I don’t take ‘no’ for an answer.” Ito lamang ang sinabi nito at umalis na kasama ang mga alipores.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
miel0806 #1
ms. liaaaaaaaaaaaaann kelan mo ito iupdate? :D update na pretty pretty please :D
honyou
#2
update ka naman
enderez #3
hi nameless...hope maka update ka ulit thanks
galomkg #4
Yes thanks sa update... gawa ka ng maraming marami para happy ulit kami:-):-)
KG4life #5
end na ng fanfic na 'to??!! thank you so much :)
nameless #6
iluvkimerald..hindi pa, may isang chapter pa, di ko pa tapos eh :))
iluvkimerald #7
nameless ?? tpos n b 2 ?? more chapter p ..
nameless #8
hoooyzzt may ipapabasa ako sayo... kaso sa tue. na, ieedit ko pa yun eh ep-ep hahaha
bambzy #9
ahaha...dito tayo mag usap.....:lol
nameless #10
Gagawa akong bago! Ikaw ang bida BAMBZEY ha! wahahahahaha<br />
<br />
Galomkg! joke lang yun hahahha