Chapter 14

Meant To Be Together

Eight Years Later….

 

Gerald was looking at a miniature wine bottle. He was riding the company’s limousine, on his way to his house. Kapag nasa Maynila siya ay bihira siyang magmaneho nang mag-isa. Bukod sa kadalasan ay pagod siya, ayaw rin ng mga magulang niya. Nangangamba ang mga ito na ma-kidnap siya o may kung anong masamang mangyari sa kanya kapag nag-iisa siya sa sasakyan.

 

Of course, it was a given that it was because he was their son, that was why they protected him. Mahigit anim na taon na din siya ang namamahala ng kanilang kompanya at last year lamang ay nailipat na sa kanya ang malaking share niyon.

 

He would soon turn twenty nine. He hoped that his life would begin then. Maybe his life could begin again after it ended a few years ago.

 

Napabuntong-hininga siya nang maalala ang babaeng naging sanhin ng lahat ng iyon, ang babaeng nagdala sa kanya ng matinding kalungkutan, sakit ng kalooban, sama ng loob at galit.

 

Where the hell was she now?

 

Muli siyang napabuntong-hininga sa katanungan sa kanyang isipan. Matagal na niyang ipinangako sa sariling hindi na niya iisipin pa ang babae sa paraang parang interesado pa siya rito. Hindi na ulit. Pagkatapos ng ginawa nito ay hindi na siya dapat maglaan ng oras para isipin ito sa ganoong paraan.

 

He must feel only anger towards her. Oo at naroon pa rin ang galit na iyon ngunit kailangan niyang aminin na gusto pa rin niyang malaman kung ano na ang pinagkakaabalahan nito ngayon. It was his curiosity that was making him ask stupid questions like that.

 

Marahil ay gusto rin niyang malaman kung naging masaya ba ito na ipinagpalit siya nito sa pera.

 

Binuksan niya ang T.V sa limousine. Being inside it was proof how wealthy he was. It was only a three-door limousine, with a TV and a bar inside, but it was a limousine. His father wanted to buy a longer one, but he said it was not a thing the company should waste money on.

 

Ang lahat ng taong nakakakilala sa kanya ay alam kung ano ang kaya niyang gawin, kung gaano kalawak ang koneksiyon niya, kung gaano siya kayaman. He was the president of Andersons Group of Companies. Samu’t-sari ang produkto ng Andersons, mula pagkain hanggang sabon hanggang piyesa ng sasakyan at motorsiklo hanggang sa real estate. Kaya nilang pumuno ng isang supermarket sa lahat ng kanilang produkto.

 

They were A-listers in the country ang almost all over the world. His parents were one of the most invited couples in the country’s biggest events. Ilang taong na ring pabalik balik ang mga ito sa kung saan-saang bansa, tinatamasa ang kayamanang dulot ng pagsisikap ng mga ito. Nagawa ng mga itong mas palaguin pa ang negosyo, palawakin ang koneksiyon nila sa business world at politika.

 

Who would have thought he once fell in love with a ?

 

Kung malalaman lang ng mga tao ang lahat ng iyon, marahil ay pinagtatawanan na siya, pinag-uusapan.

 

Naputol ang pag-iisip niya nang tumunog ang kanyang cellphone.

 

“Yes pare, bukas na ang flight ko papuntang Leyte, see you there.”

 

Kausap ni Gerald ang kaibigan niyang doctor. Ito kasi ang inanyayahan niyang doctor para sa medical mission niya sa Leyte. Mamimigay din siya ng mga libreng groceries na produkto nila sa mga tao doon.

 

Nang makarating sa bahay niya, nag-impake na siya para bukas. Balak niya din kasing magbakasyon ng ilang araw doon.

 

**************************************************************************************************************************************

 

“Nanay”

 

Napatingin si Kim sa kanyang anak na si Ralph nang alugin nito ang kanyang binti. Nasa kusina siya gumagawa ng ube halayang ibebenta niya sa palengke bukas. Iniwan na niya ito kanina nang makatulog na ito sa kwarto.

 

“Bakit ka bumangon?”

 

“Wala ka na sa tabi ko eh” Lumabi ito.

 

Nagpupunas ito ng mata na namasa masa na. Naghugas siya ng kamay at pinatay ang kalan. Binuhat niya ito at ibinalik sa kwarto.

 

“Matulog ka na ulit ha, maaga pa ang pasok mo bukas”

 

“Nanay matulog ka na din po”

 

“Matutulog na din ako pagkatapos kong lutuin yung ube, sige na humiga ka na”

 

Pero hindi pa rin ito humiga. Nakatingin lang ito sa kanya. Lagi nitong ginagawa iyon, pag-ayaw nito ang ginagawa niya, tinitignan lang siya at kumukunot ang noo, kada ginagawa nito iyon isang tao lang ang naaalala niya. Ang ama nito, kamukhang kamukha ito ni Gerald. Halos walang nakuha sa kanya ang itsura ng kanyang anak.

 

“Anak naman, wag mo nang pahirapan si Nanay, matulog ka na”

 

“Nagluluto ka pa ng ube eh si Tito Gab lang naman ang uubos niyan.”

 

Ang tinutukoy nito ay si Gab na anak ng doctor ng kanyang ina. Noong una silang magkakilala ni Gab ay med student palang ito pero ngayon doctor na din ito. Nang makapanganak siya ay lumipat na sila sa Leyte kasama nila ang pamilya nila Kikay, nagkita ulit sila ni Gab nang magtayo ito ng klinika doon. Madalas itong tumulong sa kanila lalo na kung magkakasakit ang kanyang anak. Nahihiya na nga siya dito dahil halos patong patong na ang utang niya dito, madalas kasi siyang hindi makabayad kapag nagkakasakit ang kanyang anak. Pero mabait naman ito at madalas nitong sabihing kahit araw-araw ay ube at leche flan nalang ang ipambayad niya dito.

 

“Buti nga pumapayag si Tito Gab mo na yun ang ibigay natin sa kanya. Alam mo ba kung hindi dahil sa kanya hindi ka gagaling kapag nagkakasakit ka. Dapat lagi ka nag ti-thank you Ralph.”

 

“Pero Nanay hindi ko siya gusto”

 

“Bakit naman?”

 

Lumabi ulit ito. “Basta lang”

 

Napangiti siya. Naisip niyang marahil ay nagseselos ito. Ganoon ang batang ito, masyado siya nitong pinoprotektahan.

 

“Mabait nga ang Tito Gab mo”

 

Hindi ito umimik at nakalabi pa rin. Alam niyang kapag nakilala pa nito si Gab ay matutuwa na rin ito sa lalaki.

 

“Ikaw na makulit ka matulog ka na nga.” Ginulo niya ang buhok nito, at inihiga ito sa kama.

 

“Nanay sabi ni Enzo nakita daw niya ang Tatay ko”

 

“Naniwala ka naman kay Enzo, binibiro ka lang nun”

 

Si Enzo ay anak ng kapitbahay nila, magkasing edad lang ito at anak niya.

 

“Kasi sabi niya nakita niya daw sa TV si Tatay.”

 

“Ralph, paano naman niya makikita ang Tatay mo eh hindi niya nga yun kilala diba.”

 

“Hindi po Nanay, diba sabi mo kamukha ko si Tatay, ang sabi sakin ni Enzo kamukha ko daw yung lalaki sa TV, pinakita niya pa nga sakin yung picture, kinuhanan ng ate niya sa cellphone.”

 

“Ano namang itsura nung lalaki sa picture?”

 

“Gwapo, kasi kamukha ko”

 

Natawa siya sa mga sinasabi ng anak. Alam na alam nito sa sarili na gwapo ito. Madalas itong umuwi sa kanila at nagbibida na madami daw ang may crush sa kanya. Mukhang pati ugali nito ay naman nito sa ama.

 

“Tinatawan mo naman ako Nanay eh, totoo po yung sinasabi ko. Kamukha ko yung lalaking ipinakita sakin ni Enzo.”

 

“Anak, minsan talaga meron taong magkakamukha kahit hindi naman mag kamag-anak.”

 

Lumungkot ang mukha nito. Minsan naaawa na siya sa anak niya, bukod sa hirap na sila sa buhay panay pa ang paghahanap nito kay Gerald. Magugulat nalang siya minsan naandun ito sa may Magazine stand kasama ang kaibigan nitong si Enzo, lahat ng diyaryo at magazine binubuklat nito. Ang lagi kasing tuksuhan ng mga tao sa kanila ay artista daw ang nakabuntis sa kanya o kaya naman ay sobrang yaman kaya sobrang gwapo ng anak niya. Kaya ang anak niya tuloy sa TV at magazine hinahanap si Gerald. Hindi niya pa kasi kayang ipagtapat dito ang totoo, sa tingin niya ay masyado pa itong bata para ipaliwanag dito kung ano talaga ang nangyari sa kanila ni Gerald. Kada magtatanong ito kung ano ang itsura ng ama nito, laging ang sagot niya “basta kamukha mo, sobrang gwapo.”. Kahit pangalan ni Gerald ay hindi niya masabi sa anak.

 

“Wag ka na masyado mag-isip ha, sige na matulog ka na.”

 

Hinalikan niya ito sa noo. Nang makatulog na ito, lumabas na siya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Minsan naiisip niya kung nakikita nga ba talaga nito si Gerald sa TV, mayaman si Gerald alam niyang puwedeng puwedeng lumabas nga ito sa TV o sa kahit ano mang diyaryo o business magazine. Minsan na kasing naibalita sa kanya ni Kikay na nakita nito sa isang business mag si Gerald. Ang gwapo gwapo daw nito at sobrang yaman.

 

Mahigit walong taon na niyang hindi nakikita sa personal si Gerald. Nung magkahiwalay sila, umuwi agad siya sa Cebu at hindi na bumalik sa Manila. Nang makabalik siya sa Cebu, doon na nagkasunod sunod ang malas niya. Lumalala ang sakit ng kanyang Mama. Ayaw man niyang galawin ang perang ibinigay sa kanya ng ina ni Gerald, wala naman siyang choice kundi gamitin iyon. Wala silang kapera pera at nasaid ang isang milyon mapagamot lang ang kanyang Mama. Kulang pa nga iyon, ang laki pa ng utang niya sa pamilya nila Gab. Ang tatay nito ang tumulong sa kanila upang magamot ang kanyang Mama. At nung manganak siya, hindi din sila magkandaugaga sa gastos, hindi na niya natawagan si Maja dahil nahihiya na siyang humingi ng tulong dito, kasi kahit ang mga ito ay kapos din.

 

Hirap na hirap sila ng kanyang Mama, makaraos lang sa isang araw. Hindi na siya nakabalik sa pag-aaral, kayod kalabaw siya araw-araw para mabuhay lang ang anak niya. Ang saklap talaga ng nangyari sa kanya, minsan nga naisip na niyang puntahan si Gerald para humingi ng sustento dito dahil sa sobrang awa niya sa anak niya lalo na kapag nagkakasakit pa ito. Ngunit nauunahan siya madalas ng takot, alam niyang magagalit ito sa kanya at ang mas kinakatakutan niya ay baka makuha sa kanya si Ralph. Kahit anong hirap nila sa buhay, hinding hindi niya ibibigay ang anak niya.

 

*****************************************************************************************************************************************

“Sisteeerrr! Sisteerrr!”

 

Napalingon si Kim sa may pintuan, nakikita niya si Kikay na papasok sa kanilang bahay. Buti nalang ay wala ang kanyang ina, siguradong magagalit ito dahil kay aga aga nag-iingay nanaman si bakla.

 

“Kikay ano ba! Ang aga-aga ang ingay ingay mo, kaya nagagalit sayo mga kapitbahay.” Sabi niya dito nang makapasok ito sa bahay.

 

“May ibabalita ako sayo—“

 

Natigil ito ng batiin ito ni Ralph, nakaupo ang anak niya sa may lamesa habang naghihiwa ng ube.

 

“Goodmorning Ninang Kikay”

 

“Ay! Ba’t nandito pa si bagets?”

 

“Iniintay pa si Enzo, malalate na nga yan” sagot niya dito.

 

“Sige intayin ko munang gumora si Bagets bago ako magkwento sayo.”

 

“Nanay nanjan na si Enzo” Sa likod ng bahay papasok sa kusina kung saan naandoon si Ralph dumaan si Enzo.

 

Lumapit ang dalawa sa kanya. Humalik sa kanya si Ralph, at nagpaalam na.

 

“Ba-bye nanay, Ba-bye ninang”

 

“Mag-iingat kayo ha lalo na sa pagtawid tawid.”

 

“Ma’am yes ma’am. I love you Nanay” Hindi pa man siya nakakatugon, kumaripas na ng tako ang magkaibigan.

 

Binalingan niya si Kikay.

 

“Oh ano?”

 

‘Oh My Gawd sister! You will not believe this!”

 

“ Ano nanaman yan Kikay?”

 

“Nakita ko sa TV si Gerald kahapon, az in si Gerald the EX!  Si Gerald the Pader op Randolph a.k.a Ralph, the son op yourz! Ang bongga bongga ng walanhiya pa guest guest nalang sa TV, samantalang hirap na hirap kayong mag-ina dito.”

 

Natahimik siya, naalala niya bigla ang kinuwento ni Ralph sa kanya kagabi.

 

“May nakuwento nga sakin si Ralph kagabi, nakita daw ni Enzo ang tatay niya sa TV”

 

“Ay chismosong palaka talaga yun si Enzo, pero sister kasi naman kamukhang kamukha talaga ni Ralph ang tatay niya. Az in! Lalo na kapag nakangiti, wapak! Gerald na Gerald ang dating, mini version lang.”

 

“Hindi naman lalabas si Gerald sa TV para makuha ang anak ko, kaya bayaan mo siyang lumabas ng lumabas sa TV, wala akong pake!”

 

“Ay ang taraaaayyy! Sa bagay, tsaka lahat naman ng gwapong artista pinaghihinalaan ng anak mo na tatay niya. Like father like son talaga!”

 

“Loka! Para na ding sinabi mo na ang yabang ng anak ko. Pero Kikay naaawa na din ako kay Ralph, kasi ganyan na nga ang nagyayari, hula siya ng hula kung sino ang Tatay niya.”

 

“Ganun talaga sister. Wit mo mauuto ang junakis mo, matalino din ang bata, nasasayo nalang kung kelan mo sasabihin sa kanya ang totoo.”

 

“Basta bahala na.Bahala na.”

 

******************************************************************************************************************************************

 

HAPON na at abala si Gerald at mga kasamahan niya sa pamimigay ng groceries, gamot at paghahain ng mga pagkain sa isang baranggay sa Leyte. Abala si Gab ang kaibigan niya at iba pang doctor at nurse para sa libreng check-up doon. Nang tumagal, nakipagpalit muna si Gab sa isa sa mga doctor doon at nagpahinga. Siya din ay naupo na muna upang makapagpahinga sandali at makakaain na din.

 

“Kulang pa ito pare, siguro mayamaya mas dadami pa ang tao.” Sabi ni Gab sa kanya habang nagmemeryenda sa opisina ng kapitan doon.

 

“Madami pa namang maibibigay, okay lang yun.”

 

“Ipagtago mo na ako ng tatlong bag nung groceries ha, may pagbibigyan ako.”

 

“Bakit hindi nalang sila pumunta dito? Para makakain din sila, pati check-up.”

 

“Naku, masyadong busy yung kaibigan ko, hindi yun pupunta dito. Kay Ralph ko ibibigay, anak yun ng kaibigan ko, pauwi na din yung batang yun galing sa school. Maya maya mangungulit na yun dito kasama yung kaibigan nun.You should meet Ralph, napaka sipag na bata, mejo may kakulitan nga lang. Alam mo bang gustong gusto din nun maging businessman paglaki parang ikaw. Ipagtatayo daw niya ng kompanya ang Nanay niya para daw malaman ng buong mundo kung gaano kagaling gumawa ng ube at leche flan ang nanay niya”

 

“Parang may something diyan sa nanay ng bata pare ah.”

 

Lumapad ang ngiti nito. Nahuhulaan na niya na tipo ng kabigan niya ang nanay ng batang kinukwento nito.

 

 

“Mamaya pagkatapos natin dito, ihahatid ko si Ralph sa kanila. I’ll introduce you to her pare. Masipag, maganda, mabait, nasa kanya na yata lahat. Kaya nga mejo nagpapalakas pa ako sa anak, seloso kasi yung bata pagdating sa nanay.”

 

“Naku, sigurado ka bang walang sabit yan, may anak, nasan ang Tatay?”

 

“Matagal ng hindi nag e-exist ang tatay ng bata, basta nalang nawala yun. Tsaka pare, matagal ko ng kakilala si—“

 

Hindi nito natuloy ang sasabihin ng may tumawag dito, sa boses niyon alam niyang bata iyon, baka yun ang Ralph na binibida nito.

 

“Tito Gab!”

 

Lumingon siya sa batang papasok ng opisina. Saglit siyang natulala dito. Hindi niya alam pero nagtaasan ang balahibo niya at bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya din alam kung bakit parang nawalan siya ng boses. Hindi siya makapagsalita. Masyado lang siguro siyang nabigla o namangha dahil parang nakikita niya ang sarili niya sa batang iyon nung bata pa siya. Para kasing siya ito, parang lumabas siya sa picture na nakadisplay sa sala nila. Kamukhang kamukha niya ito lalo na nung ngumiti ang bata.

 

“Tito Gab, pakain kami ni Enzo ha.”

 

Ginulo ni Gab ang buhok ng bata. Kinuha nito pareho ang bag ng dalawa at ipinatong sa lamesa tsaka tumayo.

 

“Teka, ipapakilala ko muna kayo sa kaibigan ko. Si Gerald, sa kanya galing ang mga pagkain at groceries sa labas.”

 

Tumingin sa kanya ang dalawang bata. Nakatitig lang ang dalawa sa kanya. Hindi nagsalita sandali at tsaka nagkatinginan. Kumunot ang noo ni Ralph na tila sinusuri siya. Napatingin naman siya kay Gab, nakita niyang mejo nagtataka na din ito.

 

“Ralph, siya yung nakita namin ni ate sa TV, yung pinakita ko yung picture sayo.” Sabi ng katabing bata ni Ralph na si Enzo.

 

“Ang galing, ang bilis niya nakapunta dito, kagabi lang nasa TV siya.”

 

“Oo nga tignan mo oh, diba magkamukha kayo.” Bumulong si Enzo kay Ralph. “Siya na siguro yung tatay mo.”

 

Tumawa si Gab at niyuko ang dalawang bata.

 

“Kayo talagang dalawa. Kumain na kayo, naiilang na sa inyo ang kaibigan ko, hindi yan sanay na tinititigan.” Tumingin sa kanya si Gab, “oo nga noh pare, magkamukha kayo.”

 

“Ralph, tama ka nga, gwapo ka.” Sabi ni Enzo.

 

Nagkatawanan silang magkaibigan dahil sa dalawang bata. Pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang gustong gusto niyang yakapin ang batang si Ralph.

 

“Tito Gerald. Ikukuha ko din po ng pagkain ang Nanay ko ha pati na din si Lolay, hindi kasi pupunta si Nanay dito. Hindi pa ubos yung ube at tsaka leche flan na binebenta niya sa palengke eh.”

 

Nilapitan niya ang bata at hinawakan ang kamay nito.

 

“Oo naman, madami pang pagkain para sa Nanay at Lola mo.”

 

Sinamahan niya ang dalawang batang kumain. Si Gab naman ay bumalik na sa pag check-up sa mga taong nakapila pa. Aliw na aliw siya sa mga bata lalo na kay Ralph na panay ang kuwento na gustong maging katulad niya. Mukhang mapapatagal siya ng bakasyon sa Leyte, matapos ang ilang taon simula ng magkahiwalay sila ni Kim, ngayon nalang ulit gumaan ang pakiramdam niya, hindi niya alam kung anong meron sa bata pero lumuluwag ang pakiramdam niya pagtinitignan siya nito.

 

 

____________________________________________________________________________________________

 

Awwwwwwttzzzz yung kapitbahay ng dorm ko sa school na ninanakawan namin ng internet,  may password na ang Wifi! :(((( damootttt!!!! Ang pangalan pa ng internet connection nila na lumalabas samin “wag magnakaw ng internet”  :( di kami mabubuhay ng mga dormates ko nito. Ang saklap! Maiipon ang aking updates pag weekdays L

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
miel0806 #1
ms. liaaaaaaaaaaaaann kelan mo ito iupdate? :D update na pretty pretty please :D
honyou
#2
update ka naman
enderez #3
hi nameless...hope maka update ka ulit thanks
galomkg #4
Yes thanks sa update... gawa ka ng maraming marami para happy ulit kami:-):-)
KG4life #5
end na ng fanfic na 'to??!! thank you so much :)
nameless #6
iluvkimerald..hindi pa, may isang chapter pa, di ko pa tapos eh :))
iluvkimerald #7
nameless ?? tpos n b 2 ?? more chapter p ..
nameless #8
hoooyzzt may ipapabasa ako sayo... kaso sa tue. na, ieedit ko pa yun eh ep-ep hahaha
bambzy #9
ahaha...dito tayo mag usap.....:lol
nameless #10
Gagawa akong bago! Ikaw ang bida BAMBZEY ha! wahahahahaha<br />
<br />
Galomkg! joke lang yun hahahha