Chapter 4

Meant To Be Together

 

“Ehem”

 

Nagising si Gerald sa kanyang pagpapantasya, ang puso niya ay hindi pa din matahimik, para siyang tumakbo ng ilang kilometro, di niya mawari kung bakit siya pinagpawisan, si Kim lang pala ang magandang exercise niya eh, makita niya lang ito, para na din siyang nag gym.

 

Napatingin siya kay Maja, tawa ito ng tawa.

 

“Gerald, muntanga ka lang! naka drugs ka ba?” tawang tawa pa din pagkakasabi ni Maja sa kanya.

 

“Ha? Ano?” hindi niya talaga ma-gets ito.

 

“Sayang! dapat pala ibinababa ko ang video cam ko para navideohan ko ang fez mo, tsaka ba’t pawis na pawis ka? Naka todo naman ang aircon ditto sa lobby”

 

Kaya pala siya tinatawanan nito, buti nalang at wala ang dalawang manyak niyang kaibigan kung hindi ay baka napagkaisahan siya ng mga ito, pero duda siyang mapagkaisahan dahil hula niya ay mas tulo laway pa ang dalawang yon kesa sa kanya kung nakita ng mga ito ngayon si Kim.

 

“Ah hindi, lumabas kasi ako tapos bumalik ako agad kaya mejo pinagpawisan pa ako” pagtatanggi niya.

 

“Deny to death din ang drama, o sige na, ibalik mo ng maaga ang mahfriend ko ha”

 

“Sure, ah Kim tara na?” Lumapit siya kay Kim at hinawakan ang kamay nito.

 

Pero hindi ito kumibo, mukang masama ang loob nito sa kanya. “Sorry kung kelangan kong gawin ng mapilitan,kung bakit kasi sa paraang ganun pa tayo nagkakakilala, this is all new to me, ako mismo ang umurong sa plano ko”

 

Tumingin siya dito, he smiled at her and he squeezed her right hand that is currently entertwined with his. Ngumiti lang ito ng tipid sa kanya tsaka nag-iwas ng tingin.

 

 

 

Nasa sasakyan na sila Kim at Gerald. Hindi alam ni Kim kung anong problema niya, hindi niya kasi alam ang kinaiinisan niya, hindi niya alam kung naiinis siya kay Gerald dahil inisahan siya nito sa paghalik kanina o dahil pinutol agad nito ang halik. “Aba kung hinalikan ka wag kang papayag ng ganun ganun na lang, aba Kim dapat gumanti ka”

 

“Gaganti talaga ako” tugon niya sa sariling isip.

 

“Tama gumanti ka, wag kang papayag na siya lang ang nakahalik, sunggaban mo din!”

 

Napatayo siya ng tuwid, gusto niya tuloy ihampas ang ulo, aba’t gaga rin pala ang kanyang utak, ang puso nga niya di matahimik kaka-trampuline, hindi maawat sa pag jump, hanggang ngayon sige pa rin sa jump. Balak niyang iuntog ng kaunti lamang ang kanyang ulo sa bintana, kailangan lang siguro ng konting alog para bumalik sa dating katinuan, bahagya nga niya ini-untog ang kanyang ulo at kay galling nga naman tu-miming ng humps dahil pag-untog niya ay sabay daan naman ng kanilang sasakyan sa humps kaya napalakas ang paghataw niya sa bintana, eh talagang lagabog ever ang kanyang head.

 

“Aray” sambit niya habang hinihimas ang noo.

 

“Uy, ano bang ginawa mo?” agad nitong hininto ang kotse sa gilid ng daan. Dinaluhan siya nito at hinawakan ang kanyang noo. “Hala may bukol, sorry, okay ka lang ba?”

 

Kinapa niya ang kanyang noo, naramdaman nga niyang may umbok doon. Ano bang meron sa araw na to at nagka lintik lintik ang mga nangyayari sa kanya?.

 

Tuluyan ng tumulo ang kanyang luha, masyadong mixed emotions ang kanyang nararamdaman, inis, lungkot, kaba at ang kinatatakutan niya ay kung bakit bahagya siyang nakakaramdam ng kilig. Lalo ng halikan nito ang parte ng kanyang noo na may bukol, kumawala ang kanyang mga alagang paru paro sa sikmura. Kaya naman napahagulgol siya.

 

Lakas din ng topak niya, bakit ba siya nag-iiyak kala mo naman hinampas ng tubo ang kanyang ulo, eh kung tutuusin ay siya ang may kasalan kung bakit lumagabog ang ulo niya sa bintana. Isa pang ikina-iiyak niya ay dahil kinikilig siya, matatawag nga siguro siyang sira ulo.

 

“Ssshhhh hey, ano bang masakit? Gusto mo pumunta na tayo sa ospital?” yakap yakap na siya nito, panay ang halik sa kanyang noo, kitang kita sa mukha nito ang pag-aalala.

 

Para bang may security siyang nararamdaman habang yakap siya nito, biglang napanatag ang kanyang loob kaya mejo tumigil na siya sa pag-iyak, hikbi na lamang ang lumalabas sa kanya. Nakatigil pa din ang sasakyan, nakakahiya naman sa kapatid ni Fred, dahil sa ka-artehan niya ay hindi tuloy sila makaalis, pero aminin man niya o hindi ay ayaw pa niyang umalis sa pagkakayakap dito. Nang maramdaman niyang unti unti ng lumuluwag ang yakap nito sa kanya at tumigil sa paghalik sa kanyang noo, nag protesta agad ang kanyang puso, eh dahil nga may topak siya, umiyak ulit siya.

 

“Huhuhuhuhuhu…Huhuhuhuhu” kung makikita lang siya ni Kikay ngayon ay baka nasabunutan na siya nito sa kalandian niya ngayon, aba aba, sabi nga ng kanyang utak, dapat gumanti siya,  hindi siya papayag na si Gerald lang ang makayakap sa kanya, dapat ay gumanti siya. Napapalakas pa talaga ang kanyang iyak kapag humihigpit ang yakap nito sa kanya, nakakatuwa pala ito kung mag-alala, parang pusang di mapa-anak. Kumuha ito ng tissue at pinunasan ang luha niya pagkatapos ay kumuha pa ulit ito ng tissue at itinapat sa kanyang ilong, pinasisinga siya nito, dun niya lang napansin na konti nalang ay lolobo na ang sipon niya sa ilong, “Yucccckkkkkk, ayan kasi ang landi landi mo, tapos tulo uhog ka pala”

 

Umayos siya ng upo, kumawala siya sa yakap nito, agad siyang suminga sa tissue, gusto man niya mag paka poise sa pagsinga, huli na ang lahat, ngayon pa ba siya mahihiya eh kitang kitang niya ang bakat ng mga luha at sipon niya sa polo shirt nito. Napangiwi tuloy siya.

 

“Sorry, nadumihan yung shirt mo,” kumuha siya ng tissue at pinunasan ang damit nito.

 

“Ok lang,may baon akong shirt sa likod, mamaya na ako magpapalit” hinawakan nito ang kamay niya. “Ayus ka na ba? Ano bang nararamdaman mo? Masakit ba talaga yang bukol? Gusto mo i-uuwi na kita, magpahinga ka nalang” Hinaplos nito ang kanyang pisngi.

 

“Hindi, nakakahiya naman sa kapatid ni Fred, halika na, ok lang talaga ako” She smiled at him.

 

“Sigurado ka? Baka naman masama ang pakiramdam mo”

 

“Pasensya ka na, iyakin lang talaga ako eh”

 

Pina-andar na nito ang sasakyan. 15 minutes nalang ay nakarating na agad sila sa sinasabi nitong bahay ni Fred. Malaki ang bahay, muka ngang mansion ito sa paningin niya, pero alam niyang pang karaniwang bahay lang iyon ng mga mayayaman sa Maynila.

 

Maingay sa labas, at madami ring sasakyan ang nakaparada sa daan. Bigla tuloy siyang kinabahan, naku siguradong katakot takot na sermon ang aabutin niya pag nalaman ito ng kanyang ina, sumama kasi agad siya sa taong noong araw niya lang din nakilala, ni wala pa nga siya sa edad para mag bar dahil walang pa siya labing walong taon, nagmuka kasing bar ang bahay dahil sa ingay. Noong pumasok sila, madilim din sa loob at makukulay lang na spotlight ang nagsisilbing ilaw, madami ring tao, iba’t ibang klaseng inumin din ang nakita niyang nakahain sa mini bar, iba iba ang kulay ng mga iyon at nakalagay sa maliliit na baso, alam niyang mga alak iyon, naku patay talaga siya sa kanyang ina pag tumikim siya non. Nailang din siya sa mga eksena sa loob, may mga naghahalikan, may sumusuka sa kalasingan, madaming naninigarilyo, hindi kasi siya sanay sa ganung party, ang party kasi sa kanila ay animo fiesta, madaming banderitas hindi ganito. Na-alala niya tuloy ang pelikulang napanood nila ni Kikay, ang ‘All about Love’, pumasok sa isip niya ang eksenang nalasing si Angelica Panganiban at kinunan ng mga kasama na nakahubad. Naku wag na wag na masubukan ng Gerald na ito na painumin siya, dahil kahit hari ito ng gwapo ay hindi siya magkakamaling hambalusin ito.

 

“Okay ka lang?” tawag pansin nito sa kanya, inakbayan siya nito at dinala sa may mini bar.

 

Ngumiti lang siya at tumango.

 

“Orange juice please” sabi nito sa lalaking naka uniporme na nagseserve ng mga drinks.

Pagkakuha sa juice ay ibinigay agad nito iyon sa kanya.

 

“Orange juice?” tanong niya dito, inakala niya kasi na alak ang ibibigay nito sa kanya, nakapag-isip na nga siya ng strategy para hindi mainom ang alak, pero orange juice ang ibinigay nito sa kanya.

 

“Yep, hindi kita bibigyan ng alak, hindi pwede” he touched her nose.

 

Abot tenga naman ang kanyang ngiti.

 

“Kamahalan!” Napalingon silang pareho sa boses na nanggaling sa kaliwang bahagi nila.

 

“Hey Jimmy” itinaas nito ang kamay sa gawi ng lalaki nagsalita.

 

“Kamahalan?” tanong niya dito, nginitian lamang siya nito.

 

Nang makalapit na ang taong tumawag dito ng kamahalan ay agad niya iyong nakilala. Ang alipores pala nitong mukang naka droga, ‘droga boy’ na nga ang ipinangalan niya dito sa isip niya, pero sa pagkakarinig niya, Jimmy ang pangalan nito.

 

“hanep kamahalan ah, ang tagal mo, dati nangunguna ka dito”

 

“na traffic kami”

 

Tumingin sa kanya si Jimmy.

 

“Aaahhh, andito pala si Chinita eh, kamusta?” Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.

 

Nailang naman siya kaya bahagya niya lang itong nginitian. Pero isang malaking ngiti naman ang tugon niyon at titig na titig sa kanya, akmang hahawakan nito ang kamay niya pero pinigilan ito ni Gerald.

 

Binatukan nito si Jimmy.

 

“Hoy ano ba! Para kang asong ulol na naglalaway”

 

Hinimas ni Jimmy ang ulo.

 

“Sungit nito ni kamahalan, makikipag kamay lang ako eh” Inaabot ulit nito ang kamay sa kanya, pero pinitik yun ni Gerald.

 

“Anak- ng!” tinitigan ito ng masama ni Gerald.

 

Lumayo na si Jimmy sa kanya habang ang kamay ni Gerald na kanina pa sa kanyang balikat ay bumaba naman sa kanyang bewang. Inalalayan siya nito palabas papunta sa garden.

 

Buti nalang ay naisip nito na lumabas sila, dahil sa dami ng naninigarilyo sa loob ay baka hikain pa siya, wala pa man din siyang dalang inhaler.

 

Umupo sila malapit sa may fountain, ipinakilala siya nito sa mga kaibigan nito na kasama nila sa table.

 

“Guys guys, meet my friend, this is Kim” nginitian niya ang mga ito.

 

“and Kim, you know Jimmy and Fred naman diba? Eto pa ang iba kong barkada, si Stephen and Yuji, and si Tasha and Aya girlfriend nila”

 

Nakipag kamay ang mga ito sa kanya, pero nang si Fred at Jimmy na ang makikipagkamay sa kanya ay inilagay nito ang mga kamay sa magkabilang bewang niya at hinigit siya paupo.

 

“Pare last time I check wala naman akong ketong” sambit ni Fred dito na mukhang hinayang na hinayang nang hindi siya makamayan.

 

“nakilala niyo na siya kanina, hindi niyo na kailangan kamayan”

 

“damot talaga” sumimangot na mukha nina Fred at Jimmy.

 

“Diba ikaw yung muntik nang mabangga ni Ge kanina?” tanong ni Tasha sa kanya.

 

“Ha? Ah….oo ako ngayon” napatungo tuloy siya sa sobrang hiya, siguradong nakita din ng mga ito kung paano sila nagbangayan ni Gerald, hindi niya nga alam kung bakit bigla nalang bumait si Gerald, kilig na kilig naman siya.

 

“Muntik na kitang hindi makilala, neneng nene ka kasi kanina, freshie ka lang diba?”

 

“Oo” tipid na sagot niya dito.

 

“Pagpasensyahan mo na yan si Gerald, ganyan talaga yan pag umaga” sabi ni Stephen, gwapo din ito, chinito din, ganun din si Yuji tanging si Jimmy lang talaga ang naiba sa barkada, iniisip niya tuloy kung nag do-droga nga talaga ito.

 

“Ako naman ang may kasalanan, hindi ako tumingin sa stoplight”

 

“Hindi, ako ang may kasalanan, sorry mainit lang talaga ulo ko kanina, hindi dapat kita sinigawan” tinitigan siya nito, konti nalang talaga ay matutunaw na siya.

 

Nag-init ang kanyang mukha, tila hindi siya makahinga, “ganito ba talaga pag nasobrahan sa kilig? Bakit ganun parang naninikip yung dibdib ko” hinimas nito ang kanyang pisngi at nag-iwas na ng tingin, ngunit ang hininga niya parang kapos pa din, lalo na ng nagbuga pa nang usok ng sigarilyo si Jimmy at sa kanya tumama ang usok, dun niya lang napagtanto na hindi pala sa kilig kaya siya nahihirapan huminga kundi dahil hinihika na siya.”! bakit ngayon pa!”

 

Napaubo siya at pilit huminga ng mabilis, grabe talaga napaka swerteng malas niya talaga ngayon, kanina pa siya nadidisgrasya, kung kelan naman hindi niya bitbit ang kanyang inhaler tsaka pa siya sinumpong ng hika.

 

 

Agad na napansin ni Gerald ang reaksyon ni Kim ng dito tumama ang buga ng usok ni Jimmy, gustong gusto na niyang tirisin si Jimmy sa ginawang iyon. Makakatikim talaga ito ng kutos mamaya. Pero nag-alala na siya ng umubo si Kim, lalo na ng mapansing parang nahihirapan itong huminga.

 

“Kim are you okay?” alalang alalang tanong niya dito, she was so pitiful.

 

“Ge, nakalimutan ko inhaler ko” napamura siya.

 

“I’m sorry, I didn’t know you have asthma, teka pano ba to” natatarantang sabi niya dito, He held her face, tumingin siya sa paligid tila humihingi ng tulong kung paano ang gagawin.

 

Nag-alala na din ang mga kaibigan niya, lalo na si Jimmy na punong salarin kung bakit lalong hinika si Kim.

 

May lumapit sa kanilang lalaki, si Simon ito kasama niya sa varsity, nursing student ito. Nagtapat agad ito ng brown paper bag kay Kim at doon ipinahinga ang dalaga.

 

“Sige lang jan ka huminga”anito, binalingan siya ni Simon “We need to get her out of this place, masyadong mausok hindi makakatulong sa kanya.”

 

“Ge dun nalang sa guest room sa taas, atleast dun wala talagang usok, bawat sulok dito may usok ng sigarilyo”

 

Binuhat niya si Kim, umakyat sila kasama sina Simon at Fred, sumama na din sa kanila sina Aya at Yuji.

 

Nang makarating sa guest room, iniupo agad niya si Kim sa may kama, hinayaan niya lang si Simon sa ginagawa habang yakap niya ang dalaga. Pakiramdam niya ay aagawin nito si Kim sa kanya. He felt so useless.

 

Umayos na ang pakiramdam ni Kim, ito na mismo ang nagyayang umuwi. Nagsisi naman siya na isinama niya pa ito sa party, hindi biro nang sinumpong ito ng hika, naalala niya nga ang kwento ng kanyang yaya dati tungkol sa namatay nitong pamangkin dahil sa hika, ayon sa kanyang yaya, sinumpong daw ng hika ang pamangkin nito, dahil sa kahirapan ng buhay hindi agad iyon nadala sa ospital, wala ding gamot, akala nila basta basta lang mawawala ang hika ngunit nagkamali sila. Nang makita niyang sinusumpong si Kim ng hika, natakot siya, nataranta, kadalasan kalmado siyang tao, hindi niya malaman kung bakit ganun nalang ang pagkabog ng dibdib niya pag si Kim ang napapahamak. Kahit kasi kanina ng mapahampas ang ulo nito sa bintana, ay sobra siyang nag-alala.

 

Habang nasa sasakyan, nakatulog ito sa biyahe. Nang makarating na sila sa tapat ng dorm nito, hinayaan niya lang itong matulog, pinagmasdan niya lang ang maamo nitong mukha. Napangiti siya dahil pilit nitong pinagkasya ang sarili sa upuan, parang fetus ito kung makabaluktot at nakanganga nanaman ulit ito He could smell her raspberry scented lips, then the memory of their kiss flash back in his mind. He would never forget her lovely lips, soft and sweet. Nag so-somersault ang kanyang puso tuwing maalala niya iyon. Nakagat niya ang kanyang labi para pigilin ang sarili na halikan ito sa labi, instead he just kiss her on her left cheek. Hinawi niya ang hibla ng buhok sa mukha nito, hindi na halata ang bukol nito sa noo, hinalikan niya iyon. Nagising agad ito at napabangon sa upuan, dahil sa sobrang lapit ng mukha niya dito ay tumama ang noo nito sa bibig niya.

 

“Aray naman” hawak nito ang ulo. Napakunot naman ang noo niya, ano bang kamalasan ang dumapo sa kanya ngayon, feeling kasi niya ay napapahamak ito pag kasama siya, nainis tuloy siya sa kanyang sarili.

 

“Oh, bakit ka nakasimangot? Masakit din ba yung sayo? Ikaw naman kasi ano ba kasing ginagawa mo?”

 

Sumimangot lang siya.

 

“Galit ka ba?”

 

“Hindi”

 

“Eh bakit salubong na salubong yang kilay mo?”

 

‘Wala, naiinis lang ako, kanina ka pa kasi napapahamak ng dahil sa akin, baka mamaya niyan lagas na yang katawan mo”

 

“Ha?”

 

“Lagi ka nalang na ka ‘ha?’, sige na pumasok ka na, kita nalang tayo sa school bukas, mag-iingat ka ha, napaka accident prone mo”

 

“Opo boss!” sumaludo ito sa kanya animo sundalo. Napangiti naman siya “You are so cute” he kiss her nose. “Goodnight, matulog ka na ha”

 

“Ok kamahalan, goodnight” ngumiti ito sa kanya, para sa kanya ay ito lang ang may ganitong kagandang ngiti, lumalabas din ang dimples nito.

 

Bumababa na ito sa sasakyan. Pagkasara ng pinto ay kumatok ito sa bintana, binuksan agad niya yon. “Bakit may nakalimutan ka?”

 

“Wala, gusto ko lang mag thank you, ‘Thank you’ bbye!” nginitian ulit siya nito ng napaka tamis tsaka umalis.

 

“Nanay ko po, anong ginawa nitong babaeng ito sa akin hay” Napasandal muna siya sa upuan, huminga ng malalim tsaka ipinatakbo ang sasakyan. He feel so exited for tomorrow.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
miel0806 #1
ms. liaaaaaaaaaaaaann kelan mo ito iupdate? :D update na pretty pretty please :D
honyou
#2
update ka naman
enderez #3
hi nameless...hope maka update ka ulit thanks
galomkg #4
Yes thanks sa update... gawa ka ng maraming marami para happy ulit kami:-):-)
KG4life #5
end na ng fanfic na 'to??!! thank you so much :)
nameless #6
iluvkimerald..hindi pa, may isang chapter pa, di ko pa tapos eh :))
iluvkimerald #7
nameless ?? tpos n b 2 ?? more chapter p ..
nameless #8
hoooyzzt may ipapabasa ako sayo... kaso sa tue. na, ieedit ko pa yun eh ep-ep hahaha
bambzy #9
ahaha...dito tayo mag usap.....:lol
nameless #10
Gagawa akong bago! Ikaw ang bida BAMBZEY ha! wahahahahaha<br />
<br />
Galomkg! joke lang yun hahahha