Chapter 10

Meant To Be Together

“YOHOOOOO Love birds of the century were here!”

 

“kung ano mang ginagawa niyo itigil niyo na muna, tirik na tirik pa ang araw oh”

 

Kitang kita ni Kim ang pagkagusot ng mukha ni Gerald nang marinig nito ang ingay ng mga kaibigan. Dumating na ang mga ito at hindi na nila naantay sa labas. Lumabas sila ng kusina at pumunta agad sa sala kung saan nakasalampak na sa sofa ang kanilang barkada, marahil sa pagod sa biyahe.

 

“Latang lata kayo ah” aniya sa mga ito, halatang halata sa itsura ng mga ito, lalong lalo na si Fred na mukhang naghihilik na dahil ito ang driver.

 

“Ang sakit sa pwet ng biyahe mahfriend tsaka gutom na ako!”  reklamo ni Maja.

 

“Ganun ba, tamang tama may pagkain na, punta nalang kayo sa kusina.” Sabi ni Gerald habang yakap yakap mula sa likuran si Kim.

 

“Haaayy salamat, nga pala” tumayo si Maja at may kinuha sa bag. “Oh eto na ang class cards niyo, ako na kumuha”

 

Tumili bigla si Maja at niyakap si Kim.

 

“Mahfrieeeeeeeeeeeeend! Congrats ha! Dean’s lister ka! Ang galing galing, tignan mo class cards mo oh halos uno lahat, haneeeep”

 

Naalimpungatan naman si Fred sa pagkakaidlip.

 

“Huy! Ano ba! Ingay ingay”

 

“Inggit ka lang, bobo mo kasi, dun ka nga sa kwarto matulog” binato ito ni Gerald ng unan.

 

“Congratulations honey!” bati ni Gerald kay Kim, he hugged her tight and gave her a sweet kiss on the lips.

 

“Congarts chinita, ang galing mo, ako din kiiiiissssssss” tumayo si Jimmy at ngumuso kay Kim akmang hahalikan ito.

 

Naihampas tuloy ni Gerald ang sandok na hawak hawak niya kaninang nagluluto siya sa nguso ni Jimmy.

 

“Sige subukan mo, tatapyasin ko yang nguso mo!”

 

Itinikom agad nito ang bibig.

 

“Tama na nga yan, tara na kumain na tayo” awat ni Kim sa dalawa.

 

********************************************************************************

 

“BAKIT naman tayo nandito?” tanong ni Kim kay Gerald pagdating nila sa tree house malapit sa tinutuluyan nilang lahat. Dalawang araw na sila doon sa Batangas kasama ang mga kaibigan, at sa dalawang araw na iyon hindi na sila nakapagsolong dalawa ulit.

 

Niyakap siya nito. “Gusto lang kitang masolo.”

 

Kumawala siya rito at umupo sa isang baiting nang hagdan ng tree house.

 

“Bakit kailangan nating magsolo?” Ang totoo, erratic na ang heartbeat niya. Kinakabahan siya dahil sila lamang ang naroon. Hindi man niya pinagsisihan ang nangyari sa kanila nung una, alam niyang mali pa rin na maulit iyon, hindi tama, pakiramdam niya niloloko niya ang kanyang Mama. Nais niyang pagalitan ang sarili dahil nakaramdam siya ng excitement at anticipation sa maaring maganap. Lalo yatang nagwala ang puso niya nang umupo ito sa likuran niya at niyakap siya. He kept on kissing her temple.

 

 “Hindi na kita masyado nahahalikan kasi laging nanjan ang mga asungot.”

 

Pinilit niyang kumawala sa mga braso nito but he didn’t let her. Iniiwas na lang niya ang kanyang ulo.

 

“Asungot ka diyan! Mga kaibigan natin yon!”

 

“May karapat naman akong maglambing sa girlfriend ko ah, kaya tayo nandito, naglalambing ako. Gusto mong manood ng sine? Tara iwan muna natin sila.” Hinawakan nito ang ulo niya at ipinirmi iyon.

 

“Ayoko”

 

“Sige na hon. Kapaan tayo sa dilim, “ bulong nito sa tainga niya.

 

Naitaas niya ang balikat dahil sa kiliting naramdaman niya. Aware na aware na siya sa magkadikit nilang katawan.

 

“Umayos ka nga, upakan kita jan eh!”

 

He moved her face so she was now facing him, he kissed her lips.

 

She closed her eyes and let him kiss her. Tila nawawala lahat ng alalahanin niya kapag hinahalikan siya nito. His lips urged her to open more for him. She did. She was not able to control her moan  when their tongues met. Nawala nanaman siya sa katinuan, nalunok na niya ang lahat ng malulunok na salitang sinabi niya kay Kikay. She nipped his lower lip and he deepened their kiss.

 

“Kiiiiiiiiiiiiiiiiiim! Geraaaaaaaaaalldd! Yohooo, nasan ba kayo?!”

 

Nagulat siya nang marinig ang tinig ng kaibigan, bigla siyang humiwilay kay Gerald pero hinahabol ng labi nito ang labi niya.

 

‘Teka muna, uy baka Makita nila tayo” awat niya dito

 

Kaagad na nagsalubong ang mga kilay nito, natatawa naman siya dahil kitang kita niya kung paano lumobo ang butas ng ilong nito sa galit. Inihilamos nito ang kanang kamay sa mukha bago tumayo at hinila siya.

 

“Kainis talaga, istorbo”

 

“Wag na mag reklamo, halika na, bumaba na tayo dito” hinawakan nito ang kamay niya at inalalayan siyang makababa sa hagdan.

 

*********************************************************************************

 

NAPA-buntong hininga si Kim, nang matapos lahat ng papel na ipapasa niya para sa enrollment ng second semester. Time flew by so fast. Matatapos na agad ang sembreak at magpapasukan nanaman. Umuwi din siya sa sa bahay nila sa Cebu pagkauwi nila noong bakasyon nilang magkakaibigan sa Batangas. Minsan lang makadalaw sa kanya nun si Gerald dahil busy din ito sa kompanya ng pamilya, ayon dito strikto daw ang mga magulang nito. Ngayon nakabalik na siya sa Maynila, hindi pa sila nagkikita ng binata.

 

Lumabas muna siya ng dorm para bumili ng pagkain, hindi pa kasi nakakabalik si Maja kaya mas gusto niyang sa dorm nalang kumain dahil wala naman siyang kasabay kung kakain siya sa labas, hindi niya macontact si Gerald.

 

Natigil siya sa paglalakad nang makita niya si Gerald palapit sa kanya. May dala tong malaking bouquet ng magagandang rosas. Napangiti siya at nilapitan ito. Nakangiti ito sa kanya ngunit nakikita rin niya ang lungkot sa mga mata nito. Hinigit agad siya nito at niyakap ng mahigpit.

 

“Bakit?” tanong niya dito

 

“Anong bakit?” Inalis nito ang mukha mula sa leeg niya at tinignan siya.

 

“Para kasing malungkot ka”

 

“Namiss lang kita ng sobra” Hinalikan nito ang labi niya. Simple kiss nanghihina na siya.

 

“Eh yung totoo?”

 

“Wala pagod lang to hon, ang dami kasing mga pinapagawa nila Dad saakin.”

 

“Sigurado ka?”

 

“Hey, wag ka na magalala, kiss mo nalang ako” She kissed him pero bago pa ito humirit ng isa pa, hinablot na niya ang mga roses sa kamay nito. He was the most gorgeous man that she had ever seen carrying a bouquet of flowers. He looked like a dashing Prince charming ready to sweep his princess off her feet.

 

Inamoy niya ang mga bulaklak.  “Thank you.”

 

Lumapad na ang ngiti nito. “Anything for my princess, I love you”

 

Inakbayan siya nito at sabay na silang lumabas ng building ng dorm. “Kamusta naman si Mama?” tanong nito sa kanya, simula nang dumalaw ito sa kanyang Mama noon, yun na din ang naging tawag nito sa huli.

 

“Okay lang, sinusumpong ng ubo paminsan minsan pero ok na din naman siya ngayun, buti nalang talaga nandiyan si Kikay.”

 

“Eh ang papers para sa enrollment ok na ba?”

 

“Oo naayos ko na, malapit na enrollment eh”

 

“Ako nang bahala, bigay mo nalang sa akin ang papers para hindi ka na pumila”

 

“Ha? Ano ka ba wag na, tsaka scholar ako, baka may pirmahan pa akong kung ano ano ulit doon, tsaka para may kasama din si Maja”

 

“eh di ako nalang din bahala sa enrollment ni Maja, basta ako ng bahala”

 

“bakit?”

 

“Para nga hindi ka na pumila”

 

“Ang kulit kulit mo hon! Ako na nga sabi” Kinurot niya ang pisngi nito, nasa loob na sila ng sasakyan. Hindi na ito nakapalag sa kanya pero kita niya pa din sa mukha nito ang lalim ng iniisip, hindi na lamang niya muna pinansin iyon.

 

“Teka hindi pa nga pala tayo nakakapag celebrate nung makuha mo ang class cards mo, dapat mag celebrate tayo dahil ang taas ng grades mo”

 

Natawa siya ng malakas, para kasi siyang bata na kailangang bigyan ng reward ng magulang dahil sa mataas ng grades sa school.

 

“Oh bakit ka  natatawa?”

 

“Hon kelangan pa ba yun? College na po kaya ako”

 

‘Hoy, anong masama sa pagcecelebrate, you deserve it, ang galing galing mo”

 

“Libre mo?”

 

“Kailan ka ba nanlibre sa akin?” panunudyo nito.

 

Bigla siyang nagkaroon ng ideya. “Oo nga, ano? Hindi pa kita naililibre kahit kalian. Sige ililibre kita ngayon.”

 

“Really? Saan mo naman ako dadalhin?”

 

“Siyempre sa lugar na hindi mo pa napupuntahan at nakakainan. Ano, game ka?”

 

“Minsan lang manlibre ang napakagandang babae sa balat ng lupa kaya game ako!”

 

Dinala niya ito sa lugar kung saan maraming nagtitinda ng street food. Lahat ng uri ng street food ay binili niya at ipinatikim dito. Noong una ay tila ayaw nito at diring-diri pa. Ngunit ng matikman naman nito ang mga iyon ay hindi na nito tinigilan ang mga pagkain.

 

“Baka masira ang tiyan mo sa dami ng kinakain mo,” sabi niya bago ininom ang gulaman niya. Ito na yata ang nakaubos ng fishballs at squidballs ng isang tindero at ayaw pa nitong tigilan ang mga iyon.

 

“Wag ka maingay, kumakain ako.”

 

Natawa lang siya. Natutuwa siyang makitang kaya nitong yakapin ang simpleng buhay kahit sa ganoong paraan lamang.

 

Nang sa wakas ay matapos ito ay niyaya siya nitong mag-mall. Nag-ikut-ikot sila sa mall. Pinipilit siya nitong ibili ng mga bagay na magustuhan niya ngunit nagpaka-tanggi-tanggi siya. Nahihiya kasi siyang lagi siya nitong ginagastusan. Kapag nagpupumilit ito ay nagwo-walkout siya. Kaagad naman siya nitong susundan at hindi na nito ipipilit pa ang gusto.

 

Nang mapadaan sila sa isang jewelry store ay bigla siya nitong hinila papasok doon. Pumalag siya ngunit hindi siya nito hinayaan na makawala.

 

“Isa, Geraldo!” banta niya. Sisipain na niya ito.

 

Nginitian siya nito. “Titingin lang tayo.”

 

“Lokohin mo ang lelang mo,” aniyang pilit na inaalis ang kamay nito sa kamay niya. Hindi siya gaanong makapagwala dahil nakatingin sa kanila ang ilang mga staff. Sila lamang ang customer ng jewelry store.

 

Nagtungo sila sa kinaroroonan ng mga singsing. Hindi siya tumingin sa mga iyon, sa halip ay sa magangdang chandelier ng store.

 

“What kind of ring are you looking for, Sir?” magalang na tanong kay Gerald ng isang babaeng staff.

 

“A promise ring. This girl would freak out if I bought her an engagement ring.”

 

Namilog anng kanyang mga mata. Sa mahal ng mga alahas doon, hindi siya papayag na ibili siya nito ng kahit na anong naandoon.

 

“Pick something you like,” sabi nito sa kanya.

 

Naiinis na tumingin siya rito. “Ayoko. Pakawalan mo nga ako. Uuwi na ako.”

 

“Honey ano bang problema mo, promise ring pa nga lang ito nagwawala ka na diyan.”

 

“Ang mahal mahal kaya niyan.”

 

“Kasi mahal na mahal na mahal kita”

 

Namula siya, corny na kung corny ang mokong na ito, pero kilig na kilig naman siya.

 

“I promise to love you for always. I’m buying a ring to always remind you of that promise.”

 

Masuyong hinagkan nito ang kanyang mga labi. Tuluyan nang nalaglag ang kanyang mga luha.

 

“Basta kahit anong mangyari hindi tayo maghihiwalay, please promise me Kimmy, wag na wag mo akong iiwan.”

 

“Ano bang nangyayari sayo? Sino bang may sabing maghihiwalay tayo?”

 

“Basta promise me, hinding ka aalis, wag na wag kang susuko kung ano man mangyari” ayaw man niyang aminin, kinakabahan siya sa mga sinasabi nito.

 

“Promise, I love you”

 

Tumingin ito bigla sa staff ng store na nakatanga lamang sa kanila. “Which do you think is the most beautiful ring around here?” tanong nito.

 

Halos wala sa loob na may itinuro ang staff. Inutusan ito ni Gerald na ilabas iyon. Mulit itong tumingin sa kanya habang hawak na nito ang pinakamagandang singsing sa store, ayon sa staff. Bumilis pa nang husto ang tibok ng puso niya.

 

“I promise to love you forever, hinding hindi kita iiwan, ipaglalaban kita tandaan mo yan, pero sana ganun din ang gagawin mo sakin, please Kimmy.”

 

Naguluhan siya sa sinabi nito, pero mas nararamdaman niya talaga ang kaba, para kasing may hindi magandang nangyayari pero tsaka na lamang niya iisipin iyon.

 

Isinuot nito ang singsing sa daliri niya.

 

“Gago,” sabi niya habang lumuluha. “Hindi kasya sa kin’ ang singsing. Maluwang. Sabihin mo don sa babae palitan niya.”

 

Natawang niyakap siya nito “I love you hon”

 

“Paulit ulit? Ang drama drama mo”

 

*************************************************************************

 

Nang makauwi si  Gerald sa bahay nila, hindi maalis sa isip niya ang maamong mukha ni Kim. Masayang masaya siya dahil nakilala niya ito, hindi niya lubos na maisip ang buhay niya na wala ito. Ilang linggo rin silang hindi nagkita dahil nagbakasyon ito, kayang kaya niya itong dalawin doon sa Cebu pero hindi niya madalas magawa dahil nasa kanila ang kanyang ina. Lagi siyang binabalaan nito na kaya nitong sirain ang buhay ni Kim kapag hindi siya nakipaghiwalay dito.

 

Hinding hindi niya magagawang iwan si Kim, mahal na mahal niya ito. Kaya naman nitong sembreak, hindi muna siya gumagawa nang mga bagay na makakapag pagalit sa kanyang ina, ayaw niyang madamay si Kim sa hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang ina. Alam niya kung ano ang kayang gawin ng kanyang ina, kayang kaya nitong makagawa ng paraan para ilayo sa kanya si Kim. Isa pa sa inaalala niya ay ang scholarship ni Kim, ang ina niya kasi ang isa mga pinuno ng scholarship ni Kim, kapag nalaman nito iyon ay siguradong aalisin nito ang scholarship ng girlfriend niya at hindi na ito makakapag-aral, ayaw niyang mangyari iyon. Halos gabi-gabi siyang hindi pinapatulog ng kanyang problema,araw araw niyang iniisip kung paano aayusin ang problema niya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
miel0806 #1
ms. liaaaaaaaaaaaaann kelan mo ito iupdate? :D update na pretty pretty please :D
honyou
#2
update ka naman
enderez #3
hi nameless...hope maka update ka ulit thanks
galomkg #4
Yes thanks sa update... gawa ka ng maraming marami para happy ulit kami:-):-)
KG4life #5
end na ng fanfic na 'to??!! thank you so much :)
nameless #6
iluvkimerald..hindi pa, may isang chapter pa, di ko pa tapos eh :))
iluvkimerald #7
nameless ?? tpos n b 2 ?? more chapter p ..
nameless #8
hoooyzzt may ipapabasa ako sayo... kaso sa tue. na, ieedit ko pa yun eh ep-ep hahaha
bambzy #9
ahaha...dito tayo mag usap.....:lol
nameless #10
Gagawa akong bago! Ikaw ang bida BAMBZEY ha! wahahahahaha<br />
<br />
Galomkg! joke lang yun hahahha