Chapter 19

Meant To Be Together

 

            NANG makarating sa bahay ay inasikaso agad si Kim ni Gerald. Inihain sa kanya nito ang pagkaing binili sa fast food restaurant at pinainom siya ng gamot para mawala ang sakit ng ulo niya. Hindi pa din sila nagkikibuan hanggang sa ito na mismo ang bumasag sa katahimikan nila.

 

            “Kimmy, we need to talk,” malumanay nitong sabi.

 

            “Pwede bang wag ngayon, please, bukas may energy na akong makipag-away sayo. Pass muna ako, wala ako sa mood Ge.”

 

            “No, Kim kaya tayo nagkakaganito kasi hindi tayo nag-uusap. “

 

            “Oh my Lord, ano kayang tawag ng taong to sa ginagawa namin ngayon.”

 

            “Ano ba Kim!”

 

            “Tigilan mo ako Ge ha! kung magpapaliwanag ka tungkol sa inyo ni Agatha. Hindi na kailangan, alam ko naman ang sasabihin mo eh, na wala kayong ginagawang masama.”

 

            “Dahil wala naman talaga!”

 

            “Magkasama kayo sa kwarto nang kayong dalawa lang! anong ginagawa niyo don, nag ja-jackstone?” pambabara niya dito.

 

            Hinilamos nito ang isang palad sa mukha. “Sige, magpahinga ka muna. Hindi din naman tayo makakapag-usap ng matino kung puno ng selos yang utak mo.”

 

            “Kapal ng mukha mo! Wag kang tatabi saking matulog mamaya!”

 

            “Oh teka, wala sa usapan yan.”

 

            “Pwes sinasama ko na sa usapan. Tumabi ka kay Agatha tapos tatabi ka sakin, eeeewww”

 

            “Fine!” pagsuko nito.

 

            Akmang lalabas siya ng bahay nang pigilan siya nito.

 

            “Hoy san ka pupunta?” tarantang sabi niya dito.

 

            “Sa opisina. Kaya mo na siguro dito, magpahinga ka na, tawagan mo nalang ako kung may kailangan ka”

 

            Yun lang at lumabas na ito ng bahay, kulang nalang ibato niya dito ang vase na nasa center table para hindi ito makalabas.

 

 

             HINDI umuwi si Gerald nang gabing iyon kaya ganoon nalang ang pagmumukmok ni Kim sa bahay. Akala niya ay sandali lang ito sa opisina, hindi pala ito uuwi, iniwan nanaman siya. Nagngingit ang puso niya sa isiping baka kasama nanaman nito si Agatha. Sobrang pagpipigil nalang ang ginawa niya para wag sugurin ito sa opisina, may pride pa naman siyang natitira.

 

 

            GERALD spend the night alone in his office. Pinilit niyang pagkasyahin ang sarili sa sofa para makatulog ng nakahiga. Bukas na siya uuwi, nag-iisip din kasi siya ng sorpresa para kay Kim. Kailangan nilang mag-usap nito, she has to know that he didn’t mean what he said about her years ago. Kanina ay bumili na siya ng singsing para dito, he will propose to her as soon as possible, he really can’t wait to be her husband.

 

*********************************************************************************************************************************

 

            MAAGA pa kinabukasan ay umuwi na si Gerald sa bahay. Pagkauwi ay naabutan niya ang kanyang Mommy kasama si Ralph sa sala, kadadating lang ng mga ito galing sa Kaliraya.

 

            “Hi, Tay!” masayang bati ng anak nang makita siya sa pinto ng bahay. Nakasuot ito ng snorkel goggles, mukhang may lakad nanaman ang mag-lola. Humalik ito sa kanyang pisngi. “Good morning.”

 

 

            “Good morning, Son. Where’s your mom?”

 

            “She’s in your room.” Lumungkot ang mukha nito. “Hindi ka po dito natulog kagabi?”

 

            “Oo nga hijo, san ka nanggaling kagabi?” sabat ng kanyang ina, hindi pa din humuhupa ang kanyang sama ng loob dito.

 

            Bumuntong hininga  siya “Sa opisina Mom, ah may inayos lang ako.” Ginulo niya ang buhok ng anak. “Dito ka lang, pupuntahan ko lang ang Nanay mo.”

 

            Dumerecho siya sa kwarto nila ni Kim. Hindi naka-lock ang pinto kaya nagtuloy-tuloy siyang pumasok sa loob. Natigilan siya nang makitang lumabas mula sa banyo ang dalaga.

 

            She was combing her wet hair, wearing nothing but black bikini and matching bra. He didn’t breathe so as not to disturb her. Pagkatapos nitong magsuklay ng buhok ay naglagay ito ng hikaw sa mga tainga.

 

            She tiptoed to get a pair of flip flops on top of their closet, giving him a clear view of her sultry twenty-six-inch waist. Napasandal siya sa hamba ng pinto at wala sa loob na napapalatak. He would probably never get tired of looking at those curves until his dying days.

 

            He had seen so many women from the ends of the world but he had never seen anyone quite like Kim. The softness of her skin had been like torture to him. Walang araw na lumipas sa loob nang nakaraang mga taon na hindi niya nahiling na muling mahaplos iyon.

 

            There were times he had to wake up in the middle of the night just to get out of bed and get away from the woman he had slept with. Pakiramdam niya ay nagkakasala siya kay Kim, na gi-guilty siya kahit hindi naman dapat. Wala nanaman silang relasyon noong mga panahong iyon. Ni minsan matapos silang maghiwalay ay hindi siya nagkaroon ng steady girlfriend.

 

            “Ouch!” sigaw niya nang maramdaman ang sakit sa kanyang sentido na pumutol sa kanyang pagmumuni-muni. Tinamaan iyon ng takong ng sapatos na ibinato sa kanya ni Kim. Dinaluhong siya nito, nagtitili.

 

            Lumangitngit ang tokador na nasa harapan ng dalaga. “Anong ginagawa mo?” she demanded while staring at his reflection on the vanity mirror. Tila biglang-bigla ito nang makita siya roon.

 

            Napaderecho siya ng tayo. “Kimmy…”

 

            “Bastos!!” She attacked him with her clenched fists. Tsk, hell hath no fury than a woman caught in her black undies. “Ilang beses ka ba p’wedeng swertihin sa loob ng isang linggo? Hinayupak ka talaga! ert!”

 

            Good Lord, he was indeed a ert. Kung bakit pa kasi biniyayaan ang babaeng ito ng makinis na kutis at magandang katawan? Huwag nang idagdag pa ang inosenteng mga labi nito na tila nang-aakit. How was he supposed to keep his damn eyes away from her?

 

            Malaking tao man ay nawalan siya ng balase sa kakailag dito. Nagpagulong-gulong sila sa sahig.

 

            “Kimberly, nakakarami ka na, ha,” sabi niya habang umiilag sa pananakit nito. Not that he was really hurt, though. Mas ininda niya ang matatalim na titig nito. “Kaya ako nandito para yayain kang lumabas. Kailangan nating mag-usap. The door was open and—“

 

            “Gerald, Kim, ano’ng ibig sabihin nito?” tanong ng mommy niya kasunod si Ralph. Ang dalawa ay nakatuon ang tingin sa kakarampot na suot ni Kim at sa posisyon nila na tila nagyayakapan. He hastily move forward to cover her body from their curious glances.

 

            Kaagad na tinakpan ng matanda ang mata ni Ralph, at sinabihang bumaba muna sa kusina. Kim was now straddling him like a ferocious cat and it was certainly not a ladylike position. Siya ang unang tumayo at kumuha ng roba para isuot dito.

 

            “Why are you two doing something like this in a broad daylight? Hindi na kayo nahiya sa anak niyo. Paano kung nakita kayo ng bata?” she scolded them like a bunch of rascal sixteen-year-olds. “Por Dios, ni hindi man lang kayo marunong mag lock ng pinto!”

 

            “M-mom, it’s not what you think,” depensa ni Gerald habang tintakpan ng roba ang katawan ni Kim.

 

            Kim let out a soft groan as if in pain. Pulang pula na din mukha nito sa pagkapahiya. Napangiwi siya ng makita ang sama ng tingin nito sa kanya.

 

            “Ayusin niyo nga yang sarili niyo. Kung kelan pa kayo tumanda at nagkaanak.” Iyon lang at isinara na nito ang pinto ng silid.

 

            Nanghihinang umupo si Kim sa gilid ng kama habang itinatali ang roba sa baywang. Her pretty faced looked mightily pissed. “Ano nga yung sinasabi mo?” sabi nito na tila pagod nang pag-usapan ang nagyari.

 

            “Pinaclear ko ang sched ko ngayon. Mag-uusap tayo, yung matinong usapan, kung kelangan buong magdamag tayong mag-usap para maagkaliwanagan na sa lahat. Gagawin natin. Sila Mommy na ang bahala kay Ralph.”

 

            “Sige simulan mo na.” Seryoso itong nakatitig sa kanya.

 

            “S-simulan ang alin?”

 

            “Diba sabi mo mag-uusap tayo ng matino, kaya simulan mo na.”

 

            Kumunot ang noo niya. “Do you honestly believe na makikipag-usap ako sayo ng ganyan ang itsura mo? Maawa ka naman sakin, lalaki lang ako.” Napababa ang tingin niya sa bahagi ng dibdib nito, naghiwalay ang roba.

 

            Sinundan naman nito ang tingin niya. Nang makita kung san siya nakatingin, namula ito at matalim siyang tinignan. Napangiti naman siya sa inasta nito. “Wag ka na ngang maarte diyan, as if naman hindi ko pa nakikita  yan. Sige na magbihis ka na,”

 

            Nang hindi pa din ito tumatayo. Tumaas ang isang kilay niya. “Hindi ka ba talaga tatayo at magbibihis?...Kung gusto mong ipagpaliban ang pag-uusap natin, okay lang naman sakin, sabihin mo lang kung gusto mong magkulong nalang tayong dalawa dito maghapon.” Ngising-ngising pagkakasabi niya.

 

            Tsaka lang ito padabog na tumayo at kumuha ng damit pagkatapos ay pumasok sa banyo.

 

            Hindi pa man nakakalabas ng banyo si Kim nang tumunog ang kanyang cellphone. He silently cursed nang makita kung sino ang tumatawag, secretary niya ito, siguradong may problema sa opisina pagkaganoon.

 

            Tama nga ang hinala niya, kailangan niyang pumunta agad sa opisina, hindi kasi pwedeng ipagpaliban ang nangyari doon. Inantay niya munang makalabas si Kim at nagpaalam dito na susunduin niya nalang ito pagkatapos na pagkatapos ng emergency meeting niya.

 

            “Babalik ako agad pagtapos ng meeting, I promise.”

 

            “Sino bang may sabing magpromise ka.”

 

            “Kim…”

 

            “Umalis ka na”

 

            HINAWAKAN si Kim ni Gerald sa magkabilang pisngi. He kissed her cheek again and again. Until his lips landed on hers. He kissed her lips the way he did her cheek. Sa tuwing magsasalita siya ay lalapat doon ang mga labi nito. Paulit-ulit. Hanggang sa hindi na niya alam kung matatawa ba o magagalit. He was smiling against her lips.

 

            "Ge, ano ka ba—“ He kissed her lips again. “Hindi mo na—“ Naulit  ang halik.

 

            “Shut up,” he said, smiling still. “Stop talking—“ She didn’t know what came over her, she just kissed him to shut him up too. “Gumaganti ka—“ Muli ay hinagkan niya ito at lumayo siya kaagad. “Hmmm. What do you—“ She did it again.

 

            He stopped talking and just look at her. Kapwa may ngiti sa kanilang mga labi. She bit her lip feeling herself flush. Feeling so stupid, too. She couldn’t even explain what happened. What the hell were they doing? Bakit ngayon ay nagngingitian at naghaharutan sila? He guffawed and then gave her an honest-to-goodness French kiss.

 

            It was an awesome kiss and then he left.

 

 

            BUMABA si Kim sa kusina para puntahan ang kanyang anak at ang lola nito. Binati niya agad ang ina ni Gerald nang makita ang matanda. Kahit ang ina ni Gerald ay napatawad na niya sa lahat ng nangyari, walang manyayari kung magtatanim lang siya ng puro sama ng loob, isa pa mukhang aliw na aliw nga ang matanda sa anak niya. Kahit siya ay hindi na din nito pinakikitaan ng hindi maganda.

 

            “Good morning po, Mrs. Anderson… ah p-pasensya na po kayo sa nangyari kanina”  hiyang hiya siya habang binabati ito.

 

            Tinitigan siya nito at ngumiti, may nakikita siya sa mga mata nito na hindi niya matukoy, para bang nagsisisi ito. “Call me, Mommy hija.”

 

            Lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit, naluha naman siya sa inasal ng matanda. “ Totoo nga ang sinabi mo noon, isang anghel ang magiging daan upang maunawaan ko ang lahat.”

 

            “I’m sorry Kim… a-alam kong ang dami dami kong kasalan saiyo at sa anak ko. Hindi ko alam kung paano mo ako mapapatawad, pero maniwala ka nagsisisi na ako.” lumuluha pa ring sabi nito.

 

            Hindi niya maipinta ang sayang nararamdaman niya nang mga oras na yon. Bahagya siyang kumalas sa pagkakayakap dito para matignan ito.

 

            Pinahid niya ang mga luha. “Wag na po natin pag-usapan ang tapos na, matagal ko na pong kinalimutan ang mga nangyari dati” tsaka siya ngumiti dito.

 

            “Salamat” tumayo ito ng tuwid at pinahid na din ang luha. “Bakit hindi ka nalang sumunod kay Gerald sa opisina, mas maganda kung pupunta ka doon”

 

            “May meeting po siya, makakaistorbo lang ako.”

 

            “Surprise him, magakaaway pa ba kayo?”

 

            “Okay na po kami…”

 

            “Good, dapat ay lagi kayong nag-uusap, hindi magandang magkaaway kayo. Tandaan mo may anak na kayo, hindi magandang makita ng bata kapag hindi maganda ang pakitungo niyo sa isa’t isa”

 

            “S-sige po, pupuntahan ko nalang po siya sa  opisina.”

 

            “Okay, ako na ang bahala sa apo ko.”

 

*******************************************************************************************************************************

 

            KIM knocked out of courtesy before she got in Gerald’s office. Wala si Leila noong oras na yun kaya kumatok na lamang siya sa opisina ng binata. Mukhang walang nakakarinig sa kanya kaya pumasok nalang siya bigla..

 

            Nabungaran niya si Gerald na nakasandal sa executive chair, pero ang hindi niya inaasahan ay ang makita si Agatha. Agatha was seating on Gerald’s lap, parang sawa itong nakapulupot kay Gerald.

 

            Pain slashed through her heart. Muntik na siyang umiyak but she held on to her emotions hanngang sa lumabas siya at nakarating sa elevator. Agad siyang lumulan doon at pinindot ang close button. Umusad na siya pababa.

 

            He  would never be hers again because he had never been hers to begin with. The truth was, Gerald just didn’t love her. Akala niya’y ubos na ang mga luha niya para kay Gerald. But her tears still fell. Ito na talaga ata ang pinakasinungaling na tao na nabubuhay sa mundo.

 

 

            GABI na nang makarinig ng katok si Kim sa kanyang kwarto.

 

            “Hello, Hon. Ready ka na?” todo ang ngiting bati ni Gerald nang mapagbuksan niya ito ng pinto at tila may kinukuha itong kung ano mula sa bulsa ng suot na pantalon.

 

            Ang walanghiya at balak pa siguro akong gawing fifth round! Without a word, she slammed the door in his face.

 

 

            GERALD could almost feel the bruises at the tip of his nose after Kim slammed the door against him. “Hey, what did I do nanaman?” sigaw niya sa nakasaradong pinto.

 

            Ilang minuto niyang kinatok ang silid nila ni Kim pero hindi pa rin siya pinagbuksan nito. Damn!

 

            He stared at the small box in his hand when he finally managed to take it out of his jeans pocket. Inis na muli niyang ibinulsa yon. He was tempted to kick the door in pero nagpigil siya.

 

            Napakamainitin talaga ng ulo nito. Ang sungit sungit, akala niya ay okay na sila kaninang umaga.

 

            Wala siyang nagawa kundi umalis nanaman. Palpak ang plano!

 

****************************************************************************************

 

            KINABUKASAN, malayo pa ay nakita na ni Gerald si Ralph sa pribadong kalye kung saan siya nag ca-car drifting. Napahinto lamang ito sa pagtatalon ng akayin na ito ni Fred palayo roon. He smiled when he heard him cheer amidst all the noise.

 

            Napakalakas ng usok sa buong paligid gawa ng kanyang sasakyan pero hindi ito alintana ng bata. He was still staring at him wide-eyed with fascination, tila siyang siya sa nakikita.

 

            Nang nagdaang gabi ay kinukulit na siya ng anak na pumunta sa mall para bumili ng inuungot nitong laruan kaya kahit marami siyang appointments nang araw na iyon ay ginala niya pa din ang bata.

 

            Maaga silang umalis ni Ralph sa bahay. Doon nanaman siya natulog sa kwarto ni Ralph dahil sa tingin ni Kim sa kanya kagabi mukhang may balak na itong pumatay ng tao. Mukhang tulog pa si ito nung umalis sila dahil wala pang nakahandang almusal para sa kanilang mag-ama. Mabuti ng ganon, he wasn’t ready to face her just yet, naiinis na din siya sa pagbabalewala nito sa kanya. Nag-iwan nalamang siya ng note kung nasaan sila.

 

            Nang maihinto ang sasakyan, he straightened against his seat and unlocked his seat belt at bumaba para salubungin ang kanyang anak na namimilog pa rin ang mga mata sa paghanga. If only he had a dime whenever Ralph looked at him that way.

 

            “Tatay!” malakas na sigaw nito patakbo sa kanya. Nang makalapit ay kaagad itong nangunyapit sa kanyang binti. He beamed at him proudly. “I want to ride that too! Teach me! Please!”

 

            Ginulo niya ang buhok ng bata at kinarga ito. “Hindi pa puwede dahil masyado ka pang bata,” mahinahong paliwanag niya. “You’ll have your time when you get older… and taller.”

 

            Humaba ang nguso nito. “But…”

 

            “Tell you what, bibilhan nalang kita ng paborito mong laruan.” Inilapag niya ang anak at lumuhod para tingnan ito ng derecho, umaasang makukumbinsi niya ito.

 

            Ilang ulit itong umiling.

 

            Napangiwi siya at naikamot ang kamay sa ulo. Alam niyang hindi siya titigilan nito hangga’t hindi niya naibibigay ang gusto nito.

 

            He heard him animatedly telling Fred how he was going to take him for a spin on one of his car. How could he ever refuse him after seeing the happiness on his face?

 

            Lihim niyang naikiling ang ulo habang tinitingnan ang bata. Naloko na. Now, he was caught between a rock and a hard place. Kung hindi sampal ay tiyak na giyera-patani ang aabutin niya kay Kim kapag pinagbigyan niya ang kahilingan ni Ralph.

 

            Oh boy…

 

 

            “FRED, nakita mo ba si Ralph?” kaagad na tanong ni Kim ng makita si Fred sa lugar kung saan sinabi ni Gerald na pupuntahan nila ng anak.

 

            “Oh Kimmy…” Tumingin ito sa sasakyan na pa sirko sirko sa kalsada. “He’s in there.”

 

            Kumunot ang noo niya at tila nagkabuhul-buhol ang dila sa narinig. “In there, where?” gulat na tanong niya. Diyos ko, huwag naman sana! Habang nasa daan ay malakas na ang kanyang hinala.

 

            “There,” sabi nito, sabay turo sa sasakyan.

 

            Halos umakyat ang lahat ng dugo sa ulo niya sa nakikita. The car Fred was talking about was sliding in corner. She had to gasp for air each time it went fast and turn. God, napakabata niya pa para ma-higblood ng ganito!

 

            “Nooooooooo!” she bellowed.

 

 

            KAHIT anong ingay ng sasakyan ay rinig na rinig ni Gerald ang sigaw ni Kim. Nagkatinginan sila ng anak na si Ralph. Naku patay! eto na!

 

______________________________________________________________________________________________  

 

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah Sorry na ang tagal, nahirapan ako sa chapter na to, pagong na pagong tumakbo ang utak ko ngayon eh hahahah soryy.... thank you sa comment :*

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
miel0806 #1
ms. liaaaaaaaaaaaaann kelan mo ito iupdate? :D update na pretty pretty please :D
honyou
#2
update ka naman
enderez #3
hi nameless...hope maka update ka ulit thanks
galomkg #4
Yes thanks sa update... gawa ka ng maraming marami para happy ulit kami:-):-)
KG4life #5
end na ng fanfic na 'to??!! thank you so much :)
nameless #6
iluvkimerald..hindi pa, may isang chapter pa, di ko pa tapos eh :))
iluvkimerald #7
nameless ?? tpos n b 2 ?? more chapter p ..
nameless #8
hoooyzzt may ipapabasa ako sayo... kaso sa tue. na, ieedit ko pa yun eh ep-ep hahaha
bambzy #9
ahaha...dito tayo mag usap.....:lol
nameless #10
Gagawa akong bago! Ikaw ang bida BAMBZEY ha! wahahahahaha<br />
<br />
Galomkg! joke lang yun hahahha