Chapter 1

Meant To Be Together

 

“O anak ingatan mo ang sarili mo, basta pag may problema tumawag ka lang at gagawa kami ng paraan upang puntahan ka namin doon” usal ng ina ni Kim habang inihahatid siya sa sakayan ng bus papuntang Maynila.

 

“Opo Mama, wag ka mag-alala kayang kaya ko ang sarili ko, malaki na ako, wag po kayo masyado mag-aalala sakin” usal niya sa ina na kanina pa pigil ang iyak,dahil sa kanyang pag-alis. Ito kasi ang unang beses na mahihiwalay siya dito, buhat ng iwan sila ng kanyang ama,sila nalang ng kanyang ina ang nagtutulungan upang kahit papaano ay guminhawa  ang kanilang buhay.

 

Walong taon na ang nakalilipas ng iwan sila ng kanyang ama. Siyam na taon pa lamang siya noong hindi na ito muling bumalik mula noong sumampa ito sa barko upang magtrabaho, simula noon ay natuto na siyang magbanat ng buto sa murang edad, idagdag pa ang madalas niyang pagkakasakit, kaya lalo silang hirap ng kanya Mama, ikakain na nga lang ay mababawasan pa dahil sa pagbili niya ng gamot at minsan pagpapaospital, malas at lampa nga kung siyay tawagin ng kanyang mga kalaro noong bata pa siya dahil ay madalas siyang hikain. Sa sipag at tiyaga  nilang mag nanay ay nagawa niyang makatapos ng kolehiyo, kaya naman laking tuwa niya ng matanggap siya bilang scholar sa isa sa mga kilalang eskwelahan sa Maynila. Wala siyang binabayaran, libre pa ang dorm at mayroon din siyang weekly allowance kaya naman laking pasasalamat niya dahil na noon na akala niyang hindi na siya magkokolehiyo ay ngayon tuloy na tuloy pa din siya sa pag-aaral. Yun nga lang mahihiwalay siya sa kanyang ina, kaya hind niya rin maiwasan mag-alala dito dahil mag-isama nalamang ito sa kanilang bahay.

 

“Kayo nga po ang dapat ma-ingat, Mama wag na kayo masyado magtrabaho, hindi yun mabuti sa inyo, sige ka baka magkasakit kayo, tsaka wag kayo mag-alala Ma raraket ako dun sa Maynila, para naman kahit papano ay makapag-padala ako sa inyo ng pera.” Sabi niya dito.

 

“Naku Kim yan ang wag mong gagawin, alam mo namang napakasakitin mong bata ka, pano kung magkasakit ka dun, wala ako, kaya yang pag-aaral mo nalang ang intindihin mo.” Anito sa kanya habang hinapaplos ang kanyang mukha.

 

Natigil ang paguusap nilang mag-nanay ng sabihin ng konduktor na paalis na ang biyaheng Maynila.

 

“Mama aalis na ako, mag-iingat po kayo ha, tatawag nalang ako lagi kay Kikay bakla para naman magka-usap tayo lagi. Raraket po ako para naman, mabilhan ko kayo ng cellphone.” Aniya at humalik na sa kanyang ina at nag-paalam.

 

“Sige, ingatan ka nawa ng Diyos, mahal na mahal kita anak.”

 

“I love you too Mama, bbye”

 

 

*************************************************************************************

 

“Pare! Kamutsa? Busyng busy ka ah, wala ba tayong gimik?”

 

Nag-angat ng ulo si Gerald ng marinig ang kaibigang si Fred, inistorbo siya nito sa pagbabasa ng mga reports na ibinigay sa kanya ng kanya Ama na may kinalaman sa nalalapit niyang pamamahala sa kanilang kompanya.

 

“Bro, madami akong ginagawa kelangan ko tong pag-aralan kung hindi malilintikan nanaman ako kay Dad” aniya habang nag-uunat.

 

“Nakanang toots pare, tindi mo hindi bagay sayo, eh parang kahapon lang kung makapang dekwat ka ng babae sa bar tapos ngayon ‘The Good Son’ ang drama mo” anito habang umupo sa sofa katapat niya.

 

“Ngayon lang toh,gusto lang ni Dad na mafamiliarize na ako, para kapag graduate na ako at ako na ang humawak, galamay ko na ang lahat, tsaka bakasyon naman, magpapasukan na din kaya promise Bro babawi ako, sagot ko babae mo.” Ngiting ngiting pagkakasabi niya.

 

“Yan naman ang gusto ko sayo eh, sige pano sa pasukan ah!” tumayo ito at nagpa-alam na.

 

“Sige, lumayas ka na, wala ka namang gagawin dito, kita nalang tayo sa school sa lunes.”

 

 

********************************************************************************************

Pagpasok palang ni Kim sa Campus ay dinatnan na siya ng matinding kaba. Bukod sa ubod laki ng kanyang eskwelahan ay puno na ito ng mga estudyante, noong una kasi na inilibot siya ay kakaunti lamang ang tao dahil bakasyon, ngunit ngayon punong puno na ito, animo isa siyang alien sa lugar na iyon. Kutis palang at pananamit ay halatang halatang mayaman ang lahat ng nag-aaral doon, buti na lamang at mestiza ang kanyang ina at intsek ang kanyang Papa, kahit mahirap sila ay makinis at maputi naman ang kanyang balat. Habang tinitignan ang mga estudyanteng nakaupo sa bench at nagtatawanan bigla siyang nangulila sa kaniyang bestfriend na si Kikay. Si Kikay ang kanyang kaibigan simula pa elementarya, nagsimula silang magkakilala ng ipanagtanggol niya ito noong inaapi ito ng kanyang mga ka eskwelang lalaki, dahil daw bakla ito. Simula noon naging matalik na silang magkaibigan. Kung kasama niya sana si Kikay ngayon ay tiyak na mababawasan ang kanyang kaba. Naalala niya ang mga sinabi nito sa kanya ilang araw bago siya umalis.

 

“ Oi friend, pagdating mo sa Maynila, ifakilala mo naman ako sa mga fafang na ma mi-meetsung mo doon, sigurado akong mga gwapo ang mga magiging ka eskwela mo doon.”

 

“Kikay ano ka ba naman, pupunta ako sa Maynila para mag-aral hindi para mamingwit ng boylet noh!”

 

“Ito naman si sister, sigurado akong madami ang mabibighani sa beauty mo Girl, kaya wag mo naman solohin, magtira ka naman ng saakin.” Himutok nito sa kanya.

 

“Haliparot ka talagang bakla ka” tawang tawang pagkakasabi niya.

 

“Pero Sister mag-iingat ka doon ha, balita ko sabi ni Aling Menggay, yung anak daw ni Mang Eseng eh buntis! Naku landi landi talaga nung bruhildang Mameng na yon, kala mo kung sino nung nag Maynila tapos ayun wala pang isang taon, umuwi kasi na buntisan ng jowang may asawa na p ala.”

 

“Ikaw talaga, napaka tsismosa mo! Wag mo nang pakeelaman yun si Mameng, basta ako mag-aaral ako dun, wala akong pakeelam kung mayayaman pa lahat ng mga kaklase ko, wa fakelz ako dun friend, hindi ako papa-api sa kanila at higit sa lahat hindi muna ako mag-boboyfriend.”

 

“Wushuuuu palaka ka! Baka makadikit ka lang sa gwapo at mayaman eh malaglag na yang mo!” panunukso nito sa kanya.

 

“Tse! Hindi noh, sa ganda kong to, baka luhuran ako ng mga lalaki doon hahahaha.”

 

“Taray ni Sister! Siya basta, kung sakali mang kainin mo yang mga sinabi mo, ang importante friend ay isipin mo ang nanay mo, kelangan ka nun, kaya magsikap ka, ang bataan wag mo basta basta isusuko, kung di ka makatiis, saakin mo ipadala, bataan ko isusuko ko.”

 

“Yuck bakla! Tumigil ka nga…haaaayy mamimiss kita Kikay.” Aniya habang niyayakap ito.

 

“Awwww mamimiss din kita sister kong maganda”

 

 

Napasarap ang kanyang pag-iisip kaya naman hindi na niya namalayan na may padating na kotse.

 

“Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeppppppppppp”

 

Napasigaw si Kim, at napaupo sa sahig dahil sa gulat sa kotseng animo ambulansya dahil sa bilis ng patakbo. Agad namang huminto ang sasakyan habang tintulungan na niya ang kanyang sariling tumayo.

 

 

“Miss ano ba! Hindi mo ba nakikita na naka stop ang light! Dirediretso ka pa din sa paglalakad, istorbo ka naman!”

 

Napaangat agad ng tingin si Kim sa taong sumisigaw sa kanya, kahit hindi pa niya tapos kunin ang mga nalaglag niyang gamit. Aba malay ba niya pati pagtawid ng building sa loob ng campus eh may stop light pa.

 

 

“Ano? Wala kang sasabihin, sa susunod tignan mo yung dinadaanan mo ng hindi ka nakakaistorbo! Kargo de konsesya pa kita pag may nangyari sayo kahit ikaw naman ang may kasalanan,!” Galit nag alit na usal nito sa kanya.

 

 

“Hoy! Mister! Ikaw na lalaki ka na kala mo nagmamaneho ng ambulansya, wag na wag mo nga akong masigawan! Para napaaga lang ako ng tawid kala mo naman ten wheeler truck ako na bumangga jan sa kotse mo! Ako pa nga ang muntik mo ng masagasaan dahil sa bilis mo magpatakbo!” Dinuro duro niya ito.

 

“Who are you to talk to me like that?” Inis na sabi nito sa kanya.

 

“Who am I? Estudyante dito! Bakit may angal ka? Sayo ba tong daan na toh para sigawan ako ng ganyan?”

 

“You’re wasting my time, new freshman ka lang kaya tumabi tabi ka na diyan kung ayaw mong tuluyang masagasaan.” Sabi nito habang binubuksan ang pinto ng sasakyan nito.

 

“Ang yabang mo! Eh ano naman kung freshman ako, kayo talagang mayayaman kala mo kung sino, pwes sinasayang mo din ang oras ko” Inis na pagkakasabi niya ditto.

 

 

“Gerald! Ipasok mo na yan sa sasakyan ng manahimik, nag ttraffic na oh! Type ka lang niyan”

 

Napatingin ito sa gawi ng lalaking nagsalita.

 

“No thanks pare, baka mabingi lang ako sa bibig niyang walang preno”

 

Nagpintig ang tainga niya sa mga narinig, so Gerald pala ang pangalan nito at ang kapal ng mukha ng kaibigan nito para sabihin type niya ito.

 

 

“Hoy kung sino ka mang Gerald ka! In your dreams! Hindi kita type!” Aniya sabay takbo.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
miel0806 #1
ms. liaaaaaaaaaaaaann kelan mo ito iupdate? :D update na pretty pretty please :D
honyou
#2
update ka naman
enderez #3
hi nameless...hope maka update ka ulit thanks
galomkg #4
Yes thanks sa update... gawa ka ng maraming marami para happy ulit kami:-):-)
KG4life #5
end na ng fanfic na 'to??!! thank you so much :)
nameless #6
iluvkimerald..hindi pa, may isang chapter pa, di ko pa tapos eh :))
iluvkimerald #7
nameless ?? tpos n b 2 ?? more chapter p ..
nameless #8
hoooyzzt may ipapabasa ako sayo... kaso sa tue. na, ieedit ko pa yun eh ep-ep hahaha
bambzy #9
ahaha...dito tayo mag usap.....:lol
nameless #10
Gagawa akong bago! Ikaw ang bida BAMBZEY ha! wahahahahaha<br />
<br />
Galomkg! joke lang yun hahahha