Chapter 3

Meant To Be Together

 

Gerald was on his way to the parking lot with Fred and Jimmy. Nasa isip pa din niya si Kim, kanina niya lang natitigan ang mukha nito, ayaw man niyang aminin sa sarili pero he found her really beautiful, masama nga lang tabas ng dila ng babae, kaya nga nag alibi nalang siyang birthday ng kapatid ni Fred upang maimbitahan niya ito, kahit ang totoo eh wala naman talagang may birthday. Ginamitan na din niya ito ng kanyang bossy attitude para maanyayahan,alam niyang hindi ito sasama sa kanya. Inimbitahan niya ito dahil nahihiwagahan siya dito, gusto niya ito makilala ng maigi. Ang ibang babae kasi ay halos magkandarapa sa kanya, but this girl, who would have thought that a girl like her would have the guts to shout at him like that, but she did. Yes she is only a girl, she’s only 17 for Godsake!, “kaya dapat itigil muna kung ano mang binabalak mong hindi maganda” bulong ng kanyang isip. Madali niyang nalaman ang pangalan nito dahil inaanak siya ng may-ari ng Unibersidad, idagdag pa ang charm niya kaya madali niyang nauto ang babaeng in-charge sa student files. Nalaman din niyang scholar lang ito at taga probinsya. Kaya nga siguro hindi siya kilala nito, dahil kung taga-Maynila ito at doon nag-aaral, imposibleng hindi siya kilala nito. Natigil ang kanyang pagiisip ng tapikin na siya ni Jimmy.

 

“Bro, what are you going to do with that Chinita?”

 

“Oo nga,kung ano mang plano mo wag mo na kaya ituloy, kawawa naman, mukang bata pa yun!”

 

“Easy, kung makapagsalita kayo parang ang sama sama kong tao, I just want to know her better.” Nakangiting pagsabi niya.

 

“Basta kung anong gagawin mo, labas kami jan ha, maganda pa naman si Kim, kung ako unang nakakita dun, itatali ko na yun sakin, natitigan ko siya kanina, grabe bro, pamatay ang endless legs, tapos ang kinis at ang bango bango, amoy baby nga eh hindi kagaya ng amoy ng mga karaniwang girls dito masyadong matapang ang mga amoy, yung kay Kim refreshing hindi masakit sa ilong, kung ganun lang din ang aamoy amoyin ko araw-araw siguradong hindi ako maghihilo at magsasawa.”

 

“Tama ka diyan Fred, tapos ang face mukang anghel, kahit walang make-up ang ganda, tsaka kahit walang lipstick,natural ang pula ng labi, yun ang masarap halikan pare, labi talaga ang matitikman hindi lipstick”

 

Napatingin siya ng masama sa mga kaibigan, mukang nabighani din ang dalawa sa ganda ni Kim. Sarap kutusan ang dalawang ito sa pagiging manyak,pero nainis siya sa sarili dahil hindi niya maintindihan kung bakit bigla nalang siya naalarma sa sinabi ni Fred na gusto nitong itali si Kim.”because you’re jealous”panunukso ng isip niya.

 

“Hoy kayong dalawa, tigilan niyo yan, wag na wag kayong susunod sunod samin ni Kim mamaya, wag kayong eepal!” galit na sabi niya sa mga ito.

 

“Sobra ka naman bro, kung makapagsalita ka, kala mo naman syota mo yun, eh gustong gusto ka ngang tirisin nun eh” protesta ni Fred sa kanya.

 

“Wag nga kayo makeelam, ako unang nakakita sa kanya kaya ako lang ang pwedeng mag ka interes sa kanya” Giit niya sa mga ito.

 

“Ano yun pusa na nakita mong gumagala sa kanto?”

 

“Na kung sino unang  makakita ay kanya na?”

 

“Basta, akin siya! Humanap nalang kayo ng iba”

 

“Oo na, sobra ka talaga, what Gerald wants, Gerald gets!”

 

Hindi man niya aminin, pero naexite siyang makita si Kim mamaya, sana nga lang umubra ang pagiging bossy niya dito para pagdating niya ay wala silang magiging problema.

 

 

 

 

Hindi maipinta ang mukha ni Kim pagpasok palang niya sa kanyang dorm.Sino ba kasi ang Gerald na ito para utusan siyang sumama dito ng ganun ganun na lang, ang kapal talaga ng mukha. “Hay ganito ba talaga sa Maynila,makakapal ang mga fez ng lalaki.”

Imbis na magpa-apekto ay naisipan niya nalang mag advance reading para hindi siya mag cram sa mga lessons, nasa kalahati na siya ng hand-out na ibinigay sa kanila ng kanyang professor ng makatulog siya. Nagising nalang siya na may parang daliring sumusundot sa kanyang ilong. Napabulagta siya sa kanyang kama ng makita si Gerald, at ang mokong sinusundot nga ang kanyang ilong, ano bang akala nito sa kanya multong tinetesting kung nahahawakan ba. Pero kahit gulantang siya pagpasok nito basta basta sa kanyang kwarto ay nakaramdam siya ng bahagyang kilig dahil natitigan niya ito ng mas malapitan, kaya naman pala lumuluhod ang mga babae dito dahil unkabogable naman talaga ang gwapo nito, ang bango bango pa, sa pagpapantasya niya dito hindi na niya namalayan na ngumingiti pala siya.

 

“Hey stop staring at me, bakit hindi ka pa bihis?”Kunot na kunot ang noo nito.

 

Ang yabang talaga, kung makapag-utos ganun ganun nalang, tsaka bakit ba siya papayag, eh hindi nga sila friends nito.

 

“Bihis? Bakit may suot naman ako ah” inonsenteng sagot niya.

 

“I mean, bakit hindi ka pa naka-ayos? Diba sabi ko sayo by 7 ay dapat ready ka na!”

 

“At sino ka para utusan ako ng ganyan, tsaka hindi ako basta basta sasama sayo, hindi nga kita kilala, malay ko ba kung kidnapper ka o ” Naiinis na tugon niya dito. “Tsaka, pano ka nakapasok dito?”

 

“Kung hindi mo ako kilala, ako si Gerald, wag ka mag-alala hindi ako kidnapper, at lalong hindi ako , ako pa nga lagi ang victim” Nakakalokong ngiti nito sa kanya.

 

“Wow ha, naïf-feel ko ang pagbabalik ng bagyong milenyo!”

 

Napatili naman siya ng buhatin siya nito at akmang ipapasok sa banyo.

 

“Aaaaaahhh ibaba mo ako, manyak manyak!” pinagsusuntok niya ang likod nito.

 

Ibinaba siya nito sa pinto ng banyo.

 

“Kapal ha, anong manyak! Wala akong gagawin sayo, pumasok ka na diyan dapat pagbalik ko, ayus ka na!”

 

“Sinabi ng hindi ako sasama sayo, isusu..”

 

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil walang sabi-sabing sinakop ng mga labi nito ang labi niya.

 

Time stood still for her. The only thing that she was aware of at that moment were Gerald’s warm and soft lips on hers.

 

Napapikit siya, para kasing libo libong paru-paro ang lumilipad sa tiyan niya. Nang  pakawalan siya nito ay napadilat siya. Her eyes met his. Mabilis din siyang nakalayo dito ng marinig ang katok sa pintuan.

 

“Kimmy! Kimmy! Nanjan ka na ba? nakalimutan ko yung susi ko”

 

Si Maja ang kumakatok, ang kanyang roommate, dali dali niya itong pinagbuksan, habang si Gerald ay nakatitig pa rin sa kanya.

 

“Maja” bati niya rito.

 

“Buti nalang nandito ka, naiwan ko kasi yung su…”

 

Nakita niya ang reaksyon ni Maja, napanganga ito, at tinignan siya na nagtatanong.

 

“Ah Maja, si si si ano, kwan, si G-Ger-r-ald” her eyes grew misty, naiiyak na siya sa inis sa mga nangyayari, feeling niya ay aping aping siya kahit si Gerald lang naman ang kaaway niya.

 

Tumingin siya kay Gerald.

 

“Bumababa ka na, magbibihis lang ako”

 

Lumapit ito sa kanya at pinunasan ang luhang namumuo sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung tama ang nakikita niya, pero nakikitaan niya ito ng pag-aalala sa kanya.

 

“Okay” yun lang ang naging tugon nito sa kanya.

 

Nang maisara nito ang pinto ay huminga siya ng malalim, papasok na sana siya sa banyo ng magsalita si Maja.

 

“Kimmy, bakit nandito si Gerald?”

 

“Ah wala yun, kaklase ko kasi siya sa isa sa mga subjects ko, merong ano kasi pinapagawa yung professor namin, gusto niya habang maaga ay mapag-usapan na yung group presentation.” Buti nalang ay nakaisip siya ng palusot, sana naman ay kagatin yon ng kanyang roommate.

 

“Are you sure sa group presentation yan? Hindi kaya type ka nun? Pero ingat ka mahfriend ha kasi balita ko matinik sa babae yun si Gerald, mayaman kasi at gwapo, paboritong  inaanak pa yun ng may-ari ng school natin”

 

“Oo sigurado akong sa presentation lang yun”

 

“Ok sinabi mo eh, basta pag may problema, lalo na sa boys, nandito lang ako ha, bestfriends na tayo eh” niyapos siya nito.

 

Dito lang sa Maynila niya nakilala si Maja, scholar din ito dahil hindi rin ganung kaswerte sa buhay, kaya mabilis silang nagkapalagayan ng loob, pero laking Maynila ito, kaya siguro ganun nalang ang pagkagulat nito ng makita si Gerald,dahil kilala nito ang lalaki, base sa reaksyon nito mukang kilalang kilala nga si Gerald sa Unibersidad, at napatunyan nga niya ng malamang inaanak pala ito ng may-ari ng school.

 

“Salamat Maja ah, sige maliligo muna ako, aalis ako,pero sandali lang naman”

 

“San kayo pupunta?”

 

“Birthday daw kasi ng kapatid ng kaibigan niya, hindi ko nga alam kung bakit isinasama ako”

 

“Type ka nun, imsyuuurrrr” kinikilig na sabi nito.

 

“Hindi noh, eh kanina lang parang balak akong kainin ng buhay nun eh, baka dun namin paguusapan yung tungkol sa presentation namin.”

 

“Sus, deny to death, may isusuot ka na ba?”

 

“Ha? Oo nga noh, ano ba dapat ang isuot ko?”

 

“Hmmmm…teka” Tumingin ito sa cabinet niya.

 

“Wala naman ako masyadong damit, eh puro sa ukay ukay ko lang yan binili, naiinis nga ako kay Kikay, kung ano ano ang pinagdadampot na y na damit, hindi naman ako sanay magsuot ng ganyan.”

 

“Sige, maligo ka muna ako na ang bahala sa suot mo, sisiguraduhin ko tulo laway ni Gerald sayo”

 

 

 

Mahigit isa’t kalahating oras ng nag-aaantay si Gerald sa baba. Hindi siya sanay mag-antay mabilis kasi mag-init ang kanyang ulo, pero ngayon tila nag-eenjoy siya, naeexite kasi siyang makita si Kim. Kanina ay hindi na niya napigilan na halikan ito, napakadaldal kasi, pero kahit panay ang buka ng bibig, napaka cute pa din tignan, lalo na ang mapulang labi nito. Sobra sobra nga ang self control na ginamit niya para putulin ang halik niya dito. Napaka natural nito, kanina nga nung pumasok siya sa kwarto para icheck ito, imbis na mainis ng makita itong tulog at hindi pa nakaayos ay natuwa siya itsura nito, napaka refreshing ng mukha nito, kung ang iba siguro ay matuturn off dahil ng maabutan niya itong tulog, nakanganga ito at half closed ang mata, may tulo pa ng laway, pero siya ay natuwa, hindi niya din mabatid kung bakit. Nagandahan din siya sa ilong nito kaya nga naisipan niyang pindutin, pero nagising agad ito sa kanyang ginawa.

 

Napaangat agad siya ng tingin ng makarinig ng tapak ng paa sa hagdan. Napanganga siya sa nakita, aba ang puso niya nag somersault pa, hindi niya kasi akalaing may kakayahan itong magbihis ng ganon, inaasahan niya na naka maong pants at blouse lang ito dahil mukang neneng nene nga ito kung kumilos, kaya naman laking gulat niya ng makita itong naka maikling shorts, kitang kita ang makinis at mahabang legs nito, nakasuot din ito ng white spaghetti strap at may patong na blue blazer jacket, nakalaugay ang buhok at kulot ang dulo, mataas din ang suot nitong sapatos. Mukang nalintikan na nga siya, “Patay unang araw pa lang, lakas tama na ako!”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
miel0806 #1
ms. liaaaaaaaaaaaaann kelan mo ito iupdate? :D update na pretty pretty please :D
honyou
#2
update ka naman
enderez #3
hi nameless...hope maka update ka ulit thanks
galomkg #4
Yes thanks sa update... gawa ka ng maraming marami para happy ulit kami:-):-)
KG4life #5
end na ng fanfic na 'to??!! thank you so much :)
nameless #6
iluvkimerald..hindi pa, may isang chapter pa, di ko pa tapos eh :))
iluvkimerald #7
nameless ?? tpos n b 2 ?? more chapter p ..
nameless #8
hoooyzzt may ipapabasa ako sayo... kaso sa tue. na, ieedit ko pa yun eh ep-ep hahaha
bambzy #9
ahaha...dito tayo mag usap.....:lol
nameless #10
Gagawa akong bago! Ikaw ang bida BAMBZEY ha! wahahahahaha<br />
<br />
Galomkg! joke lang yun hahahha