Chapter 13

Meant To Be Together

HUMINGA ng malalim si Gerald pagpasok na pagpasok niya sa loob ng sasakyan niya. Hindi niya magawang buhayin ang makina dahil nanghihina siya. Gusto na niyang umalis ng bahay nila ngunit bahagyang naninikip ang dibdib niya. Baka hindi rin siya makapagmaneho ng ayos. Magpapalipas muna siya ng ilang minuto roon.

 

Hindi madali sa kanya ang ginawang pagsisinungaling. Mahirap para sa kanyang sabihin sa Mommy niya na hindi niya mahal si Kim kahit ito ang babaeng pinakakamahal niya. Iyon lamang kasi ang naisip niyang paraan para tantanan na ng nanay niya si Kim.

 

Umupa siya ng isang tao para alamin ang ginagawa ng kanyang ina. Nalaman niyang binayaran nito ang ilang taong pinagkakautangan nila Kim upang maningil. Alam niyang marami pang kayang gawin ang Mommy niya. Iba kumilos ang pera.

 

Ayaw niyang patuloy na pahirapan si Kim at ang mama nito. They didn’t deserve that. Siya ang may kasalanan ng lahat. Siya ang naghabol dito. Hindi tamang mahirapan ito ng dahil sa kanya.

 

Kilala niya ang Mommy niya. Kapag ipinagtanggol niya si Kim, lalong magagalit ito. Kapag sinabi niyang seryoso at mahal na mahal niya si Kim lalo itong manggigigil. Hindi niya ito dapat galitin dahil hindi siya ang mapapahamak kundi si Kim. Ito ang pahihirapan at hindi niya iyon mamalayan.

 

Kapag nahirapan ng husto si Kim, baka sukuan lang siya nito basta. Hindi ito maaring mawala sa buhay niya, hindi niya kakayanin.

 

Kailangan niyang maging maingat sa lahat ng hakbang kanyang gagawin. Kailangan niyang pag-isipan lahat. Mahal niya ang Mommy niya, naiintindihan niya kung bakit nito ginagawa yun, gusto lang siyang protektahan nito. Ngunit hindi nangangahulugang hindi siya nagagalit sa ginagawa nito. Bakit kasi kailangan tignan nito ang estado ng buhay ng isang babae bago nito tanggapin iyon?

 

Sa ngayon hahayaan na muna niyang isipin nito na naglalaro siya. Namangha siya ng maisip niya na kaya niyang talikuran ang lahat para kay Kim. Handa siyang mawalan ng mamanahin kung saka-sakali. Handa siyang pasukin ang mundo nito. Ganoon niya ito kamahal. Lahat gagawin niya para dito.

 

Pinaandar niya ang sasakyan niya nang umayos ang pakiramdam niya. Magiging maayos din ang lahat. Hindi niya hahayaang maging magulo ang buhay ni Kim.

 

*************************************************************************************************************************************

 

NANG Makita ni Kim na wala na sa receiving area si Gerald ay tumayo na siya. Inayos niya ang kanyang sarili. Pilit na nagpakatatag siya. Hindi niya hahayaan ang sarili na mag mukhang talunan. Hindi niya bibigyan ng satisfaction ang ina ni Gerald na makita siyang umiiyak.

 

Inayos niya ang sarili at lumabas ng silid. Napakaganda ng ngiti ng matandang babae habang nakatingin sa kanya. Pinagtatawanan siya ng mga mata nito. Gigil na gigil siya pero nagpigil siya. She forced herself to remain calm and cool. Hindi niya ipapakita ang galit niya.

 

“I’m sorry you had to hear the horrible truth, sweetheart,”

 

Bumuntong hininga siya at kaswal na umupo sa upuan niya kanina. Kayang kaya niyang lagpasan iyon. “Hay, akala ko pa naman tatagal pa. Sayang pero ok na rin. At least ngayon, alam ko na. At least ngayon hindi na ako makakaramdam ng matinding guilt.” Inilahad niya ang kanyang kamay. “Akin na, para  tapos na.”

 

Nagsalubong ang mga kilay nito. “Akin na ang alin?”

 

“Yong tsekeng inihanda niyo para sakin kapalit ng paglayo ko kay Gerald. Nakakalungkot dahil akala ko pa naman ay magtatagal ang ganitong eksena at makakakuha ako ng mas malaking halaga kaysa sa nakahanda ngayon. Well, ganoon talaga ang buhay.”

 

“W-what?” Tila manghang mangha ang matanda sa sinabi niya. Namimilog ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Tila tinatanong siya ng mga iyon ng, “Are you for real?”

 

Nais tuloy niyang mapangiti. Kahit nagsisinungaling lamang siya, naibangon naman niya ang kanyang sarili. Hindi siya mananatiling nakalugmok. They me have succeeded in breaking her heart but she would never let them break her soul and pride.

 

‘Ano po ba ang inaasahan nyo na mangyayari?” tannong niya rito habang may ngiting naglalaro sa kanyang labi. It was a struggle to look calm and unaffected but she managed to do it.

 

“Akala nyo po ba ay iiyak ako katulad ng mga babaeng napapanood niyo sa T.V? Naniwala rin po ba kayo sa arte ko na mahal ko si Gerald?” Nagkibit-balikat siya. “Siguro, mahal ko siya ng kaunti pero mas mahal ko pa rin ang pera. Alam ko naman na hindi kami panghabang-buhay. Mas ginamit ko ang isip ko at hindi ko hinayaan ang sarili kong mapamahal nang todo sa kanya. Buti na lang po, ano? Kawawa naman ako kung nagkataon.”

 

Umiling-iling ito. “I understand what you’re trying to do. You’re saving your pride. Hindi mo gustong makita ko ang kaawa-awa mong kalagayan. You can cry sweetheart. Give me that satisfaction.”

 

It took so much effort to act unaffected. Sapol na sapol nito ang damdamin niya.

 

“Kapag umiyak ba ako rito sa harap n’yo, ibibigay n’yo sakin ang hinihingi ko? Nangangawit na po ang kamay ko, o.”

 

Tumayo ito at tinungo ang isang chest of drawers. “Alam ko namang hindi ka totoong mahal ni Rj.”

Pagbalik nito ay kaagad na nilagay nito sa palad niya ang isang tseke.

 

Hindi niya napigilan ang pagtawa nang malakas. Hindi niya akalaing may nakahanda na talagang tseke para sa kanya. Ang akala niya ay checkbook ang kukunin nito at ipaghahanda pa siya nito. Tinignan niya kung magkano iyon. Binilang pa niya talaga ang zero upang makasiguro. Lalo siyang natawa nang masigurong isang milyon nga ang ibinigay nito sa kanya. Ganoon lang ba kadaling pakawalan ang isang milyon sa mga ito? Barya lang ba ang ganoong kalaking halaga?

 

Isang milyon pala ang katapat ng pag-ibig niya. Hindi na masama. Tutal pag-ibig naman iyon na binale-wala at pinaglaruan ng lalaking inibig niya.

 

“Stop laughing!” utos nito sa naiiritang tinig.

 

Tumigil na nga siya sa pagtawa. Pakiramdam niya ay maiiyak na siya kung magpapatuloy siya. Lalong naging miserable ang pakiramdam niya. “Maraming salamat po rito,” aniya habang tinatago ang tseke sa bulsa niya.

 

“Matanong ko lang kung hindi niyo mamamsamain. Kung talagang naniniwala kayong hindi ako mamahalin nang totoo ng anak niyo, bakit may nakahanda nang tseke para sakin?”

 

“Your eyes,” tugon nito habang sinasalubong ang kanyang mga mata. “I hate them. They are too wise. I kind of like them, too, at the same time. They give me the impression that you would do everything to succeed.”

 

“Natatakot po kayo sa isang katulad ko?,” pagsisimplify niya sa mga sinasabi nito. Kahit papaano ay nakaramdama siya ng satisfaction doon.

 

“You’re wrong,” tanggi nito. “Tapusin niyo ang laro niyo ng anak ko. Maaring nag-e-enjoy pa siya ngayon ngunit hindi na iyon maari. Habang maaga pa ay kailangan na ninyong tumigil sa paglalaro niyo. Marami siyang mas importanteng dapat gawin at pagtuunan ng atensiyon.”

 

“Madali naman po akong kausap. Makikipag-hiwalay ako sa anak niyo sa lalong madaling panahon. Tapos na ang laro. Hindi na masaya dahil alam ko na ang totoo at ayokong magkunwari pa.”

 

“Siguruhin mo lang. Sa lahat ng ayoko ay iyong niloloko ako.”

 

“Ako rin naman po. Itong tseke na nasa akin, wala ba akong magiging problema dito? Bago ako makipaghiwalay sa anak niyo ay sisiguruhin ko munang walang problema sa tseke na ibinigay niyo. Kailangan ko po ng pera ngayon, eh.”

 

“You don’t have to worry. I already instructed the bank. Kahit ngayon ay mae-encash mo na yan. Pagalis mo ay dumiretso ka na sa bangko. Ibibigay nila sayo ang pera. My family owns the bank, don’t worry.”

 

“Thank you for your generosity then.” Napatingin siya sa inumin na hindi nila nagalaw. Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kanya. Dinampot niya ang isang baso at inabot iyon dito.

 

Tila nagtatakang tumingin ito sa kanya.

 

“Panalo kayo ni Ge. Tutal, binigyan n’yo naman ako ng isang milyon, sige puwede niyo itong ibuhos sa akin. Pagbibigyan ko kayo para naman maging exciting ang lahat. Gusto ko rin naman maranasan ang ganito. Gusto kong malaman kung ano ang pakiramdam.”

 

Tila namanghang napatulala ito sa kanya. “What planet did you came from?” tila hindi makapaniwalang usal nito.

 

“Ayaw niyo po?”

 

Kinuha nito ang baso mula sa kanya at ibinuhos sa kanya ang malamig na inumin. Hindi siya suminghap kahit malamig talaga. Nagpapasalamt na rin siya sa lamig dahil tila nasarhan ang daanan ng kanyang mga luha. Tiniis niya ang miserableng pakiramdam.

 

It wouldn’t kill her. It would make her stronger.

 

Siguro nga ay gaga siya dahil siya pa ang kusang nag-abot dito ng ibubuhos sa kanya. Marahil ay nais niyang maramdaman ang kagagahan niya. Gusto niyang magising sa katotohanan na hindi totoo ang lahat ng ipinakita sa kanya ni Gerald. Gusto niyang mawala lahat ng pag-asa sa puso niya. Salamat na rin sa mahal na reynang ito nalaman niya ang katotohanan. Paano niya naisip na ipaglaban ang isang walang-kuwentang lalaki na katulad ng anak nito?

 

“Sige po aalis na ako” aniya bago umalis.

 

Nagtaxi siya pauwi ng kanyang dorm. Naabutan niya si Maja doon, gulat na gulat ito sa itsura niya. Kinuwento niya ang lahat ng nangyari, ibinuhos niya ang lahat ng sama ng loob niya, nakinig lamang ito sa kanya. Tinawagan niya din ang kaibigang si Kikay upang kamustahin ang kanyang Mama, maayos nanaman daw ang lagay nito. Aayusin niya lang ang lahat muna at uuwi na din siya sa kanila. Kailangan muna niyang makausap si Gerald.

***************************************************************************************************************************************

 

KIM woke up feeling sick to her stomach. Ilang umaga na niyang nararamdaman iyon pero mas matindi ngayon. Ngayong araw din niya makakausap si Gerald, hindi siya nito tinawagan kagabi. When Maja found her

in the bathroom kneeling by the toilet, she bathed Kim's face with a cool cloth.

 

“Kimmy, ayos ka lang? ilang araw ko ng napapansin yan ah.”

 

"Flu lang siguro ito," Kim managed to say between bouts of nausea.

 

Hindi ito kumibo. Hindi siya bobo para hindi malaman ang mga sensyales, dalawang buwan na din siyang delayed, at halos dalawang buwan na din noong may mangyari sa kanila ni Gerald. Nitong mga huling araw hindi lang masyado nag si-sink in sa kaniya ang mga nangyayari. Masyadong mabilis ang mga nangyayari, hindi na siya makahinga.

 

"Kim, nandito lang ako, wag ka mag-alala madami kaming kaibigan mo, hindi ka namin papabayaan.” Maja lowered herself to the floor and rested her back against the door. Hindi pwedeng ipagkaila ni Kim kay Maja ang nangyayari sa kanya. Nursing ito, alam niyang may hinala din itong buntis siya.

 

Nalaglag nalang basta ang luha niya. Ano bang kasalanan niya sa mundo, bakit nangyayari pa lahat ito sa kanya. Isang beses nga lang may nangyari sa kanila ni Gerald, nakabuo pa. Gusto man niyang maging masaya, hindi niya magawa sa sitwasyon niya ngayon. Awang awa siya sa sarili niya.

 

Niyakap siya ni Maja pati ito ay napaiyak na din.

 

“Tama na nga yan, makakasama lang sa inyo yan eh”

 

“Hindi pa naman tayo sigurado, baka false alarm lang.”

 

“Actually, may dinekwat akong pregnancy test kit sa classmate kong higher batch kahapon, nagkakahinala na kasi akong buntis ka.”

 

Ginamit niya ang pregnancy test kit na ibinigay nito. Hindi na siya nabigla na dalawang linya ang lumabas roon. Hindi na niya alam kung ano ang magiging pakiramdam niya, halo halo na, feeling niya sasabog siya sa mga nangyayari.

 

“Ang tanga ko noh? Sobra sobrang tanga”

 

“Hindi ka tanga, walanghiya lang talaga naging boyfriend mo”

 

“Hindi ko na alam ang gagawin ko, paano na si Mama, hindi ko to kaya mag-isa” hindi pa din tumitigil ang pagtulo ng luha niya.

 

“Nandito naman kami, madami kaming kaibigan mo noh. Paano, hindi mo ba sasabihin kay Gerald? Ano ba yan souvinier nalang?”

 

“Hindi ko pa alam, natatakot kasi ako, walang ako pakeelam kung ayaw nila sa baby ko, ok lang kung ganun, pero paano kung gusto nila at kunin nila to?”

 

“Abaaaaa subukan lang nila, pagnagkataon isasama ko buong kampon ko at ipapakatay ko yung lukreng na matandang yun!”

 

 Kahit papaano ay napapangiti siya sa mga sinasabi nito sa kanya. Basta kahit na anong maangyari sa kanya ang bata, kanya lang.

 

****************************************************************************************************************************************

 

“HOW ARE you?”

 

Muntik nang masampal ni Kim si Gerald sa lambing ng tinig nito. Sinundo siya nito sa dorm. Hindi nalang siya umimik at pumasok sa loob ng sasakyan nito. Iyon na ang huling pagkakataong magkakasama sila. Siya ang tatapos ng lahat sa pagitan nila. Hindi siya maaring magpatalo rito. Mabuti na lang at nalaman kaagad niya ang totoong motibo nito sa kanya. Nalaman niya ang totoong kulay ng mga katulad nito.

 

After today, she would move on. Para sa baby at sa sarili niya. She would try very hard to be whole again. She would soar high. Hindi na siya mapaglalaruan uli.

 

Pinigil niya ito nang paandarin na sana nito ang sasakyan. Ayaw niyang lumayo pa sila. Doon na lang sila mag-uusap para madali siyang makabalik pagkatapos.

 

“Mag-usap muna tayo,” aniya sa pormal na tinig.

 

“Okay,” tugon nito. Hinaplos nito ang pisngi niya.

 

Kaagad na umiwas siya. Pinigil niya ang pagsabog ng kanyang galit. Ang kapal ng mukha nitong hawakan siya. Ang kapal ng apog nitong tumingin nang masuyo sa kanya. Ang galing nitong umarte na mahal siya nito. Wala itong kasinggaling. Ito na marahil ang pinakamagaling sa lahat ng mga manloloko sa ibabaw ng lupa.

 

Paano nito naatim na magkunwari sa harap niya? Hindi man lang ba ito naawa sa kanya?

 

“You look a little different today, you look pale,” anito. May concern sa boses nito na lalong nagpakulo sa dugo niya. “Are you okay? Masama nanaman ba ang pakiramdam mo? Did my Mom—“

 

“Binigyan ako ng isang milyon para layuan ka.” Putol niya sa sinasabi nito. Nais na talaga niyang matapos ang lahat ng iyon. Ayaw na niyang makita pa ito. Ayaw na niyang magkaroon pa ng kaugnayan dito. Nais na niyang magsimula sa paggamot ng mga sugat niya.

 

“What?” bulalas nito. Magkasalubong na magkasalubong ang mga kilay nito. Gumuhit ang galit mga mata nito.

 

“At tinanggap ko nang walang pag-aalinlangan,”sambit niya na tila walang kabagay-bagay ang lahat.

 

Marahas na hinawakan siya nito sa braso. “You what?”

 

Inismiran niya ito. “Kaya hiwalay na tayo mula ngayon. Wala na tayong ugnayan sa isa’t isa. Huwag mo na akong puntahan. Kalimutan mo na may nakilala kang katulad ko. Ba-bye na.”

 

Nang akmang bababa na siya ng sasakyan nito, hinagip siya nito sa braso. Nagliliyab na sa galit ang mga mata nito. “Ganoon na lang ba yon? Binigyan ka ng pera, tinanggap mo kaagad, at aalis ka nalang basta sa buhay ko? Ganoon nalang talaga yon?”

 

“Paano ba ang gusto mo?” paghahamon niya. Ito pa talaga ang may ganang magalit. Wala itong karapatang maging ganoon sa kanya. Wala ito ni katiting na karapatan.

 

Huminga ito ng malalim, tila nirerendahan ang galit. “If you’re just angry because of what my Mom did. Please don’t do this to me. Kakausapin ko ang lolo ko. Everything will be okay, Kim. Just hang on. Kaunti na lang. Hindi na tayo guguluhin ni Mommy. I will protect you, I promise.”

 

Ang tindi rin nito. Ang galing nitong magsalita. Kung hindi niya marahil alam ang totoo ay baka maniwala na siya rito. Baka nagpabola na naman siya. Sa banding huli, siya at ang mama lang niya ang magdurusa. Wala itong gagawin. Hindi ito kikilos. Kung maglalaan man ito ng kaunting effort na protektahan siya, iyon ay dahil napipilitan lamang ito. Hassle nga raw iyon dito.

 

Hinding hindi na niya ipagkakatiwala ang puso niya rito. Lalong hindi niya ipagkakatiwala ang buhay ng magiging anak niya dito. Hinding hindi na siya maniniwala sa mga salita nito.

 

“Tinanggap ko ang pera, Ge!”

 

‘Di ibalik mo!” singhal nito.

 

“Gaga ba ako para gawin yon?! Ayoko nga!”

 

“I can give you more than a million!”

 

Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Talaga? Hindi nga? Puwede ba, Gerald? Tigilan na natin ito. Basta, maghiwalay na tayo. Usapan na namin ng Mommy mo yon. Ayokong sumira sa usapan.”

 

“Kim!” nanggigigil na bulalas nito. “You said you loved me.”

 

“Ah, ito ang gusto mo. Gusto mo ng drama, ng mahabang usapan? Sige pagbibigyan kita. Kaya ako pumayag na maging girlfriend mo ay dahil alam kong mayaman ka. Siyempre, naiisip kong mapapadali ang buhay ko kapag ikaw ang napangasawa ko. Mayaman ka, gwapo at parang mahal mo ako. Mahirap lang ako at kailangan kong maging praktikal. Kusa kang nagpagamit sa kin Ge. Ikaw ang kusang lumapit sa akin. Pero bigla kong naisip, tama na, ayoko na. Nakakapagod nang makipaglaro sayo. Mas gusto kong tanggapin na lang ang alok ng Mommy mo.”

 

“Wag kang mapagod makipaglaro. Use me. I’m very willing. You love money than you love me? Fine! I have a lot of money. Im getting a lot, lot more when the time comes. I’m an heir to vast fortune. You will live like a queen. I’ll give you lot of money just stay with me forever. I love you. Kahit katiting ba ay hindi mo ako minahal?”

 

Tumingin siya sa mga mata nito. Kung hindi niya narinig mismo sa bibig nito ang totoo, marahil ay nagpadala na siya sa nakikiusap na tinig at mga mata nito. Kung hahayaan niya ang kanyang puso na magpasya, maniniwala siya sa pag-ibig na nakikita niya sa mga mata nito. Ngunit kailangan niyang maging matatag para na rin sa katinuan niya. Hindi siya totoong mahal nito.

 

Marahil ay hindi lang nito matanggap na siya ang naunang makipaghiwalay rito. Ang nais siguro nito ay ito ang lalayo, ang mang-iiwan. Hindi rin siguro nito matanggap na ipinagpalit niya ito sa pera.

 

“Hindi ka ba nag-iisip? Gusto mong magpakatanga sa isang katulad ko? Seryoso ka sa akin? Hindi nga? Akala ko kasi, pinaglalaruan mo lang ang katulad ko kaya nakiki-ride on nalang ako. Sa palagay mo ba ay hahayaan ko ang sarili kong mahulog nang tuluyan sayo? Hindi ako isang tipikal na mahirap na babae na mai-inlove sa isang prinsipeng katulad mo. Hindi ko balak pahirapan ang buhay ko.”

 

“Mahirap ako pero hindi ako tanga. Mas mahal ko ang pera kaysa sayo. Nakuha ko na ang gusto ko kaya game over na, mahal na prinsipe. Bumalik ka na sa dating mundo mo at maghanap ng tipikal na prinsesa. Wag mong sabihing gusto mo pa rin akong makasam sa kabila ng lahat ng sinabi ko sayo? Sasabihin mo bang ayaw mo sa mga tipikal na prinsesa at ako ang gusto mo? Magmamakaawa ka para manatili ako sa tabi mo at makipaglaro? Patuloy tayong maglolokohan?”

 

Natigil siya sa pagsasalita nang bigla nitong hinawakan ang likod ng ulo niya at hinila siya palapit dito. Hindi masukat ang galit sa mga mata nito. Hindi siya nag-iwas ng tingin. Sinalubong pa niya ang tingin nito. Sana ay mabasa rin nito sa mga mata niya ang hindi masukat na galit niya para dito. Sa kanilang dalawa, siya ang mas nasasaktan. Pride lang ang nasaktan dito dahil ang akala nito ay naisahan niya ito; samantalang siya ay buong pagkatao.

 

She was certain, from that moment on, she would never again be the same, Kim Chiu.

 

Marahas na hinalikan siya nito sa mga labi. Hindi siya kumilos. Hinayaan lamang niya ito. Kung papalag siya, alam niyang lalo lang nito paparusahan ang mga labi niya. Gusto rin niyang magkaroon ito ng impresyon na wala siya pakialam dito. Mas masasaktan niya ang pride nito kung aakto siyang tila walang epekto sa kanya ang ginagawa nito.

 

Binitiwan din siya nito nang talagang hindi siya tumugon at marahas na itinulak siya palayo. Napahawak siya sa kanyang puson. His breathing was ragged. Hinampas nito ang manibela at nagpakawala ng malulutong na mura. Kita niyang namumula ang mga mata nito. Marahil ay naiiyak na ito sa sobrang galit.

 

“Puwede na ba akong umalis?” tanong niya sa mahinahong tinig.

 

Tumingin ito sa kanya. “Yes, and don’t ever come back”

 

“Good-bye and live well.” Sabi niya bago bumaba sa sasakyan nito.

 

“Go to hell!”

 

Hindi niya mapigilan ang luha niya habang naglalakad.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
miel0806 #1
ms. liaaaaaaaaaaaaann kelan mo ito iupdate? :D update na pretty pretty please :D
honyou
#2
update ka naman
enderez #3
hi nameless...hope maka update ka ulit thanks
galomkg #4
Yes thanks sa update... gawa ka ng maraming marami para happy ulit kami:-):-)
KG4life #5
end na ng fanfic na 'to??!! thank you so much :)
nameless #6
iluvkimerald..hindi pa, may isang chapter pa, di ko pa tapos eh :))
iluvkimerald #7
nameless ?? tpos n b 2 ?? more chapter p ..
nameless #8
hoooyzzt may ipapabasa ako sayo... kaso sa tue. na, ieedit ko pa yun eh ep-ep hahaha
bambzy #9
ahaha...dito tayo mag usap.....:lol
nameless #10
Gagawa akong bago! Ikaw ang bida BAMBZEY ha! wahahahahaha<br />
<br />
Galomkg! joke lang yun hahahha