Chapter 5

Meant To Be Together

 

“Kim, alis na ako, hindi ka pa ba uuwi?”

 

            Nag-angat ng ulo si Kim kay Carla ang kanyang classmate sa writing, mula kaninang umaga ay laman na siya ng library, ang terror kasi ng isa niyang professor, kailangan matapos na siya sa paghahanap ng topics para masimulan na niya ang kanyang research paper dahil kailangan niya din iyong ipasa sa susunod na meeting.

 

“Ah sige, Carla, mauna ka na, hindi pa ako tapos eh”

 

“Sigurado ka? kanina ka pa dito, parang hindi ka naman yata kumain, tsaka bukas ko nalang tatapusin iyang research paper, hindi ko na talaga kaya”

 

“Kumakain naman ako, sige na, okay lang talaga ako dito, wala kasi akong vacant bukas baka hindi ko magawa”

 

“Ikaw ang bahala, mag-ingat ka pauwi ha, madilim na” Nagpaalam na ito sa kanya. Habang siya naman ay naiwan nalang mag-isa sa library.

 

 Wala ng mga estudyante doon, alas-otso na kasi ng gabi, ramdam na din niya ang pagkalam ng kanyang sikmura. Simula kanina ay puro biscuit lang ang nakain niya, tinitipid niya kasi ang kanyang allowance upang maibili ng cellphone ang kanyang ina, mabilis naman siyang mabusog, sinasabayan nalamang niya ng inom ng tubig para hindi mabilis magutom. Pero kailangan na din niyang umuwi, nalimutan niya kasi ang kanyang cellphone, siguradong hinahanap na siya ni Maja, nahihilo na din siya sa gutom, ramdam niyang kailangan na niya ng kanin at ulam para matahimik na ang kanyang tiyan.

 

Habang tinatapos basahin ang isa nalamang libro, biglang sumagi sa isip niya si Gerald. Hindi niya pa ito nakakasalubong sa campus, wala kasi silang eng1 ngayon, at buong araw ay vacant siya dahil hindi sila sinipot ng kanilang professor sa isang subject. Napangiti siya nang ma-alala ang mga nangyari  kagabi, kilig na kilig pa din siya sa concern na ipinakita nito sa kanya, nang magdaang gabi nga ay ito pa ang kanyang napanaginipan. Iniisip niya tuloy kung magtutuloy ang kanilang pagkakaibigan, gusto niya kasi talaga ito makasama. O.A man siguro pero namimiss na niya ito kahit kahapon lamang sila nagkakilala. Sayang nga lang at hindi niya nalaman ang cellphone number nito, kagabi kasi ay gusto niya pa sana ito maka-chikahan, kundi ba naman siya isa’t kalahating kire! Gusto niya tuloy makita si Kikay para ma-ikwento ang mga nangyari sa kanya, siguardong inggit nanaman sa kanya ang bruha.

 

“Ah miss, sorry pero magsasara na ang library, pwede ka naman bumalik bukas, 7 ng umaga ay bukas na ito.” Natigil siya sa pagmumuni-muni nang kalabitin na siya ng isa sa mga tao doon.

 

“Ay sorry po kuya, sige po ibabalik ko lang itong mga libro sa shelf”

 

“Iwan mo nalang diyan, kami na ang mag-aayos, ingat kayo miss”

 

“Salamat po kuya” inayos na niya ang kanyang gamit at umalis na.

 

Kahit madilim na ay madami pa ding tambay na estudyante sa loob ng campus, sa kanila kasi pagsapit ng alas-syete ay tahimik na, pero iba talaga sa Maynila. Naglakad lamang siya pa-uwi malapit lang naman, pero sa street kung saan ang kanyang dorm ay wala ng tao, tahimik na ang lugar. Kaya naman laking tili niya ng makita ang mamang nakatayo sa may dilim malapit sa tapat ng kanilang gate.

 

“Ayyy palaka!” gulat na salubong niya sa lalaki.

 

“Kim! San ka ba galing?” Ang mama palang kinagulatan niya ay ang lalaking kanina niya pa pinagpapatansyahan, at mukang galit, kunot ang noo, pero gwapo pa din. Ka tili-tili naman pala talaga.

 

“Gerald naman! Papatayin mo ako sa gulat! Ano bang ginagawa mo diyan? Bakit hindi ka pumasok sa loob? Daig mo pa holdapper kung makatambay diyan sa kanto!”

 

“Sorry, sabi kasi sa loob wala ka pa, san ka ba galing ha? Gabi na ah! Tawag ako ng tawag sayo hindi ka manlang sumasagot!” kunot na kunot pa din ang noong pagkakasabi nito sa kanya.

 

“Naiwan ko kasi ang cellphone ko, bakit mo ba ako hinahanap? May kailangan ka ba?”

 

“Wala naman, gusto ko lang makipakwentuhan, masama ba? At tsaka wag mo ngang ibahin ang usapan, san ka ba galing? gabi na! hanggang seven lang ang klase sa buong university!”

 

Knowing Gerald was waiting for her made her happy.

 

“Eh mahal na hari, pasensya naman po, tinapos ko po kasi ang research paper ko at deadline na po iyon sa Thursday, may ipapapliwanag pa po ba ako mahal na hari?”

 

“Next time, don’t forget to bring your phone, pag gagabihin ka ng uwi sabihin mo sakin, hindi ka dapat nagpapagabi sa daan, mamaya ay may dumampot sayo dito, kumain ka na ba?”

 

“awwww how sweet, naku Kikay sorry wala akong balak i-share siya sayo” Lihim siyang napangiti sa mga narinig dito. Talaga naman concern na concern ito sa kanya. Kung yayain man siya nitong kumain ay hindi na siya tatanggi, abay kanina pa nagaalburoto ang kanyang tiyan sa gutom, kung ililibre siya nito, matitipid niya nanaman ang kanyang allowance.

 

“Hindi pa, tinapos ko nga po kasi etong research paper ko diba”

 

“You mean to say you didn’t eat anything all day today?”

 

“Kumain naman ako grabe ka, may baon akong tinapay”

 

“Tinapay? Ano namang sustansya ang makukuha mo sa tinapay lang? kaya ka payat eh, let’s go, you have to eat” Kinuha nito ang kanyang kamay at inilakad papunta sa sasakyan nito, aba ang loko sinabihan pa siyang payat, pinaglagpas niya ito, total mukhang makakalibre naman siya sa hapunan.

 

Dinala siya nito sa isang restaurant, itsura palang alam na niyang mahal doon, kahit nga sa Chowking o Mcdonals lang siya dalhin nito ay masaya na siya. Buti nalang maganda ang suot niya ngayong araw, short dress iyon na binili nila ni Kikay  sa ukay-ukay, ang sabi ni Kikay ay pag siya daw ang nagsusuot nagiging mukang pang mayaman ang damit, aba puro branded naman talaga ang damit sa ukay ah, kaya hindi na rin siya nailang sa restaurant dahil mukhang bagay naman siya doon.

 

Ang taraaayy, feel na feel mo talaga.

 

Buffet type ang restaurant, sabi sa kanya nito ay eat all you can daw kaya wag daw siyang mahihiyang magpabalik balik, gusto nitong kumain siya ng husto. Namiss niya tuloy ang kanyang mama, pangarap kasi nilang makakain sa ganitong restaurant dati.

 

Nang makakuha na sila ng pagkain at makaupo, panay ang asikaso nito sa kanya. Animo isa siyang batang kelangan alalayan sa pagkain, kulang nalang subuan siya nito.

 

“Kanino mo nga pala nakuha ang number ko?” tanong niya dito.

 

“ I told you I have sources”

 

“Oh nagsusungit ka nanaman, sayang ang gwapo gwapo mo tapos lagi nalang salubong yang kilay mo”

 

Napangiti ito,”Wapak, isang ngiti palang laglag na ang lahat ng malalaglag”

 

“Talaga gwapo ako?”

 

“Sus pakeme ka pa diyan, alam ko naman niluluhuran ka ng mga babae dito”

 

“Eh ba’t ikaw hindi?”

 

“Excuse me noh hindi ako ganung kababaw, tsaka nandito ako para mag-aral hindi lumandi”

 

“Hindi naman ibig sabihin na pag nag boyfriend ka malandi ka na”

 

“Hindi sa ganun, gusto ko munang matapos ng pag-aaral, kawawa naman ang Mama ko kung hindi ako makatapos, hindi pwedeng forever nalang kaming poor”

 

“Ano namang koneksyon ng pag boboyfriend sa hindi pagtatapos ng pag-aaral? Pwede ka namang makatapos kahit magka boyfriend ka”

 

“Eh basta!  Basta kailangan ko mag focus sa pag-aaral para makatapos ako agad, tsaka kelangan kong i-maintain ang grades ko na mataas para hindi ako mawalan ng scholarship”

 

“Alam mo sometimes, nakakatulong din na may inspirasyon ka para mas lalo kang mag-excell”

 

“Meron naman akong inspirasyon eh, si Mama!”

 

“bukod sa pamilya, ibig kong sabihin, hindi naman masama ang magka boyfriend malay mo makatulong pa siya para mas gumaling ka!”

 

“Nakzzz expert ah, basta pagiisipan ko, tsaka wala pa namang serysong nanlilligaw sakin, merong mga feeling ko nagpaparamdam, pero wala pa talaga sa isip ko eh”

 

“Nagpaparamdam? Sino?” kumunot nanaman ang noo nito.

 

“Ah wala, si Simon kagabi nagtxt, nagulat nga ako kung pano niya nalaman ang number ko”

 

“Ano namang sinabi niya sayo?”

 

“Kinamusta lang ako, kung okay na daw ako, tapos ayun nag thank you nalang ako sa kanya, kasi siguardong dedo ako kung hindi siya dumating”

 

 

Na-init ang ulo ni Gerald ng marinig ang mga huling sinabi ni Kim. Naiinis siya dahil nalaman ng Simon na yun ang number nito, naiinis din siya sa sarili dahil wala siyang nagawa nung oras na hinika ang dalaga. Napaka mapapel talaga ni Simon, kahit naman sa game nila lagi itong pasikat. Kanina hindi siya mapakali ng hindi niya mahagilap si Kim, hindi niya malaman kung nasaan ito dahil hindi naman nito sinasagot ang mga tawag niya, muntikan na nga niyang kutusan sina Fred at Jimmy dahil akala niya ay sinadya nang dalawa na mali ang ibigay sa kanyang numero ng dalaga. Pero nang tanungin niya si Maja, ay tama naman daw ang numero, naiwan lang pala nito ang cellphone, kaya naman ganun nalang ang kanyang pag-alala ng gumabi na ay wala pa ito dorm. Hindi niya alam kung bakit ganun nalang ang pananabik niyang makita ito, kagabi ay hindi siya nakatulog ng maayos sa kaiisip dito, ngayon tuloy ay parang naniniwala na siya sa ‘love at first sight’, sana nga lang ay ganun din ang nararamdaman nito sa kanya.

 

Nang malaman niyang mukang may balak itong pormahan ni Simon, na-alarma siya. Pakiramdam niya ay hindi niya kaya itong makita na may kasamang ibang lalaki. Kelan pa siya naging obsessed sa babae?

 

“Wag ka masyadong reply nang reply sa mga txt nang hindi mo kakilala, mamaya kung anong mangayari sayo”

 

“Sus, parehong kahapon ko lang naman kayo nakilala ni Simon, tsaka hindi na din siya iba, tinulungan niya nga ako eh tsaka diba kaibigan mo siya?”

 

‘Kasama ko lang siya sa varsity, kahit kelan hindi ko siya naging close, at lalong wala na  akong balak ngayon, basta wag kang basta sagot ng sagot, maliwanag ba?”

 

“Ang bossy mo naman” Lumabi ito.

 

“I’m sorry, I’m just protecting you, Maynila ito Kim, ibang iba ang mga tao dito kumpara sa inyo”

 

“Oo na, salamat po sa concern”

 

“Tapos ka na ba? Gusto mo nang dessert?”

 

“Gusto ko ng ice cream” Ngumiti ito sa kanya, she is so cute.

 

“Ice cream lang pala, gusto mo ibili pa kita ng isang gallon”

 

“Wag, walang reff sa room namin, matutunaw lang, pwedeng paunti-unti kada araw hanggang maging isang gallon?”

 

Napatawa siya ng malakas.

 

“Oo ba, kahit lagpas na ng isang gallon, ibibili pa din kita”

 

Lumiwanag ang mukha nito, animo batang naibigay ang pinakamimithing laruan.

 

“Talaga? Sinabi mo yan ah, hindi ko kakalimutan, salamat” Nabigla siya ng halikan siya nito sa pisngi.

 

“Kung ganyan ba naman ang award ko sayo, miya’t miya kitang bibigyan ng ice cream”

 

Kinurot nito ang ilong niya

 

“Salbahe! Wag naman baka mag ka diabetes ako” She grinned, showing her dimples. Sobrang pagpipigil na ang ginagawa niya para hindi ito halikan sa labi. Natatakot kasi siyang mabigla ito, hindi niya makalimutan ang reaksyon nito ng halikan niya ito kahapon.

 

 

 

NAGING madalas ang pakikipagkita ni Gerald kay Kim. Araw araw niya itong hinahatid sundo, madalas niya itong antayin kapag nagpapagabi ito sa library. Madalas niya din itong dalhan ng pagkain, nalaman kasi niya kay Maja na madalas itong magtipid sa pagkain upang mabilis na makaipon ng pambili ng cellphone sa Mama nito. Mas lalo silang naging malapit sa isa’t isa, nanibago nga ang kanyang mga kaibigan sa kanya, madalas kasi siyang hindi nakakasama sa gimik ng kanilang barkada, ayaw niya kasi magkaron ng pangit na masasabi sa kanya si Kim. Halos isang buwan na silang ganun ang ayos, marami na ngang taong napagkakamalang girlfriend niya ito, kahit hindi pa sila official na mag karelasyon, ramdam naman niyang may pagtingin din sa kanya ito. Nuknukan lang talaga siya ng torpe, hindi niya akaling ngayon pa uurong ang kanyang puwet kung kelang nahanap na niya ang babaeng para sa kanya. He love kim so much, He fell inlove with her the first time he laid eyes on her. He don’t know why but it just hit him.

 

 

Batid ni Kim na madami ang inis sa kanyang mga babae sa campus, alam niya dahil din yon sa kakaibang atensyong ibinibigay sa kanya ni Gerald. Madalas niyang marinig ang sariling pinag-uusapan ng mga babae sa banyo, madalas din siya tignan ng masama ng mga ito. Kahit na ganun ay hindi niya nagawang lumayo kay Gerald. Bakit hindi naman ang mga babae ang nagbibigay importansya sa kanya ah, paki niya ba sa mga ito. Alam niyang sa araw araw na makakasama niya si Gerald ay lalong nahuhulog ang loob niya para dito, minsan nga ay nangangarap siya na isang araw ay magtapat ito ng pagmamahal sa kanya, halos isang buwan na ay kung umakto silang parang tunay na mag boyfriend/girlfriend, minus the kissing part nga lang, hinahalikan siya nito madalas sa pisngi ngunit hindi na naulit ang dating unang halik nito sa kanya. Ipinangako man niya sa kanyang ina na hindi muna siya mag bo-boyfriend ay mukang hindi na niya matutupad. Dahil kung sakaling pareho sila ng nararamdam ng binata, mukhang hindi niya ito kayang tanggihan.

 

 

**********************************************************

 

“Kim ok ka lang?”

 

Nilingon ni Kim sa Maja sa pagkakasandal niya sa pinto ng banyo. Kaninang umaga pa masama ang kanyang pakiramdam, hindi niya nga lang ito ipinahahalata kanina kay Gerald.

 

“Masakit kasi ulo ko, itutulog ko nalang siguro” ngumiti siya ng bahagya.

 

“Sigurado ka? Ang putla mo kasi, kumain ka ba kanina?”

 

“Oo, pagod lang siguro to, ilang araw ko na kasing pinag pupuyatan yung project namin”

 

“Sige magapahinga ka nalang, gusto mo tawagan ko si Ge?”

 

“Ha? Naku wag, baka maistorbo ko lang yun, wag mo yun tatawagan”

 

“eh nag-aalala ako sayo, mejo napapansin ko kasi madalas kang ganyan, nagpa check-up ka na ba?”

 

“Ano ka ba, wala lang to”

 

“ako nga wag mong niloloko, nursing student ako mahfriend ha, umamin ka nga sakin, ano ba talaga nararamdaman mo?”

 

“nahihilo lang talaga ako, hindi ka na nasanay sa akin”

 

“lagi ko kasing napapansin na parang kapos ang hininga mo kahit mukang hindi ka naman hinihika tapos lagi kang matamlay lagi ka ding nahihilo, bukas nga sasamahan kitang pa check-up”

 

“Hindi na, wala lang to promise”

 

“hay naku ewan ko sayo, sige na magpahinga ka na”

 

“Sige, kukuha muna ako ng tubig sa baba, ewan ko ba parang pagod na pagod ako”

 

“Kaya mo ba?”

 

“Oo naman, sige na ituloy mo na yang ginagawa mo”

 

Hindi niya maamin kay Maja kung anong mga nararamdaman niya, ayaw niya kasing mag-alala ito lalo na si Gerald. Nitong mga nakaraang araw madalas siyang makaramdam ng panghihina, lagi siyang nahihilo, nahihirapan din siyang huminga, minsan nga natatakot na siya dahil nakararamdam din siya ng chest pain. Hindi niya din ito masabi sa kanyang Mama dahil siguradong mag-aalala lamang ito sa kanya, nerbyosa pa naman ang kanyang ina.

 

Habang kumukuha siya ng tubig nakaramdam siya ng matinding panghihina at pagkahilo, hanggang sa unti-unting dumilim ang kanyang paligid

 

“Kiiiiimmmmmmmmmmmm!!!”

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
miel0806 #1
ms. liaaaaaaaaaaaaann kelan mo ito iupdate? :D update na pretty pretty please :D
honyou
#2
update ka naman
enderez #3
hi nameless...hope maka update ka ulit thanks
galomkg #4
Yes thanks sa update... gawa ka ng maraming marami para happy ulit kami:-):-)
KG4life #5
end na ng fanfic na 'to??!! thank you so much :)
nameless #6
iluvkimerald..hindi pa, may isang chapter pa, di ko pa tapos eh :))
iluvkimerald #7
nameless ?? tpos n b 2 ?? more chapter p ..
nameless #8
hoooyzzt may ipapabasa ako sayo... kaso sa tue. na, ieedit ko pa yun eh ep-ep hahaha
bambzy #9
ahaha...dito tayo mag usap.....:lol
nameless #10
Gagawa akong bago! Ikaw ang bida BAMBZEY ha! wahahahahaha<br />
<br />
Galomkg! joke lang yun hahahha