MBC_2 (Bromance of the Year)

Met by Chance~

****************************

MBC lol! Channel lang XD Ge bye.

****************************

 

''Saan ka na naman ba galing! Gabi na! Perwisyo ka talaga oh!'' para isang boomerang na sumalpok sa mukha pagpasok ko sa bahay.Sanay na ako.Sermon dito, sermon doon.Bagsak ko na lang na sinara yung pinto.Pero dahil doon napingot ako.''Ikaw bata ka! Pati pinto dinamay mo! Pag nasira ang pinto natin! Anong gagawin mo?!'' Tinitigan ko lang si mama habang dinidiinan pa niya kuko niya sa tenga ko.''Magdidiwang! Kasi pag wala na tayong pinto.Hindi na magiging perwisyo ang pagbili ng door knob na laging sinisira ng asawa mo!'' hudyat ko dito at nagpumiglas.Dudugo na ata tenga ko.

''Ikaw talagang bata ka! Wala kang galang!'' sigaw nito at hinila ako sa kusina.

''Mas walang galang yung asawa mo na lahat sinisira ng walang kapalit! Pati puso mo sinira na niya pero sobrang martyr niyo parin inay.'' sabi ko sa kanya habang ginagawa niya iyon. ''Wag mo akong simulan vincent!'' banta nito pero hindi ako natinag.Wala akong pakealam kahit tawagin niya pa ako ng ganon.Ang papa ko kasi ang nagpalayaw sakin non.Pero ayoko..dahil sa kanya iyon nanggaling.Dahil sa kanya nasira ang pamilya namin.Dahil sa kanya hanggang ngayon hindi nagpapatinag ang inay at mahal niya parin si itay..ang nakakagulat pa dito nakatira ang itay..pansamantala lang naman pero wari ko.Ang gusto ni mama. dito na lang lagi si papa..pero hindi yung posible.

Umakyat agad ako sa kwarto sa taas.Wala naman kasi akong sarili kong kwarto eh.Sama-sama kami dito.Hindi naman kasi kami mayaman.Talagang mayabang lang talaga ako.Maangas to the highest level talaga.Binaba ko yung bag sa tabi ng bintana ng kwarto at dahan-dahang bumaba para maligo.Ayokong mahalata ako ni mama.Baka pingutin na naman ako nun kasi tinakbuhan ko siya.

Nang nakarating ako sa banyo.Tinanggal ko na yung uniporme ko at buti na lamang at may tubig sa loob.Sino naman kaya nag-igib nito? Ayoko ng maghangad na ang papa ang gumawa nito.Nagtataka lang talaga ako wala sila ni sungjin dito.Asan na kaya yun.Bahala na, basta sana walang mangyayaring masama kay sungjin.

Nagbuhos ako ng isang tabo ng tubig at napaisip.Nasa balita na kaya yung nangyari kanina? Tang ina naman kasi yung nangyari.Mga nerds na may hawak na shotgun? Never in my wildest imagination.Malala na ata yung mga nerds na yun eh.Baka may stock sila ng rugby sa mga lungga nila.At todo singhot sila.Nakakagulat lang talaga.Kinuha ko yung sabon at kinuskos yung dugo sa palad ko.Oo may dugo talaga.Ito ang unang beses na nakakita ako ng pangyayari na may binaril sa harapan ko.Oo...patay yung tatlo.

FLASHBACK.

Hindi ko mabalanse ang hininga ko nang sunod sunod na putok ang narinig ko.Nanginig ang labi ko ng nakita kong halos mabutas yung ulo ng mga kidnappers.Ganon ba talaga impact non? Humilata ang tatlo at halos mahulog ako sa upuan ko nang nag-unahan bumaba ang pasahero.Napahawak ang dalawang kamay ko sa ulo at napaluhod sa mga bangkay.Dahan dahan kong hinawakan yung ulo ng lider at may naramdaman akong kislap galing sa likod ko.May nagpicture? Napatingin ako sa palad ko at totoo nga hindi ito panaginip.May nasaksihan akong trahedya sa harapan ko.

Napasigaw ako at bilis bilis na bumaba sa jeepney at hinarap yung tatlo na tawa ng tawa.

''Hoy! Kayong tatlong ugok! Bakit niyo binaril?!'' sigaw ko sa kanila pero nabigla ako ng nag-iba yung ukit ng mga mukha nila.Dahan-dahang lumapit sakin yung may mahabang medyas at maluwag na short.Pero napatingin lamang ako sa lider.Bago pa makalapit yung may mahabang medyas na iyon ay kinwelyohan ko agad yung lider nila pero napabitiw agad ako ng binigyan niya ako ng mapang-asar na ngiti. ''Wala ka ba manlang na utang na loob?'' napaatras ako sa sinabi niya.''Pero mali yung ginawa niyo.Dapat hinuli niyo na lang.Ay oo nga pala mahina nga pala kayong mga nerds.Puro lang kayo armas.'' pahiwatig ko pero nakatitig lamang sakin yung lider nila at halos mamatay ako sa lapit ng mukha niya sa mukha ko. ''Wag kang choosy.Kung ikaw na bad boy, hindi mo kinayang iligtas ang nasa loob eh.Ano yan? For appearance lang? Mahiya ka naman duwag na bad boy.'' oo alam ko sa sarili ko na hindi ko kinayang lumaban.Pero may armas yung mga yun.''Hindi ito sa pagiging choosy.Ang gusto ko lang sabihin.Paano kung napilitan lang silang magnakaw? Paano kung may pamilya yung mga pinatay niyo?'' wari ko pero hindi sila nakumbinse.

''Horsy ikaw na nga magsabi diyan.Masyadong madaldal yung bunganga niyan.'' rinig kong sabi nung lider at umupo sa sahig.Marami na rin taong nakapabilog samin pero wala akong pake.Lumapit sakin yung may maikling short.Puta kadiri bakat na yung ano.

''Hindi ka ba nanunuod ng telebisyon hah? Matagal nang pinaghahanap yang mga ulupong na yan.Madami ng nagawang kasalanan yan.Katulad ng pagda-drugs.Pangri.At iba pa.'' 

O.O Eh? 

Eto ang problema ng walang tv eh.

Napatungaga ako at ngumiti ng pilit at dahan dahan na lumakad palayo ngunit nagulat ako ng biglang may humila sakin at yung lider nila iyon.Kelan pa tumayo iyon.

Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa kaliwang tenga ko. ''Hindi pa ito ang huli nating pagkikita.Itaga mo yan sa benteng bato.'' 

WHUT?! 

Tinulak ko siya pero nginisian niya lamang ako.

Tss.

--END OF FLASHBACK-- 

Tangina lang diba?! Kaumay ang nangyari.Yung lider yung pinaka-kinaiinisan ko.Kala mo kung sinong gwapo.I mean i'm not into guys naman.Wala lang talaga akong panahon sa pag-ibig na yan kaya mas gustong magsaya sa buhay ng hindi yan name-mention.Po-problemahin ko pa ba yang pag-ibig na yan bago sa pag-angat ng buhay namin.

Basta, ang gusto ko lang umalis na yung papa ko dito para bumalik na ulit yung normal na buhay ko.Habang nakikita ko siya, bumabalik lahat ng sakit na binigay niya samin.

Binuhat ko yung berdeng timba at binuhos sa buong katawan ko.Best for last.Mag-iigib na lang ulit ako ng panibago para mapalitan yung ginasta ko.

Nagpunas ako ng tuwalya at nagpaka-ninja papunta sa taas.Nakita ko na pumasok si papa at hinalikan si mama sa pisngi.Nasa likod niya si sungjin na malawak ang ngiti.

Ge ako na bitter.

Ni-lock ko yung pintuan ng kwarto at napaisip.

Magiging mabuti ba ang pag-iwas ko sa kanya o kailangan ko siyang ituring na papa kahit pansamantala.

-- 

Pumasok ako sa classroom at umupo sa upuan ko sa likod.Marami na ring estudyante dito.Pero bakit makatingin sila parang awang-awa sila sakin.May nangyari ba na hindi ko nalalaman? 

Sinubukan ko silang bugawin pero wa-epek.Anyare? 

Hindi ko na lang namalayan.Lumapit sakin si sunkyu at hinimas ang likod ko. ''Alam kong hindi madali.Pero sana maging okay ang kalusugan mo.'' Puta nadapuan ba ako ng cancer kahapon.Iba ihip ng hangin eh.

''Anong pinagsasabi mo? At bakit niyo ko tinitingnan ng ganyan?'' baling ko sa kanya sa iba.Anong palabas ito? 

''Dapat lang maging matibay ka.'' galing pa kay kangin na pinakamalaki katawan dito sa room.Aba lumambot puso niya? 

Naguguluhan na ako.

Binukas ko ang bibig ko para magsalita pero sinara ko ulit ito ng may makita akong papasok na unggoy.Si hyukkie na kaibigan ko galing sa kabilang seksyon! Pero lagi siyang dayo dito na akala mo dito yung classroom niya. 

''Alam mo pare para kang nakunan kahapon.Yung punong puno ng dugo yung palad mo at nagsisigaw ka pa dun sa bidyo.'' Nakuhanan ang pangyayari kahapon? Shet! 

''Saan mo naman nakalap yang bidyong pinagsasabi mo ha?'' Tanong ko rito.Sa social sites ba?

''Sa telebisyon alangan.Sikat ka na pre!'' telebisyon?! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

Pero sikat na daw ako?

Maaahon ko na ang pamilya ko! 

''Mayaman na ako.'' Sigaw ko nagsitinginan lang sakin ang mga kaklase ko ng may awa.Bahala na.

Nakangiti lang si hyukkie at isa wookie naman nakikipag-usap lang dun sa binato ko ng libro.

Nainlove lang ang peg?

Pero wala kailangan ko magblow-out ng fishball.

Magiging tao ako for today!

--

Hyukjae Pov.

Napangiti na lamang ako sa kaibigang kong si sungmin.Kung napanood lang niya yung buong bidyo baka magulat siya.Kasi pati yung mga kasama niyang nerds ginawan ng kwento.

Flashback.

Nanonood ako ng bidyo sa laptop ko nang tawagin ako ni mommy sa baba.Dali dali naman akong bumaba kasi ang sabi niya nasa telebisyon daw yung isa sa mga kaibigan ko.Nagulat lang ako nang nakita kong si sungmin iyon.

Para kasi siyang buntis na nakunan doon sa bidyo.

Nilaksan ko ang volume at napatawa sa headline habang ang mommy ay tumawatawa narin.

Grabe naman kasi yung headline!

Ganito kasi yung nangyari.

''Isang trahedya po ang naganap bandang lampas alastres ng hapon.Isang dyip po ang nasalisihin ng mga magnanakaw.I mean na hostage po ang mga tao na nasa loob.At ang mga magnanakaw ay patay sa nasabing lugar.Ito po ang biktima na ating i-interbyuhin.'' Pagkatapos magsalita ng reporter may sumulpot na babae.May takot parin sa mata.''Ganito po kasi ang nangyari.Tahimik po kaming nakasakay sa jeep kaninang hapon pero sa isang iglap tinutukan kami ng kutsilyo ng mga lalaki at kinuha po ako galing sa upuan ko.Hindi naman po ako makalaban dahil may armas.Wari ko po gustong gustong tumulong sakin yung katabi kong binata ngunit binantaan siya nung magnanakaw na papatayin niya daw ako.'' sabi nito at hingal-hingal.

Maya-maya pa ay nagsalita ulit ito.''Binigyan po ng lider ng cellphone yung binata.Ang iniisip ko nga po dapat pulis ang tinawagan niya kaso napagtanto ko na kasama parin pala namin yung mga may masasamang loob--'' naputol ang pagsasalita nito ng may sumulpot na babae? Lalaki ba ito? Hindi ko mamukaan eh.

''Nandito po ako sa labas nang nangyari iyon.Napicturan ko po at may bidyo ako dito.'' sabi nung lalaki na babae at zinoom sa camera yung picture na nakunan niya.Nag-iba yung pinta ng mukha ng reporter kasi sino ka ba naman para sumulpot na lang wala ka naman sa script.

''At sino ka naman?'' nagtatakang tanong ng reporter at nginitian siya nung lalaki na babae.Di ko mawari eh.

''Heechul, isa sa mga witness at may bidyo pa ako ayaw niyo ba?'' parang nabuhayan yung mukha nung reporter at inakbayan niya agad yung lalaking nagngangalang heechul.Pero diba sa mga balita natural na may nahahagilap na bidyo pag may mga balita.Pero siguro hindi nagpasurrender tong si heechul at sarili niya ang iniharap sa kamera.

Ilang minuto ang lumipas ay may bidyo na lumabas.

Ilang sunod sunod na baril ang narinig sa bidyo at tatlong lalaki ang humilata sa sahig ng dyip.Naglabasan ang mga pasahero at wari ko si sungmin ang natira.Hinawakan niya muna yung ulo nung isang lalaki at sumigaw.Puta sarap pang black-mail ito.Bigla siyang bumaba at sinigawan yung mga lalaki.

Sumigaw siya at dahan dahan siyang nilapitan nung nerd na maluwag ang short ngunit dumiretso siya dun sa lider.Angas talaga niya kahit kailan.Kinwelyohan niya yung lalaki at sinigawan niya ito ngunit parang boring na boring yung mukha nang lider at sa huli napaupo siya.Hindi na kasi masyadong marinig yung mga sinasabi nila dahil sa mga dyip na nagbubusina.

Lumapit na lang kay ming yung isa pang nerd.Grabe yung suot! Bakat na yung pagkalalaki ni kuya! 

At pagkatapos siya pagsalitaan nang lalaking iyon.Natameme siya.Haha.Grabe lang namumuti na labi ni ming XD 

Dahan dahan siyang umatras ngunit hinigit siya nung lider.Bilis tumayo parang hahabulin yung precious na tao para sa kanya.Nag-iba yung ikot ng camera at parang lumakad palapit si heechul dun sa dalawa.

Hindi ko alam kung maiihi ako o masusuka kasi naman.

Bumulong kasi siya kay sungmin.''Hindi pa ito ang huli nating pagkikita.Itaga mo yan sa benteng bato."

Panakot ba yun o pagkasabik? 

Lalong namutla si sungmin.

At doon naputol yung video.

Halos mahulog ako sa sofa nang bibig nung heechul ang bumulaga sa kamera.''Ito na ba ang pinaka-aabangan nating kwentong pag-ibig ng taon.Ako po si heechul at dito na po nagtatapos ang aking trabaho sa ngayon.Subaybayan niyo po ang nagbubungang bromance of the year.Ako po ulit si heechul.Kaagapay niyo sa kwentong pag-ibig!'' At ngumiti ito at biglang naglaho.Grabe lang yung taong yun.

Nginitian ko na lang si mama.

''Aba yang kaibigan mo magkaka-love life na rin.'' Ngiti niya at tumango ako.

''Siguro nga ma.Wala namang makakapagsabi ng hinaharap eh.'' 

END OF HYUKJAE POV.

Itutuloy.

--

BAHA NA SHETE! GRABE LANG SMENT! NAKAPA UNFAIR.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Sichulbaby143 #1
Chapter 23: PAGHALIKIN MO NA KASI NYETANG YAN
kyuminsauce
#2
Chapter 22: woo binasa ko lahat in one sitting. nakakanosebleed pala pag diretso puro tagalog hahaha nakakaexcite pag nagaaway ang kyumin the is there haha
pinksoomi
#3
Chapter 21: shet. sobrang biten !!!!! hahhahah. kinikilig ako na ewan. . . susmeng kyuhyun, lakas mang ines. .

nagtataka lng ako kay jongwoon, bkt sya galit na galit kay sungmin ??? di ko mab gets. parang ang babaw kasi kapag yung pagpukol lng ng libro ang dahilan . . . >.>

salamat author nim sa update !!!
Sichulbaby143 #4
Chapter 21: salamat sa pangbibitin ha. akala ko naman magkekeme na sa banyo leche umasa na naman ako
kimwookie
#5
Chapter 20: hahahahaha....aaaaahhh wer is RyeowookBebe???..
Sichulbaby143 #6
Chapter 20: Anobeyen wala pa ding romance meged haha
kimwookie
#7
Chapter 19: waaaahhhh hahahaha i expected this....welcome to hell bebe sungmin..anjan ang lablayp mo kya wag ng pabebe..hahahaha
pinksoomi
#8
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
pinksoomi
#9
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
Sichulbaby143 #10
Chapter 19: Pasabunot nga kay heechul ng isa lang. arti much sya na inaaya mag ocean park. Goodluck sa persday mo ming. Landiin mo na kase si kyu hahahaha maygaaad.