MBC_6 - MULING PAGKIKITA.

Met by Chance~

Di ko alam kung maiinis ako o ano.Grabe naman kasi sino ba yung nag-chat na 'yon.Natural naman sa isang nilalang na magtaka diba.Ang strange din, kasi nanggaling siya sa isang site na ganon.Ang nakakainis pa naubos ang oras ko sa walang kwenta na cho kyuhyun na 'yon.

Kasalukuyang nasa bahay ako ngayon.Gumugulong sa kama namin.Nag-uusap sila sa baba eh.Ayoko makisali doon sa tatlo.Alam niyo na naman isyu ng buhay ko diba.Simple lang ang hangad ko, ayokong naiiwan sa ere o kaya naman mag-isa.

Tumigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kisame ngunit may katok akong narinig.Hinayaan ko na lamang iyon.Tinatamad akong tumayo.

''May hindi ka ba sinasabi sa'kin?'' boses ni mama iyon.Pumasok siya sa loob at umupo sa kama namin.

''Ano naman iyon?'' nagtataka kong tanong.Lahat naman sinasabi ko sa kanya ah.

''Akala ko ba walang sikreto sa pamilya?'' ano na naman ba 'yon?

''Lahat naman sinasabi ko sa'yo ah.'' wari ko at nagtakip ng unan sa mukha.Ngunit tinanggal niya ito.

''..bago ang aksidente sa dyip noong nakaraan.'' simpleng sabi ni mama.Napaisip ako.

''Hindi mo nga lang ako kinamusta eh.'' 

''Wala akong alam.Wala tayong telebisyon.Ang papa mo lamang ang nagsabi sa'kin ngayon.Pati hindi ko naman kinakausap ang mga kapit-bahay natin.Buti na lamang at nabanggit ng papa mo.'' 

Umupo ako sa kama. ''So alam niyo na ngayon.Ma, tuloy niyo na lang pag-uusap niyo.Matutulog na ako.'' 

''Hindi iyon ang pinapahiwatig ko.Sinabi sa'kin nang adviser mo na nireklamo ka daw ng guro niyo sa filipino.'' 

Ay oo nga pala!

''Kelan ko ba kailangan pumunta.Ang gusto ko lang sabihin sa'yo.Wag mong karirin 'yang pagiging badboy mo ha? '' 

Too late ma.

''Ma, wag ka nang pumunta.Ilang linggo na ang nakakalipas.'' sabi ko na lang pero hinawakan niya ako sa braso.

''Anak, kailangan ko parin pumunta.'' 

''Ako na bahala ma.Bibigyan ko na lang siya ng candy.'' 

''Hindi bata yung guro mo.'' 

''Alam ko.'' sagot ko at hindi sumagot ang mama.

''Anak.Ilang buwan na lamang ang papa mo dito.Di ko na alam ang gagawin ko.'' ayoko na marinig yang isyu na yan.

''Kaya mo naman kaming buhayin diba, pati hindi naman siya nagbibigay ng sustento kahit nandito siya sumisiksik.'' gigil na sabi ko.

''Ako ang nagsabi na huwag, at gusto niya tayong ibili ng bagong bahay.'' hindi na ako magugulat na ginawa 'yon ni mama.Kabisado ko na ugali niya.Bahay? 

''Ma, mas gugustuhin kong tumira sa sira-sirang bahay.At makipagsiksikan sa mga iskwater kesa naman tumira sa bahay na galing sa taong kinamumuhian ko.'' kitang kita ko kung paano namuo yung luha ni mama sa mata niya.Hindi ko makontrol emosyon ko.

''Hindi ka ba naaawa sa mga kaibigan mo?'' paano napasok ang mga kaibigan ko dito? 

''Ma, hindi ko kayo maintindihan.'' 

Tinitigan ko siyang mabuti. ''Yung mga kaibigan mo na nagtiya-tiyaga na mag-aral sa isang publikong paaralan para makasama ka.Mayayaman ang mga 'yon pero sinasamahan ka nila.'' 

So eto yung binubuga ni mama.

''Ma, hindi na 'yon isyu sa amin.Bakit ba pati pag-aaral ko nasama dito.Kanina sa bahay lang ah.'' napayuko si mama at kumapit sa kobre ng kama. ''Anak ililipat sana kita ng paaralan.Kasi gusto talaga ng papa mo na lumipat tayo ng bahay, kaya naman gusto kitang ilipat.'' Ano? hindi ko maintindihan.

''Ang gusto kong sabihin ay sabihan mo na ang mga kaibigan mo na lilipat ka.Baka sundan ka ng mga iyon.Kasi nga para kayong tuko na laging magkadikit.'' 

''Ma, alam ko na ang gusto mong mangyari.'' nanlaki ang mata niya.Kabisado ko na talaga siya.

''Ang gusto mong mangyari.Lumipat ako nang paaralan..dahil yung bahay na titirhan natin malapit kung saan naninirahan si papa.Para mabisita pa tayo diba?'' walang emosyon kong banggit.Pati mga kaibigan ko kailangan pa niyang banggitin.Yung pagkakaibigan namin.

''Anak, makakabuti sa'yo yun.Pati ang sabi niya susustentuhan niya ang pag-aaral mo.'' napakagat ako sa labi ko.Ba't ba sobrang pinu-push ako ni mama sa ayaw kong gawin.

''Ma, kailangan mong mag-isip.Hindi na tayo ang permanente niyang pamilya kaya please lang.Aasa parin kayo.'' ayoko na talagang makipagtalo pero bakit ba ganto.

''Anak please..'' nagulat na lamang ako nang lumuhod siya sa sahig.

''Ma, kung gusto niyo iwan niyo ako mag-isa dito.Wala akong pake kahit mag-isa ako.Kung doon kayo sasaya ni sungjin.Wag niyo na ako isama sa kalokohan na iyon.Bubuhayin ko ang sarili at hindi ako sasang-ayon sa manloloko na 'yon.'' seryosong sabi ko at nagtaklob ng kumot habang ang tunog ng iyak ni mama nagiging musika sa tenga ko.

Wala na akong pake.

--

''So ang sinasabi mo.Gusto ng mama mo na lumipat kayo ng bahay at lumipat din ng paaralan?'' kanina pa tong si hyukjae ah! 

''Oo nga paulit-ulit!'' inis na sagot ko.Kasalukuyang nasa coffee shop kami ngayon.Kapihan nina hyukjae.Diba mayaman? Maraming branch 'to! At katatapos lang ng klase kaya dumiretso kami dito.Sinundo namin si hyukjae galing sa ibang seksyon.

Ngumuso siya at kita ko kung paano umirap si ryeowook.

''Wala namang kaso saming mag-aral sa publikong paaralan.Gusto ka namin makasama pati baka dito pa namin makikita yung mamahalin namin kasi naman ayaw namin sa mga taong mukhang pera.Para bang pantay pantay lang yung tingin.'' mahabang sagot niya.Saludo ako dito sa unggoy na 'to kahit pangit.Ang tahimik ata ni ryeowook.

''Hoy hukluban ka! Ba't ang tahi-tahimik mo.'' sabay batok ko sa kanya.Sinamaan niya ako ng tingin habang si hyukjae tumitingin tingin sa paligid.Tae naghahanap siguro ng chiks.Sakto may kumpol na babae kaming nakita sa kabilang table.

''Kasi naman.Hindi ko matanggal sa ulo ko yung sinabi sakin ni yesung.'' Yesung? parang may naalala ako sa sinabi niya ye? Alam ko na! Sa site ng mga nerd! pero yedude naman yung nandun eh.Siguro nagkataon lang.

''Ano ba sinabi sa'yo?'' takang tanong ko.

''May gusto daw siyang patayin.Hindi ko talaga alam kung bakit niya nasabi yun.Ang alam ko lang nag-uusap kami tungkol sa librong binabasa niya.Napansin ko kasi e.'' paliwanag niya at napalunok ako.Grabe talaga yung wirdo na 'yon! 

''Baka naman niloloko ka lang.'' tumango siya pero bumalik siya sa pagiging tahimik.

May iba pa kayang bagay na hindi niya nabang--

''KYAAAAAA!'' Tae sino ba 'yun kabingi! 

''Anyare kaya?'' - Hyukjae.

Galing yung sigaw dun sa table kung saan may babaeng nagkukumpulan.

Pero si ryeowook di man lang natinag.Tiningnan niya lang ako ng may awa sa mata.

''Ang tanga-tanga natin.Nagkaroon pala ng appearance yung mga mamamatay tao sa internet.'' rinig kong galing dun.

Madaming mamamatay tao pero iilan lang ang may site sa net.

Bigla na lang pumasok sa utak ko yung mga nerds..sila lang naman ang merong sikat na site eh.

''Unggoy peram cellphone mo!'' 

''Ayoko nga! Baka masira!'' 

''Tangna mo! Mahirap lang kami pero di kami taga bundok.'' 

At buti naman binigay.Hinanap ko yung google sa phone niya pero may nahagip akong app.

Puro may x! Gago talaga 'tong unggoy na'to.May app pa ng bastos! Pero matingnan nga.Sisiguraduhin ko lang naman.Yun lang yun.

Pinindut ko yung app at parang pamilyar 'to ah!

Π_Π 

Yung site ng mga nerds! Hanep may mobile version pa silang nalalaman.

Nilog-out ko yung account niya at sinalang yung sakin.Sosyal siya ha! May kachat! 

Pagbukas ko ang bumulaga sakin.

Isang post na madaming thumbs up at comments.

''Mga bh3.May bidyu yung mga killerx dito! Eto yung link. youtube.com/watch?V=killerxappearanceasdfghkl/.Napalabas pala sila tv eh! Wala man lang tayong kaalam alam!'' - patz2456 (5 minutes ago)

''Gago! Blocked na yung bidyo eh.Paano namin mapapanood.'' - fin778 

''Ba't ganon wala pong nagpi-play.'' - asdfgjkl097

''May iba pa po ba kayong link?'' - jess890

At madami pang iba.Blocked na yung bidyo? 

''Subukan niyo po kayang itanong sa iba kung kelan sila napalabas dun.At tingnan niyo sa site ng channel para masigurado niyo? Pati teka, paano mo naman nasabi na sila yun? May proof ka ba?''- leeleelul990

Dapat nilagay man lang niya yung mga detalye.Kasi nga napakamisteryoso ng mga yun.

Pagkatapos kong magpost ng comment ko.Halos lahat sumang-ayon.

''Oo nga paano mo nasigurado?'' - yagami889

''Wala pang nakakakita sa mga taong yun.Kahit pinaghahanap na sila ng pulis.'' - christine874

''Sabihin mo po yung source.Baka naman napagkamalan mo lang? - austine21

Pinagtataka ko lang bakit di pa online yung mga ugok na nerds na yun.Para naman maliwanagan 'tong mga to.Pati blocked agad yung bidyo? Kakapost lang ni ate ng link dito eh.

Pati natatawa talaga ako dun sa username nung isa. Yagami? Death note ang peg

''Nahagilap ko lang sa kapit bahay namin.Heechul pangalan.'' - patz2456

Sino naman kaya yung heechul na yun? 

''Pangalan pa lang di na katiwa-tiwala.Bh3 wag ka paloko.'' - leeleelul990

''Pero paano po kung totoo.Bakit po feeling ko may alam ka.'' - patz2456

Tae.Paano naman niya nafeel.Huminga ako ng malalim. ''Hoy! Akin na cellphone ko!'' Ay hyukjae wag ngayon. ''Wag ka muna magulo.Sandali lang 'to!''

''Paano mo naman nasabi?'' - leeleelul990

''Ang sabi ko napil ko lang.Slow nito.'' - patz2456

Nasabihan pa ako ng slow?! Wag mo nang patulan lee sungmin.Babae yun. BABAE.

Magco-comment na sana ako nang may nakita akong sumingit.. xkyux..

..xkyux...xkyux..xkyux..

''Slow talaga yan pagpasensyahan mo na.'' 

>______< Napapadyak ako sa inis at nakarinig ng tunog na nagsasabing may pumasok sa kapihan nila hyukjae.Hindi ko mapigilang tingnan, bakit napakamalas ko ba?

Wala kayong maisip kung sino no? Yung mga nerds lang naman.May nagawa ba akong masama at nagkatotoo yung sinabi nung lider nila magkikita kami ulit.Pumikit ako at itinuon ulit yung atensyon ko dun sa site.Hindi naman kailangang ako pa mag-entertain sa kanila pati close ba kami para mag-usap.

''Masyadong tanga yang xkyux na yan.Wag ka maniwala.'' - leeleelul990.

Wala akong pakialam kahit mamamatay tao siya , kahit kasama pa niya yung mga kaibigan niya.Tatlo kasi silang nandito.

at kahit na nasa iisang lugar kami.

Tiningnan ko kung saan yung table nila at kita ko kung paano kalikutin nung lider ang cellphone niyang malaki.Gusto ko siya sugudin.Siniraan niya ako.Hindi naman ako slow diba?

****

''AY TAE!'' napahawak ako sa bibig ko.Coffee shop 'to lee sungmin!

Muntik na akong mapatalon sa upuan ko ng nagvibrate yung cellphone na hawak ko.Busy kasi akong tumingin sa panget na nerd na yun eh.

''Alam niya lahat.Tanong mo sa kanya.'' - xkyux 

Ano ba 'tong pinasok ko? Nagsisisi talaga ako bakit sinabi pa sa'kin ni hyukjae 'tong site , Teka nga! Paano ba niya nalaman na may site 'tong mga nerds.. kanino niya tinanong? Paano? Bakit ang tanga tanga ko? 

''Hoy panget!'' napatigil si hyukjae sa paglinga-linga at napatingin sakin.

''Ang sabi mo napanood mo yung bidyo sa tv diba? At sinabi mo rin sakin na may site yung mga yun.Kanino mo nalaman? Paano? Naguguluhan ako.Paano mo sila nakilala agad.'' ngumiti siya ng pilit ''Gusto mo sa'yo na lang yang cellphone ko, bibigyan pa kita ng pocket wifi na may load for two years, wag mo lang akong pagsalitain.''

HAH?

''May hindi ka ba sinasabi sakin?'' sabay baba ko ng cellphone sa table na tuluyang nanginginig dahil sa mga message na natatanggap ko.Tae kasi yung lider! Nabuko tuloy ako! Mamaya ko na siya papatayin.May kailangan pa akong itanong sa unggoy na to.

''Paano mo naman nalaman?'' yan na naman yung ngiti niyang pilit.

''Kanino mo nalaman yung site na yun? At paano mo nasigurado na pagmamay-ari yun ng mga nerds na yun.'' sabay turo ko sa table ng mga nerds at kitang kita ko kung paano siya napalunok.

Mga ilang sandali pa ay nagsalita siya. ''Kim Heechul.'' 

Sino ba kasi yang heechul na yan?? 

''Tapos?'' tanong ko ulit.

''Anong tapos?'' takang tanong niya.

''Bakit di mo agad sinabi sakin?'' 

''Nagtatanong ka ba?'' oo may point siya pero tae, di ko na alam gagawin ko.Yung cellphone patuloy na nanginginig.Nilapat ko yung ulo ko sa table at napabuntong hininga.

''Ito kasing lider nila nagcomment sa isang status sa site.At sinabi niya na alam ko lahat tungkol sa kanila.'' 

''So ngayon kinukulit ka nung mga tao dun?''

''Exactly.'' sagot ko at kinuha yung cellphone.Ang sakit sa ulo.Papatayin ko na lang.

''Wag mo patayin.May pinadownl3d ako kay hyukjae diyan.'' tae buhay pa pala si ryeowook.Nakatunganga lang naman kasi siya.

>____< Kainis lang.Kumuha ako ng tissue at kumuha ng ballpen sa bag.

''GAGO.'' diin na sulat ko at dumiretso sa table ng mga nerds.Ang kakapal nila! Kanina pa sila dito pero di man lang umu-order!

Pagkadating ko dun, bagsak na nilagay ko yung issue sa gitna ng table at kitang kita ko kung paano nagulat yung tatlo.

''Ikaw na naman?'' yung may masikip na short.

''Magpapatulong ka ba ulit? Sorry dapat may bayad na.'' yung may maluwang na short naman.

Di ko sila pinansin at tumingin dun sa lider.Pero binigyan niya ako ng mapang-asar na ngiti.

''Di namin kailangan ng tissue.Bulag ka ba?'' sabi niya.Tumataas na dugo ko.Baka sumabog na ako dito.

''Usong magbasa.'' parinig ko at nanatili parin dun.Rinig na rinig ko yung tili ni hyukjae sa likod ko.''Bumalik ka dito!!''

Pero wala parin syang kibo.Kinuha ko yung tissue at saktong nakanganga siya! Isinalaksak ko yun agad sa bibig niya at may naramdaman akong humawak sa dalawang kamay ko. ''Bitawan niyo ko!'' sigaw ko at napaubo yung lider nila.Binuklat niya yung tissue na puno ng laway niya at tangna! Lumapit siya sakin at bumulong. ''Same to you.''

Nanlaki ang mata ko at sisipain ko na sana yung junior niya ng may narinig na namana akong tili. 

''BROMANCE OF THE YEAR!'' may ililibing akong buhay na unggoy!

--

Itutuloy...

Wala akong maisip na pangalan :3 Thank you po sa pagbabasa.

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Sichulbaby143 #1
Chapter 23: PAGHALIKIN MO NA KASI NYETANG YAN
kyuminsauce
#2
Chapter 22: woo binasa ko lahat in one sitting. nakakanosebleed pala pag diretso puro tagalog hahaha nakakaexcite pag nagaaway ang kyumin the is there haha
pinksoomi
#3
Chapter 21: shet. sobrang biten !!!!! hahhahah. kinikilig ako na ewan. . . susmeng kyuhyun, lakas mang ines. .

nagtataka lng ako kay jongwoon, bkt sya galit na galit kay sungmin ??? di ko mab gets. parang ang babaw kasi kapag yung pagpukol lng ng libro ang dahilan . . . >.>

salamat author nim sa update !!!
Sichulbaby143 #4
Chapter 21: salamat sa pangbibitin ha. akala ko naman magkekeme na sa banyo leche umasa na naman ako
kimwookie
#5
Chapter 20: hahahahaha....aaaaahhh wer is RyeowookBebe???..
Sichulbaby143 #6
Chapter 20: Anobeyen wala pa ding romance meged haha
kimwookie
#7
Chapter 19: waaaahhhh hahahaha i expected this....welcome to hell bebe sungmin..anjan ang lablayp mo kya wag ng pabebe..hahahaha
pinksoomi
#8
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
pinksoomi
#9
Chapter 18: shet. shet. putspakers. bkt namentioned ako ?!?!?!

kinileg ako. teknayan. i'm so fluttered. hehehe.

kaloka. biten ung kyumin ko ! nagkiss nga saglit naman. shet. excited nako pag nagkita na cla ul8 XD
Sichulbaby143 #10
Chapter 19: Pasabunot nga kay heechul ng isa lang. arti much sya na inaaya mag ocean park. Goodluck sa persday mo ming. Landiin mo na kase si kyu hahahaha maygaaad.